Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: hubby says he's not happy anymore  (Read 4958 times)

lantis123

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
hubby says he's not happy anymore
« on: September 27, 2012, 10:29:38 pm »

hi mga sis. hubby and i had an argument this evening. he said if paulit ulit nalang na ganito iisipin niya na di na siya masaya sa nangyayari... were on a LDR situation. we have 1 child... kahit ako minsan tinatanong ko sarili ko. masaya pa ba ko? is this the life i want? nung mag bf/gf kami everything is fine.masaya kami. ang relationship namin nun is us against my parents. pero naging strong kami for each other.. but now? since day 1 ng pagiging magasawa namin. even nung wedding day itself nag start na kami magaway. is it a bad vibes already sa relationship.  :( haay.. he hates my family and nagstart maging worst yung pagsasama namin when he asked me  na lumipat sa bahay nila kasama yung mga tita niya and i refused for months. kasi ang reason ko is ayoko pumunta dun kasi wala siya. hanggang sa marami na nangyari. naospital yung baby namin sinisisi niya parents ko and everything.. now na i finally give in sa gusto niya.. andito na ko sakanila. sabi ko gusto ko ibalik yung tayo dati.. we used to talk every night kahit madaling araw na sakinla and may work siya the next day. basta everything has changed after our wedding.

minsan tinatanong ko siya.. if mahal niya pa ko like nung pagmamahal niya sakin dati.. kung masaya pa siya sakin despite nung mga nangyayari.  he said yes.. and everytime i feel gusto ko lambingin niya ko.. i asked the same question..



this evening nag confide ako sakanya.. i told him.. nagalit ata sakin yung tita niya kasi naging moody ako kaninang morning. because yung baby namin sinisipon and di makahinga. from monday - yesterday napapansin ko kada uuwi ako madumi lagi yung ilong niya. medyo nairate ako nung morning tinanong ko bakit ganun lagi yung ilong ni baby. sabi dahil nga daw sa sipon. sabi ko kasi di naman po siya nagkakaganyan pag andun siya samin. medyo nagtampo siguro sila dun.  anyway i tried to tell him that pero sabi niya wala lang daw yun.. any way nung naguusap na kami i became dramatic na naman. sabi niya sakin if nagkakaproblema ako dito saknila umuwi na ko samin. sabi ko.. wala akong problema( in fact meron i just said wala para wala ng maging problema) sabi ko masaya ka pag andito ko. gusto mo andito ko kaya dito lang ako.. sab niya bumalik na ko sa nanay ko.. sabi ko sanya.. pauwiin mo ko samin pag gusto mo ko hiwalayan.. dito lang ako.. sabi niya ano na naman ba daw drama ko.. sabi ko wala gusto ko lang siya lambingin. saka niya sinabi na im starting to feel na di na ko masaya.kung paulit ulit nalang to. sabi ko gusto ko lang bumalik tayo sa dati.  sabi niya.. if you want us na bumalik sa dati.. just grow up. then he said bad words. then bigla ko nalang sinabi hiwalayan mo na ko. then sinabi niya. ok umuwi ka na sanyo. end na ng conversation.

he's my bestfriend, i tell him everything.. nung nagstart kami magaway about sa family ko. i lost yung only bestfriend ko. na pwede ko sabihin lahat lahat saknya.. so yung emotion ko is napile up nalang. di ko malabas yung sama ng loob ko. wala akong mapagsabihan kasi alam ko di nila maiintindihan yun.. yung asawa ko lang makakaintindi ng situation kasi kami yung andito. so instead na sabihin ko. naipon na lang siya. pag dumadating yung time.. napapatanong ako if masaya pa ko... i always tell myself yes masaya ako for the sake na ayoko ng broken family. i dont want na magkahiwalay kami. hanggat kayang ayusin aayusin.. mahal na mahal ko siya. sobrang bigta lang ng dinadala ko kasi im so close na maging manhid sa mga nangyayari.

