Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Pages: [1] 2

Author Topic: Hirap pa ding maka-move on  (Read 9051 times)

fiercewowan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Hirap pa ding maka-move on
« on: August 28, 2012, 03:26:32 pm »

hello mga mommies.. just want an advice lang po.. naguguluhan na din kasi talga ako sa dapat kung gawin eh..

super gulo namin ni SD. mgiging okay tapos after a few months hindi nanaman akay..

kwento ko lang yung story namin..

1year kami nging magBF before ako mapreggy.. when we found out na buntis ako, at first okay naman.. pero after 2weeks away bati. then bigla nalang syang hindi nagparamdam. he's not answering my calls nor replying to my text msg. but kinukulit ko pa din sya. yung family niya talaga hndi nakatira dito sa manila. bale nakatira lang sya dito sa fairview sa bahay ng tita niya. sila2 lang ng mga pinsan niya nakitira. sabi ko sknia pag hindi pdn sya nagtext or what iko-contact ko parents niya. tapos bigla sya nagtext umuwi n daw sya sknila dun sa mindoro kasi may inaaplyan daw syang work..and hindi na niya sinagot yung mga iba kong tanong. so malinaw na sken lahat na tinalikuran na niya kami.. before palang etong si SD babaero natlg. pero nagstay pa din ako sknia hoping na magbabago sya..

and yun na nga nlaman na ng parents ko na preggy ako. at first they wanted to abort the baby.. pero hindi ako pumayag. so pinilit nalang nila ako na puntahan namin si SD dun sa mindoro. Good thing I have a friend na taga dun din. and malapit lang sila kanila SD. so we went to mindoro na nga.. I didn't know na plan pla ng parents ko na ipakasal kami. but nagrefused is SD he said we was not ready. and give hin more time to think. he promise na luluwas sya then pupunta sa amin para makilala sya ng mga relatives ko. that time kasi wala pa talagang may alam na buntis ako..


lumuwas nga sya. pero nanindigan syang hndi pa talaga papakasal. ayoko din naman pilitin. kasi parang ang dating eh, pinagsisiksikan ko lang sarili ko sknia.. and nalaman ko din pag balik niya ng mindoro na may GF pla sya. so I deleted     
him in my FB account. 6mos preg. ako nun. no communication hanggang sa manganak ako..

to make the long story short. hanggang ngayon bumabalik sya sken pera lang pla paasahin ako sa wala.. mag1year na baby namin.. nun nagpunta sya dito manila. akala ko okay na. pero nahuli ko sya sknla kasama yung girl niya. na akala ko wala na sila. ang masakit pa dun pinauwi niya ako. so its obvious na yun yung pinila niya.. after ilang mos. bumabalik nanaman. so tinanggap ko pdn. and ayun nga. okay kami mula june and july kahit nsa mindoro pdn sya.. usapan namin na sa bday luluwas sya tapos tira muna sya samen. ang kaso hndi nnmn sya nagpaparamdam ngaun.. feeling ko sila nanaman nun girl.. sabi ko nga sknia, mging totoo nalang sya sken. mas matatanggap ko pa.. kaso wala eh. mas pinipili niya na paasahin ako. sguro iniisip niya ilalayo ko sknia 4ever yung baby namin.. sa bday ni baby luwas sya. sabi ko after nun iiwasan ko na sya. tama ba yun mga sis?? putulin ko na talaga communication naming dalawa?? help naman..


I need an advice.. thanks po sa lahat ng magrereply.. God bless.
« Last Edit: August 28, 2012, 08:09:07 pm by Mrs. Anderson »
Logged

mimi27

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 81
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #1 on: August 28, 2012, 11:35:37 pm »

Sa akin Sis,good thing hindi mo sinunod ang parents mo na ipa-abort ang baby mo.Talagang hindi lahat ng payo ng parents natin tama,mabuti pinanindigan mo kasi blessing yan,masaya ang may anak.
Wag ka muna makipag communicate sa kanya Sis.Buntis ka na nakikipag girlfriend pa sya.
Kung concern sya syo at sa magiging anak niya,preggy ka pa lang dapat andyan sya lagi sa tabi mo...lalo na nung manganganak ka na.Madaming paraan kung gusto niya pero hindi niya ginawa.Mabuti na rin at d kayo natuloy ikasal.

