Parent Chat

Advanced search  

News:

Announcement: Smart Parenting is giving away prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Just answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey to qualify.  Click HERE to answer the survey.


Pages: [1] 2 3 ... 5

Author Topic: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?  (Read 83875 times)

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« on: October 24, 2012, 06:48:48 pm »

hello mga sis..
ako oo! may times na gusto ko siya hiwalayan na lang, naiisip ko na sana hindi na lang siya dumating sa buhay ko mas masaya siguro ako ngayon. like today gusto ko sumigaw, naiinis ako dahil ang isa talaga sa problema ko sa asawa ko is di mo alam kung kelan siya seryoso, may time na di siya nagsasabi sa akin ng totoo, minsan alam ko na na may event sila pero di nagsasabi, may times din na pakiramdam ko kinakahiya niya kami, may times din na i feel i am not respected. minsan napapahiya ako dahil sa di niya pagsasabi sa akin or aasarin niya ko sa harap ng mga friends namin. kinakausap ko siya about sa mga feelings ko, may time na nagkagalit kami, umuwi siya sabi niya maglalayas na daw siya, pinabayaan ko, umuwi din kinabukasan, saying sorry. yan ang problem ko at nakakasama ng loob talaga. parang wala siya pakialam whether i am hurting or not. although mabait naman hubby ko, sweet siya, good provider naman pero insensitive siya at minsan di ko na yun ma take! kaya naiisip ko na maghiwalay kami baka maging okey pa ang lahat. sama loob ko now!  :'( :'(

Mod's note:
"Sometimes I want to leave the man who gets frustrated too easily or often doesn’t see the world the way I do."
A Wife's Post on Marriage Puts Into Words What Many of Us Don't Say Out Loud

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/sometimes-i-want-to-give-up-on-this-a00041-20171108

Post a question about this topic or share your experience.
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: November 09, 2017, 12:03:34 am by Mommyjazz »
Logged
...i will always love you my precious one... <3

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #1 on: October 24, 2012, 08:27:51 pm »

i feel for you sis:( dont worry, pray ka lang and malalampasan niyo din yan.hubby ko ganyan din, lagi din ako umiiyak, nung wala pa kaming baby lagi ko sinasabi sa kanya na maghiwalay na kami, pero nung dumating baby namin ewan ko ba bigla na lang nag iba outlook ko,parang kaya ko na tiisin lahat ng ugali niya as long na wag siya mambabae eh ok na sakin yun..saka nagbago din kasi siya nung ngkababy na kami pero hindi niya din mabago yung pagiging insensitive niya ako tuloy ng nagbago tinggap ko na lang na ganun na talaga siya,minsan iyak na ako ng iyak sa telepono sasabihin lang niya,ano ba iniiyak mo, as in no idea pa siya.grrr..habaaan mo pa patience mo sis, deadma mo na lang kasi ang problema pag lalo mong inisip lalo lang dumadami:) pray lang sis and read mo yung book na secrets of fascinating womanhood dami tips dun na makakatulong talaga.
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 257
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #2 on: October 24, 2012, 10:15:13 pm »

op kors, tao lang diba?! 

may mga panahon na parang ano ba yan, bakit ko nga ba ito sinamahan hehe.  mga tipong hindi ko akalain na ganito ang partner kong ito.  tapos matutulog na lang ako.  pag gising ko sana nakalimutan ko na ang mga hindi magandang pangyayari.  hindi ko na pinapatulan...parang si sis preciouslara, tinanggap ko na lang ganun talaga acceptance. 

@BabyLove26, dagdag ko lang maganda yung fascinating womanhood pag nalagpasan mo ito ngayon (which I hope you will), basa ka pag libre ka ok ito. 
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #3 on: October 25, 2012, 10:39:20 am »

