Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2 3

Author Topic: how to handle "super kulit" kid??  (Read 29537 times)

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
how to handle "super kulit" kid??
« on: October 17, 2012, 08:50:26 pm »

.. I have a son. He's 5 years old and sobrang kulit.. Pag sa bahay semi-behave kasi may taga-saway pero pag nasa school super kulit!! Hirap niya sawayin. Parang naka-wala sa hawla. Tapos maingay pa. Pag sinabi mo "don't do that", gagawin pa rin. Parang minsan chinachallenge pa niya kami. Pinapalo namin ni hubby minsan, pinagsasabihan din.. opo ng opo but still ganun pa din sya. We tried na rin yung grounded sya manood ng tv, maglaro ng games, mag-net, mag-play ng toys pero wala effect. Paano ba tama discipline?? Kayo mommies how did you handle yung kids nyo sa ganyang attitude? Dami ko na sinearch sa net na ginawa namin but still pasaway pa rin..

Mod's note:
Curb 'Sobrang Kulit' Moments: 5 Helpful Discipline Techniques

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/5-discipline-techniques-for-preschoolers-to-encourage-good-behavior-a1162-20170815

Post a question about this topic or share your experience.
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: August 16, 2018, 10:15:49 pm by Mommy Jazz »
Logged
i am me- happy and blessed! :)

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #1 on: October 17, 2012, 08:59:02 pm »

baby girl ko super kulit din,she's only 2 pero grabe talaga sa kulit,nasasaway naman pero grabe talaga,my mom use to take care kasi sa mga pamangkin ko pati yung isa kong tita lahat sila sinasabi wala daw silang naalagaan na kasing kulit ng baby ko...ask ko pedia niya kasi baka nga may adhd si baby,sabi ng pedia niya,mafufully detect lang daw yun pag nasa school na si baby and pag lagi ka na daw napapatwag sa school concerning sa mga attitudes ni baby...try consulting your pedia din sis, para maevaluate maigi son mo...may mga bata din kasi na likas na makulit, pero mabuti na din na sigurado tayo diba..prayi pa din ako na sana makulit lang talaga baby girl ko at wala naman adhd :)
Logged

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #2 on: October 17, 2012, 10:17:56 pm »

@preciouslara
Hindi naman siya yung tipong may ADHD, hindi naman siya hyper. Nahihirapan lang kami sa kanya na magdiscipline.  Wala kasi siyang mga kalaro dito sa lugar namin, lagi lang siya na sa bahay. Ano kaya maganda gawin? Iniisip kasi namin ni hubby na baka sa school niya naiilabas yung pagiging makulit niya dahil sa bahay lagi may sumasaway sa kanya...
Ano kaya maganda gawin para sumunod sya sa rules namin? Something like that..    :-[
Logged
i am me- happy and blessed! :)

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #3 on: October 17, 2012, 10:41:09 pm »

nagsesearch kasi ako sa net sis about adhd para lang malaman ko mga signs nun for reference kasi nga super kulit ng baby ko, then i saw your posts, want to share lang what  i read from webmd kasi hindi lang pala hyper ang signs nun actually 3 diffrent types pa siya inattention,hyperactivity,impusive then pedeng isa lang dun,combine or pedeng lahat ng signs eh pinapakita ng bata pero depende pa din daw yun sa bata pag early stage kasi normal pa sa bata yung ganung mga ugalipero observe daw ku hanggang sa paglaki eh ganun pa rin baka may adhd yung kids,nakalagay pa rin dun mas madedetect daw pag ngsschool na yung kids...hoping na makulit lang talaga baby ko :) nway sa kid mo naman para sumunod sa inyo try mo na pag ayaw niya sumunod eh kunyari bawal mgwatch ng tv,gawa ka ng mga rules then tignan mo kung ano effect..baka maging masunurin na rin siyang bata :)
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #4 on: October 18, 2012, 05:56:14 am »

Hi sis just_katya!

I have 4 kids and my 1st 2 kids (ages 6 & 5) ang lumelevel up talaga sa kakulitan... I think yung age nila na ganyan talaga e they want to be free and enjoy life  ;D kakaloka nga lang minsan. How do i stop them for being pasaways?Kapag di ko na kaya, si hubby na pinapaintervene ko kasi sa boses pa lang ng daddy, matatakot na sila but at times na di pwede sumigaw si daddy at di pwedeng takutin ng spanking rod, you know what i do para mag tame sila - nagsstory telling ako na involve ang "makulit na kid" tulad nila. They listen. They will shoot many questions. Yun yung time na pwede ka mag "quiet" discipline  :D mahirap... sobra... paulit ulit ulit pa yan... pero napansin ko kasi mas overpowered mo sila kapag hindi ka sumisigaw... patience talaga sis ang kelangan natin badly. goodluck!  :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #5 on: October 18, 2012, 08:13:30 am »

I have 2 kids (11yo & 4yo).  Yung eldest ko nun baby pa siya medyo makulit din maingay pa.  Akala namin may ADHD rin.  Itong daughter ko din mas sobra sa kakulitan kaysa sa kuya niya.  I think normal behavior lang ang kakulitan ng mga bata pero depende yan sa pag discipline niyo sa kanila.

