Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Pages: 1 [2] 3 4 5

Author Topic: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?  (Read 83803 times)

sweetpumpkin

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #15 on: October 26, 2012, 09:31:00 am »

pero may mga relationships talaga na sa umpisa pa lang mali na.may mga separated couples din na naging okay naman buhay nila after separation.kaya lang ang down side e yung mga anak ang naapektuhan. kaya tama talaga ang kasabihan ng matatanda na ang pagaasawa ay di parang kanin na isusubo at pag napaso ay iluluwa mo.
ang parents ko kasi separated.bata pa lang ako.maganda na rin naging buhay ng mom ko with her partner now.ibang iba kumpara sa father ko.and i'm happy for my mom.kaso yung dad ko parang hirap pa rin tanggapin mga nangyari.parang ngayon gusto nyang ibalik lahat ng nakaraan.sising sisi sya sa lahat ng mga nagawa niya samen.
for me naman,minsan naisip ko paano kung hindi sila naghiwalay?ano kaya ang naging buhay namen? ang sagot naman ng nanay ko, baka daw hindi na kami nabuhay dahil hindi kami kayang pakainin ng tatay ko.my mom went away kasi para humanap ng kabuhayan para samen ng kapatid ko. at father ko naman nakahanap ng bago nyang pamilya.kaya ayun hindi talaga kinaya ng mom ko.kami naman magkapatid naiwan sa relatives ng mom ko.hanggang ngayon nagtatanong pa rin dad ko about my mom. mom ko naman ayaw na makibalita ng kahit ano about my dad.
kaya siguro ako ganito na gagawin ang lahat para sa pamilya.wala naman masyado "deperensya" ang asawa ko.lol! lahat naman tayo may "sayad/sapi" paminsan minsan.kailangan lang matutunan naten tanggapin ang mga kahinaan ng bawat isa sa atin. like ko po yun sinabi ni sis goodmornin, the wife is the suitable helpmate of the husband. may mga kwento na rin akong alam about old couples na grabe ang mga pinagdaanan sa buhay pero sa huli they stick together.
tulad kagabi,nagkasayad si mister. natlog kami na bwisit ako sa kanya.ayun kinaumagahan pinatawa niya ako.okay na bati na kami.hindi ko na dinidibdib mga pangbbwisit niya saken.tanggap ko na, na minsan may mga ganung eksena. :)
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #16 on: October 26, 2012, 07:21:34 pm »

@preciouslara

ha ha sis tama ka talaga dito lahat tayo may sapi minsan! tao lang kasi tayo na may damdamin at nasasaktan! ;D to the max din pala uminom hubby mo sis?at pareho talaga sila ng hubby ko na may times na pag nainom nasosobrahan at nagsusuka..pero eto tayo kahit galit inaasikaso pa din natin sila.. i guess love talaga ang dahilan ng lahat para magtiis tayo di ba? swerte talaga sila he he

sis sweetpumpkin sad naman broken family ka pala, hubby ko naman ang broken family, at sana di siya gumaya sa father niya. ang family ko kasi close family ties, parents ko love na love ang isa't isa kaya wish ko din ganon din kami ni hubby..tama ka sis dapat talaga na tanggapin natin ang mga flaws ng mga husband natin at habaan ang pesenxa..

thank ou mga sis... :)
« Last Edit: October 27, 2012, 12:34:13 am by toughmom »
Logged
...i will always love you my precious one... <3

goodmornin

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
    • Gourmet coffee business
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #17 on: October 26, 2012, 07:32:12 pm »

@babylove26 personally, the hardest part was the first 2 years. dun ako laging umiiyak. and may time na ngdoubt ako sa decision kong magpakasal, lalo na hindi naman full support yung family ko initially. tapos nagkamajor problem pa kame financially at the 5th month of our marriage....pero now 5 years of marriage, things have improved a lot. as in malaki po ang pinagbago ng asawa ko , and ako rin. so wag ka po mag-give up..it's not just about the finances.kase iba po ang impact sa bata ng broken family, i'm not saying na ipipilit talaga. pero super super super last resort na talaga ang hiwalayan. yung tipong, may abuse na or crimen na nangyayari (in my opinion lang po) . marami pa pong pwedeng mangyari -- for the better
Logged
Trick Photography and special effects http://www.specialeffectsphotography.net

