Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: [1] 2

Author Topic: Bawal matulog sa umaga pag buntis???  (Read 129157 times)

zee18

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
  • Loving my Aikah much
    • View Profile
Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« on: October 16, 2012, 05:18:25 pm »

Basahin sa Smart Parenting. Click any topic title.
Maraming Sabi-sabi Na Bawal Gawin Ng Buntis, Pero Ito Ang Sabi Ng Mga Doktor
7 Tips Kung Paano Makatulog ng Mas Maayos Habang Buntis
Here's a Good Reason to Nap All You Want While You're Pregnant

photo by ISTOCK

Hiyee mga Mommies.  :) Meron kayang scientific explanation kung bakit bawal daw o iwasan ang pagtulog ng isang buntis pag umaga? O pamahiin lang talaga to? hahaha. Dito ako hirap na hirap eh. Lalaki daw kasi si baby yon ang sabi nila at kumakapit daw ng husto kaya mhirap ilabas. Nong sa panganay ko panay tulog ako kaya cgro CS ako kc hindi bumaba si baby pero with regards sa weight ng baby maliit naman siya. Kaya ngayon preggy ako ulet at magttry sana ako mag VBAC kaya takot na talaga ako matulog pag umaga pro di maiwasan hehe. Kayo mga mommies, share your experiences naman.  :D

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.


« Last Edit: December 09, 2021, 05:52:12 pm by Parentchat Admin »
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #1 on: October 16, 2012, 08:48:32 pm »

^hi sis zee18 for me wala naman scientific explanation yan sis, pamahiin lang yan ng hehe yung MIL ko grabe parinig sa akin nun pag tanghali na tulog pa ako kasi daw lalaki ang baby sa loob ng tiyan ko! grabe yan ako kainis talaga nun tapos pati nga sa hapon di din pwede matulog eh!hahaha natutulog din talaga ako pinapabayaan nga lang ako ng asawa ko. Normal delivery naman ako sis.. ang gawa ko na lang lagi ako naglalakad lakad.. ewan ko ba kung may basis mga yan he he 
Logged
...i will always love you my precious one... <3

ysLim

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 620
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #2 on: October 17, 2012, 03:23:06 pm »

sa tingin ko naman pamahiin lang yan sis. ako nga din kung walang pasok sa work eh buong araw akong tulog. nsd ako.
Logged

smart.momi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 150
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #3 on: October 17, 2012, 03:44:07 pm »

ngayon ko lang narinig ang pamahiin na ito. hehe. i'm 8weeks pregnant with my 2nd baby now. Isa sa kaibahan nila ng first born ko is now sobrang antukin ako lalo na sa umaga at ang tamad ko. hehe. Unlike dun sa first born ko na umaga pa lang alive na alive ako. I have a baby girl first born nga pala. Kaya ito sabi nila baka lalaki daw anak ko kasi i'm showing signs. Oh well sana pero alam ko mga buntis antukin talaga.heheh
Logged

karlandkadi

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 116
  • proud mother and wife.. ❤
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #4 on: October 17, 2012, 03:45:38 pm »

Hi sis, pamahiin at kasabihan.. lam mo na mga matatanda, wala din naman masama kung minsan susundin mo or hindi diba?:) hindi mo naman maiiwasan na hindi matulog sa umaga pag buntis ka dahil maya't maya eh inaantok kang talaga gaya ko nung preggy ako.. :) hehe!
Logged
karlandkad

Angeldust

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #5 on: October 17, 2012, 03:51:40 pm »

Hmmm ::) Parang ang alam kong pamahiin sa hapon bawal matulog pagbuntis  :D... pero it doesnt matter kung inaantok ka sis borlog lang, wag lang siguro yung kain tulog wala ng excercise kase pagganun lalaki ka talaga.  :)
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #6 on: October 17, 2012, 03:53:53 pm »

ang sarap kaya maging buntis
1)  lahat ng tao mapag pasensya sa yo
2)  kain ka lang ng kain ng gusto mo
3)  at tulog ka lang ng tulog kong inaantok ka (whether a.m. or p.m.)
enjoy ka lang sis
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #7 on: October 17, 2012, 06:56:18 pm »

Parang mas bawal sis kung hindi ka matutulog kahit gusto mo pang matulog  :D our body needs a lot of rest  esp pagbuntis ka kaya go ka lang - kung ano hinahanap ng body mo wag lang yung manas ka na e tulog ka pa din ha  ;D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

zee18

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
  • Loving my Aikah much
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #8 on: October 17, 2012, 09:17:15 pm »

Thanks mga sis. Oo nga mas pangit naman kung pipigilan ko antok ko, kwawa naman si baby. Tama exercise lang katapat! Hehe
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #9 on: October 17, 2012, 09:27:40 pm »

8months akong bedrest nung preggy ako,so tulog kain watch tv, yun lang ginawa ko so tingin ko hindi naman bawal matulog :)
Logged

livingByGrace

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #10 on: October 18, 2012, 10:49:13 am »

hi precious lara,
Baket ka 8 months bedrest? ano ang naging porblema? Ako 3weeks na bedrest, sumasakit na likod ko kakahiga hehe
pero mas antok ako sa umaga, sa gabi di ako makatulog.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #11 on: October 18, 2012, 12:52:11 pm »

medyo maselan kasi ako magbuntis, 1st baby ko 6months lang wen i deliver kaya we lost the baby, the next pregnancy ko after 2 months wala ng heartbeat, then yung 3rd pregnancy ko akala ko kasi meron lang ako kasi same time na ngspotting ako s time ng period ko so gala pa ako ng gala then napansin ko 2weeks na siyang ganun so pt then chek up yun confirm na preggy ako,kaya total bedrest ako kasi for 3months spotting pa din ako kaya katakot takot na pampakapit pinainom sakin,then nakakatayo lang ako tuwing pupunta para s chek up kahit maligo ako nun nakaupo or minsan punas lang, nakakilos kilos ako mga 7months na yung puwede ng mag give birth kahit kulang sa months pero mostly nakahiga pa rin basta alis k lang pag my sched s clinic...thank's God ok naman si baby and full term ako before i deliver. 2 yrs old na siya and super healthy... :)
Logged

livingByGrace

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #12 on: October 18, 2012, 05:52:15 pm »

wow! buti happy ending na this time. Pero ang hirap mag bedrest no? nkakabored. Magaling ata pampakapit un utrogestan, yan un binigay sakin ng nagpa 2nd opinion kami.. posible pa pala mawalan ng heart beat :'( kahit 2 months na..
yung magkasunod ko kc na transV pra i monitor yung cyst.. sa una maganda heartbeat, sa next day, di daw makita un heartbeat.. di naman ako natakot, kc kakakita ko lang heartbeat yesterday..
babalik uli ako after 3 weeks pa.. hayy, sana okay pa si baby.. at sana di nkakasama un cyst..
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #13 on: October 18, 2012, 08:38:30 pm »

@livingByGrace super hirap talaga mgbedrest sis,ngkabedsore pa nga ako sa sobrang higa eh.yung sa 2nd baby ko kakaultrasound ko lang din nun a week ago then ngspotting so we go agad s hospital,then yung nung inultrasound wala ng heartbeat, super kakadepress kaya...pero pray lang sis everything will be fine :) have a happy pregnancy
Logged

jazzcristobal

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 56
    • View Profile
Re: Bawal matulog sa umaga pag buntis???
« Reply #14 on: August 25, 2013, 10:29:10 pm »

mamanasin daw kasi ang buntis pag natutulog ng bandang 9 am to 12nn.
Logged
Pages: [1] 2