haayy. kung kelan naging magasawa kami.. i will lost almost 8 years na pagsasama namin as bf/gf. gusto ko lang ng attention niya. kasi nagiging busy ako sa baby namin pag magkausap kami.. pag nababakante na ko. tired na siya gusto na niya matulog. wala na yung "We" time. pag nakakapagusap kami ang nangyayari lang we end up arguing kasi napagusapan na naman namin yung family ko. haaaay ang hirap.. if i could turn back time.. yung masaya kami. gagawin ko.

sinasabi ko saknya. pagpasensyahan na niya ko if nagiging emotional baggage na ko sayo lagi nalang ako nagdradrama... gusto na kita kasama.. sa isip ko kasi if staying dito sa kanila would make us be together the soonest titiisin ko nalang magstay dito kahit ayoko. kasi gusto ko na siya kasama talaga.. ayoko ng magkahiwalay kami..


ayun lang


sorry napahaba :(
« Last Edit: September 27, 2012, 10:35:49 pm by lantis123 »
Logged

mommy celyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • I am a mom... proud and loving it!
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #1 on: September 27, 2012, 10:48:24 pm »

hi sis... alam mo kahit paano naiintindihan ko yung pinagdadaanan mo. kasi ako ganyan din ang drama ko sa husband ko na wala na yung dating kami after ng wedding namin. meron na din kaming anak may kasunod na nga agad yung panganay namin. sobrang nakakadepress kasi feeling ikaw na lang mag-isa sa mundo. alam ko din yung feeling na tinatanung mo na sarili mo what went wrong and how did we end up like this? parang mga lyrics lang ng kanta,,, hehe... hanggang sa dumating na yung point na magsusumbong na ako sa minister namin kasi feeling ko wala na siyang pakialam sakin. i pray so hard para mainitindihan ang nangyayari.
meron nagpost dito about sa secrets of fascinating womanhood sis... i hope mabasa mo yun. may ebook yun at nakapost na yung link kung saan mo pwedeng idownload yung ebook niya. kapag nabasa mo yun marami kang marerealize at maiintindihan kung bakit nangyayari yan sa inyo ni husband mo. sabi ng minister namin madalas ganyan ang problema ng mag-asawa na nagkaroon agad ng anak.
I really really hope mabasa mo yung sinasabi ko sau.. Sobrang helpful kasi ngayon medjo umaayos na yung samahan namin ni hubby... Tayong mga babae ay may big role sa marriage natin... bigger than we think... 
You just have to be strong sis... kaya lang siguro nasabi ng husband mo yan kasi meron siyang iniisip at may isang bagay siyang ini-expect galing sayo...
read the book sis... it will help you a lot...
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #2 on: September 27, 2012, 11:35:26 pm »

hi sis,im married na for almost 4 yrs n dn, npagdaanan ko din yang point na yan,early stage of our married life,we actually been thru a lot dun s 4yrs na pagsasama namin,ofw kc hubby ko so siguro in some ways mdyo iba situation ko dun s normal na set up na everyday eh ngkikita kyong mg asawa.nway,want to ask,why he still hates ur family kahit kasal n kyo,my ginagawa ba s kanya family mo na ikinagagalit niya,kc since ur married na,d day na pinakasalan ka niya eh pinakasalan n din niya family mo...i really belive na kung mahal ka niya dapat  mahalin niya din family mo,dapat hindi siya mgsalita ng masama yung super foul tungkol s fam mo.pero in my husband case since ngkadaughter kami,feeling ko minsan ngseselos n dn ako s daughter ko,hindi yung selos na masama ha,selos na medyo gusto ko lang ng lambing kc since ofw siya,thru txt call,skype n lang kami tpos puro baby namin nbabanggit niya,nway hindi ko naman siya masisisi kc we lost 2 babies na before bago dumating yung little girl namin kaya naiintindihan ko siya kung bt ganun siya pgdting s baby namin na halos nababalewala n niya ako,kaya sinasabi ko pg ganun nararamdaman ko nd he makes it up to me naman...in ur case,kung lhat ng pg uusap niya eh nauuwi s away,try to think kung bakit,i always think kc na hindi pdeng isa lang ang my pgkukulang s nyo,hindi kaya nasosobrahan n din yung pgddrama mo na ikaiirita n din niya,my husbands really hate lalo na kung paulit ulit yung pinag aawayan namin...try to have an open mind sis,before you make any decision,think really carefully,kc kahit anong ibigay na payo syo ng iba,in d end ikaw pa rin pipili ng desisyon na mabuti para syo at para s ikaliligaya mo nd ng anak nyo...pray and have faith sis..wish u ol d best.
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 374
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #3 on: September 28, 2012, 10:08:10 am »

