Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: Should I stay or should I go? Please help me..  (Read 12950 times)

mommy_raine06

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Should I stay or should I go? Please help me..
« on: October 13, 2012, 05:09:45 pm »

 Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Saving A Relationship: Dapat Pa Ba O Tama Na?

photo by ISTOCK

Hi everyone! I have a big problem and I need help. This is the first time that I'm gonna be sharing a problem sa ganito and I really need advice. Sana pagtiyagaan nyo basahin kahit medyo mahaba.

I'm a new mom but I'm not yet married, by choice. The father of my child and I are still together naman but I chose not to marry him yet because of some issues that still need to be resolved. Mabait sya, extremely sweet and thoughtful, generous and responsible. I know he loves me and cares about me so much. Ayaw niya na mahihirapan ako kaya if possible, sya nalang gagawa for me. Dati may bisyo but since i got pregnant, hindi na naulit ang bisyo at masayang masaya ako dun at sana nga hindi na niya balikan yun. I saw how happy he was when i gave birth and he loves our child very much.

I still live with my parents and I'm the breadwinner since I'm the one who has a stable job. Hindi na kasi kami nakarecover since we had a financial crisis and yung sweldo ko enough lang for our basic needs. My partner is aware about this kaya he's helping us kapag kinukulang. He works for his family's own business kaya he wants me and our baby to relocate sa province nila para nga naman magkakasama na kami and shempre for us to have a good life. The problem is, may hindi kagandahang ugali ang partner ko. Madali kasing mag-init ang ulo at pag nagagalit, sobrang sakit magsalita na parang nabili ka na niya. Sinusumbat pa yung mga naitulong niya. Gusto kasi niya na masusunod lahat ng gusto niya which is hindi naman pwede di ba? Ilang beses na namin napag-usapan to pero nauulit pa rin. Sorry lang sya ng sorry. I have decided na magrelocate na rin since I want my child to grow up having a complete family and shempre for him to have a good life pero everytime na nangyayari ang ganito, nagiiba ang decision ko. Gusto ko talaga na magkasama na kami pero hindi ko ata kayang tanggapin ang ganong ugali niya habangbuhay kaya nga ayoko magpakasal sa kanya. Gusto rin niya na magwork nalang ako sa business nila. Mabait ang family niya sakin pero parang ayoko dahil gusto ko na yung itutulong ko sa parents ko e galing talaga sakin para maiwasan ang panunumbat. Ayoko sabihin sa family and friends ko na may ganyan syang ugali dahil ayaw kong mag-iba ang tingin nila sa kanya dahil mas lamang naman talaga ang good side niya that's why I decided to share it here and dito humingi ng advice. Kung sarili ko lang iisipin ko, ayoko lumipat sa kanila dahil hindi ko talaga matatanggap ang ugali nyang yun pero pag naiisip ko na yung anak ko, gusto ko na lumaki siya na buo ang pamilya. Sobrang mahal na mahal niya anak namin kaya gusto niya talaga na makasama na kami. Ano ba ang dapat kong gawin? Magpakamanhid nalang ako para sa anak ko at sumama na sa kanya o  mag-stay ako dito sa Manila at hayaan ko nalang na lumaki anak ko na hindi buo ang pamilya niya? Sana mabigyan nyo ako ng advice and sorry kung napahaba ang kwento ko. TIA!

Naka-relate ka ba? Mag Reply para makapagpost ng katanungan o payo.

« Last Edit: August 16, 2020, 11:57:34 pm by Parentchat Admin »
Logged

mommylovepink

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #1 on: October 13, 2012, 07:08:12 pm »

Sis

first of all..you need to have your set your priorities...may family ka na kahit di pa kayo kasal nung guy..>OWN FAMILY mo na yan na matatawag...they should come first bago ang mga magulang mo....and your parents should undretsnad that as well

im in the same boat with you, i do help my parents to get through but hindi na 100%...though my partner helps din and dont complain naman about it..pero syempre priority parin ang mag ama ko

hindi naman super bad ang negative side ng partner mo eh unless sinasakta ka niya physically or yung anak  nyo (hindi naman siguro?)...remember there is n perfect husband..or wife..there is no perfect marriage or partnership...you just need to work on it...ano man negative na ugali niya...need mo tanggapin lalo na may baby na kayo
mahirap pag broken family hindi maganda effect sa bata..

