Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Office Politics  (Read 9297 times)

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Office Politics
« Reply #15 on: April 26, 2012, 10:29:02 pm »

Dahil nali-link ang work ko sa HR (HR systems kasi ang handle ko) medyo nasasanay na rin ako sa paghandle ng mga concerns sa workforce. Mas naging open-minded ako.

First fact, hindi lahat ng managers ay leaders. Unfortunately, some people excel doing things alone and kapag na-promote sila tapos biglang may taong nag-re-report sa kanila, they wouldn't know how to handle it kasi nga sanay sila to do things on their own.

Basta ako I let my performance speak for me. At some point natuto na rin ako makipag-usap sa mga boss.
Happy lang ako at kahit yung boss ko ay hindi ko kapiling, nararamdaman naman daw niya yung presence ko.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

♥♥♥ RXmom ♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 372
  • I am your angel
    • View Profile
Re: Office Politics
« Reply #16 on: April 27, 2012, 01:15:33 pm »

oooopps sorry may topic na palang ganito :D
Logged
GOD is good all the time

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 471
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Office Politics
« Reply #17 on: April 27, 2012, 02:16:13 pm »

Na-experience ko na din to when I worked sa corporate environment (that's old news though, kasi di talaga mawawala dun ang office politics). But surprisingly, na-experience ko din sya when I started working from home! Akala ko pa naman wala na nun pag home-based work. So I learned na pag group of people talaga working for a company, whether sa corporate world or online man yan, hindi talaga maiiwasan na meron. :(

Fortunately, ngayon malaya na ko sa office politics, kasi I work directly with my clients na. Yung isa may middleman man, isang tao lang, and kasundo ko naman.

I did meet great, genuine friends though, nung nasa call center pa ko. And hanggang ngayon, friends pa din kami, para ko na nga silang family. :)

I remember I once told a good friend of mine na officemate ko before, she's really friendly kasi, ma-PR ba. Which is awesome talaga, kaya lang, it also made her 'vulnerable'. I told her talaga to be nice and approachable, but choose with caution the people that you get really close with. Sa 20 taong magiging kaibigan mo sa isang opisina, hindi malabong nasa 2 hanggang 3 lang dyan ang maituturing mong 'genuine' friends.

Iba-iba kasi ang tao, merong ilan na nakiki-friend dahil sikat ka, merong iba dahil mayaman ka, merong iba dahil may posisyon ka,  merong iba dahil naiinggit sayo at gustong makahanap ng kamalian mo, at meron ding iba dahil ikaw ang hot topic ng tsismisan nila at gusto niya ng 'inside scoop'. Masaklap na katotohanan, pero maiiwasan mo naman sila. :-) If you hear any idle talk about yourself na hindi maganda, hayaan mo na lang sila, sila idle ikaw may pinaglalaanan ka ng lakas at panahon mo na mas makabuluhan. :)


Angela Zhane

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 117
  • I love you a bunch!
    • View Profile
Re: Office Politics
« Reply #18 on: April 30, 2012, 03:28:08 am »

Kahit mangibang bansa ka uso din dun ang pulitika. And sad to say kapwa mo pa Pinoy ang kalaban. Masakit isipin na lalo na yung mga tinuring mo pang kaibigan magagawa kang ipagkanulo para umangat. Mga taong nakasama mo ng matagal na panahon sa iisang bubong and all along akala mo kakampi.

Nakakalungkot pero eto yung reyalidad ng buhay. Pag nilamon na ng inggit ang puso, pinalalabo nito ang isipan. Hindi na mahalaga ang pagkakaibigan. Sa ganung sitwasyon, dapat magpakatatag, matutong ipaglaban ang sarili kasi walang gagawa nun para sayo. Pero mabait pa rin ang Diyos, He will never leave you empty meron pa ring maniniwala sa pagiging mabuti mong tao.