thank you mga sis.. insensitive lang talaga asawa ko, feeling wala lang nangyari. magtatanong pa yan ng "ano nanaman? ano nanaman ginawa ko? bat di ka nanaman namamansin?" mas lalo lang ako maiinis! kainis talaga! nakakasama ng loob, minsan pa sila pa ang malakas ang loob na magsabi ng hiwalayan! pero pag sinabi ko na lahat ng sama ng loob ko saka tatahimik at matutulog na lang, minsan nga iniisip ko na takot din kaya siya na maghiwalay kami? o dahil lang sa compliance kaya he's staying? nalilito din ako minsan sa ugali niya.. napanood ko kanina yung kris tv, sabi dun it takes 2 years bago makikilala ang ugali ng isa't isa, kami 3 years na, 1 year pa lang kami kasal.. nagpakasal kami kasi buntis na ako nun, tinanong ko siya if he s ready, oo daw, siya pa nag aya na pumunta agad sa bahay para sabihin sa parents ko, every time na mag aaway kami lagi akong may feeling na sana hindi na lang ako nagpakasal..mali ba yun??? pero may part sa isip at puso ko na masaya ako at kami pa din in the end, sa dami ng pinangdaanan namin..kinakatakot ko din na baka magaya kami sa parents niya na naghiwalay, broken family ang hubby ko. but now alam ko na ugali ng asawa ko, pero alam ko meron pa akong hindi nadidiscover, alam ko din mas madami pa kaming pagsubok na pagdadaanan. actually di ako masalita, tahimik lang ako, unlike sa iba na mabunganga. yan din kinakaasar sa akin ng asawa ko, i remember na sinabi niya yan sa akin. minsan may tampo ako pero natatapos na lang at nag uusap na kami ng di napag uusapan ang issue na yun..haay ewan ko ba nagdadasala na lang ako..

actually mga sis meron na akong copy ng fascinating womanhood, nabsa ko na 1-2 chapter.. but you what? ang hirap din gawin pag sayo na nagyari..iba iba kasi tayo ng pagtanggap sa lahat ng mga nagyayari... but i'm trying to understand and do what i have to do just to keep my family in tact and stayng in love... nakakagaan lang ng loob yung magpost dito, nalalabas lahat ng di malabas sa mga friends and family.. :)
Logged
...i will always love you my precious one... <3

ch0c0_holic

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 195
  • Baby #4 is on its way! Hoping for a baby girl!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #4 on: October 25, 2012, 11:11:51 am »

normal ata sa mga lalaki ang maging "insensitive". tayo namang mga babae, very "emotional". kaya nga sabi nila, women are from venus and men are from mars di ba? ganyan din kami minsan ng asawa ko. 4 years na din mahigit kami nagsasama pero minsan ang hirap pa din mahuli ng mood niya kung kelan seryoso or kung kelan nakikipagbiruan.

ang ginagawa ko pag di ko na makaya, super pray kay Lord. tuwing linggo kasama sa mga dasal ko na sana magmature ang asawa ko at maging sensitive sa mga nararamdaman ko. tayong mga babae tlaga ang nagdadala ng relasyon at ikakatagal ng pagsasama. need tlaga habaan ang pasensya. isipin na lang natin yung mga anak natin and our own selves pag nasa inis mode tayo. :)
Logged

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #5 on: October 25, 2012, 11:15:28 am »

ako po maraming beses na... pero i'm so thankful na hindi natutuloy. malaki din ang naitutulong ng sp forum na ito sa aking kaisipan! lol! lalo na yung mga advices ng mga mommies sa iba't ibang situations ng mga mommies naten dito sa sp. mas nilalawakan ko pa ang pang-unawa kay hubby.pag maganda outlook mo sa buhay,everything will follow. these past few months,medyo nagugulat ako sa sarili ko. may mga ginagawa ako at mga sinasabi na alam kong natutuwa si hubby.hindi ko naman sinasadya na magpakasweet pero lumalabas na lang naturally. at todo support ako kay hubby sa lahat ng ginagawa niya.ewan ko ba para na akong sinanibang ng anghel. although hindi naman ako ganun kaperfect na asawa at ina pero ngayon halos di na kami nagaaway ni hubby.be happy at laging magdasal para may guidance palagi.at dapat open communication.
Logged

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #6 on: October 25, 2012, 11:21:11 am »

minsan ang mga mister naten umaaktong masahol pa sa sanggol.mister ko din dati bwisit na bwisit ako sa mga inaasal niya.eto 8yrs na kami married at this nov magpapakasal sa church.marami talagang mga pagsubok pero kailangan malagpasan nyong magasawa.goodluck sis.. ako lagi kong ipinagdadasal relationship nameng magasawa.at sabay kaming humihingi ng guidance.
Logged

angelhart1301

  • Newbie
  • *
  • Posts: 20
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #7 on: October 25, 2012, 11:34:56 am »

naku eksakto ang thread na eto sa pinagdadaanan ko ngayon..

totoong insensitive at selfish  ang mga lalaki. ugali pa nila sila na ngang umuwi ng umaga at lasing gusto pa nila asikasuhin mo pa sila. Hello, napakamartir ko namang asawa.

naku sis, hindi ka nag-iisa. tiis tiis lang para kay baby at hoping and praying na magbago na sya.
Logged