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #18 on: October 27, 2012, 03:04:05 pm »

hi sis goodmornin :) dont worry sis di pa naman kami dumadating sa worst ng hubby ko, yun nga nag aadjust pa lang kami wala pa kasi kami 2 years na kasal pero almost 2 years kaming mag bf/gf... ang isa pang problem sa pagsasama namin is di ko feel ang MIL koh! sabihin ba naman na malas siya sa mga naging DIL niya! eh maldita ako, ayon umuwi ako sa parents ko, sempre susunod ang asawa ko sa amin ng anak ko, puro pakialam ginawa niya, while i'm cooking kasi nakabantay, kung ano2 sasabihin, pati pananamit ko papansinin, pati paglalaba ko, magpaparinig etc! hindi ako nagsasabi sa hubby ko ng mga ganyan niyang tira sa akin pero yun nung nag away kami ni hubby about going back to their house sinabi ko sa kanya lahat, iyak ako ng iyak, (eh kahit siya badtrip din sa mama niya kasi nga OA) di niya ako masisis kasi nga kahit siya minsan di din matiis ugali ng mama niya, but now i'm giving her a chance.narealize niya din  kasi mali niya, dahil sinabihan siya ng hubby ko. siguro yan ang mga unang pinag aawayan ng mga newly weds ang ugali ng isat isa at ang mga in laws... kami kasi ng hubby ko di agad nag uusap pag may problema, bigla na lang yan lalabas pag magkainisan na kami he he minsan nga iniisip ko din minsan ako ang may mali thats why we fight sometimes  :P pero i'm working on it na.. haay ang hirap din talaga ng may buhay asawa!he he
Logged
...i will always love you my precious one... <3

ironmaiden

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #19 on: October 27, 2012, 04:06:09 pm »

 ;D

hi mga sis.newbie po ako, hehe.this month lang naging member.
i like the topic, dami ko insights na natutunan dito. share ko din yung akin  :)
this december, mag-celebrate kami ni hubby ng 2nd wedding anniv namin. pero hulaan nyo ilang years kami naging mag-jowa bago ikasal .... (drum roll  ;D ) 10 years! tagal no, pero kasi dami namin considerations bago nag-settle down.panganay kasi ako and nung nagkawork na bread winner na ako, nagpapa-aral ng 2 kapatid. he has to wait and during the wait, super supportive siya sa lahat. from my studies, sa work. hatid sundo ako nyan para makatipid ako sa expenses, minsan he would show-up sa workplace ko just to give me lunch bigay daw ng nanay niya. sweet di ba?pero he's not perfect, may topak at sapi din siya minsan. nung mag-jowa kami, minsan nakikipag-break yan ng walang dahilan.imagine that?! ako iiyak na lang, pinipiga ang ulo kakaisip if i did or said something wrong. pero pinapalipas ko, kinabukasan (minsan days), siya na lalapit for us to fix things up. di rin naman ako perpekto, nagkasala din ako sa kanya (ayoko na sabihin kung ano, hehe) and i'm not proud of it. pero katulad ng ginagawa ko sa kanya pag may topak siya, inintindi niya rin ako. parang ganito lang, kung ano ginagawa ko at turing sa kanya, yun din ginagawa niya.  :D

ano ba sense ng mga sinasabi ko? sa akin, every relationship is a work in progress. may it be sa family, friends or special someone. you have to work together to achieve the same goal. lagi niyo lang iisipin saan kayo nagmula, pano kayo napunta sa kinalalagyan niyo ngayon at bakit kayo magksama sa kinalalagyan niyo ngayon. parang ang dali mga mommies di ba? pero, wala naman madali sa mundo eh. importante na you share the same outlook and god-centered kayo. do things together, kahit gaano kasimple (kain ng fishball, maghanda ng gamit ni baby etc..). pray together. sa mga away din, never bring back past quarrels (resolved or unresolved) at never na magsumbatan. kasi magkakasakitan lang kayo niyan.

sa mga inlaws, thankful ako na kasundo ko sila at love nila ako na parang tunay na anak. minsan they're annoying pero mas kina-count ko kasi yung good things kesa sa 'mantsa'.ayoko bigyan ng sakit ng ulo asawa ko (sigurado yun if di kami good terms ng in laws ko) and at the same time, mula ng maging couple kami, lahat ng mahal niya minahal ko na din.at ganun din siya sa akin.