Ngayon pasulpot sulpot lang sya sa buhay mo,baka pag d sila ok ng gf niya syo sya napunta kasi alam niya na welcome pa rin sya syo.Huwag ka naman pumayag na dalawa kayo.Hayaan mo na muna sya.
Wag ka muna makipagcommunicate,alagaan mo na lang baby mo yan magpapasaya syo.
Burahin mo na lahat ng contactt numbers niya,unfriend mo sya sa Fb etc.Kung mahal ka niya ata anak mo hayaan mong sya gumawa ng paraan para mahanap kayo,pinagtabuyan ka na nga dati db? Kaya mo yan Sis.
Huwag mo kalimutan magdasal.

May pinagdaraanan din ako ngayon,gaya mo medyo nababalewala ako ng asawa ko...na-voice out ko na lahat sa kanya,sabi ko kung hindi niya ako naiintindihan or wala syang sasabihing maganda sa akin wag na kaming mag usap....so far hindi nga kami naguusap,kahit email wala.Pero ok lang atleast npapahinga ko sarili ko at tinanggap na niya sguro desisyon ko.
Tinanggap ko na I cannot change him....at kapag hindi mo mabago ang isang tao,Ikaw ang magbago.Yun ang inia-apply ko ngayon sa buhay ko,Kailangan nating maging matatag.
Isipin muna natin ang sarili at baby natin.Kaya natin ito...sabi nga sa una lang mahirap.
Logged

iamkiara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • im wiser now :)
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #2 on: August 29, 2012, 02:07:16 pm »

hi mimi27, ikaw lang ang makakapagedesisyon kung ano ba dapat ang gawin mo. Pero dapat maging firm ka sa desisyon mo.

*Kung makikipaghiwalay ka dapat sure ka na yun ang gusto mong gawin at hindi ka magsisi bandang huli. Kung makikipaghiwalay ka tapos konting suyo lang sayo GO ka na uli, naku mahirap yun, parang cycle lang yan na paulit ulit na mangyayari. paulit ulit lang niya gagawin yung ginagawa niya kasi alam niya na andyan ka lang palagi. since may anak kayo mahirap na hindi makipagcommunicate. pero gat maari wag ikaw ang mauuna, dapat sya yung unang makikipagcommunicate sayo and dapat yung usapan nyo about baby lang. walang halong flirt.  ;)

*Kung pipiliin mo na magstay sa kanya. kelangan maging ready at matatag ka. kaya mong sikmurain lahat ng ginagawa niya, kasi yung ganyang tao mahirap magbago or kung magbago man sila sobrang tagal siguro. Kung baga magiging martir ka  :)

Wag ka na lang umasa girl, kasi paulit ulit ka lang nyang paasahin  ;)
Kung talagang totoo sya sa mga sinasabi niya mararamdaman mo yun and makikita mo na may effort sya.

Good luck!

BE STRONG ! kaya mo yan sa umpisa lang mahirap pero pag tagal malalagpasan mo rin yan  :)
Logged

fiercewowan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #3 on: August 29, 2012, 02:57:27 pm »

Thnak you @mimi27 and @iamkiara...