Sophia Louise

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #8 on: October 25, 2012, 11:57:47 am »

Iisa pala lahat ng comment natin sa mga husband natin....IMMATURE , INSENSITIVE....ganyan din réklamo ko sa husband ko...kala niya ok Lang lahat....Biruan Lang ....Nasa Kuwait sya...nung 2009 after we got married and I found out something terribly...gusto ko  na sya hiwalayan... Ang hirap ng long distance love affair....I'm preparing myself for the worst... As of now we are ok. good provider sya, wala Bisho except toys and games on line. Pero minsan nakakainis pag nairal pagiging immature.
Logged
Bless to have Sophia in my life... :)

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #9 on: October 25, 2012, 12:34:56 pm »

pare-pareho pala tayo mga sis, akala ko nag iisa lang ako sa mundo. nakakatulong talaga tong SP, minsan nga nagrereklamo ako sa buhay may asawa ko pero may mas worst pa pala kesa sa akin, kaya minsan nakukuha ko pang magpasensya pa ng mas mahaba dahil sa mga SP moms :D now naman tumawag si hubby, nagtatanong kung bumalik na daw ba ako sa dati, kung wala na daw ba ako topak..hellow! topak lang pala yun 4 him?! insensitive talaga!
ang ginagawa ko pag di ko na makaya, super pray kay Lord. tuwing linggo kasama sa mga dasal ko na sana magmature ang asawa ko at maging sensitive sa mga nararamdaman ko. tayong mga babae tlaga ang nagdadala ng relasyon at ikakatagal ng pagsasama. need tlaga habaan ang pasensya. isipin na lang natin yung mga anak natin and our own selves pag nasa inis mode tayo. :)
korek ka diyan sis ako nagppray na lang din talaga at korek ka din sa tayo ang nagdadala ng relasyon, ang unfair lang talaga bakit tayong mga babae lang lagi..

sis sweetpumpkin congrats on your wedding... :)

immature din ang hubby ko kaya siguro minsan super nagkaclash yung mga ugali namin.. minsan masakit din magsalita hubby ko, isa yan sa mga ayaw ko sa kany, sabi din niya sa akin masakit din daw ako magsalita, sabi ko naman sa kanya, bakit di niya ask self niya bakit ako ganito...

pero eto sis, pag nagkakaproblem kami ng asawa ko, i see to it na magdadasal ako, pag gnwa ko yun parang bigla na lang magiging okey ang lahat, bigla si hubby ang mag oopen up.. thank you mga sis,..habaan pa natin ang ating mga pasensiya..
Logged
...i will always love you my precious one... <3

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #10 on: October 25, 2012, 02:34:37 pm »

Mga sis alam nyo ba noon sa kasagsagan ng mga problema namen naisip ko na din magpakamatay. Feeling ko talaga naloloka na ako.feeling ko sinira na niya ang buhay ko at wala na ako kwentang tao.hanggang sa napuno na ng galit ang puso ko. Nawalan na ko tiwala kay Lord. Pati sa mga anak ko nawalan ako ng amor. Dumating ako sa punto na willing na talaga ako maglet go sa lahat. Pero tinulungan ako ng kapatid ni hubby. Kinausap niya si hubby. Madaming nangyaring pagbabago na alam ko way ni Lord yun para isalba ako sa pagkakalugmok ko.  Nakakatulong talaga kung may mga mapagsasabihan ka ng mga hinaing mo sa buhay. Si hubby ganun pa din minsan. May mga immature moments! Hahaha! Keri lang! Basta kung kailangan tayo ang umintindi at magpaubaya gawin naten. Our husband will love us more and value us more pag nakita nila kung gaano kahalaga si hubby atkids para sa atin. :)
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #11 on: October 25, 2012, 05:36:35 pm »

