Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: help! nag away kami ni hubby :(  (Read 5256 times)

mrs.bittersweet

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
help! nag away kami ni hubby :(
« on: October 18, 2012, 11:50:31 am »

Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
'Talagang Nagpapatayan Na Kami Sa Salita'

Nagkuwento sila Dimples at Boyet sa Facebook Live interview

Need ko ng advice at kausap mga sis. Wala kasi ako masabihan o makausap, hindi ko ma open sa family ko syempre ayoko ma bad shot si hubby. Every night na lang kasi nag tatalo kami ni hubby tungkol kay baby, sa pag aalaga kay baby, lalo na sa binyag ni baby. Dito kasi kami nakatira samin, si hubby lagi niya question pag aalaga kay baby ni mother ko. Tapos yung sa binyag ni baby gusto nyo malapit daw sakanila. E ang gusto ko naman yung sana gitna naman. E kasi daw mag hahanda pa daw father niya sa bahay para sa ibang bisita, ang napag usapan namin is hanap na lang ng resto. Ok naman sa kanya kaso daw dapat sandali lang kami  sa resto kasi uuwi pa daw kami sa knila kasi nga mag hahanda nga daw father niya.  Sabi ko nga kung pwede wag nalang isabay sa binyag para hindi nag mamadali, pumayag na nga ko iurong yung date ng binyag request ng inlaws ko hindi tuloy mapasyal si baby. saka hindi naman sa maarte ko pero ayoko talaga sa bahay ni hubby. Madumi kasi sila sa bahay. Siguro kasi ako super linis. Gusto niya pag bigyan ko daw siya kasi nga una apo saknila. E samin ba hindi una apo. Gusto niya siya mag aasikaso wag daw ako makikialam. puwede ba yun? Ako nanay e. Hindi siya nag dedesisyon bilang ama sa anak ko. parang nag dedesisyon siya bilang anak sa magulang niya e. Nakakainis.

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento..

« Last Edit: October 25, 2020, 12:50:01 am by Parentchat Admin »
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #1 on: October 18, 2012, 01:16:58 pm »

ano ba question ni hubby sa pag aalaga ng mom mo?baka kasi may nakikita din siyang mali and yung sa binyag niyo dapat pag usapan niyo maigi yan hindi kasi maganda na ngtatalo kayo sa bagay na dapat eh nagtutulungan kayo. sami ng hubby ko,lahat ng happenings sa baby namin ako nagpaplan pero laging pabor sa kanila yung pinipili kong lugar,reason ko kasi in terms of mga bisita super dami ng pumupunta from my side compare sa kanila wala pa atang 1/4 ng bisita ang sa side ni hubby so usually mas malapit sa kanila kasi baka masabi ng inlaws ko na onti na sila tapos super layo pa diba parang ayaw ko na magpapunta...hehe.or pagbigyan mo na lang si hubby then make a bargain na dapat sa 1st bday naman ni baby eh ikaw naman masusunod,mga gnung things para hindi nauuwi sa away diba..since you live kasi sa side mo mas nakakasama ng family mo yung baby mo compare sa inlaws mo so dapat take consideration mo din yun.
Logged

littleNudger

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 119
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #2 on: October 18, 2012, 01:27:42 pm »

Hi sis :) Ang masasabi ko lang, tamang pag uusap talaga ang solusyon jan :) Syempre both of you and yung dalawang sides eh madaming gusto o suggestions, which is good naman kasi diba love nila si baby at lahat kayo excited for him/her.. Pero dapat din mag usap at mag compromise. Tama naman na isuggest mo na kung pwede eh gitna yung location ng binyag, ganyan kami nung binyag ng baby ko, sa cavite kami nakatira (sa tabi ng house ng mom ko) tapos yung relatives ng hubby ko eh fairview at pasig.. So what we did eh sa pasay / mla area kami nagpabinyag.. Saka hindi kasi kami nag aaway ng hubby ko pag dating sa mga ganyan kasi malayo pa lang yung event eh pinag uusapan na namin ng maayos.. Yun siguro ang dapat ipractice nyo ng hubby mo :) So try nyo na imention lahat ng ideas nyo then point out yung pros and cons then come up w/ a decision na both of you would agree on na bukal sa kalooban.. Hehe kasi masayang event dapat yan db so ang tendency pag hindi nag aagree yung isang side, hindi magiging suave yung celebration :) And syempre kung ano din makakabuti kay baby. yung hindi sya mapapagod or whatsoever :) Basta compromise - pag bigyan mo sya at pag bigyan ka din niya :) Ayan napahaba tuloy hehe
Logged

sereneshikukeza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
    • https://www.facebook.com/ANursesDiary
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #3 on: October 18, 2012, 02:36:02 pm »