Ganyan nga din sinasabi sken ng mga friends ko.. dapat talga this time maging firm na ako. kasi yun nga paulit ulit nalang kami. kaya hindi na din ako msyado nagkkwento sa mga friends ko kasi feeling ko napapgod na din silang pakinggan ako..

sa ngayon, ganun ang ginagawa ko. hinahayaan ko sya ang maunang magtext para mangamusta. siguro pag lumuwas na sya. kakausapin ko sya ng matino. wala kasi kaming matinong usapan eh..sa saep16 na bday ni baby. sabi ko din naman skina sa text. naguguluhan ako sa status namin. pero malinaw na pinaasa nanaman niya ako. so after ng bday ni baby iiwas muna ako. yun sianbi ko sknia. pero ayun nga hndi naman sya nagreply. madlas niang deadmahin text ko kpag ganun sinasabi ko.

Iniisip ko nga, kung sakaling magsama man kami. baka hindi din ako maging masaya. knowing na napipilitan lang syang gawin yun dahil sa may anak kami.. sobrang sakit at hirap talga. di ko maiwasan na umasa. na bka magbabago din sya. ayoko kas talga ng broken family. and syempre I can't deny the fact na mahal ko pdn sya after ng lahat ng nangyari.. pero sinayang lang niya lahat.. Hindi na ako papayag na paulit ulit niya pdn gawin sken yun..

haaaaaaay.. kaya ko to.iisipin ko nalang lahat ng masasakit na ginawa niya. para hindi ako bumigay ulit.. pray lang din talaga kay God..

thank you ulit mga sisses. :)))

anyway, @mimi27  bakit kayo nagaway ng asawa mo?? hindi ba kayo nagsasama sa ngaun?
Logged

iamkiara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • im wiser now :)
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #4 on: August 29, 2012, 03:11:47 pm »

^kahit naman sinong babae sympre ayaw ng broken family. kaya lang hindi naman puwede ipilit yun  :( minsan kelangan natin maglet go para mabawasan yung pain na nararamdaman natin.
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #5 on: August 29, 2012, 04:01:49 pm »

hi sis. it's just so sad that you're undergoing this at this time. kung tama yung basa ko, you said, "ayaw mo namang napipilitan sya for the sake of your child" ------- at the back of my head ------ at least, "concerned sya sa anak nyo" ---- sana nga ganun sya ka-concerned.

at the end of the day, when years go by and you are unmarried to the father of your child, the next question will be ---- how is the relationship of your child with his father? how good is he to your child? is he, at least, supporting, and giving undivided attention when he's with your child? the relationship with the parents, will become insignificant as time passes by, especially, if naka-move on na si SD, or in your case, mukhang gusto nyang magmulti-task.

ikaw na rin ang nagsabi na parang everytime he will be confronted to choose, laging hindi ikaw. once, nung your parents went to mindoro. second, nung he went to manila and still said, he's not ready....and last, yung when confronted with two gf, ikaw pa ang napaalis.  i know they will give mixed messages because of a purpose/benefit derived from you....pero if you will think objectively, parang consistent sya ----- even if he may love you, his love for you is not exclusive, nor strong. it's not enough to base a family on.

alam ko rin yang mga attempts at milestones, na sigurado after the bday, you will ignore him na. been there, done that. pero, a person who truly wishes to end something does not wait for an occasion, or for the rain to softly fall down while crying (for dramatic effect) ---- if you want to end it, you will not wait. the reason he abuses and plays with your emotions is because, you let him --- and he knows it. we can't demand maturity, we can't force it either, but you have control with your own maturity.

pray for strength. confront your heart and your mind. i know, you know what must have been done, dati pa. :)
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

fiercewowan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #6 on: August 29, 2012, 06:38:30 pm »

Hi sis @sweet&spice huhu sis. :( naiyak naman ako.. tama ka yung love niya for me is not strong. pero pakasalan ako. kahit pa may anak kami..haaaaay. hindi ko din maintindihan sa sarili ko kung bakit hndi ko sya kaya tiisin pag sya na yung lumalapit.. kaya ko hndi kami mag communicate or hindi replyan paminsan minsan yung text niya. pero dumadating din yung time na ngiging mahina nanaman ako. lalo pag nalulungkot ako. naiisip ko na baka this time nagbago na sya.. pero mukhang hndi pa talga sa ngayon.. or hindi na talaga mangyayari yun..