shocks talaga sweetpumpkin?super sad naman kung ganun..buti na lang nalampasan mo lahat ng pagsubok.. sana pag dumating kami ng asawa ko sa pinakamabigat naming pagsubok sana makayanan ko din, may possibility din kasi na mag attempt ako mag suicide! naiisip ko na yan pero pag naiisip ko na maiiwan ang baby ko, natatakot ako para sa kanya baka pag mawala ako, baka kung ano na lang maging buhay niya. lakas na ng loob ko yung baby ko. nawalan na din ako ng tiwala sa asawa ko, actually before he got me pregnant nagloko siya, 2 na pala kami, ako? reserve niya. at ako pa ang inaway nung girl niya! sobrang galit ko sa kanya na pati mga friends niya halos isumpa ko na, i build frienship na din kasi sa circle of friends niya, pati sila iniiwasan ko na sa sobrang galit ko, dumating ako sa point na iinom na lang ako at iiyak, di ko na napapasukan ang masters subject ko.pakiramdam ko ang tan** ko at sobrang sakit ng ginawa niya! that was the 3rd time i feel rejected by him kaya ganun na lang ang galit ko, kasama ko uminom mga friends niya who sympathizes me, ayon hinatid nila ko sa house but naaksidente, i felt so guilty, but hesitated ako pumunta kasi alam ko andun si hubby but sabi ng frend niya umalis na daw so taht morning pumunta na ako, but 1 of our friend nagtext na may emergency daw sa boarding  haws need daw nila ako, pumunta ako not thinking na baka nandun ang hubby ko, nacorner nila ko, halos lumuhod ang hubby ko nun para lang kausapin ko siya at patawarin ko siya! pero eto akong si tan** mahal ko pa din pinatawad ko siya, but may mag conditions ako na nagawa naman niya he he to make the story short (short pa ba? ang haba na!;D ) pero lahat idinadaan ko sa dasal.. taong adoration chapel nga ako.
Basta kung kailangan tayo ang umintindi at magpaubaya gawin naten. Our husband will love us more and value us more pag nakita nila kung gaano kahalaga si hubby atkids para sa atin. :)
   
ano pa nga ba sis tayo naman lagi ang dapat magpauba at lagi umintindi sa kanila (unfair) but what can we do? mahal natin mga asawa natin! :) magpapaganda at aasikasuhin ko na lang.. got inspired by momsis out here and by reading fascinating womanhood! excited na nga sa pag uwi ni hubby from work, tumawag nilalagnat daw siya :( hihi
Logged
...i will always love you my precious one... <3

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
    • Gourmet coffee business
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #12 on: October 25, 2012, 07:23:51 pm »

hi sis. how long na kayo mag- asawa? ang lagi ko naririning na advice - never suggest a divorce / separation...kase at this point ineentertain mo na yung thought na mag-hiwalay kayo..there is a high possibility na mangyari po talaga yan...but, di ba sa wedings vows natin, til death do us part...so baka pwede pa magkaroon ng change of POV, kase yung committment mo to him is hindi buo.

minsan kahit kulang-kulang ang partner natin  :o, wag po natin iwan, kase kailangan po nila ng help...the wife is the suitable helpmate of the husband.
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #13 on: October 25, 2012, 08:12:27 pm »

me ba sis? 1 year pa lang kaming kasal.. sabi din ng mga friends ko nasa adjuting period pa din kami kaya ganon.. but nakakapagod din talaga.. kung maghiwalay go lang, i can provide my daughter's needs he he kasi kung magkaganon man di lang ako ang may kasalanan.. so unfair lang talaga na dapat ang mga wife ang laging magpasensya... but i am trying to work it out with me and my husband..okey naman kami eh..nakakasama lang ng loob ang pagiging insensitive niya... tao ka lang, babae ka lang.. di sa lahat ng oras okey ka mag isip at magpasenxa... if di buo ang commitment ko sa kanya, baka siya din ganon..baka nga nag aadjust pa kami from being single to married life!:D
thanks sis goodmornin.. :)
Logged
...i will always love you my precious one... <3

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #14 on: October 25, 2012, 10:23:30 pm »

oo sis adjusting period lang din yan tingin ko...:)
@sweetpumpkin congrats sa wedding

super tama lahat ng sinabi ng mga mommy dito, nakakainis mga hubby natin pero in the end mahal natin sila and mas nangingibabaw yun compare sa mga flaws nila.tao lang naman tayo lahat tayo ngkakamali, mas madalas lang sila :D
OT share ko lang, pag umuuwi si hubby from abroad sabi niya hindi na siya iinom kahit yayain siya ng relatives ko or friends niya pag nandun kami sa kanila, eto na yayayain na siya, hindi naman makatanggi ang loko, away na kami pero go pa rin siya, uuwi na sobrang lasing pero kahit galit ako reready ko na yung plastic incase sumuka,tpos pag hindi na shoot sa plastic pupunasan ko pa din siya kahit sobrang bigat niya papalitan ko siya ng damit or hinihila ko papunta ng kama para maayos higa niya..infairness sakin, galit pa ako niyan..hindi din natin talaga sila kayang tiisin hay:) swerte talaga ng mga asawa natin kasi naka jackpot sila satin mga mommies diba ;)
Logged
Pages: [1] 2 3 ... 5