hope makapagdecide kana..pray ka lang

Godbless
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #2 on: October 13, 2012, 09:53:55 pm »

@sis mommy_raine06 you know what sis,since ayaw mo magpakasal dun sa guy kahit na may anak na kayo and siguro naman niyaya ka niya and you said no kaya mo nasabing ayaw mo pa pakasal sa kanya,that means na kahit ikaw eh hindi ka pa rin sigurado na siya gusto mong makasama habang buhay...kung ang basehan mo lang para sa hindi pagpapkasal sa kanya eh yung ugali niyang yun, pero mahal mo talaga siya...then try a different aproach para hindi kayo dumating dun sa point na magsusumbat siya...hindi talaga tama na lahat ng gusto niya eh gagawin mo lalo na kung alam mong mali diba, pero to lessen yung fighting,when you said no to him..thats it,pagnagsalita siya,wag ka ng sumagot...sometimes kasi kaya lang naman humahaba ang issue eh pag may isa sa atin na ayaw magpatalo diba???just keep quiet,as long na hindi ka niya sinasaktan physically...then pag huminahon na siya,then thats the time you explain whats your reason why you said no.wag mo na paabutin sa time na mag iinit ulo niya, pero kung mga simple things lang naman ang hinihingi niya sayo or mga kakornihan,then palampasin mo na...pero pag mali talaga,then said no..pray sis...God will guide you always:)
Logged

mommy_raine06

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #3 on: October 14, 2012, 12:21:34 am »

Thanks sa mga advice nyo mga sis..  :) :)

@ sis mommylovepink: actually hindi nga sya nananakit physically pero harsh words naman lumalabas sa bibig niya. Kahit saan magagalit. Walang pinipiling lugar. Dati napapahiya ako at parang nanliliit pag ginagawa niya yun. Kinausap ko sya about dun pero ganun pa rin, walang nagbago. Masakit pa rin magsalita. Sad part dito, parang ako yata ang nagbago. Ngayon kasi, whenever he does that, lumalaban ako ng pagsagot. Alam ko na pangit at labag din yun sa loob ko pero for me, yun nalang ang way para naman mafeel niya yung nafifeel ko pag ginagawa niya yun at para hindi naman ako masyado manliit. Hindi naman ako naniniwala na hindi niya kaya macontrol ang temper niya kasi hindi naman niya ginagawa yun pag kasama namin family or friends ko. Kaya winiwish ko na sana lagi ko nalang kasama pamilya o mga kaibigan ko. Kaya hesitant ako na magrelocate kasi I'm scared na hindi na talaga niya macontrol ang temper niya. Ganon kasi tatay niya. Kahit saan at kahit sino pa kaharap, nagagalit sa kanilang magkakapatid or sa nanay niya. Ilang beses ko na rin nakita nanay niya na umiiyak dahil sa ugaling yon ng tatay niya at naawa talaga ako. Hate niya tatay niya because of the way he treats his wife and his children pero nakuha rin naman ng partner ko yung ganong ugali. Minsan nasabi na sakin ng nanay niya na gusto nalang niya hiwalayan asawa niya kasi hindi na niya ma-take. Ayoko maging katulad ng nanay niya at ayoko rin makuha ng anak ko yung ganong ugali.