i believe lahat ng marriage e dumadaan sa ganyang period kaya napaka importante na wala sa mag asawa ang bibitaw... been married for 2 and a half years and etong huling taon namin kami nasusubok ng husto... dumating din yung punto na ayan alsa balutan na good thing may pag dadalawang isip sa mga part namin kaya siguro hindi rin nakakayang ituloy... recently nga medyo nadalas yung mga issues namin (aware ang SP dyan  ;D) and etong huli yung narinig ko sa asawa ko yung mga bagay na aayawan nating marinig mula sa mga asawa natin... yung hindi na sila masaya satin at mabuti pang mag hiwalay na lang at mag asawa na lang sa papel... i was deeply hurt by those words kung siguro ako yung tipong mahinang mahina baka sumige na rin ako tutal nahihirapan na rin naman talaga ako sakanya emotionally, financially and even my own health e sobrang affected na...

for the sake na ayoko ng broken family....sobrang bigat lang ng dinadala ko kasi im so close na maging manhid sa mga nangyayari.
been there too sis pero alam mo nag silbing lakas ko pa rin yung asawa ko at ang anak namin higit sa lahat... ni wala akong mapaglabasan manlang ng nasa loob and he wont even try to understand where i am coming from kaya andyang sya mismo nag paparamdam sakin na wala na akong pag asa... hay halos araw araw noon na mugto na lang mga mata ko pag pasok pero nakaya ko sis kasi merong higit na makakagabay satin reach Him through your prayers sis... nalampasan namin and kinakaya ko pa rin up to now kasi lagi naman andyan ang mga trials sa buhay natin...

then sa tulong din ng SP nabalitaan ko etong tungkol sa Secrets of Fascinating Womanhood sobrang natutulungan ako ng husto kaya tama si sis mommy celyn sana sana mabasa mo din yung book sobrang helpful sis... wish you inner peace and sana maging ok din ang lahat sainyo ng asawa mo ^_^
Logged

sheissam

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #4 on: September 28, 2012, 11:44:59 am »

tama si mommy luk_resha, lahat ng mag-asawa dumadaan sa ganyang sitwasyon, kaht ako na 1 yr pa lang kasal e, napapalayas na ni hubby.. so sad no pero tinatawanan ko na lang.. di lang siguro sanay ang mga boys sa puro argumento.. kasi kpag ang mga boys ang nag aaway, sapakan agad eh.. siyempre tayong mga asawa di nila kayang gawin un kaya nasasabi nila yung mga ganong kabagayan. but they don't mean it naman.. kapag kumalma na ang sitwasyon babawiin din nila un.. basta wag k bibitaw.. keep faith and always ask for the guidance of our Lord. Sa lahat ng sasabihin at gagawin mong desisyon, ask first our Lord and maeenlighten ka talaga after.

as for my advice naman.. ask ko lang if alam mo naman ba ang totoong prob sa relasyon nyo? i mean, minsan kasi wala naman talagang problema e pinoproblema lang natin.. minsan, tayo lang pala ang namomoreblema pero hindi yung partner natin.. ask mo siya kung pareho b kayo ng tingin sa sitwasyon.. at don nyo malalaman kung ano nga ba ang sitwasyon nyo.. then, kapag nagkausap kayo, hanapan nyo agad ng solusyon.. kung ikaw sa tingin mo namomobrelema ka, syempre may gusto kang mabago, then sabihin mo iyon ang nakikita mong solusyon, then pakinggan mo rin kung may maganda siyang solusyon then compromise kung san kayo magkakasundo.. minsan kasi need nating maging specific sa mga bagay bagay, kasi minsan , di tayo naiintindihan ng asawa natin, di daw sila manghuhula..

hope na makatulong un.. have faith always :)
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #5 on: September 28, 2012, 02:29:39 pm »

Sakit ata ng lahat ng newly-weds na i-compare ang relationship sa kung anong meron sila nung di pa sila kinakasal.

