Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2

Author Topic: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..  (Read 72019 times)

rosesef

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« on: September 26, 2012, 08:37:03 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click any of these topics to read full article.
Baby Sleep Guide: What to Expect During Your Baby's First Year

photo by ISTOCK
How to Solve Common Sleep Problems Like Refusing to Take Afternoon Naps

photo by @MASSONSTOCK/ISTOCK

Hi mga mommies.....

Please advice me naman po mga mommies na meron din experience nito...my 16mos. old kiddo is super  sa puyatan talaga matulog man o hindi sa hapon 11pm or 12am na sya natutulog sa gabi, antok na antok na ako pero sya gising na gising pa rin..kahit sa hapon hirap din ako patulugin sya..gumigising sya sa umaga 6 to 7am then after he take a bath in the morning pinapatulog ko sya @10am then gigising sya @ 12pm..minsan hindi na sya natutulog sa hapon super hirap kasi patulugin...
ano kaya ang the best nitong gawin mga mommies?cherifer ang vitamins pero parang walang effect sa pag tulog niya...

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

« Last Edit: November 24, 2021, 11:56:40 pm by Parentchat Admin »
Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #1 on: September 26, 2012, 10:16:35 pm »

Since nakakatulog na ng 10am-12pm ang anak mo, huwag mo na patulugin ng hapon. Deretsong 6pm or 7pm tulog na siya dapat until next day. Dapat siguro alamin mo kung ano yung hindi distructing sa pagtulog niya para hindi gigising ng madaling araw. You should built routine for your baby para hindi ka rin mahirapan, masasanay din siya. Dapat syempre kaisa kayo ng mga kasama mo sa bahay kung meron man. Kasi minsan, ginigising nila or nagigising sa ingay ang bata dahil sa ibang tao. 

Mga anak ko kasi para makatulog sa gabi dapat dim light at soft music lang. Walang pang 15minutes tulog na. Kahit kung makatulog ng hapon, out ang light.. sarado kurtina as much as possible. Dapat daw kasi mahaba ang tulog ng mga toddlers para mas lumaki at tumaba. In the middle of the night baka magutom ang anak mo, dapat nakaabang na gatas niya or else, masisira ang tulog niya.

Minsan, I let them watch 1 episode of barney or dora tapos tulog na sila. Kaya nakalakihan na rin nila yun hindi na ako hirap when they reached 2 years old. Pagsabi ko tulog na, alam na nila, kanya kanya na sila ng pwesto sa bed.  Well, welcome to the club! : )
Logged

rosesef

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #2 on: September 26, 2012, 10:33:19 pm »

Thanks Mami lykeil for the tips...

nagawa ko na mami lykeil na patulugin sya na 6pm kaso gigising pa sya mga around 7pm then matutulog ulit sya late midnight na..hindi ko naman sya mapatulog sa umaga ng maaga like 9am kasi gumigising naman sya mga past 7am na.
sabi daw kasi mas magandang pinapatulog ang bata sa hapon para daw tumangkad..pero in my case super hirap talaga ako patulugin sya sa hapon mas lalo na sa gabi kaya minsan di ko maiwasan na paiyakin sya..

Logged

lykeil

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 126
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #3 on: September 28, 2012, 10:30:49 am »

You're welcome.

Dapat alam mo ang body clock ng anak mo. When my kids were on 1--2 yrs old, 2 times a day pa ang tulog nila. isang 10-12am at 2pm4pm. When they reach 3 years old sa hapon na lang, by 1pm-3pm tapos tulog na sila by 8pm or 9 pm. Excited kasi sila sa paglalaro at pagdiscover ng new things. Kaya ayaw nilang matulog. But as a mom, you have to give them discipline. Pabayaan mo na lang siya mapagod sa kakalaro tapos pag grumpy na, ibig sabihin gusto na magpahinga. Lahat ng bata nasa stage by stage yan kaya mainam na i-guide natin sila. Wag mo rin biglain, unti unti pa rin kasi kahit tayong matatanda, pagbago sa katawan natin, may adjustment din dapat.
Logged

mhiles16

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #4 on: September 28, 2012, 01:20:10 pm »

Join ako..my 15 months old baby super mahirap din patulugin sa hapon.
pero sa gabi hindi naman,my problem is bigla na lang sya iiyak in the middle of the nigth
bibigyan ko sya ng milk pero ayaw p rin  niya.kaya pati ako napupuyat. :(

ano kaya dapat kung gawin.?help naman po.
Logged

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 505
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #5 on: September 28, 2012, 05:32:43 pm »

since i am wahmmy, hindi ko nasusubaybayan routines ni meganita sa hapon, but as per my nanay mahirap sya patulugin, minsan mula umaga gang hapon once lang sya nakakatulog at sa gabi naman, grabe puyatan din kami. ito din problema ko eh, 16 mos na din si megan.. hays:(
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #6 on: September 29, 2012, 12:57:51 am »

@kissablesam and @rosesef - what you've just shared is exactly my experience right now.  once lang mula umaga hanggang hapon matulog anak ko 3-430pm, pahirapan pa, tapos sa gabi puyatan din 1am.  happy lang ako na tanghali gumising mga 930am pero wala sa mood, at laging umiiyak naman.

