Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.  (Read 5130 times)

jaiel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile

What will I do? :'(
Logged

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1065
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #1 on: October 03, 2012, 01:33:12 pm »

know your priority-
be focus on your kid and your life or forever be on his shadow.

Logged

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 461
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #2 on: October 03, 2012, 02:21:00 pm »

Be strong sis and pray always
Logged

Myangeljzd2ofus

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #3 on: October 04, 2012, 07:26:32 am »

if this is the case sis, =10pt]turn your back from him [/size] ;)    and love your self and your child. its his lost not yours. be strong and face life looking at the brighter side.

Logged

bhea-bhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 147
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #4 on: October 04, 2012, 10:30:01 am »

hugs and kisses fo you and your baby sis... nakakalungkot yan talaga... hayaan mo na lang sis... wala naman na tayo magagawa...sabi nga nila buhay nila yun.. ang masakit lang dun ay paraang hindi tayo napapahalagahan at ganun kabilis... just accept the fact na kung ano na lang tayo sa kanila.. true masakit.. pero mas masakit kung aalamin mo pa rin ang lahat sa kanya... wag mo na lang alamin at magconcentrate ka na lang sa baby mo... and go on with your life... tingnan mo.. pag ginawa mo yun... sooner or later malalaman niya kung ano ang nawala sa kanya.. at mas masakit yun kapag nalaman na niya na pinakawalan ka niya...iparamdam mo rin kung ano na lang siya sa buhay niyo ng anak mo... siya rin ang nawalan sis....kaya mo yan sis
Logged

jaiel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #5 on: October 08, 2012, 12:10:47 pm »

Thank you po sa mga advice! Naiinis lang po ako sa sarili ko kasi alam ko naman yung dapat kong gawin pero parang I always shift to what I know is wrong. Kagaya po nung Friday, lumuwas ako ng Manila to talk to him. Hindi po pumayag ang mama ko pero sinuway ko. Nag-absent ako sa work kahit na contractual pa lang yung status ko. Nag-promise po ako sa baby (10mos. old) namin na babawiin ko ang daddy niya pero he only turned me down. Mahal daw po niya yung bagong girlfriend niya at "kesa naman daw po sa akin, mas pipiliin na niya yun". Alam ko naman po na may kasalanan din ako pero ang sakit lang talaga kasi almost 5 years kaming nagsama plus may baby pa tapos para sa girl na isang buwan mahigit pa lang niya kilala, ipagpapalit niya kami. Naiinis pa ko kasi parang wala namang pakialam yung mother ni SD. Nagmakaawa ako kay SD mga sis pero matigas na siya. Naramdaman ko na lokong loko na talaga siya dun sa babae niya. Ang sakit! Ngayon gusto ko na magmove on pero maraming beses pa rin sumasagi sa isip ko na lumuwas, magmakaawa. Paano kung sa tatay niya naman ako makiusap? Paano kung dalhin ko yung baby namin baka sakaling lumambot naman yung puso niya? Pero in the end, naiisip ko na hibang na hibang siya dun sa gf niya kaya parang mababalewala lang rin at lalo lang akong masasaktan. Nakakainis kasi sinabi pa niya sa akin na paano ko daw siya naging asawa eh hindi naman daw po kami kasal. Di nga po kami kasal pero tinuring ko na siyang ganun at yun na din ang tingin sa kanya ng pamilya ko. Kahit na 2 months kaming di nagkita, niloko pa rin niya ko. Malandi pa rin yung babae niya kasi di niya inalam kung talagang hiwalay na ba. At kung matino siyang babae, inisip niya muna yung bata. Nagagalit ako ng sobra at gusto ko nang matutong magpatawad para naman maging masaya na rin ako. :(
Logged

bhea-bhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 147
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #6 on: October 08, 2012, 08:03:36 pm »

lahat sis... mahirap sa umpisa.... pero kaya mo yan.. kailngan para kay baby... pero hindi sa kinokonsinti kita... why dont give it a try yung naiisip mo.. I know I sound so fool pero para sa akin.. atleast no guilt feeling pag tinanong ka ng baby mo someday kung bakit hindi mo ginawa ang naiisip mo.. On the other side parang masyado mo naman nang binaba ang sarili mo.. Pero wala naman tayong hangad mapabuti si baby diba kahit tayo na ang masaktan.. Kasi ako ganun ang ginagawa ko ngayon.. Ginagawa ko lahat ng kaya ko kahit mukha akong ewan,masyado nang praning wag lang ulitin ni hubby ang ginawa niya sa amin.. Atleast ako sa sarili ko ginawa ko lahat wala akong pagsisisihan sa huli.. akin lang sis... suggestion lang ha.. pero kung yung mother ni SD walang imik.. baka ganun din yung father.. dipende yan sis ehh.. nasasayo yan.. kaya mo yan... pagpray ita sis and your baby.. smile... malalagpasan mo rin yan..
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #7 on: October 08, 2012, 09:30:08 pm »