Sa ngayon masaya ako para sa taong ito, biniyayaan siya ng isang anghel when she least expect it because she believed makakaya niyang lampasan ang lahat basta may pananampalataya na hindi Niya siya pababayaan mag-isa. :)
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: Office Politics
« Reply #19 on: May 01, 2012, 10:51:02 pm »

I soooo can relate.  hehe.  I learned na being in a corporate world (or siguro sa ibang institutions na din), hindi lang dapat sipag at tyaga ang meron ka.  Dapat marunong ka rin mang-sipsip, kumampi sa mas malakas, at makipagplastikan para makuha ang loob ng ibang tao at ng boss mo.  Actually ako wala naman akong naging problema sa mga naging boss ko, they are totoong mga tao.  Yun lang mga nasa paligid ko...and minsan, the bosses relies on how others see you (coz probably they don't have time to think kung ano isusulat nila sa performance appraisal, hehe).  So if hindi ka kilala ng iba or hindi approve ang iba sayo, gudlak nalang sa karir mo.

Siguro that is one of the reasons kung bakit hindi ako nagtatagal sa corporate workplace.  I know I'm hardworking, resourceful, blah-blah, and I bring in good work pero hindi ako yung tipong can climb up the corporate ladder...yung makipagsabayan sa ka-plastikan ng iba, makisabay sa politics inside the office...I'm so not that kind of person.

Anyway, habang I'm still in the corporate world, isa lang ang motto ko-- to work well and do the right thing.  Hindi ko na iniisip kung ano ang sinasabi ng ibang tao sakin at kung ano ang mga tsismis nila about kung ano-ano.  Basta, I will make the output and go...I am fed up of the corporate politics na talaga e. hehe.
Logged

pieyapie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 48
    • View Profile
Re: Office Politics
« Reply #20 on: June 11, 2012, 09:01:23 pm »

Hay naku kakainis talaga yung mga co-workers na
1. ingitera
2. sulsulera/tsismosa
3. backstabber
4. reklamo ng reklamo sa trabaho

Pero usually these people are the laziest, most engot at sobrang palpak sa trabaho na co-workers. Kakainis nga lang minsan parang ang sarap patulan pero I don't. Talagang grabeng pigil sa sarili ang ginagawa ko kasi it is like stooping to their level. I am not like them. I learn to choose my battles. If these people make false stories about me usually they do it bulong-bulongan tapos once I enter biglang hihinto, I just tell myself it is not always about me. Also I tell myself it is for the better that they focus more on me than their work because sa sobrang inggit at kaka-back stab nila the more they commit mistakes in work and get reprimanded by the boss. So indirectly vindicated ako hahaha...
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Office Politics
« Reply #21 on: July 03, 2012, 09:42:27 pm »

one of the reasons din at umalis ako sa office environment. mga 3rd reason lang. hehe, kasi hidni ako ang klase ng tao na sip sip, i work work work hard like a cow. pero i didnt get promoted for my hardwork, puro lang good job and excellent work, most often my work is dumadami kasi yong phrase palagi ng mga vp-managers, bigay kay sheila kasi i know she can get it done faster than ???...e engot kung hindi reklamadora. i get it done. pero ang taong lazy and wlang ginawa kung hindi magpaganda, mag facebook buong araw at mag breaktime almost 4hours sya pa ang na promote to manager level than me who is 3 years senior.

gladly wala na ako dun, and buti nga sa kanila  they knew that they lost a very valuable employee..until now contact pa din sila ng contact pabalikin ako, no way mamatay kayu lahat dyan.  ;D ;D ;D ;D ;D
Logged

gandangmorena

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 138
    • View Profile
Re: Kumpadre or Kummadre / Kamag-anak System
« Reply #22 on: August 10, 2012, 03:28:54 pm »

When in this situation, gustong kong sumagot ng "ma'am, i'm employed in a private company. You may have forgotten, the tax withheld from my salary goes to yours.".

TAMA! Agree! natawa ako sa comment mo mommy...Korek na korek!
Logged
Pages: 1 [2]