di ako guru sa relationships, i'm sharing part of myself based sa experiences.
sa mga may problem o dumadaan sa pagsubok ang relationships pagdasal natin na maging ok yan.
nothing beats power of love and prayer  :)
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #20 on: October 27, 2012, 06:25:29 pm »

welcome sa SP sis ironmaiden :)

thanks for sharing...
ang tagal na pala ninyo ng hubby mo unlike sa amin na bago pa lang, wala pa nga kami 5 years ng hubby ko ha ha pero matagal na kami magkakilala pero di naman yun count dahil separate worlds kami!hahaha classmate ko siya nung 4th year HS at grade 6  ;D ;D

ako minsan di ko mapigilan na ibalik yung past misunderstanding namin he he pa ulit ulit ako hanggat di nakakaintindi ang hubby ko, so far effective naman siya, matigas kasi ulo ng asawa ko at immature pa minsan.. pero unti unti na oovercome na namin yun o ako lang, baliw kasi ko minsan hahaha but thanks God at understanding din ang hubby ko... nakakainis lang siya sa ibang mga bagay, nsabi ko na din sa past post ko dito he he pareho kami nagdadasal, pero hindi kasi kami same ng religion eh... sa aming dalawa hindi naman yan issue sa mga family lang namin pero di kami paapekto para wala na lang gulo..bigayan..

laging prayers ko na sana malagpasan namin lahat ng trials na darating.. ang pinakalove ko about may husbad, hes the sweetest!lagi akong may i love you at kiss he he
haay nobody's perfect talaga...
Logged
...i will always love you my precious one... <3

momchronicles

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 90
  • seafarer's wife, full time mom, part time blogger
    • View Profile
    • momchronicles.com
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #21 on: October 27, 2012, 07:01:10 pm »

May times ba na gusto kong hiwalayan asawa ko? So many times!   :) :) :)

I am a seafarer's wife and given my hubby's nature of work, I'm practically alone in raising our son.  Naku, for so many times, gusto ko nang humiwalay especially those times na nag-aadjust pa lang kami sa marriage namin.  I wrote about the lessons I learned in marriage on my blog post entitled A Wedding, A Wedding Anniversary, and Some Lessons Learned Along the Way.

Mga sis, I hope you'll take time to read it and find some marriage inspiration there.

Here's the link : http://momchronicles.com/wedding-wedding-anniversary-and-lessons-learned
:)
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #22 on: October 27, 2012, 10:20:01 pm »

@BabyLove26 naku ganyan din MIL ko nung simula, lahat pinapansin pati paghuhugas ko ng plato,paliligo,paglilinis etc...pero nung nagkababy na,bigla na rin nag iba, mas close na kami ngayon, meron pa rin sablay kung minsan, pero inaayos ko para wala na din gulo at maging masaya na lang lahat basta importante napatunayan na sakin ni hubby na whatever happen eh kami ni baby ang pinaka importante sa kanya, ok na ako dun ;)
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #23 on: October 29, 2012, 10:21:47 am »

sis preciouslara nagiging okey na din naman kami ng MIL ko..di na kasi kami sa house nila naktira kaya wala ng parinig rinig he he na i-stress talaga ko when she's around! yung SIL ko kasi sobra niya pagalitan at ipahiya..sa akin di niya magawa.. inis din ako kasi tumitingin siya sa itsura at katayuan sa life, buti na lang pala at may kaya kami, profesional ako at di sa pagyayabang maganda naman ako.. if katulad ako nung asawa ng BIL ko baka katakot takot na din na pagpapahiya ang naranasan ko...friend din mama ko at MIL ko kaya siguro di niya ako mabastos. at nagagalit din husband ko pag ako na ang ganunin ng mama niya. haay pagdadasal ko na lang siya. one time kasi sinabi din ng husband ko na di na niya alam gagawin niya sa amin ng mama niya hehe sabi ko naman basta wag lang niya gawin ginawa ng mama niya sa SIL ko dun kami magkakagulo.. so far so good naman. lately nagbibiruan na kami ng MIL ko, at alam ko pagdating ng araw magiging kakampi ko siya pagmagloko si hubby  ;D

thanks for sharing sis momchronicles..lahat talaga ng bago sa buhay may asawa may ups and down at adjustment..

share ko lang tong quote na to...

MARRIAGE HARMONY  FORMULA:
The master listened patiently to a wife complaining about her husband. Finally he said to her, "your marriage would be happy, my dear, if you were a better wife."
and how can i become a better wife?
"By not trying so hard to make your husband better."
-Anthony de Mello


tinamaan ko dito mga sis..
Logged
...i will always love you my precious one... <3

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #24 on: October 29, 2012, 03:25:04 pm »

i so agree with that sis...thanks for sharing, parang summary lang yan ng secrets of fascinating womanhood, ang mga lalaki kasi may sarili silang time kung kelan sila magbabago for the better,hindi natin yun pwede iutos sa kanila, dapat sila mismo eh maisip nila yun, kaysa problemahin natin mga pagkukulang ng husband natin, tayo na lang mag adjust sa kanila ;)
Logged