@sis preciouslara: alam mo baliktad nga e kasi pag hindi ako sumasagot, hindi niya talaga ako titigilan. Ayoko na rin kasi sumagot kasi baka kung ano pa masabi ko sa kanya. Umiiyak nalang ako habang pinapakinggan yung mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig niya. Pag maliliit na mga bagay lang pero nag-init pa rin ulo niya, pinapalagpas ko nalang yon. Gusto ko naman na kami rin ang magkatuluyan kaya lang hindi ko na ata kayang tanggapin yung pagpapahiya at mga masasakit na sinasabi niya.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #4 on: October 14, 2012, 10:29:48 am »

sis basahin mo yung secrets of fascinating womanhood,super dami mo matututunan dun...it says there na you cant change a man kung ipipilit mo sa kanya na magbago siya,kasi mas lalo lang niyang gagawin...there's a trend here about dun sa book and nandun din yung link kung san mo siya mababasa online...super helpful and will really open your eyes kung pano dapat ihandle ang mga husband natin...hope it will help you too sis
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #5 on: October 14, 2012, 07:37:50 pm »

yes sis basahin mo yung secrets of a fascinating womanhood..maganda yun... dapat sis i-open mo sa kanya yang problem mo sa ugali niya, open it in a nice way.. sometimes ganyan din ang husband ko, masakit magsalita, yun bang parang di ka masasaktan sa mga sinasabi niya. i always open it to him, mag dedeny siya,hindi daw siya ganun, so may pagbabago sa husband ko, basta nagsasabi ako sa kanya, siya naman binabago niya yun kahit pa unti unti.. try mo baka maintindihan niya. pangit talaga na magsasagutan kayo, lalo na in public place, sorry to tell you sis parang wala na siya respeto sayo kung pati sa public sisigawan ka niya etc... if ginawa mo ng kausapin siya tapos ganoon pa din, wala ka na magagawa dun atleast youve tried. for me kung mag momove out ka with him tapos ganyan ugali niya (walang respect sayo) baka dumating ang araw saktan ka niya physically, now kasi hindi pa kayo mag asawa, what if mag asawa na kayo at he cant control his temper? magsasama nga kayo lagi naman kayo magtatalo at magsisigawan db? tapos yan ang makikita ng baby niyo, magkakaroon din yan ng epekto sa kanya.. may nasaba ako na thread din dito, boy ang nagcomment parang ganito sabi niya, "meron nga siyang buong pamilya pero hindi naman masaya, o wala siyang buong pamilya pero may mama siya na mahal na mahal siya." 4 me tama siya sis, love your baby and yourself... timbangin mong maigi ang lahat sis.. mahirap magpakasal dahil lang gusto mo ng buong pamilya para sa anak mo. dapat magbago muna siya db?

he he ang haba na pala ng nasabi ko.. hope di ako nakagulo sa isip mo sis :D
Logged
...i will always love you my precious one... <3

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: Should I stay or should I go? Please help me..
« Reply #6 on: October 20, 2012, 01:01:48 pm »

Hi sis!  You know your husband reminds me of my family.  Sa family namin, super uber lambing at carinosa ang mga lalaki pero closed doors, wow, ang sasama ng mga lumalabas sa bibig kapag galit or mainit ang ulo.  Mula ulo hanggang paa ang masasakit na salita na maririnig mo.  At dahil malaki ang mga kita at generous, akala ata nila binili na pati kaluluwa mo.  From my lolo, to my uncles, to my cousins and brothers, pareho sila ng mga ugali.  At iyan ang naging problema ng lola ko, tita ko at nanay ko.  Iba iba tayo ng personality sis at values sa buhay.  Ikaw lang talaga ang makakasagot sa mga tanong mo.  Ano ba ang pinakamahalaga sayo?  Sa lola ko, pinili niyang hindi iwan si lolo kahit na super uber magmura at super uber magalit ang lolo ko.  He was a good provider and sa community namin, he is revered.  Lawyer kasi siya and mahilig siyang tumulong sa iba.  Nag bibigagy siya ng service ng walang bayad.  Maraming nababaitan sa kanya.  Pero closed doors, ang sakit sa tenga ng mura niya  :-[  Sa mga uncle ko.  Ganun din.  Generous silang lahat.  Magaling na provider. Pero kapag galit, akala mo binili na kaluluwa mo. 

