Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?  (Read 6822 times)

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting:
When does a new mom get her first period after childbirth -Karel Marquez's story
Click HERE.


hi mga mommies..
i'm just wondering and disturbed.. mga sis nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo? ako kasi nagka mens lang once nung MAY, since i gave birth to my baby, now she's 6 months old, January ko siya pinanganak, nung May na nagka period ako until now wala pa din ako period, im taking pills din kasi, Daphne pills. hindi pa ako nakakapagpacheck up sa gyne ko kasi busy. im so worried na, nagPPT naman ako, negative naman. sabi naman ng mga friends at tita ko na EBF din, hindi daw sila nagkakaperiod hanggang sa di na sila nagpapadede sa mga baby nila, 1 year bago sila tumigil mag BF. since that saka daw sila nagkaperiod. gusto ko na magpacheck up talaga, since di pa ko makakapagpacheck up, ask ko muna kayo mga SP moms.. nangyari din ba to sa inyo? THANKS. :) 


Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: May 20, 2020, 05:24:40 pm by Parentchat Admin »
Logged
...i will always love you my precious one... <3

sushilover123

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 225
  • patiently waiting for my little baby boy..
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #1 on: August 16, 2012, 12:40:30 pm »

Kapg EBF talaga irregular ang period nating mga mommies. And ikaw na nga ang nagsabi nagpipills ka, so why worry. Ako 1 year 2 months na ako EBF and i took Amber pills naman. Zero period ako. Recently nagstop ako for a month just so makapag mens ako kasi i feel so heavy.. Yung feeling na parang ang bigat. So ayun, nagkaroon naman ako..

As long as exclusively breastfeeding ka and kahit sa gabi nagpapaBF ka tapos may back up contraception ka pa which is yung pills mo di ka naman mabubuntis. Sabi nila good until 6months lang ang EBF as contraception pero nagpipills ka din naman kaya double safe! :)
Logged
A mother's joy begins when new life is stirring inside... When a tiny heartbeat is heard from the inside and a playful kick reminds her that she is never alone.

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #2 on: August 16, 2012, 04:58:39 pm »

thank you sis sushilover123.. worry lang talaga ko kasi di pa ko nagkakaperiod until now he he super irregular na.. :D oo nga pakiramdam ko ang bigat sa pakiramdam at mainitin ang ulo ko. Amber pills pwede sa EBF? at sabi din kasi ng iba kahit daw nag pipills sila nabubuntis pa din sila, kaya natakot ako he he thank you sis ha.. medyo nawala worries ko.. pa-sched na ko ng check up sa gyne ko para makasure ako...
Logged
...i will always love you my precious one... <3

violet.crumble

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 129
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #3 on: August 16, 2012, 05:26:41 pm »

ako din mga sis, EBF ako for 2 years and 4 months.  Stopped lang when i got pregnant again kasi super sakit magbreastfeed nung first trimester ko.

anyway, ako nga more than 18 months na anak ko when i got my period.  Tinulungan pa yun ng gamot (di ko maalala kung ano) kaya ako nagkaron.  Otherwise, kung di siguro ako pinainom ng OB ng meds, baka di pa din kusang darating ang period ko.

Pacheck ka na din to be sure.  Medyo "napagalitan" din kasi ako ng OB ko kung bakit tagal ko nagpa-check nung di ako dinadatnan.  Eh alam ko naman kasi na pag EBF, talagang di dinadatnan.  Nung ni-check ako, pina-ultrasound ako to see kung nag-oovulate na ulit ako o nagti-thicken yung endometrium, and to rule out na din kung may problem.  Turned out ok naman lahat.
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #4 on: August 16, 2012, 07:12:48 pm »

thank you sis violet.crumble.. ganun ba? ang tagal din pala noh? need ko na din pala magpacheck up. kaya lang di ko maiwan ang baby ko dahil wala ang hubby ko now, may schooling. worry na din nga hubby ko kasi nga maliit pa baby namin, baka daw may kasunod na, di namin ma enjoy yung first baby namin.. hoping na di ako preggy ulit he he thanks again sis....
Logged
...i will always love you my precious one... <3

Kimps08

  • Guest
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #5 on: September 24, 2012, 10:14:32 pm »

@mommykarenkylie, just to let you know i had my period when my son turned 1 year and 8 months old.  Don't worry you're safe and ok unless you're not using any kind of protection. :)
Logged

littleNudger

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 119
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #6 on: September 25, 2012, 09:36:39 am »

Wow :) Parang naiba ko, EBF din baby ko pero monthly may period ako after I gave birth.. 8months na now and regular naman monthly nagkakaron ako, walang skip..
Logged

abegail_Lin

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #7 on: June 05, 2013, 10:16:38 pm »

ako ebf din .... nung nag 5 months baby ko regular na period ko .
Logged

chubzkittinz

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #8 on: June 10, 2013, 11:22:46 am »

In my case, mixed feeding ako..10months n si baby and until now wala pa rin akong period..
Logged

kc jean caorte

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #9 on: June 17, 2019, 12:38:00 am »

Good evening, may 16-19 1st mens ko simula ng nanganak ako. Tanong ko lang po every month na po ba ako magkaka mens? pure breastfeed po ako. sana po may makasagot. salamat po
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #10 on: June 19, 2019, 09:34:49 pm »

even when you're ebf doesnt mean you will not get pregnant especially now that you already got your period back..so if you're not ready for another child better start visiting your ob for a family planning consultation para malaman mo ano mas safe kay baby since on ebf ka...
Logged

Renyrose Abio

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #11 on: December 09, 2019, 07:39:00 am »

Hi mga momshie pa help naman. Worry kase ako ka'7 months palang namen ni babby at worry ako kase hindi pa din ako nag kakamens BF  ako hangang ngayon walang halong formula purong  BF AKO sa kanya pero hangang nagyon hindi pa din ako dinadatnan normal ba yun? Thank you advance sa sasagot
« Last Edit: December 09, 2019, 08:50:06 pm by Parentchat Admin »
Logged

Parentchat Admin

  • Administrator
  • Sr. Member
  • *****
  • Posts: 339
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #12 on: December 09, 2019, 08:36:45 pm »

Maraming pag-aaral na nagsasabing nakapagpapa-delay sa menstruation ng mga bagong mommy ang breastfeeding. Basahin ang buod nito sa Smart Parenting.

Ano naman ang Lactational Amenorrhea Method? Paano Malaman Kung Safe o Hindi Ka Fertile


Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/health/your-health/paano-malaman-kung-safe-not-fertile-a1810-20190105?ref=parentchat
Logged
Sali na sa mga usaping pang magulang dito sa Parent Chat. Sign in to Smart Parenting.

Margene Enriquez

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: nung EBF ba kayo sa mga baby niyo nagkakamenstrual period ba kayo?
« Reply #13 on: May 20, 2020, 04:38:44 pm »

Nanganank po ako nung feb. Nag mens na po ako nung march tapos hanggang ngayon di na po ulit ako nagka mens pure breast feed ako kay baby. Normal lang po kaya yun? Please po pasagot salamat.
Logged