siguro madali ito sabihin kasi wala ako sa sitwasyon mo sis,pero tingin ko lang siguro enough nang magmakaawa nang isang beses kung tinurn down ka niya at hindi niya naiiisip yung anak niyo,hayaan mo na lang siya sis,at first super hirap,but in the end you'll realise na mas importante ang anak mo and hindi yung tatay niya...sana lang naisip niya na gampanan yung obligasyon niya sa baby niyo, pero mahirap kasing pilitin ang taong ayaw...pero may karapatan yung anak mo sa kung anong meron yung tatay niya,kelangan siya maobliga na gampanan yun,yun ang ipaglaban mo sis.dont try to win him back kung halos ipagtulakan ka niya palayo, pero try your best to get what your baby deserve kahit pa umabot kayo sa court.para ka na ring nakapag revenge dun sa babae kasi maiisip niya na may kahati pa rin siya,hindi man ikaw,pero yung anak mo,at mas mahirap kahati yun :)
Logged

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #8 on: October 08, 2012, 09:44:43 pm »

If ever na sa akin mangyari din yan siguro I will give a try pero once is enough. I mean.. sa lalaki na ako makikipag-usap and not to the parents. Kasi kahit siguro gustuhin ng magulang na magkabalikan kayo pero ayaw ng lalaki as you said himbang pa sa girlfriend niya, wala din magyayari. Wag ka naman masyadong magpakababa din sis kasi hindi mo deserving yong ganun. Itaas mo yung sarili mo. Make yourself more beautiful and if someday magkita ulit kayo, make it sure na maglaway siya kakatingin sau. LOL :) I mean na pagsisisihan niya yung araw na iniwan niya kayo. He's not a man to be called enough for what he has done to you and to your baby. Make your baby an inspiration para mas madali kang maka-move on. Think about your future. Mahirap pero kaya mo yan. You have all the love in the world kasi anjan si baby mo.-God's greatest gift to us. and yung love na galing sa family mo..
Logged
i am me- happy and blessed! :)

jaiel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #9 on: October 09, 2012, 12:16:00 pm »

Thank you mga sis. Grabe sobrang laking help ng SmartParenting sa akin. Nahihiya na kasi ako magvent out sa mama ko at sa mga friends ko. Kasi pare-parehas sila ng sinasabi at alam kong yun ang tama pero paulit-ulit lang rin ako. Last night, maaga kami natulog ni baby pero nagising ako ng 2am hanggang 4am, iniisip ko lang si SD. Naiimagine ko sila ng gf niya na masaya, na ginagawa yung mga ginagawa namin dati. Inisip ko pa na baka mas masaya siya kay new gf kasi magkasundo sila sa hobbies nila. Alam niyo greatest fear ko ngayon ay magkababy sila. Honestly speaking, may anak kami ni SD so di malabong may mangyari din sa kanila diba. I asked him nung lumuwas nga ako kung meron na ba. Sabi niya, 'wala pa". Sabi ko, "wala pa, malapit na?" Sabi niya ayaw na daw niya ng ganun. Di ko masyadong naintindihan pero it sounds to me na parang ayaw na niya magkamali at magkababy ulit. Pero alam ko di magtatagal, meron at merong mangyayari. Ang sakit isipin. Kahit nga kiss and hug lang parang sinasaksak na yung dibdib ko. Ano pa kaya yung love making talaga diba? :'( Gusto kong iiyak lahat pero parang di nauubos yung luha. Parang everytime na maiisip ko, mas lalo akong nagiging paranoid. Kaninang umaga nga pagkagising ni baby sabi niya, "papa papa, mama?". Parang tinatanong niya sa akin yung papa/daddy niya. :'( Ang sakit makitang ganun si baby. Sa totoo lang mga sis wala na akong pakialam kung magpakababa na ako nang tuluyan. Mahal na mahal ko yung father ng anak ko. Mahal na mahal ko rin yung baby namin. :'(
Logged

mommyshinia

  • Newbie
  • *
  • Posts: 7
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #10 on: October 09, 2012, 01:16:20 pm »

Hi mommy! mahirap talaga mgmove on sa ganyang sitwasyon pero if you think na wala n talaga, then it's time for you to move on. kasi di  lang naman po ikaw masasaktan sa huli pati na rin po si baby.
Mommy it's normal na naiisip mo pa rin si HD, 2 months pa lang din naman kayo nghiwalay, imagine ako nga mag7 years na pero everytime I'm watching movies na nakakarelate me, bigla na lang tutulo luha ko. Cheer up mami! ^^
Mommy payo lang po, wag mo gagawing dahilan c baby mo para bumalik siya. I mean hueag mo ng dalhin yung baby mo sa kanya para lang bumalik siya sa inyo kasi it's better kung babalik siya dahil gusto niya at hindi dahil yung ang gusto mo and dahil may anak kayo. Mas masarap isipin na kusang loob siyang bumalik sayo mommy.
Right now, you have to be strong for your baby. Focus! Pray!
  ;)

