Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?  (Read 3782 times)

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« on: October 11, 2012, 01:34:57 pm »

When hubby & i are dining out, nagkukwentuhan naman kami but pagnatapos na yung topic, tahimik na kaming kumakain...feeling ko parang di healthy yun  :(  at the back of my mind-iniisip ko kung anong topic ang ioopen ko na interesting for him para di kami bato. Kasi compared to dining out with friends, di ba parang walang quiet moments with them kahit ngunguya ka na lang, magkukwentuhan pa kayo.. Gusto ko kasi parang ganun sana kami ni hubby. Parang brod niya ko kung kakwentuhan... Mali ba mga sis?  :o dapat ba hindi ganun ka open para may mstery pa? Ok lang ba ang quiet moments on a date?
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #1 on: October 11, 2012, 02:10:27 pm »

Pag nagkakainisan, may tahimik moments talaga kami.
Minsan magtatanong yung asawa ko ba't di ako nagsasalita or kung may gusto daw ba akong ikwento.

Minsan talaga nakakaubos din ng kwento kasi magkasama kayo sa house araw-araw. Eh yung friends naman madalang lang makita kaya talagang nilulubos kapag nakakapag-kwentuhan.

Tip ko lang pag wala na akong ma-kwento - nag-da-day-dream ako or nagpa-plan ako. Parang thinking aloud.
Kasi wala na ako makwento from sa mga nangyari na, so magkwe-kwento ako sa mga gusto ko mangyari -

"Daddy, parang gusto ko mag-bakasyon. Ano? Plano tayo?"
"Ano sa tingin mong magandang regalo sa anak natin sa pasko?".

Tapos dun na ang topic sa kung anong sagot niya... :)

Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

vanenie

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 573
  • My beautiful girls ♥♥♥
    • View Profile
    • Vanenie's Musings
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #2 on: October 11, 2012, 02:27:25 pm »

okay lang sa amin ang may quiet times :) we call it "companionable silence". na yung mere presence ng isa't isa e enough na. with each other kasi, we don't feel the need to fill in the quiet moments. ;) siyempre, ibang usapan naman pag magkaaway kami hehe pero when we're out on a date, okay lang. kung anong maisipang ikuwento, share lang. kung wala, okay lang din. hindi naman awkward na tahimik :)
Logged
Sophie: Our Life & LightEllie: Our Little Butterball

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #3 on: October 11, 2012, 04:26:39 pm »

Thank you mommy france & sis vanenie...
I dont need to worry pala  :D
Kala ko there's something wrong  :)
Salamat!
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #4 on: October 11, 2012, 11:19:24 pm »

we have this moments din.

sa busy ng buhay ko on managing sa bahay sa work and sa bata, minsan nauubusan na ako ng sinasabi kasi gusto ko lang talaga ng silence, he respects it naman kasi makikita mo naman yan Mami Che sa kasama mo or sa actions and sa looks niya. kung nagdadate kami ni hubby we walk silently minsan, or dun sa tabing dagat quiet lang kami while appreciating the sun set yong ganun. Priceless na sa akin yon, relaxing watching the clouds with him beside me, naka akbay or kamay nasa waist ko yong mga simple yet intimate moments na ganun, ewan ko parang bsta hindi ko ma explain madali maka vibes si hubby that I want to just be silent and admire the natural beauty, before nagdududa sya if something bad nasa brain ko yong ganun pero explain ko lang sa kanya na silence is healthy din naman.

dining out, nagkuentohan din naman kami kahit ano, pati nga yong mga ibang diners dun sa restaurant pinagtitripan namin, ginagawa naming story ang mga expressions nila tawa lang kami ng twa. Normal lang yan sis, not all the time naman you have something to say.
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #5 on: October 11, 2012, 11:44:46 pm »

Thanks sis chococream  :)

Medyo nagworry lang baka kako di na ako interesting for him  :D
But i like that, quiet moments while appreciating nature.. (romantic date ;))pero sa mall lang naman niya ko dine-date.



Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #6 on: October 12, 2012, 04:14:44 am »

yan din naman wini-worry ko kasi baka na bore na sya, sanay kasi sya on travel to new horizons baka hindi na ako interesting, hindi na ako ang conquest niya. yong mga ganun...sa pagka workaholic ko sa work ko, puno website website lang nasa utak ko pag me ginagawa kasi ako parang diretso utak ko kaya na appreciate ko talaga ang patience niya sis.  La mall dito sa amin, meron mga beach, sabi ko nga sa kanya (manhid kasi walang ka romance romance sa buto) gusto ko ng hearts and flowers naman kahit man lang sa isang bday or bsta swept me of my feet yong, I will be floating in the sky the wholeday singing melodies kasi binigyan ako ng flowers for the first time (tiningnan lang ako...clueless)

buti at biglang sinabi niya, na baka daw ako ang na bore sa kanya kasi computer nalang ang inaatupag ko hindi na sya...ganun b daw sya ka boring at disinterested na ako masyado sa kanya kasi mas gusto ko pa magwork ng work ng work than him...(red flag!!)  alam mo pano to sis??? as in clueless....ayaw ko apakan ego kasi ....  kaya plano ko kidnapin tong taong to at dalhin sa isang islet resort malapit dito sa amin for a wild **** ehem day or ano bah...tingnan natin if iisipin ba niya na boring sya
Logged

glamorosa_SP

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #7 on: October 12, 2012, 07:48:42 pm »

One article said, you will distinguish a couple in a restaurant whether they are just bf-gf or already married.