bakit kasi ganun mga lalake.. hindi nalang kayang sabhin kng ano ba talaga yung nraramdaman nila.. lagi nila tayo iniiwan nka-Hang.. :(

I know mahal niya talaga yung anak namin.. gusto ko sya bigyan ng chance na maging mabuting father sa anak ko even though hindi sya naging mabuting Boy friend sken.. alam ko may mga plans din sya for our baby na isusupport niya. alam ko nagaapply sya abroad. kaso si papa nun, parang ang sabi niya sken before kung si calyx lang dn naman daw hayaan ko nalang. parang ang bitter kasi nila. porket hindi ako pinanagutan gusto nila wag ko ndn pakita anak namin. pero alam ko maiintndhan din naman nla yun. lahat naman kami guto yung better para kay calyx. at karapatan naman ng anak ko yun.

tenext ko sya nun. sabi ko ayaw mo ba na magsama sama tayong 3? sabi niya  "gusto naman kaso wala akong work jan"

sabi ko edi maghanap ng work. kung talaga namang gusto mkakagawa ng paraan. sabi niya, "sana matanggap nalang ako sa canada"

hindi na ako nagreply pa.. tama ka sis.. dapat dati ko pa to ginawa..  pero pipilitin ko ntlg maging matigas sknia.. sisimulan ko na ngayon.. buti kpa sis, tapos kana dito. share mo naman story mo..


@iamkiara: korek ka sis. ang pangit din naman kung nagpakasal nga kami. pero lolokohin pdn niya ako. and ipaparamdam niya na hndi niya talaga ako mahal. mas masakit yun db. pati si baby mahihirapan..
Logged

Miura

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 281
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #7 on: August 29, 2012, 07:02:45 pm »

Hi sis iamnessadiane! Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, ang totoo may similarities tayo pero di ko na lang ikukuwento baka mapahaba pa. :) Basta whatever path you choose, always remember that god never give us trials that we can't overcome. ifocus mo muna kay baby ang atensyon mo, at kung destined kayo ng bf mo sa isa't isa.. in time magiging maayos din ang lahat. :)
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 574
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #8 on: August 29, 2012, 08:41:46 pm »

 :'( :'( :'( :'( :'(

question ko lang sayo sis is "Hindi ka ba napapagod?"

emotionally? dumaan din naman ako sa ganyan na road at I know super bigat nyan dalhin, believe me sis bigat din yan na pasanin ng anak mo hindi man nagpapakita ng baggages niya. Mas gagaan yan sis if you learn to LET GO.

your mind is crowded sis, madaming what if's, why's, and How come's ... remember sis, you are the main character in your LOVE STORY, wag kang papayag maging 2nd character lang. sa situation mo kasi, you lose yourself in the part and the main character is your bf. sya ang nagpapagulong ng story, kung ayaw niya turn off, kung gusto niya turn on ....ikaw naman para kang tuta (sorry sis)  maliit na tapon ng affection ayan ka tumatakbo.

we all crave for love and those 3 words, pero do you want the shallow words or the real ones. No one can respect you if you dont RESPECT YOURSELF, kasama na dun ang limitations mo emotionally, BOUNDARIES mo. Kailangan yon sis sa pagkatao mo kung asan puede at hanggan hindi na puede mag cross ang isang lalaki. dyan na measure ang pagkababae mo at anong klaseng babae ka.

I commend you sis for being strong in this trying times, this way nakikita mo diba ang red flags na pilit mong hindi tinitingnan before sa bf mo. I still believe that magbabago ang bf mo sis, pero wiling ka bang hintayin na magbabago sya? sadly I believe  hindi sya magbabago dahil sayo at hidni ikaw ang tatakbuhan niya sa oras na magbago sya kasi you are an open door for him. an easy conquest, na can be set aside, spare tire kung baga kung magflat.