@lykeil - tama ka sis, dapat lahat ng kasama sa bahay nagko cooperate.  what time does your kiddo wake up in the morning?  tsaka para lang maintindihan ko lalo ano ang usually makikita na behavior kapag grumpy na ang bata? 
Logged

rosesef

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #7 on: October 01, 2012, 03:59:19 pm »

Thank you mommies for sharing all your experiences......

Hi mami lykiel..thank you ulit sa mga tips mo marami akong natututunan sayo..anyways my son sleep in the morning around 10 or 10:30am then he woke up @ 12pm sometimes 12:30 pm..then sa hapon naman jan ako nahihirapan kasi natutulog sya minsan around 3:30pm na or 4pm tas gigising sya @ 5pm..kaya naman sa gabi super puyatan kami 11pm na sya nyan matutulog..ayaw ko naman kasi sya di matulog sa hapon at para naman tumangkad sya..pero minsan naman matulog man sya sa hapon o hindi late na talaga sya natutulog sa gabi..haizzzz!
Logged

giselle1115

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 235
  • Geriatric mommy to 2 beautiful twin boys :-)
    • View Profile
    • Blogger.com
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #8 on: October 01, 2012, 04:21:45 pm »

Hi sis! Pa join lang.  I think starting 15 months, on the average, once a day na lang matulog si baby.  Preferably after lunch.  Maybe you'd like to try and get rid of the morning nap already. Tama si si lykiel, pagurin mo na lang muna and as much as possible make your schedule with them very routinary para they'll know what to expect.  Babies daw kasi thrive on routine.  My 1 year old twins sched : Sleep between 8-:830pm, wake up bet 6-6:30am.  Nap at 10-11:30am then 2-4pm ulit.  Pag maganda nap nila ganda din tulog sa gabi. Ganyan sila everyday.  The more na di ko patulugin sa araw, mas pangit tulog nila sa gabi.  I guess it's because they're overtired already.

Share you experiences din mga mommies, baka pagdating ng 15 months ng babies pahirapan na talaga matulog kahit may schedule sila :-)
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #9 on: October 01, 2012, 04:42:50 pm »

As far back as I can remember, I "trained" baby to sleep most of the time, since infant sya. I "pre-programmed" his body para he would 'yearn' to sleep. Nasira lang yung programming ko when he started to go to school at 2.9 months, pero before that, ok naman. He slept 3x a day.

am - 9-11am
pm-  1-3pm
night - 7-7am.

super haba, pero yung night na tulog niya, na-aadjust yan, from 10-12 hours a day.

what i did was to 'dim' the lights and make sure that after he's fed and changed, he takes a bath. so before a nap, he is always bagong paligo. tapos, he has this sleeping music, na puro instruments lang. when he needs to wake up, i put on a different music, or a dvd that he likes, para pilitin nyang magising. hehe.

now that he has started school, haaay naku, eto na sira na ang sleeping and eating schedule niya... grrr.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 505
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #10 on: October 01, 2012, 05:29:44 pm »

Hi sis jem.sexy, hays hirap nga baguhin routine niya sa pag meme.. gawin ko nga yang pre-programmed sleeping routine ni sis sweet&spice baka mahabol pa :)

Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #11 on: October 01, 2012, 05:33:25 pm »

^key to your success sis, i think, would be --- that he's busog and always bagong ligo. if di ko kasi napapaliguan before the scheduled nap, he can sleep, but its mababaw lang. he easily gets awakened.  consistency is the key, kahit na it doesn't look like you are 'programming' him, basta i-continue mo lang.

goodluck!
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

kissablesam

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 505
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #12 on: October 01, 2012, 05:41:02 pm »

Thanks sis! harinawa.. kami naman kase, bathing muna in the morning tapos feeding ayun nakakatulog naman, kaso mas madalas ngayon na -- ang term namin sa kanya, "naggagasulina" para magkulit lalo at di na makatulog. very very patience talaga sis haha! kaya i'll follow you :)
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: ang hirap patulugin sa hapon ...super sa puyatan naman sa gabi..
« Reply #13 on: October 01, 2012, 10:47:02 pm »

joining....mommies nung early months nung baby ko super hirap ng body clock niya,s gabi siya gising or pagising gising tas s umaga siya  super tulog buti n lang ngbago sleeping habit niya...she's now 2 nd she sleeps ng 8pm den gigising din ng 7 or 8 am halos 12 hrs siya sleep, den 9am siya maliligo den sleep again ng 12pm - 2pm siguro kc super kulit niya kaya pgdating ng gabi eh pagod na,as in wala cyang pahinga bsta gising siya,hindi mo makikita na wlang gngawa,pahinga lang niya pg milking time or eating time...it helps dn siguro kc breast feed siya kaya wlang istorbo s tulog namin ng gabi.before tip smin ng mom ko,pagurin daw ng pagurin s umaga para diretso tulog s gabi ska wag daw pakakainin ng mdami nd patatawanin sobra pg gabi kc mahihirapan daw mtulog,cnunod ko naman mom ko,ngwork naman for us..:)
Logged

toughmom moderator

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1148
    • View Profile
Logged
Pages: [1] 2