« Last Edit: October 09, 2012, 01:23:42 pm by mommyshinia »
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #11 on: October 09, 2012, 01:37:31 pm »

we all know na mahirap sitwasyon mo mommy, pero try to think of it,hindi lang ikaw ang nakaranas at nakakaranas ng ganyan,wag mo ilubog yung sarili mo kakaiyak,kakaisip ng kung ano ano kasi kung na talaga sayo,wala ka ng magagawa dun.ilang lalaki na ba ang iniwan ang mga anak nila para sa iba,madami na...try to be strong for your kid,hindi din magandang environment sa bata kung makikita ka niyang malungkot o umiiyak,they may seem unaware, pero they feel if something is wrong...if you feel like crying or madaming pumapasok sa isip mo, try to divert your attention,do something productive or be more active here on sp, so many topics na nakakawala ng problem and so many new things kang matututunan. be strong sis, its not the end of the world,pray and have faith...soon,you'll find the courage to let go and continue living again without him...bka madepress ka lang kung ganyan outlook mo,think what will happen sa anak mo...kelangan man niya ng ama,mas kelangan niya ng nanay :)
Logged

mommy celyn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • I am a mom... proud and loving it!
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #12 on: October 09, 2012, 03:00:12 pm »

naku sis... atleast sinabi niya sayo derechahan na hindi ka na niya gusto di ba... yung kapatid ko noon matapos sila mgbreak ng long time bf niya sabi ko sa kanya "Congratulations!" atleast nalaman mo nang maaga na hindi siya yung para sayo. Hindi naman masaya kung tayo lang ang nagmamahal di ba? dapat mahal din tayo nung isa pero kung hindi wala tayong magagawa magiging kalbaryo lang buhay natin pag pinilit natin ang bagay na hindi talaga pwede. Mabuti nga hindi mo siya pinakasalan kasi kung magsasama kayo dahil may anak kayo impeyerno ang magiging buhay mo at ng anak mo.
Masakit yan sa una pero kapag nalagpasan mo na yung chapter na ito sa buhay mo, it will make you a better and stronger person. HIndi ka nag-iisa sis... Malaki at malawak ang mundo, kapag nakita ni God na ready ka na ulit magmahal ibibigay niya sayo ang lalaki na para sayo. We have to trust God more than ourselves.
Godbless you!
Logged

iamananey

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #13 on: May 07, 2013, 04:09:36 pm »

Move on ka na girl.  We girls deserve so much respect.  Bayaan mo na sya girl.  Mahirap sa umpisa pero kakayanin mo yan.

Mas magiging maganda ang buhay mo without him. Enough na yung ginawa mo, you did your best. Pero nagdesisyon na sya.  Bayaang mo sya ang makarealize ng pagkakamali niya.

It happened to me..sobra-sobra pa.  But now, okay ang buhay ko.  Mas naggrow ako ngayon. 
Logged

bella swan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 158
  • "I can do all things through Christ" Phil 4:13
    • View Profile
Re: SD has a new girlfriend after 2 months of not seeing each other.
« Reply #14 on: May 10, 2013, 01:59:15 pm »

Magandang Araw Mommy @jaiel!

Para sakin naman, you may try it again but do not speak to his parents, sa kanya lang. Minsan kasi kahit mali ang anak syempre anak pa rin nila un. Hindi mawawala na iba ang isipin nila sayo. Remember, kayo lang dalawa ang involve dito at kayo lang ang makakapagdesisyon para sa inyo. Try mo uli, kung ayaw niya pero kaya mo pa, try mo pa kasi mahal mo sya, at least alam mo sa sarili mo na you tried your best. Well, sa iba sasabihin cheap kasi hinahabol mo siya. Well, nagmamahal ka lang naman pero I am not in favor na isama mo pa anak mo kasi mahirap din maging reason na kaya siya sumama sayo uli ay dahil may anak kayo, dapat sasama lang sya because he wants to... because he loves you.

Hindi ko naman kinakampihan yung gf niya pero hindi rin naman malinaw sa atin ang istorya nung babae eh. Nakakaasar pero hindi naman siguro dapat syang husgahan ng ganon lang. Sa isang relasyon daw, may 3rd party man o wala, kung nagkaroon kayo ng problema, nasa inyong 2 lang ang problema, yun muna ang hanapin at bigyan ng solusyon.

Whatever your decision is, always remember na may mas mahalaga pa sa kanya, and that is your baby who will love you endlessly :)

I believe that God's plan is always the perfect one. Just pray and trust in Him.

God bless you and your baby! AJA... kaya mo yan!!!
Logged
I love my kids sooo muc!!!