Mga mommies..natapos na din ang 7th birthday party ng anak ko nung Saturday, Mar. 8. Eto ang mga masasabi ko sa aking mga suppliers:
Venue: Papa John's Tomas Morato
Malaki ang place at nagkasya ang almost 150 guests ko. Malaki ang party area tapos may veranda sya. Sa party area na aircon ang capacity is 70 pax so yung iba dun sila sa may veranda. Kaya lang di nila naririnig yung program sa loob kasi walang speaker dun kaya siguro medyo bored sila dun pero buti na lang yung photobooth dun naka set up sa may veranda kaya yun na lang ang libangan nila

Sa food naman, naserve sya ng late around 3:30 PM. Pero kasi yung host namin ay maaga nagstart at natapos agad ang games. Pero sabi ng mga bisita, sulit naman daw ang paghihintay dahil nabusog sila sa dami ng food. For 150 pax, P32, 800 ang nagastos namin.
Medyo di nga lang organized ang crew kasi yung kids na nakaupo sa harap e matagal bago nabigyan ng spoon and fork. Pero very accomodating yung party coordinator nila nsa si Rona. Overall, okay ang Papa John's Tomas Morato

Invitations, tarpaulin, standees, buntings and personalized sling bags: Mouse and pen Graphic design studio
Okay na okay hehe syempre love your own

Balloon decors: Lynelle's Party Treats
Yung owner nito ay mommy ng classmate ng anak ko. super sulit at P4,000 dahil ilang beses ko syang kinukulit at pabago bago ang gusto kong design..buti na lang classmate ng anak ko yung anak niya

maganda ang concept ng decor kasi lego theme yung balloons, ginawa nyang lego design talaga. pati yung mga nasa wall parang lego blocks yung balloons. tapos swag style yung balloonderitas. meron din kaming balloon burst. Highly recommended ko ang Lynelle's Party Treats. Check her FB page para sa mga balloon decors at other events na na-handle na niya.
Host and Magician: Crafty Chiclet Sparkling Events
Kumuha kami ng separate host and magician. Okay yung host (hindi sya clown, ayoko kasi ng clown) masaya sya at maasikaso din sa mga bata nung siniserve na yung food. Yung magician, magaling din at medyo iba yung tricks na ginawa niya compared dun sa mga napanood kong magic shows sa ibang parties na napuntahan ko tapos may live dove pa sya. At pinakakaaliw, meron syang human puppet. may mask na pinapasuot sa volunteer tapos gagawing puppet, benta to sa mga tao

Ang maganda sa kanila walang offensive jokes at pang bata talaga. P3,500 lang ang price nilang 2 pero okay naman sila hindi jologs

Chocolate fountain and Gems and Glitter tattoo party with nail art station: Crafty Chiclet Sparkling Events
Highly recommended ko ang crafty chiclet, 2nd time ko na to sa kanila. At super mabenta sa mga kids ang gems and glitter tattoo booth niya, hindi nawawalan ng pila kasi pabalik balik ang mga bata

Ang choco fountain ay okay din ang set up..yun nga lang dun kasi sila nakapwesto malapit sa pantry kaya medyo masikip at nahirapan ang crew lalo ng nung nagserve ng food. Bale ang inclusion, 3 fruit dippers, and 3 non-fruit dippers with sprinkles. P2500 - Gems and Glitter Tattoo party, P3,000 - Choco Fountain
Cake and Lollie cakes: my classmate May Rivera-Alvarez
Ok ang lollie cakes at P25.00 each naka color theme sya sa lego (blue, red, yellow and green). Fondant ang cake na 10 x 4 inches ang size at P2,000.00 (presyong kaibigan

kaya lang medyo hindi nasunod yung area ng name ng celebrant kasi hindi mukhang lego saka yung character hindi kamukha ni chima, pero overall, ok naman pati ang taste

Photography and Photobooth: Edwin's Photography
Dito ako disappointed ng bonggang bongga. Paano ba naman dumating sila sa venue mga 10 minutes before 2PM. 2 PM ang start ng party at madami ng tao mga 1 PM pa lang kaya panic mode na ko nun. Tapos di pa nakukunan ng pictures yung set-up, venue, decors, lootbags..haay naku, kainis lang kung kelan 7th birthday. Lagi naman ako sa kanila kumukuha ng photographer since nung 2010, sa 3rd birthday party ng eldest ko hanngang sa 5th birthday party ng bunso ko nung January. At during those times, maaga naman sila sa venue at magaganda ang kuha. ngayon kung kelan 7th birthday, ang konti ng shots. Kaya sa 7th birthday ng bunso ko (may awa ang Diyos) hindi ko na sila kukunin.
Ipopost ko yung mga pictures mamaya