Don't Spoil
Don't Spank
Don't Shout
instead
Give them something to make them busy like construction toys (lego set), paper and crayon... dito medyo mag melo down yan.  Also, tell them stories (yun ma realize nila pag sobrang kulit sila baka mangyari sa kanila yun...stories like humpty dumpty) lagi ko sinasabi sa daughter ko yan pag talon ng talon sa kama baka mahulog siya just like what happened to humpty dumpty.  Hindi naman gaanong threatening on the part of the child.  Just a warning lang.

Spanking and Shouting.  Patience. Talk to them, as in, you are in command.  Ipakita niyo sa kanila na pag sinabi mo gagawin mo.  I always warn my daughter at alam niya pag galit na ako e mapapalo siya (sa kamay lang 10x syempre with love yung palo pero showing that I mean it)

Sobrang talino na ang mga bata ngayon, the more you push them the more they'll do it.  Never say that "you are so kulit" kasi they tend to remember that kaya nagiging makulit talaga.


Logged

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #6 on: October 18, 2012, 02:36:30 pm »

@preciouslara
Salamat dear sa ifo.. And about sa rules.. Nagawa na namin yan kaso ineffective  :-[

@mami che
at age of 5 nga lang din nung naging makulit sya at maingay talaga. Nong 4 tahimik na makulit pero kaya i-control. Nagyon... may goodness sabihin mo pang ganito gagawin pa. Asako ko rin pinapa-disiplina ko sa kanya kasi mas takit sya sa daddy niya pero tulad nga ng sinabi mo hindi pwede sa takot at palo lang idaan.. sige sundin ko advise mu.. hehe Tignan ko maging reaction niya. Thanks  ;D
Logged
i am me- happy and blessed! :)

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #7 on: October 18, 2012, 02:42:33 pm »

@mworx
Thank you sis. Ganyan-ganyan nga yong sinasabi ko. Kung paano sila ma-control pag makulit and maingay.. Ayaw ko na nga rin sana ng spanking kasi parang lalo walang effect. And tama ka na kapag sinabi mo, mas lalo pa niya gagawin. I'll try yung sinabi mo. Salamat talaga. kahit papaano nakaka-tanggal stress..  ;) Nagsesearch na nga ako sa net para dito kaya lang mas iba pa din pag-galing sa experienced parents..
Logged
i am me- happy and blessed! :)

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #8 on: October 18, 2012, 02:58:46 pm »

My advise just_katya....enjoy being a mom and I know you are doing great...  Ma miss mo mga kakulitan ng anak mo pag malaki na yan. 

Yun eldest ko medyo na miss ko na nga kasi big boy na siya.  He's our baby for 7 years bago ako nagka baby ulit.  Ngayon hindi na nagpapaakap at may sarili ng mundo.  Enjoy lang sis.
Logged

stealthmommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #9 on: October 18, 2012, 03:19:12 pm »

@preciouslara
 Nahihirapan lang kami sa kanya na magdiscipline.  Iniisip kasi namin ni hubby na baka sa school niya naiilabas yung pagiging makulit niya dahil sa bahay lagi may sumasaway sa kanya...

 tyagaan na training sis, yung girl ko kasi, will be 5 this December, ganyan din walang kalaro dito sa bahay so pagnakalabas minsan parang nakawala. nag establish kami ng house rules na sabi namain dapat apply sa labas. minimize nyo yung tv sis, pansin ko sa girl ko pag nag tv maghapon aligaga siya sa night time. kaya minsan 2 hours a day lang, yung ibang iras niya sa play na and also yung baon niya, wag yung mga matatamis or machocolate. minsan kasi nakaka dagdag talaga yun.  also we bring her early sa school para at least nakapag laro at nakapag kulit na siya bago mag start yung class. pagka walang kalaro minsan kasi walang napupuntahan yung energy. baka pwede niyo siya ipasok ng basketball, swimming or martial arts class para may outlet siya.

napansin ko rin when na before when we spanked her lalong lumalala yung kakulitan, what worked for her is talking talaga kung ano yung good behavior at bad behavior, pero yung behavior ang pinupuna namin, we assure her na love namin siya kahit minsan di maganda yung nagawa niya.

ano ba daw sabi ng teachers niya? sumusunod ba sa activities? does he sit down when he is told? can he sit or stay on an activity for at least 15 minutes?  if andami nyo na talaga na try na ways it helps din to read up on kids with adhd, not because your child may have it but simply because yung ibang tips doon can also be applicable sa hindi naman adhd diagnosed.
« Last Edit: October 21, 2012, 11:44:33 pm by toughmom »
Logged