Sis, for me kasi, hindi ko kaya ng ganun na lalaki sa buhay ko.  Pinili ko ang hubby ko dahil super opposite nila.  Ayoko talagang kumuha ng makakasama ko habang buhay na katulad ng mga lalaki sa pamilya ko.  Hindi ko kaya.  Hindi ko carry ang pagiging martyr ng lola ko at mga tita.  Kahit ang mommy ko, hindi niya rin gusto ang pagmumura at temper ng father niya.  Kaya ang father ko ay opposite ng lolo ko.  Ayaw din ng mommy ko, sa isang taong mahilig magmura at grabe ang temper.  Hindi daw niya kaya ang ginawang sacrifice ng lola ko.

I am not giving you advice on what to do.  But I'm just trying to help you see a bigger picture.  I hope I was able to help.  Pag pray kita sis, na maliwanagan ka at magkaroon din ng pagbabago sa hubby mo.  God bless!
Logged

summer1782

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
help! should I stay or should I go?
« Reply #7 on: January 14, 2014, 06:56:19 am »

I hope you can help me on my dilemma. I've been thinking about this for a year now. Me and my partner are living in together since 2007 and we had a 5 yr. old son. I'm a working mom and he is the one staying at home to take care of our son and our small pisonet business (5pc only). I've been thinking to say quit to our relationship for the following reasons at feeling ko hindi niya ako mahal.

1. May pagka-tamad kasi siya. Dati siya naglalaba sa bahay pero everytime na naglalaba siya napansin ko na mainit ang ulo niya. Dahil gusto ko pag restday ko, nagpapahinga ako dahil medyo stressful ang work, nagagalit siya pero ayaw niyang aminin na nagagalit siya. 6mos ago, Nanay na niya yung naglalaba sa amin. may utang kasi parents niya sa akin kaya binabawas ko na lang yung bayad sa paglalaba.

2. Pag-uwi ko sa trabaho makalat sa bahay. Sobrang rare na makita ko naglinis siya ng bahay. Siguro 4 to 5 times a month lang nangyayari.

3. Ako yung namamalengke everyday after work. Pag binigay ko naman sa kanya yung budget, hindi niya nababudget ng maayos. Ako nagluluto at nagliligpit nang kalat kalat sa bahay paguwi ko from work.

4. Kahit minsan hindi niya pa ako natanong kung kumusta ako from work. Hindi niya pa rin ako nahandaan ng almusal, nabili ng almusal o pagkain ko. Minsan pa nga, madalas kami magaway pag Monday morning, gusto niya ako ang gumising ng maaga to prepare my son for school. Ako inuutusan niya bumili ng almusal sa palengke, alam niyang malayo ang palengke pag nilakad. may motor naman kami pero dahil alam niya na andyan ako hindi siya bumabangon. Buti pa nga yung barkada niyang seaman, pag dumadating naasikaso niya, kahit madaling araw gumigising siya pag dumating. Pinaghahanda niya rin ng pagkain.

5. kahit kailan hindi ko rin narinig sa kanya yung will na magpakasal kami.

6. Madalas namin pagawayan ang pera dahil yung parents niya malaki na ang utang, pag sinisingil ko nagagalit siya at laging lumalabas na ako pa ang madamot.

7. He is always threatening me na sisirain niya lahat ng expensive things na binili ko for him (cellphone, watch, clothes) sa tuwing nagaaway kami.

8. Hindi niya ko sinasaktan pero I can say na sobrang verbal abuse experience ko sa kanya.

9. Lagi niyang sinasabi na umalis na ako at iwan anak ko sa kanya. Hindi raw siya natatakot na mawala ako.

10. Lagi niya akong sinasabihan na wala daw akong kwentang ina.

11. Feeling ko wala naman siyang maraming chores sa bahay kasi hindi naman malinis ang bahay, seldom din siya maghugas ng pinggan, siguro 2-3 times a week kasi mostly inuutos lang niya sa Nanay niya. Yung anak ko hindi naman niya natuturuan araw araw. Yung pisonet business e low maintenance naman, kailangan niya lang magpapalit ng piso sa players and linisin once a week 5 PCs.

12. Kung umiinom sila ng barkada niya (min 2 to max 4 times a month) palaging magdamag. Start sila ng gabi until 5am. Then tulog siya halos buong araw next day. Kapag may outing sa office nagagalit siya sa akin lagi niyang sinusumbat sa akin na buti pa raw ako nakakapagouting samantalang siya sa bahay lang. Once or Twice a year lang ang outing sa office. overnight lang at may time minsan hindi ako nagoovernight.


