Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family  (Read 3900 times)

nafnaf_86

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« on: October 12, 2012, 07:14:01 pm »

Mga sis, share ko lang problema ko and hihingi na rin ng advice on how to handle and deal with it.

I started supporting and helping my family financially simula nung magtrabaho ako.  Nung single pa ako, walang problema, kayang-kaya kahit totally dependent sila sa akin about financial matters, actually kahit yung sister ko na may family na rin, natutulungan ko pag kinakapos sila sa pera.  Di stable yung financial income ng parents ko dahil wala naman sila permanent job.  Nakapag-asawa ako, at nagkaron na ng 2 anak, in fact, kapapanganak ko lang last August.  naka-depende pa rin sila sa akin, halos kalahati ng sahod ko sa kanila na napupunta, which is okay lang naman sa akin at sa asawa ko since okay din naman ang sahod ni hubby, and can actually provide for our daily needs, kahit di na ako magwork....  Since 2 na nga ang anak ko, I suggested sa parents ko if they can live with us, para mas makatipid dahil di na sila bayad ng renta sa bahay including household utilities.  Thing is kung ano yung binibigay ko sa kanila nung nakabukod pa sila, ganon pa din yung binibigay ko kahit nakatira na sila sa amin, minus pa yung pagpapa-aral ko sa bunsong kapatid ko.  Nung una okay lang, kaya lang mukhang di okay na dito sila sa amin nakatira, dahil sobrang nagger at war freak ng mama ko, parang di na okay environment dito sa bahay, sobrang ingay na sa bahay, minsan inaaway niya papa ko and pinapagalitan yung kapatid ko.  Dahil yata dun, yung panganay ko nagmumura na, nagulat na lang kami ng asawa ko! Actually, ganon naman ang mama ko eversince, buti na lang di ko nakuha yung ganong ugali niya. Kaya lang bothered na ako, dahil feel ko na yung stress, lalo ngayon na kapapanganak ko lang, mula sa maingay na bahay at yung apekto nun sa mga anak ko.  Mukhang galit pa yata mama ko dahil di ko mabigay yung pera na binibigay ko sa kanila every 15th and 30th of the month dahil nga naka-maternity leave ako and stopped yung financial income ko, ayaw ko naman iasa yung sa asawa ko.

Dont get me wrong mga sis, na-appreciate ko naman din yung tulong ng parents ko sa akin simula nung tumira na sila sa amin, tulad ng may nakakatulong na ako sa gawaing bahay at sa pag-aalaga ng mga anak ko...siguro yung ugali lang ng mama ko ang di ko ma-take, at kahit sa asawa ko, di na rin okay.  Lastly, I don't want them to feel na pabigat sila sa akin, because I still respect them and higit sa lahat, magulang ko sila. Di ko mamention sa ate ko dahil puro problema na rin ang ate ko, at sa aming dalawa, mas nakakaluwag ako sa buhay. 

Di ko na alam gagawin ko, minsan naiisip ko na pabukodin na lang sila ulit.  :(

Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #1 on: October 12, 2012, 09:01:55 pm »

hi sis,medyo nakakarelate din ako syo,im not working na kasi breastfeed si baby kahit 2 na siya :) and super kulit din plus nasa abroad si hubby so he wants na isa sa amin eh tutok sa baby namin...i live with my parents kasama namin yung brother and sister ko,although my work na sila pareho,ako pa rin yung pinakamalaling gastos samin..thanks to my hubby super understanding...nway,medyo ngkakaconflict din kami minsan ng mom ko and papa ko,dahil nga naaadopt ni baby yung ibang ginagawa and sinasabi nila,so what i did is talk to them,atleast they know kung ano yung maling nagagawa nila.lika papa ko super hilig din magmura,so sinasaway na siya ng mama ko sasabihin magagalit niyan anak mo...then si mama naman actually pati si papa eh sinusunod lanat ng gusto ng apo nila since only apo,kahit mga bawal gaya ng candy,yun bigay sila ng bigay...i always remind them kung ano yung makakasama kay baby,nakikinig naman sila so kahit pano pansin ko na nagbabago sila and they actually speak english carabao na din para lang more on english words yung matutunan ni baby,super nakakatawa din..