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #10 on: October 18, 2012, 06:36:53 pm »

@mworx
Thank you so much sis..  :D

@stealthmommy
Wow.. na-touch naman ako sa mga sinabi mo.
.......yung sa tv sis un na nga lang habit niya dito sa house. Isa un sa tinamaan ako sa sinabi mo kasi pag-ayaw namin sya makulit don sya kaya pag pinapatigil na namin nagrereklamo na din..
.......Hindi naman namin sya pinapabaon masyado ng matamis kasi bawal din. May FBC sya kaya alaga pa up to 6 years old. Un nga  rin sabi ng teacher niya na nakaka-hyper daw. Hindi ko naman sya pinapalaro sa school before class niya kasi ayaw ko pag-pawisan sya so you think mali ako??
.......May inoffer nga din teacher niya don na isali ko sport para daw may libangan anak ko and i find it ok. Sabi ng teacher niya kasi maiibuhos don ang kakulitan ng anak ko kasi nga may pagkaka-abalahan na sya and he can learn lots of things like discipline and cooperation.
......Makulit lang naman yung anak ko sabi ng teacher. Nakikinig naman daw. May mga makulit din kasi syang classmate kaya ayon pag kinulit go na din sya. Matalino naman anak ko pero kung makulit makulit daw.

« Last Edit: October 18, 2012, 06:44:51 pm by just_katya »
Logged
i am me- happy and blessed! :)

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #11 on: October 18, 2012, 08:00:12 pm »

Naiwanan ko sa TV ang daughter ko kasi magisa lang ako (walang maid).  Make sure na tama yun pinapanood niya (Disney Jr. or Baby TV lang muna).  I think there is nothing wrong with watching too much just make sure na may natututunan siya sa pinapanood niya and expose them (like going to the park, etc. surely they will appreciate what they are watching - ganun ang daughter ko)

just_katya, what do you mean by FBC?

Sa food ang alam ko cheese yun nakaka hyper.  Pero sweets no idea ha.  Wag masyadong pigilan sa gustong kainin ng mga anak niyo kasi growing child sila except kung may allergies sila.  My daughter is allergic to banana pero yun ang binibigay ko para masanay. 

Tamang gabay lang.  Not too strict.  Pag sobra sa bawal (bawal dito bawal doon) paglaki niyan dun ka magkaka problema.  I've trained my son (11yo) at an early age as in 1yo pa lang alam na niya kung kelan siya dapat huminto kaya ng malaki na hindi na ako gaanong hirap.  Same with my daughter (4yo) na mas makulit at maingay, alam niya sa tingin lang na magagalit ako.  Train them as early as possible (in a fun way ha na hindi nila napapansin na parusa na pala ang ginagawa niyo) para pag laki easy ka na lang.
« Last Edit: October 18, 2012, 08:59:34 pm by mworx »
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #12 on: October 18, 2012, 08:25:22 pm »

.......May inoffer nga din teacher niya don na isali ko sport para daw may libangan anak ko and i find it ok. Sabi ng teacher niya kasi maiibuhos don ang kakulitan ng anak ko kasi nga may pagkaka-abalahan na sya and he can learn lots of things like discipline

I agree sis... tignan mo kung ano yung talent ng kid mo at ng dun niya maibuhos ang powers niya :)
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

just_katya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
  • You don't choose your family. They are God's gift
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #13 on: October 18, 2012, 09:08:34 pm »

@mworx
Disney Junior yung pinapanood din ng anak ko sis. FBC Febrile Benign Convulsion. Nangyayari ito kapag mataas ang fever niya. Up to 6 years of age sya kaya alaga to the max kami kasi pag nagkaubo sya mabilis magka-fever yan pag may tonsilitis and upper pneumonia. iwas na rin kami para makasigurado. At tama ka mahirap nga na puro bawal kasi nasa age niya ang nag eexplore sa ngayon. Mahirap lang sawayan kasi feeling niya lagi sya nasa tama. Kaya nga habang bata pa nag-iisip na kami kung ano ang pwede namin gawin para mai-guide sya sa tamang direction na hindi puro palo at sigaw.. Salamat sis..

@mami che
Thank uli sis.. Kahit papaano nakakaluwag kayo sa dibdib. Minsan kasi iniisip ko na hindi pa ata ako pwede maging magulang. hehe
Logged
i am me- happy and blessed! :)

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: how to handle "super kulit" kid??
« Reply #14 on: October 18, 2012, 09:34:05 pm »

Just_katya, napa vaccine mo na ba anak mo ng pang pneunomia?  If not, pa vaccine mo para kampante ka. 
Turuan mo siya mag gurgle with salt para maiwasan ang throat infection, as in everyday after brushing.  Hindi rin maganda ang lagi siyang nagkaka tonsilitis, maaapektuhan ang heart niya.  Better consult an EENT doctor or pedia mo na lang.
Logged
Pages: [1] 2 3