Hi sis. Calm down ka muna. Let him verbalize ang mga bagay na ayaw niya at mga reklamo niya. While listening to his complains and wants you reason out in a calm way din ng point of view mo. Everything is solved sa mabuting usapan. Pag hindi parin mabigyan ng solusyon today let it die down for the day kung kelan kayo pareho kalmado dun kayo usap ulit. With regards sa binyag your suggestion was right naman for me kase fair naman un siguro para naman mapagbigyan mo hubby mo i suggest mo na lang na maliit na celebration na lang sa kanila para hindi na masyado pa ma stress on a different day na lang. Cite the possible pros and cons of it which includes stress and cost.

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #4 on: October 18, 2012, 03:13:28 pm »

dumaan na din ako s ganyan sis na si hubby hindi makapag decide kase dumedepende sya sa parent niya.. kakainis naman talaga sis..

nung nanganak ako ayaw ako pauwiin ng inlaw ko kina mama.. knowing na nasasabik din naman ang parent ko sa anak ko.."HINDI NA NILA NAISIP UN" sobrang selfish..

so nung binyag told him na near s place nila mama ang gusto ko.. pero my inlaws sed no!sobrang inis ako nun mga sis..wala naman magawa c hubby kasi di nga sya makapag decide para sa amin!
so gO! natuloy ang binyag,, nakakasama lang ng loob mas inentertain pa ng parent niya yung friends nila kesa sa family ko!

sobra galit ko nun sis ..this coming 1st bday ng son ko..i told him na wala makakapigil sa desisyon ko..ako lahat magpplano!ako pipili ng lugar ako lahat.. alam niang nagalit ako sis sa ngyari nung binyag ee... no comment sia lagi pag cnasabi ko na ako lahat magddisisyon ngayon,wag niang kakalimutan yung ngyari nung binyag..hehe aun..

once ng pplano yung mom niya na sa bahay nalang daw yung bday.. then sabi niya sa mom niya na hayaan niya akong magdesisyon dun...

siguro sis pagusapn nio maige..if okay naman both side if magkasundo naman diba..edi sama-sama--sabay sabay na... but if u think na maiitchapwera yung side mo.. alam mo n gagawin mo..

ako never ko naman pinangarap ng war between my parents & inlaws pero sila ngsimula.. yung parents ko sobrang nakikisama skanila..pero yung inlaw ko mayayabang,,, nakakahighblood alalahanin ..haha :)
Logged

mrs.bittersweet

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #5 on: October 19, 2012, 01:43:46 am »

@ preciouslara, sis question niya lagi mama ko sa pag alaga kay baby yung pag feed ng milk ni baby.  Over spitting kasi si baby after mag milk or maya't maya e nag susuka. Gusto ni mama i change yung milk si hubby hesitant baka daw pumyat si baby. Etc! Sabi ko nga saknya. sige itanong mo sa nanay mo kung ano tama, nakakainis na kasi,

Mga sis, update ko kayo nag talo na naman kami ni hubby. Ewan ko ba, everytime na oopen yun binyag ni baby e hindi kame mag kasundo. Nag end lang usapan na ako na lang daw bahala sa 1st birthday basta wag daw ako makikialam sa binyag. Hay nakaksad kasi dame ko plano. Nag tatampo ko kasi kay hubby kasi parang iniisip niya yung parents niya kesa yung anak namin, ang layo ng ibabayahe kay baby kung malapit saknila, tapos yung church ang hirap pa hanapin medyo tago kasi. hindi niya naiiisip yun. Ang naiisip niya lang kinahihiya ko daw kasi bahay nila, pasensya na daw kung mahirap sila. Adik di ba?
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3200
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #6 on: October 19, 2012, 10:55:29 am »