in terms of money naman, husband ko lang ngpprovide samin mag ina since nasa abroad siya, even nung nagrereview for board exam brother ko si hubby din sumasagot,super thankful talaga kasi super bait ni hubby,pero nakakahiya din in my part...my work naman papa ko,pero not that much,parang enough lang yun for his personal use eh...nung nagkawork na mga kapatid ko,share share na kami sa lahat ng expenses,pero ako pa rin may pinakamalaking share...what i did is,pinapaliwanag ko din kay hubby yung benefit na dito pa din ako kila mama since wala nga siya,ok na yung may kasama kami na mapagkakatiwalaan,nkakatulong ko sa pag aalaga kay baby,kaysa kumuha ako ng maid pag bumukod kami eh wala nga siya mahirap na diba...

lam mo sis, kausapin mo na lang mom mo regarding sa mga hindi magandang ugali na baka magaya ng anak mo and yung sa gastos naman,pag usapan niyo maigi,since kaya mo nga sila pinatira sa inyo is para makatipid diba...lalo na dalawa na din anak mo,kelangan mo na din mgbudget and save for the future..tamang pag uusap lang yan sis,pero dapat pag usapan niyo ng mahinahon and try to talk to your mom in a way na hindi niya maiisip na nagsasawa ka ng tumulong sa kanila,minsan kasi nagiging oa mga mother natin eh,like my mom,pagngddrame sasabhin,sige pabayaan mo na lang kami magutom..so pinapaliwang ko na hindi pdeng araw araw eh dapat masarap lagi pagkain etc and prayer will really help you :)
Logged

nafnaf_86

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #2 on: October 13, 2012, 09:35:37 pm »

thank you sis preciouslara! it felt good na may nahihingian ka ng tulong kahit di mo kilala. :) God bless you sis! mwah!
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #3 on: October 13, 2012, 09:41:03 pm »

youre welcome sis...sp moms are always ready to help :)
Logged

FayeP

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 212
  • I so love my baby Reid!!!
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #4 on: October 20, 2012, 08:14:03 pm »

sis, sana kausapin mo mama mo ng maigi na since may family ka na syempre dapat mas mauna na un mga kids mo, I think it would be better na un nga, bukod na lang sila at kun kakausapin mo sila, un na lang pagpapaaral sa bunso mo kapatid ang sagot mo...wag na un daily expenses nila sayo pa iaasa...as parents dapat maintindihan nila na nagsisimula kayo ng asawa mo...

kun ayaw mo naman pagbukudin sila, stop mo na un allowance nila since sagot nyo na ng hubby mo un expenses diba...so ano pa poproblemahin nila??? un sa kapatid mo na lang ang pinakatulong mo sa kanila...

Logged
"The LORD is my rock, my fortress and my deliverer; my God is my rock, in whom I take refuge. He is my shield and the horn of my salvation, my stronghold."
                                     -Psalm 18:2

BlueAby

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 447
  • Mother of two
    • View Profile
    • CS_CuteShoppe FB Page
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #5 on: November 16, 2012, 02:57:48 pm »

same prob here :-)

Breadwinner din ako simula nung magka-work ako. at first 80-90% ng sahod ko sa family ko. Single pa ko nun. As in baon ko lang ang natira at walang luho. Pati bonus ko binibigay ko. Nanghihingi lang ako ng extra panregalo sa kanila. hehe. May times na magagalit sa akin ang father ko na kesyo nagmamalaki na ko kasi nagbibigay ako. Pero para sa sarili ko naman wala naman akong naiisip na ganun. Swerte pa kayo mga sis dahil si hubby nyo ok yung salary. Si hubby ko kasi... naku kung ano lang ang mabigay sa akin. Breadwinner din sya sa kanila. Para sa mga bata lang ang binibigay nyang pera sa akin. Kapag nag-grocery ako... ubos na. Kaya kapag may extra na gastusin like check up, bakuna, vitamins, bili ng pasalubong, etc. Ako na ulit ang may sagot nun.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #6 on: November 16, 2012, 11:12:30 pm »