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 574
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #25 on: November 03, 2012, 05:11:02 pm »

like now....nangangantyaw kasi sya about my physical imperfections..though nagjoke sabi niya joke lang pero masakit pa din yon especially coming from him. trying hard talaga ako to please him pero i see it na hindi sya na please walang appreciation sa efforts ko kaya tumigil na ako.

recently naisip ko parati, what if i have letten go and moved on....when yong pain na binigay niya is so painful yong kahit gaano kasakit I still stood my ground and stood firm, whethered that storm alone....what if I broke my promise and walked away.

would have saved me this so much pain?
would have spared my heart?
would have lived a peaceful no stress life?
would i be happy with it?

yong mga thoughts na ganun, I cant answer those questions kasi I never did those thoughts...i stayed and looked the other way instead. hayst...
Logged

Karen Joy Macapasir

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
  • i love my baby and my hubby loves me!!
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #26 on: November 03, 2012, 08:00:50 pm »

^sis chococream pareho tayo ng iniisip..minsan nga din iniisip yung mga what if's na yan kaso in the end, ayaw ko pa din na maghiwalay kami kasi love ko siya, si LOVE ang laging reason...badtrip nanaman nga ako sa hubby ko kagabi, siya lang daw pwede umunan sa akin ako daw hindi pwede kasi kahit kelan daw di siya magiging parang unan!!! grabe i got offended talaga! super simangot talaga ko, di ko na siya pinansin pansin at tinatarayan ko talaga, ayon alam niya na yan yung pinagsisintir ko, naglalambing lang daw siya, grabe daw ako kabalat sibuyas! nakuh ang gawa ko until now di ko talaga siya pinapansin kahit tawag na ng tawag at text ng text (on duty siya now). nakakainis na. now nga kaya ko na siya i-take for granted unlike before na konting lambing, konting sorry okey na.. but now need niya din maramdaman at matuto sa mga mali niyang biro... di na pwede yung ganyan na lang lagi...

meron din naman hangganan ang lahat ng pagsasakripisyo at pasensiya...  ;D
Logged
...i will always love you my precious one... <3

chococream

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 574
  • without you life is without meaning baby
    • View Profile
    • Online Store
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #27 on: November 04, 2012, 04:09:20 am »

Hi naku sis BabyLOve26  tama ka. kahapon inis n a inis sya kasi comedya lang daw niya yon dali daw ako umiiyak pati ba  naman joke pinapalaki ko. sabi ko naman sa kanya iba n lang ang joke wag lang yong mga imperfections ko physically kasi alam niya na na frustrate ako sa pimples ko (ikaw b naman 3hours lang tulog gabi gabi) online kasi ako work e bsta meron binibuild na website tagal matapos at madami akong gustong gawin at iniisip. kaya nagkakabreakouts ako  yon bang sensitivity na nga lang sana same din naman kami nagsasakripisyo sya dun now sa germany supercold tapos nauulanan pa ako dito halos la tulog  kaka work yong tipong instead mangtyaw maglambing nalang diretso straight to the point na landi.

tama sis hindi naman porke e umuunawa parati, always nalang sya ang inuunawa...nakakainis na nakakabadtrip lang talaga balat sibuyas kung balat sibuyas below the belt na yong pangangantyaw niya. bakit if me yaya at maid lang dito sa bahay magkakatime din naman ako matulog buong araw at magpaganda parati sa spa ha, need pa bang i.point out na madami naakong pimple breakouts. inis n inis talaga ako
Logged

denise2214

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #28 on: November 04, 2012, 01:56:05 pm »

dati...suko na talaga ko..iniisip ko lang kc ang anak namin....9 years na kaming kasal...at ang masasabi ko..kailangan tanggapin lang natin kung ano ang asawa mo..at kung ano naffeel natin sabihin natin...d kc sila manghuhula at insensitive talaga ang mga boys...
Logged

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #29 on: November 04, 2012, 11:11:12 pm »

most of us here yata yung mga anak talaga ang madalas at unang kinokonsider eh noh mga sis.. hay....just like you mga sis ilang beses na ako nakakaisip manindigang umayaw na talaga.. may mga times na nararamdaman ko parang wala na ako ma-feel pa.. kaya madalas basa lang ako dito sa sp..paiba-iba kasi ihip ng hangin sa amin. hay....kung isa lang siguro anak namin at gnyan na din kalaki sa eldest ko eh malamang matagal na kaming wala. so frustrating.. :-\
Logged
Pages: 1 [2] 3 4 5