I think it does more harm than help.

Ako, I always rely on putting myself on my husband's shoes whenever we have arguments. Why? Because I want him to do the same for me.

Di naman talaga ako marriage counselor pero I can see areas where you can improve your relationship if you still want your marriage to work.

1. Stop saying "titiisin ko para sa'yo". Panunumbat kasi yan na "nahihirapan ako but I will do this kasi gusto mo." Hindi yan salita ng "kakampi".
You said he's your bestfriend - if he is you shouldn't talk to him like that. When you are in a situation na magkaiba kayo ng tingin - entrust yourself sa kanya. Trust his love for you will direct you to better things. Kung talagang may valid concern ka naman at sinabi mo sa kanya - im sure tutulungan ka niya.

Kapag tinatanong ako ng asawa ko pag alam niyang wala sa nature ko yung gusto niya - all I say is "Love kita eh. I trust your judgement."

2. Stop comparing to how you were before you got married. Iba talaga ang thrill nung bf/gf pa lang. Why? Kasi nag-upgrade tayo eh. Nagpakasal tayo. First level yun. Bakit ka babalik sa first level kung nasa second level ka na? There are good things about being married. Better than nasa bf/gf relationship. Mas kaya mong mag-demand (in a sweet way), mas kaya mong maglambing (in a sexy way) at mas nagkakakilala talaga kayo.

3. At ang lagi kong sinasabi - kung saan siya mahina, dun mo lakasan.
sabe nila nung kinasal tayo we became 1. Pero yung 1 na yun, hindi palaging 50/50 sa lahat ng aspeto. Yung isa mas mapagbigay, yung isa mas malambing, yung isa mas disiplinado.


I often hear women say, "Hanggang kelan ako magiging strong". Remember your vows. You said forever di ba?

Nasasabi ko to kasi di naman nambabae, nagda-drugs yung asawa mo. It's a matter of wanting your relationship to work and working on your relationship.
« Last Edit: September 28, 2012, 02:34:51 pm by Mommy France »
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #6 on: September 28, 2012, 05:43:22 pm »

@ Mommy France super like! :)
Logged

heartm3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #7 on: September 28, 2012, 09:22:55 pm »

All posts in here are all true and makes sense. Magkaiba talaga ang relationship ng gf/bf sa mag-asawa. Minsan ang honeymoon stage (first 2 years of marriage; by readers digest) is really not as what it is meant. Honeymoon daw kaya happy2x pa. Well madami pang discoveries and surprises na good&bad sa pagsasama sa first level. And they say that most couples have usually lost that initial magic in early years of being couple or actually in their honeymoon stage. Samin the day na pinanganak si baby, dun ko na feel na iba na yun husband ko, first priority niya na si baby, to the point na inaaway na niya ko dahil nag fe-feeling sya na mas maalam sya at mas tama regarding to our baby. Ako naman hindi nagpapatalo kaya inaaway ko din sya.
Hindi mo na maibabalik kung paano at ano kayo before kase much better or worst na ang mangyayare. The drama of the battle stage of marriage is unavoidable, so we just have to learn how to cope "positively" with it.
Logged

lantis123

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #8 on: September 29, 2012, 08:30:52 am »

thank you mga sis for that enlightment.. sobrang sad ko lang kasi bakit ngayon pa nangyayari to.. minsan nga natatanong ko nalang sa sarili ko. bat pa niya ko pinakasalan e. bat nagpatali kami agad. pero ngayon were working things out. although ako lang most of the time ang gumagawa ng issue kahit wala naman talaga. pero i cant help it e kasi medyo lost din ako sa nagiging situation namin. and isa pa. lagi nalang namin napagaawayan yung pamilya ko. kahit gusto ko siya kampihan hindi ko magawa kasi its my family na yung kaconflict niya...