Tama ang mga sis natin sis, kung kayu ang para sa isat isa, gagawa ang dyos ng move para ibalik ang naguugnay  na landas nyong dalawa. witho or without anak, married or not, pag ang lalaki magloloko, magloloko yan nasa sayo choice if you stay and be abused emotionally or let go and move on and be at peace with yourself.

kung selfishness ang pag.uusapan sis, NO WAY JOSE. kahit sa bday ng anak, though napag.usapan na pupunta sya goodluck wala syang aabutan. never put off for tomorrow what can be done today ika nga, if you like to prolong the agony  at gusto mo ang burden na dinadala mo then stay and wait for him till you learn na nagpakasal na sya sa iba or whatever  or move on with your life and let the real man find you.

kahit saang cave ka nakatira sis, if ikaw ang para sa bf mo at ang bf mo ay para sa iyo...in a weird way sya lang ang makakahanap sayo. (proven and tested multiple times ko na to sis)

goodluck and pray harder.
Logged

fiercewowan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #9 on: August 29, 2012, 08:59:19 pm »

@ chococream: thanks sis sa reply mo. lalo na talaga akong naliliwanagan.. napapgod na din naman na ako.. kaya eto nkakapag isip na din ako ng maayos.. so ano bang mas better gawin ko sis? putulin ko ntlg communication namin? wag ko muna ipakita anak namin? yun kasi ang iniisip ko eh. tinatanong ko sarili ko kung kaya ko magmove on kahit na  magcocommunicate pdn kami for our baby? or wag muna then pag okay na ako ska nalang ulit ako mkipagcommunicate..


@miura: thanks sa advice mo sis. kaya naten to..
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #10 on: August 30, 2012, 12:39:57 am »

@iamnessadiane:  haha. no need to make kwento sis. at one point in time, i was at the most popular thread. dito na naabangan ang seeming "pagbabalik/pagbe-break/pangliligaw of others/hero complex/heartache series about SD and the guy that followed him (di naman sd, naging ka-relationship lang).

what i learned objectively though:
1. wag ipilit ang hindi naman talaga. tanggapin na hindi ikaw, hindi kayo. when the evidence is so strong, kahit masakit, kahit nakakainsulto ---- don't. wag nang pababain pa ang value mo.
2. other guys may fantasize about single moms for alleged cheap and fast sexual intimacies, pero the matino part in them (if some are matino) would actually admire a single mom, who could not only take care of herself, but fully provide for her child and her family. when we're that kind of a mom and a person, we exude attractive aura, not the desperate, save-me aura. it will be too heavy for anybody to bear.
3. although being a mom may consume us, kasi no choice naman talaga, it will. we still have to set aside time and opportunities for ourself. guilty ako dito, di ko to nagawa. ngayon, it's harder for me to come out of my shell, without my child. parang lagi kaming mommy and me package. he can function without me, but i can't complete my happiness without him. avoid this, habang maaga pa. go out pa rin, once a week with friends and talk about something more than being a mom. 
4. kung may darating, meron. heed the early warning signs and super pray. di ibig sabihin na meron dyan, sya na yun. sometimes, the new guy is introduced not to stay, but only to teach us something. most of time, God tests our standards, kung talagang natuto na tayo. matakot ka sis, kasi hangga't hindi tayo natututo, uulit-ulitin lang ni God yung test for us. better get it after one round. better, kung you get it, even before the round is over, para lesser pain.
5. pray for the one. i believe if he's truly the one that God will bless us and our child with, he will pave the way that we smile genuinely and are really happy inside, and that apart from him bringing out the best in you,  you bring out the best in him. it's not a matter of who is good, or who is bad....it's about perfect matching. perfectly complementing each other's odd intricacies, that a weakness is a strength and that the only weakness is being apart from each other.

cheers! the best is still yet to come!
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

fiercewowan

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #11 on: August 30, 2012, 02:16:52 pm »