Positive side muna. Nagtatalo kayo kasi you are both very concerned sa well being ng bata. Nagtatalo pati tungkol sa in-laws kasi pareho nilang kinasasabikan at mahal na mahal ang bata. Lahat naman ng kagustuhan ninyo is for the good of the baby. If I will be in your situation (i'm not suggesting you do the same), I'd give Hubby a chance to prove himself and his plan. About sa layo at mapapagod ang bata, let Hubby include in his plan on how to deal with that. In doing so, I have to keep my expectations low about the treatment from my in-laws para hindi ako ma frustrate. I should be glad they want to exert effort in planning and being a part of my baby's binyag.
I don't want to imply na mas kinakampihan ko si Hubby pero sa mag asawa, you sometimes have to give-in kahit labag sa loob mo. Hindi naman ipapahamak ni Hubby at ang pamilya niya ang bata. Hindi mo maiaalis the fact na hindi ka comfortable, for whatever reason, but give Hubby a chance kasi sa inyo naman kayo nakatira and the baby is always with your parents at bihira makita ng side niya. One-time event lang naman ito. Besides, ikaw naman ang bahala na sa birthday so give and take lang yon.
On the issue na mahihirapan ang bisita from your side in going to your preferred church and venue, they just have to respect your decision of holding it there. Appreciated if they can go, but if not, you'd understand.
« Last Edit: October 19, 2012, 11:17:41 am by Mommyjazz »
Logged

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 254
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #7 on: October 19, 2012, 11:11:58 am »

tama po si mommyjazz, minsan talaga kailangan mo mag give-in. tulad namen minsan may mga events na napapagkasunduan namen isang venue sa isang celebration.pero kung hindi talaga maiiwasan, like birthdays, nagdodouble celebration kami.isa sa side niya,isa sa side ko. yun lang kasi way na nakikita ko para hindi magkaroon ng conflict. i'm blessed lang kasi sa side ko hindi maselan sila sa mga dates, na kailangan saktong bday doon dapat magcelebrate sa kanila. naalala ko noon,despedida party ng byenan ko,e nasakto naman na dumating dad ko sinundo kami..tapos naisip ng dad ko pabirthdayan niya apo niya. advanced birthday celeb daw..paguwi namen sa byenan ko,parang nagtampo,kasi that day din pala gusto niya bigyan ng advance birthday celeb yung anak ko..pero keri lang walang masyadong issue...ang importante pareho nila mahal apo nila.give and take lang...i have 2 kids na at pag nataon na kailangan namen mag double celebration gagawin namen.ang birthday naman ng mga bata o ano pa man okasyon ay para sa mga bata.hindi sa mga iimbitahan na kun sino sino...
mag-usap kayo ni hubby mo na kailangan mairaos ang binyag ng matiwasay,masaya,payapa...
binyag pa lang po yan mrs.bittersweet,marami pang pagkakataon na kailangan mo mag give-in...
isipin nyo kung alin ang mas makakabuti sa relasyon nyo. :)
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #8 on: October 19, 2012, 01:12:05 pm »

super agree kay mommy jazz, yung regarding naman sa question niya sa pag aalaga ng mom mo, lam mo sis,yung tukol sa milk, i dont think na your mom or your mother in law should decide regarding this, if you saw your baby always vomiting after drinking milk ang dapat niyong tanungin eh yung pedia ni baby and yung pedia niya ang dapat mg suggest sa inyo kung anong milk ang dapat kay baby kasi mas alam niya yung for sure... :) if your hubby insist on heldi the celebration there, then let it be sabi niya naman ikaw mgpplan sa 1st birthday eh, ok na yun sis :)
Logged

Morefun

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 230
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #9 on: October 19, 2012, 09:34:59 pm »

hehe, hirap talaga pag away tungkol sa baby and lalong lalo na kapag kasama sa argument ang mga bagay bagay tungkol sa inlaw.  Naku sis, sometimes we have to give in.  I'm sure pareho lang ng naiisip at nararamdaman ang bawat isa, and that is EXCITEMENT over kay baby.  Maganda na yan, kaysa naman opposite.  Sana lang magkaroon kayo ng middle ground ni hubby.  Wag nang pahabain ang away, dapat kayong magasawa ang laging magkakampi  ;)  God bless sis!
Logged

super_momy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #10 on: October 19, 2012, 11:49:58 pm »

tama po ang mga Sis dito..kelangan mo siguro pag bigyan yung husband mo. nangyari na po saken sitwasyon  na to sis pinag bigyan ko sila nung binyag ng baby ko halus sila lahat ang nag set up sa province kasi eh kaya yung family ko lahat nag byahe papunta sa location nila tapus nung birthday naman na sa bahay naman namin dito naman sa manila kaya sila naman ang lumuwas dito sa amin. tamang usap lang din kame ni hubby para walang away or gulo sa side nila at side namin.
Logged

mrs.bittersweet

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
    • View Profile
Re: help! nag away kami ni hubby :(
« Reply #11 on: October 20, 2012, 06:56:13 am »

Hay siguro nga kelangn ko mg give in na kay hubby kahit hindi bukal sa loob ko. :( alam nyo naman mga sis na pag sa anak natin excited tayo.
Logged