pero thanks guys talaga for the help.. wala lang talaga ko mapaglabasan ng sama ng loob ko.. yung spark nung candle namin since nung day 1 we started dating continues to fade habang tumatagal. minsan okay minsan hindi. pero i know i still have a lot of things to know pa sa married life... pinasok ko to paninindigan ko to.. like we said in our vows.. till death do us part. and lagi ko sinasabi sa kanya nung mag bf/gf kami na all the pain all our sacrifices will be worth it as long as we work as a team and we have faith in each other..  siguro napaparanoid lang ako kasi yung distance namin is so far na i cant see him pag gusto ko. and all.. pag gusto ko ng lambing we cant be together.. nangungulila lang ako siguro.. pero we've been like this for ilang years na rin hindi pa din ako masanay sanay... ang daming insecurities ang daming tanong na kahit di naman kelangan talaga lahat may sagot.. hinahanapan ko pa din. kaya laging may argument.  :(
Logged

lantis123

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #9 on: September 29, 2012, 08:34:41 am »

i read part palang nung secrets of a fascinating womanhood i think kelangan ko nga nun :) haaay :(
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #10 on: September 29, 2012, 08:32:34 pm »

Lagi naman talagang may argumento - sabe nga ng asawa ko noon kapag nade-depress ako sa pagtatalo namen - "hindi porket nag-aaway ay hindi na kita mahal:.

Noon kasi feeling ko dapat hindi kami nagagalit sa isa't isa. Of course nagagalit tayo, tao lang naman tayo. And nung dumating yung point na talagang nagalit ako - dun ko nakita na temporary lang yung galit.


Stop thinking na malungkot ka. You should be happy pa nga kasi yung ibang LDR, nambabae yung asawa.
Pero ikaw wala kang problemang ganun. If you think nag-a-adjust ka, siya din nag-a-adjust.

If you feel the fire burning down, lagyan ulit ng apoy. wag mo lang titigan kasi talagang mawawala yan.

Basahin mo kahit yung first 5-6 steps fascinating womanhood. Malaki maitutulong sa'yo noon kasi maliliwanagan ka sa role mo bilang babae, how much effort it takes being strong and the rewards you'll reap being the best wife you could be.

Smile ka na... andito lang ang SP moms kapag gusto mong may makausap about what you're feeling.
Minsan talaga pag sarili mo lang ang kausap mo, tendency negative. pero by practice kapag may nahanap ka na positive kaibigan na laging gagabay sayo into thinking right, masasanay ka na alng at ikaw na mismo mag-co-correct sa sarili mo. :D

Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

Sofia Montemayor

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #11 on: August 16, 2019, 11:38:45 pm »

Hello po mga momshies..Newbie here.. may gusto lang kasi ako i open kasi di ko kaya sabihin sa mga kakilala ko baka husgahan nila ako... i've been married for 6 years na po, kaya lang si hubbie kasi sinasabi niya na hindi daw siya masaya.. gusto na niya makipaghiwalay para daw magawa niya mga gusto niya na parang binata ganun... mambabae siguro o kaya gumala, as in yung sarili lang niya .. sabi niya selfish daw ako kasi hindi ako nakikipaghiwalay... ano ba dapat kung gawin.. ayaw ko pa humiwalay kasi d pa ako handa, gusto ko stable muna lahat. may dalawa kami baby.. please need ko ng kaliwanagan.. salamat sa papansin ng message ko...
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: hubby says he's not happy anymore
« Reply #12 on: August 24, 2019, 09:53:44 pm »

Sorry medyo late reaction, pero unfair naman ng hinihingi ni hubby mo lalo kung ganun lang reasons niya..pero mahirap din ipilit kung ayaw niya talaga.try to talk with him yung tipong heart to heart talk talaga, try to make ammends baka may mga bagay lang kayo na dapat idiscuss para mas maintindihan niyo isat isa...regardless kung kasal kayo or hindi eh need niyo iconsider yung 2 kids niyo...he cant say na ayaw na niya dahil ayaw na niya and hindi mo rin puwede ipagpatuloy kung ikaw na lang may gusto..pray sis, ask for guidance..soon enough you'll find your answer
Logged