@ sweet and spice: Hello sis.. :) thank you sa pag share mo ng mga natutunan mo.. feeling ko ngayon mas naging strong pa ako. nkaka-uplift ng spirit mga advices nio sken. :) unti unti ko naman ng tinatanggap na HINDI AKO AT HINDI TALAGA KAMI.. sana magtuloy tuloy na talga to..

ako sis, ganun ginagawa ko sa ngayon. I'm still young, 22 palang ako sis. kaya I still go out with my friends. gumigimik pa din. But I know my limitations. meron ding mga gustong manligaw. pero hindi muna ako nagpapaligaw.. ayoko din kasi gumamit ng tao para lang mkamove on kay SD. and kahit ano pdin naman gawin ko sya pa din mahal ko.. pero sabi nga nila pag masyado ka nasaktan, nababwasan na din yung love mo. Hindi ko n din muna papansinin yung feelings ko sknia.. Icipin ko lhat ng masasakit na ginawa niya if ever na susuyuin niya ulit ako..


puro positive nlang din ang dapat isipin. alam ko kaya ko to. dapat mtagl ko ng ginawa to..

thank you ulit mga sisses.. :))) di ako nagkamali na magpost ang magshare sa inyo..

God bless us po.. :)
Logged

iamkiara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • im wiser now :)
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #12 on: August 30, 2012, 02:28:20 pm »

iamnessadiane - tama ! kaya cheer up na   :) darating yung time na pagtatawanan mo na lang yan. basta lagi ka lang magpray, para mabigyan ka ng light kung ano ba talaga ang tama or dapat gawin. lagi natin iisipin na "there's a rainbow after the rain " :) kung gusto mo iiyak, iiyak mo lang yan, nakakatulong din ang pag iyak para gumaan ang pakiramdam. Basta ang isipin mo madali makipaghiwalay ang mahirap kung pano mo paninindigan ang decision mo.  :) and i know kaya mo yan.
take your time wag ka muna magmadali na makipag relasyon. ienjoy mo muna si baby.


sweet and spice - galing mo talaga sis! sayo na talaga ako magpapacounsel.. ahahaha and tama ka hindi porket may dumating ibig sabihin yun na. After ng mga pinag daanan natin dapat mas maging wise na tayo.
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #13 on: August 31, 2012, 01:34:27 pm »

iamnessadiane: napaka-hirap tanggapin nyang line na "hindi talaga kami, hindi talaga ako".... super! based on your posts, you still hope. umamin ka naman na tinanggaps (plural, kasi marami na pala eh.. hehe)  mo pa sya in the past eh. you will try to still make it work, for the very little effort that he will give. isang text lang, isang kamusta na kayo ni baby? without anything else --- you will hope. you will interpret this as a sign na magkakaayos kayo. the effort to get you back and be with you, if he really means it --- is gonna be big. kasi if its too small, madali din lang yang susuko. madali rin lang ULIT kayong i-gi-give up. so unless it's really big, be careful, protect your heart, protect your child, and face the world as normal as possible, without him being the center of your universe. basta, trabaho, trabaho....and be very safe naman sa new acquaintances. the least damaging advice though is:   if you can't be good, be safe.  ;)

iamkiara: sis, na-miss kita! sira ka talaga. ganun talaga tayo. ups and down. mahirap talaga to really say that we've moved on. i admire you though, kasi you are keeping Jesus in the center of your life more now. in time, mararating and makukuha din natin yang "promised one". matinding surrender and dasal talaga to.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

iamkiara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • im wiser now :)
    • View Profile
Re: Hirap pa ding maka-move on
« Reply #14 on: August 31, 2012, 03:18:20 pm »

sweet&spice - sis i miss you too ! hindi lang ako masyado active dito pati sa fb. I hope your okay na. hehe
kaya natin ito. In time darating din yan at yun na ang pagkakakwentuhan natin sa susunod.. (wishing)

Sorry OT..
Logged
Pages: [1] 2