2 things lang nagpipigil sa akin not to quit: Ayaw kong lumaking walang ama yung anak ko at nahihiya ako sa magulang ko. Walang akong mapagsabihan ng problema ko.


Any advice?

Logged

Mefca

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #8 on: January 23, 2014, 10:08:18 pm »

 ::) quit it.

Plus after all the things you have enumerated here.... Will you still say 'yes' if he asked you to marry him?
Logged

Abegail Angeles

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 91
    • View Profile
    • By Nature Handmade Soap, Human Heart Nature Products
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #9 on: January 26, 2014, 09:48:31 pm »

1. Ayaw mong lumaking walang ama ang anak mo pero ok lang ba sa yo na ganyang klaseng ama ang kalakihan niya?
2. Nakakahiya sa magulang mo pag nakipaghiwalay ka pero di ba mas kahiya-hiya ang sitwasyon nyo ngayon?

Wag ka matakot sa banta niya na iwan mo anak nyo.wala naman syamg capacity na buhayin ang bata (well kahit sarili niya)

cheezumms

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #10 on: January 28, 2014, 08:06:18 am »

reflect ka muna sis. think things multiple times. like naisip mo ba baka may mali sa situation kaya sya ganyan? alam natin na ayaw na ayaw ng lalaki na natatapakan ang ego nila pero sa situation nyo that is whats happening. natatapakan ego at pride niya. have you tried talking things out? nasabi mo na ba mga nararamdaman mong yan? baka sakali kasi if you have just a day to talk about it, may magbago, baka magising sya. usually kasi mga lalaki nararamdaman nila na lalaki talaga sila kapag nakakasama bakarda. di kasi madali tanggapin na nasa bahay lang sila at sila ang binubuhay ni wife. dont get me wrong, di ko pinagtatanggol wrong doings ni hubby mo. just trying to explain things kasi baka "may chance pa" since sabi mo ayaw mo lumaki walang ama anak mo, so it means you re hoping to make things work for the sake of your child.

after mo mapag isipan ng mabuti at sana mapag usapan nyo din, then wala pa rin nagbago, then its time for you to decide. we can easily say quit it, base on your post but it is you in the situation so the best person to decide will be you.

there will always be pros and cons to whatever decision you made. just be brave to face it. :)
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #11 on: January 28, 2014, 11:37:07 pm »

@ cheezumms, so agree with you, first of all, yung situation niyo pa lang mali na, kasi nga lalaki ang dapat na bumuhay sa pamilya, sa inyo baliktad, pero it doesnt mean na dahil ikaw ang nagwowork eh you expect him to do yung mga nakaugalian natin na babae ang dapat gumawa, like laundry,yung dishes,cleaning the house,ang mga lalaki, may work or wala, hindi mo sila maoobliga na gumawa ng gawaing bahay, siguro meron iba, pero most guys are, its their nature...and how come na sabi mo yung dishes minsan eh yung mother niya naghuhugas, are you living ba with his parents? mahirap kasi magbilang ng utang, lalo na kung inlaws,usually kasi dapat expected na natin na hindi na yun mababayaran..sabi mo hindi ka niya mayaya magpakasal, eh kasi nga wala naman siya budget diba, ayaw niya ba talaga maghanap ng work, or nagttry naman siya mag apply kaso wala pa lang talaga?iba kasi yung tamad na wala talagang effort mag work, bka naman meron inaapplayan si hubby.. you have to weigh everythin sis, lalo na may anak kayo, Mag usap kayo ng masinsinan, ikaw pa rin naman magdedecide kasi ikaw makaksama niya eh...pray lang sis...
Logged

sw33tsw33t

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #12 on: February 02, 2014, 04:08:49 pm »

1. Ayaw mong lumaking walang ama ang anak mo pero ok lang ba sa yo na ganyang klaseng ama ang kalakihan niya?
2. Nakakahiya sa magulang mo pag nakipaghiwalay ka pero di ba mas kahiya-hiya ang sitwasyon nyo ngayon?