BF-GF

Di mahulugang karayom sa pagkakadikit
Puro tungkol sa kanilang dalawa ang pinag kukuwentuhan
Maaffectionate sa isa't isa
Never  a dull moment

MARRIED

Halos kayang dumaan ng truck sa pagitan nila
Ibang tao halos ang pinag-uusapan
Minsan wala halos mapag-usapan

So when we are dating outside at wala na kaming mapag-usapan, my hubby will joke me, "Mag-asawa na nga talaga tayo."

@chococream

Normal naman kung wala kayong mapagkwentuhan outside, pero at home kung ganun pa rin. i think kailangang mag-effort. Why don't you ask him how's his day every after work? or what are the challenges he's facing lately. It's important to be updated about each other's inner lives.

Maganda ring yang "kidnap" idea mo. But of course wag lang puro kidnap para lang makapag-quality time kayo. It should be a regular effort kahit walang special activity.

Mahirap kasi yan, baka gumising na lang kayo isang umaga, stranger na kayo sa isa't isa.
Logged
www.thefamilywoman.com a personal blog

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #8 on: October 13, 2012, 03:52:48 pm »

^haha natawa ako run but it's so right, I mean I can very much relate to this.

yes it happens to us almost every time nga na when we're talking biglang silent na lang kami sa bawa't isa.  sometimes i try to fill in the silence pero napagod na ata ako, tumatahimik na rin ako or baka nahawa na ako na NR na lang.  minsan nga mga sisses puro katahimikan lang kami sa bahay lalo na pag walang bata hay grabe parang simbahan ang bahay yung tipong maririnig mo ang huni ng mga ibon haha. nasanay na ako at least kasama ko sya kahit katahimikan lang.
Logged

pachutz09

  • Guest
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #9 on: October 13, 2012, 05:15:41 pm »

hi, mami che!

i think okay lang yun quiet moments in a date, ako kasi minsan hindi ko naiintidihan na may sinasabi si hubby, magugulat na lang ako sisigaw siya ng 'HOYYYYYY!' madalas kasi ako mag-day dream na nagttravel sa iba't ibang bansa. hihi.. bihira lang naman ang quiet moments namin kasi pareho kaming madaldal at talagang mahilig kami maglandian kahit saang lugar. halos maya't maya ang joke time namin puro ka-kornihan at hindi talaga kami nauubusan ng pag-uusapan.. natatahimik lang kami pag may LQ at kapag nagbabasa siya sa twitter at sports article.. pero may time na parang wala sa mood si hubby tapos tahimik, tinatanong ko siya kung may problema siya. lagi niya sinasabi wala daw pero di ako tumitigil, kinukulit ko siya, lalambingin ko gang magsalita tapos after a while mag-oopen na siya na may kinaiinisan siya sa work. mga ganun.. siguro, sis, may iniisip lang si hubby mo kaya natatahimik siya minsan. lambingin mo muna ng slight para makapag-usap kayo..  ;)
Logged

addicted2jakey

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 581
  • Jacob Cedric's Mom - That's ME!!
    • View Profile
    • Faceboook
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #10 on: October 13, 2012, 09:36:56 pm »

Madami din kami ganitong moments esp pag nsa sasakyan.. since pareho naman kami bocal either of us would say lang "love u" just to break the silence and automatic un magrresponse yung isa..
I think this is normal naman esp kung lagi kauo mgkasama, in our case pa nga wkend lang kami nagkikita pero ganun pa din madami padin quiet moments..
Pero pag meron something na napagusapan na interesting from there mapapahaba naman ang conversation..

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #11 on: November 08, 2012, 01:46:30 pm »

But naexperience nyo na rin ba mga mga sis nung mag-asawa na kayo, yung nagkukwentuhan to the max na parang walang bukas?
 :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 569
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #12 on: November 09, 2012, 04:04:16 am »

oo naman sis, madaming beses na din yan ... ang anak na nga namin ang nagsasabi bigla "tulog na papa mama," natatawa nalang kami ayon silent na lambingan na ...pagtulog na si baby iba na ang ginagawa bukas na ulit ang talking baka magising si baby.
Logged

pachutz09

  • Guest
Re: Do you have biglang quiet moments with hubby while dating?
« Reply #13 on: November 18, 2012, 10:42:17 pm »

But naexperience nyo na rin ba mga mga sis nung mag-asawa na kayo, yung nagkukwentuhan to the max na parang walang bukas?
 :)

lagi kaming ganyan ni hubby, medyo nabawasan na nga kasi super busy siya sa work. pero nung hindi pa loaded ang work sched niya inaabot kami ng madalaring araw sa pagcchikahan at tawanan kahit wala naman katuturan. :)
Logged