hay hirap din talaga sis, lalo na kung may saili ka ng pamilya tapos kelangan mo pa rin tumulong sa family...in my case sa part namin, hati hati kami ng gastos since dito kasi kami nakatira with my parents, yung share ko sa grocery and pasalbong or labas namin sa mall parang katumbas lang din naman kung kukuha ako ng yaya, kaya mas ok yung situation ko saka super bait kasi ni hubby, perolem lang kasi tumutulong din siya sa kanila,kahit na may sariling negosyo family niya to think na dalawa lang naman na parent niya dun tapos yung ate niya eh dalaga pa and nasa abroad din na malaki din pinapadala sa kanila, nakakalukot lang kasi minsan parang inuubliga talaga si hubby na magbigay tapos yung bunso nila na paborito nila eh ok lang kahit hindi magbigay,ang nakakaloka kasi hindi maliit hinihingi, nung last 2yrs ago,kotse ba naman binili and hindi naman nagagamit tapos si hubby eh malaki din naging share dun tapos till now yung insurance naman ng kotse to think na nakatambay lang naman yung kotse dun tapos ag hihiramin namin parang ayaw pa pahiram...minsan nakakainis lang saka kahit anng laki ng sweldo ni hubby halos wala kami maipon kasi everytime may naiipon eh biglang may hihingiin na naman na para sa ganito... hirap talaga
Logged

Rosels' Mum

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
    • Random Rambilings of a Sassy Mom
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #7 on: November 16, 2012, 11:48:27 pm »

count me in!

in my case, nakatira kami samin since hubby worked abroad. and, besides, nagwowork din ako kaya we need my mom's help in taking care of my kids, by the way i have 3 girls.

in your case, i suggest to talk to your mom. tama na dont give them na ng money since nakatira na sila senyo and the best help you can give is for your sibling. medyo mahirap gawin, kasi baka ma-offend sila, pero you have to, in respect to your husband na din, since sila ang nakatira senyo. im happy to know na mabait si hubby kasi kung iba yan, naku, sobrang stress ka. goodluck sis!
Logged
The phrase "working mother" is redundant.

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 160
    • View Profile
Re: Still Supporting Parents Even If I Have My Own Family
« Reply #8 on: November 23, 2012, 10:24:57 am »

Kami din ni hubby stiLl supporting our parents pero allowance na lang kase wala na kami kapatid na nagaaral. Though mas malaki ang allowance ng parents niya compare sa binibigay namin sa parents ko ok lang kase my work pa naman si tatay unlike parents niya na talagang nasa bahay na lang. Ang masaya lang sa situation namin mabait yung family namin minsan nahihiya sila tumanggap ng allowance kahit gusto naman talaga hehe.
 Mga sissies mahirap ang situation nyo if parents nyo naka-asa talaga na kayo naman magpalaki sa kanila. Since mga anak tayo at mahal natin parents natin kahit hirap na tayo pagsupport go pa rin. Pero wala masama sabihin sa kanila na nahihirapan na tayo at kelangan natin huminga ng konti. Kumbaga bawasan allowance lalo na kung kasama sila sa house at free naman na lahat. Teach them how to respect our privacy, hindi yung bunganga kaliwat kanan to the point na nakakawala ng galang (wag naman sana). Pero may mga magulang talaga na ganun (esp. Nanay), hindi m sila mapaliwanagan ng mga bagay bagay especially money matters kase iba sila ng nakagawian kase ipinanganak sila sa ibang panahon.
Basta make sure na lang natin na hindi napaPabayaan family natin lalo na mga kids. Magsave for rainy days kase if ganyan parents baka tayo at sila din  kawawa sa bandang huli. Mga mommies let us know our priority ha. God Bless us all :)
Logged