Wag ka matakot sa banta niya na iwan mo anak nyo.wala naman syamg capacity na buhayin ang bata (well kahit sarili niya)

Exactly my thought.

Sinasabi niyang di siya natatakot na mawala ka. Well, kase hindi pa nangyayari. Based on the things you've enumerated, he's just a big liability to you. Not just him but his family as well.

Quit and let's see if he can still say that! And hindi niya pwedeng sabihin na iwan mo anak niyo sa kanya kung aalis kase in the first place, you are the one who has the capacity na buhayin ang anak niyo. And kahit pa umabot pa kayo sa korte, mas malaki chance na sayo mapupunta ang bata.

If you stay, in the long run, mas magiging mahirap lang para sayo to let him go. May psychological effect yang verbal abuse niyan sayo eh.

I'm sorry to say this but your partner fits the profile of a guy who doesn't have the balls to be a man! May mga ganyang lalake lang talaga na nakokontento sa ganyang kalagayan and his verbal abuse on you is a form of defense mechanism to cover up sa pagiging inutil niya. I wouldn't like my child to grow up with that kind of example around. You are way way better off without him.
Logged

papa_bear

  • Newbie
  • *
  • Posts: 25
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #13 on: February 03, 2014, 07:30:08 pm »

Kung matagal nang nangyayari ang mga to, quit ka na.

Ako kasi bilang lalake, ang tingin ko sa asawa ko ay half ng sarili ko. Partner ko sa lahat ng bagay.

Ngayon since ikaw yung nagwowork, bakit hindi niya magawa yung part niya sa pamilya? Kung siya naman yung nagwowork I bet ikaw naman ang gagawa ng house chores, etc. Kumbaga tulungan kayo sa lahat ng bagay. Minsan na akong nasabihan ng asawa kong tamad ako kasi nature nga daw ng lalake na hindi gumawa ng gawaing babae. Pero magmula nung narealize ko na kung hindi ako kikilos eh anong mangyayari kung asawa ko lahat ang gagawa diba?

Try mo munang kausapin, kung hindi madaan sa usap eh alam mo na. Action speaks louder than words, in short, leave. Kasi ang tao narerealize lang nila ang worth pag wala na.
Logged
"Italians have a little joke, that the world is so hard a man must have two fathers to look after him, and that's why they have godfathers."

-Mario Puzo, The Godfather

summer1782

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: help! should I stay or should I go?
« Reply #14 on: February 19, 2014, 06:39:36 am »

Thank you sa mga advice. If I say quit, hindi ko alam paano magsisimula.

Papa Bear almost 5 years na ganito ang treatment niya sa akin. Last week lang, ang liit na bagay ako ang sinisisi niya kahit wala naman akong ginagawa. Pag nagagalit siya at nagmumura, kinakabahan ako, feeling ko ako minumura niya kasi galit siya tumingin sa akin.

Lagi siyang nagrereklamo na nagkakasakit na daw siya at pagod na pagod siya.

@preciouslara

- hindi siya naghahanap ng work. SInabi ko na mag-try siya magcall center para kahit papano makatulong sa gastos. Ayaw nila hindi niya daw linya yon. Dahil may alam siya sa Electrical Wiring, sinasuggest ko na sumama siya sa mga projects ng brother ko kasi Engineer kapatid ko. Pero ayaw niya rin kesyo matagal na raw siyang walang practice. Na propose din ng kapatid ko ng rent a van business then siya yung driver, parang ayaw niya rin.


One time nimessage ko siya sa FB na pag naka abot ng college yung anak namin, saka na ako makipaghihiwalay. At least mas madali i-explain sa anak ko. Wala man lang siyang reaksyon pag-uwi ko sa bahay.

Dasal na lang siguro katapat nitong problema ko. Tinanggap ko na na ganito yung kapalaran ko. Siguro siya yung parusa ko kasi hindi ko sinunod parents ko nung time na tutol sila sa relationship namin.

« Last Edit: February 19, 2014, 10:20:19 am by Mommyjazz »
Logged
Pages: [1] 2