Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: problem child. (long post)  (Read 4675 times)

hayne22

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 130
  • m0mmy ni Johann
    • View Profile
problem child. (long post)
« on: September 21, 2012, 02:41:54 am »

hi mommies,

hindi ko na talaga alam gagawin ko sa anak ko..he's turning 2yo this coming november.and according to my pedia, 'medyo' delayed talker si baby ko..konting words pa lang nasasabi niya. like 10-15 words lang..most of the time mga senyas lang sya..

tapos everyday, as in everyday nag ta-tantrums sya..lumiliyad sya pag meron syang gusto at hindi namin nabigay..what i will do is hayaan ko na lang sya umiiyak or mag wala, pero ang tendency nauumpog sya sa sahig or sa wall kase nga bina-bang niya yung sarili niya..kanina lang nung nag wala sya naumpog sya sa kanto kaya nagkaron ng sugat yung ulo niya  :'( hindi ko na talaga alam gagawin sa kanya..feeling ko lahat ng to ako may kasalanan..kase napapalo ko sya and nasisigawan at a very young age..

pag sinasaway namen sya, yun nagagalit talaga at namamalo pa..active din talaga si baby ko,pag mulat ng mata ng anak ko hindi na mag mu-muni-muni yan..direcho baba na yan ng kama at mag tatakbo sa buong bahay..alam ko naiintindihan niya, kase pag may iuutos kame like kunin mo yung ganito, abot mo yung ganon..ginagawa naman niya..pero pag sinabi nameng wag mong gawin yan..hindi niya kami sinusunod.

pano ba yung TIME OUT? ilagay ko sya sa high chair tapos i-face the wall ko sya? pwede na ba sya sa ganon?anong gagawin ko pag hinampas hampas nanaman niya yung ulo niya?stop ko na ba?..im sorry mommies,ang dami kong tanong..ang hirap hirap maging mommy. i want to give the best for my son kaso lang bakit sya ganito..
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: problem child. (long post)
« Reply #1 on: September 21, 2012, 08:06:46 am »

hi sis! nakakarelate ako. feeling ko anak ko ang dinedescribe mo. hehe. magka age din sila kasi my daughter is also turning two this november. grabe din sya magtantrums at everyday rin lalo na kung sinasaway. at lumiliyad din sya at naaumpog ang ulo. eto mga ilang bagay na ginagawa namin to tame her:

1. hayaang umiyak. minsan ang ginagawa namin sa bahay, eh papasok sila ng dad niya sa kwarto at dun namin sya hinahayaang magwala hanggang sa tumigil sya sa kakaiyak at kakasigaw. napapagod din sya sa kakaiyak syempre, tapos bibigyan na namin ng water at labas na sila ng kwarto ng dad niya tapos kakausapin kung bakit sya sinaway. whenever we try to reason out with her pag nagtatantrums sya, lalong lumalala ang pag-iyak at sigaw niya, kaya hindi na namin sya pinagsasabihan while she's screaming.

2. toys. pag nagtatantrums na sya, humahanap ako ng mga bagay na pangdistract sa kanya, like mga old toys niya na hindi niya na nakikita o nilalaro. minsan nga yung lumang teether niya.

3. change rooms/go outside. pag sa kwarto sya nagsimulang magtantrums, ililipat namin sya sa ibang kwarto, like sa kwarto ng lola o tita niya. pag sa sala sya nagtantrums, nilalabas namin sya ng bahay. if nasa mall naman, punta sa ibang area. pag nasa restaurant, ilalabas namin sya, or pasok sa restroom.

4. binky/security blanket. binibigay ko rin binky niya tsaka security blanket to pacify her. pag binigay ko na yung mga yun, she automatically asks for milk. tapos matutulog na sya. inaantok lang pala. irritable talaga mga bata pag inaantok.

5. food. pag nagsisigaw na, naglalabas ako ng food, like cookies, biscuits, lollipop to distract her. pag di pa sya nagtatantrums at may bagay sa bahay na ayaw kong galawin niya, o kung gusto ko syang pasunorin, i tell her i'll buy her C2, or cookies if she behaves.

6.alamin kung ano ikinagagalit niya. minsan hindi ko naibibigay agad yung hinihingi niya kasi sometimes i don't understand her. so i ask her calmly kung ano gusto niya. if she wants water, milk, food, go outside, etc. i tell her to point.

7. give her attention. most of the time, yung anak ko eh naghahanap lang talaga ng attention from me. kasi may younger brother na sya, and i don't get to play with her very often as before. so i put my baby boy to sleep or i give him to his dad para full attention ako sa baby girl ko.

hope this helps.
Logged

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: problem child. (long post)
« Reply #2 on: September 21, 2012, 08:08:57 am »

yung sa pagliliyad, baby ko naman lumiliyad pag nagtatantrums sya na karga ko o pag malapit ako sa kanya, tinatapon niya sarili niya sakin. so ginagawa ko eh lumayo.
Logged

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: problem child. (long post)
« Reply #3 on: September 21, 2012, 02:39:37 pm »

try mo i-hug yung anak mo rather than paluin or getting mad at him/her.

Stephanie Miller

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
Re: problem child. (long post)
« Reply #4 on: October 09, 2020, 03:39:11 pm »

hi, any spanking parents here?
Logged