Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 2 3 [4] 5

Author Topic: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?  (Read 145172 times)

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 256
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #45 on: March 12, 2013, 10:12:57 pm »

^tama sis.. totoo yan. thanks so much for sharing sis. godbless!
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #46 on: March 23, 2013, 12:38:22 pm »

korek, thanks mommies sa mga sharing, marami akong natututunan dito.
Logged

xoxjanexox

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #47 on: March 26, 2013, 08:54:41 pm »

haha.. natawa ako dito hindi pala ako nag iisa.. haha.. mag sama sama mga nag sisi na nag asawa hehe..
Logged

BabeiLoveyou

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #48 on: April 03, 2013, 05:44:58 am »

Halos everday ko ata naiisip toh. Ha! Ha!
Logged

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 256
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #49 on: April 04, 2013, 12:54:23 pm »

@xoxjanexox: hahaha... talgang mga nagsisis ano. natawa ako dun sis!

ngayon medyo pumapasok na naman sa isip ko.. hay.. from time to time talaga.. lalo pag ramdam mong medyo masasagad ka na at parang wala ka ng maramdaman. :-\
ang hirap lang talaga gumawa basta ng move pag may mga anak na madadamay eh.  :-\
Logged

wendy.ravzz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 72
  • happy mommy of one boy & one girl!
    • View Profile
    • http://www.smartparenting.com.ph/ayenn.jpe
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #50 on: April 04, 2013, 01:18:30 pm »

 SO MANY TIMES NA!  ;D hahaha.. madameng reason eh mga sis! masyado kase syang mainitin ang ulo kaya madalas kame mag away/talo.. mabilis sya magalet sa kahit anong bagay siguro dahil na rin sa kinalakihan nyang pamilya na magulo at palageng may nag-aaway sa paligid niya nung bata pa sya..  :( kaya hanggang sa paglaki niya nadala niya yung mga bagay na yun.. pero minsan pinagbibiyan ko na lang para hindi na humaba pa at mauwi na naman sa mahaba-habang awayan.. kaso madalas, nakakasawa na at nakakapagod na kaya lage ko sya hinahamon ng hiwalayan!
Logged

syeldy05

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #51 on: June 17, 2013, 07:37:42 am »

Hi sis im newbie here,. Natutuwa talaga ko magbasa  ng mga thread dito sa sp., Kaya i decided to make an account na so i can reply,. hehe  Mahilig kc ako magsearch pagdating sa family matters eh,. Dami ko natututunan dito.. Btw, back to the topic. Yes, Sometimes, i fell out of love pa nga sa husband ko eh, Wala lang, minsan nafeel ko lang lalo't hindi ko gusto un mga ginagawa niya, Sometimes kc u need to be very vocal sa mga boys kc talagang likas na pagiging insensitive nla,. Lagi magtatanong kung anong problema pag di natin sila pinapansin,. Kaya ako, Once na magtanong sya, Sinasamantala ko na un pagkakataon na sagutin un tanong niya, Kahit pa medyo magkainitan kami atleast nasabi ko,. Parang ang hirap kc kung kikimkimin ko lang, ako lang ang maiinis tapos sya, wala lang.. Kaya lagi ko sinasabi sa kanya ang concern ko kahit medyo harsh pa un, 6 yrs, na kami nagsasama, were not married yet, ayoko kc magpakasal.. hehe syempre kilala na ko ng asawa ko at kilala ko na din ugali niya, pero minsan di pa din talaga maiiwasan un mag-away eh.. Dati nga, nun bago pa lang kami, syempre parehong bata pa kami, nagbabasagan pa kami ng mga plates sa house, preggy ako nun,. nainis kc ko lagi nagiinom, pero mga  3 years medyo nagmatured na nun lumabas na si baby,. Then lagi ko sinasabihan at pinapaliwanagan, Awa ng diyos, dahil na din siguro sa dasal eh nagmatured na din,. Minsan Same na talaga kami ng mga paniniwala., And ako na bosing sa hehe dati kasi hindi un nagpapatalo, as in nakikipag magalingan, now laging yes babe, Pero d naman ako nagtatake advantage kc alam mo na baka magsawa,. Basta pray lang sis,  madami pa kayo mapagdadaanan. At attempt na hiwalayan churva.. Pero when love is there talaga, i guess malalagpasan nyo lahat ng pagsubok na dadating sa inyo.. Have faith ! :)
Logged

riaaaaaaaa88

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #52 on: July 13, 2013, 04:53:37 pm »

Sadly, meron. Naiinis lang kasi ako. Feeling ko mas mabait yung asawa ko sa ibang tao kesa sa amin ng anak niya. Parang kahapon lang. Kasi pinapakanta siya sa event ng pinagtatrabahuan namin (eh yung mga insensitive na mga tao na taga-HR di man lang inisip na wala pang isang buwan yung anak namin, nakikiagaw pa sa atensyon ng asawa ko) so okay fine hindi ko kinontra kasi lagi nalang dialogue niya na nagagalit ako pag pinagpaparticate siya sa mga events eh hello. Ano ba uunahin niya, yung kanta kanta para sa ibang tao o anak niyang sariling dugo at laman niya diba, sobrang badtrip lang kasi kahapon, nag-asikaso ako ng change of status sa PRC (nurse kami pareho ni hubby) at nagpunta ako ng NSO para sa marriage certificate namin. tapos si hubby morning duty sa isang napakabenign na ward na walo lang ang pasyente, dalawa pa silang nurse. So anyway, sabay kami umuwi. Aba! Pag-uwi eh di man lang hinalikan yung anak niya. Derecho sa kwarto. I understand na baka naman may infectious silang pasyente sa ward so sinabi ko maligo nalang siya. Aba pag-akyat ko ng kwarto naghahalungkat ng mga minus one niya at pinapakanta daw siya  family day ng hospital. Tapos hindi muna ako nagsalita. Tapos naligo na siya. After ba naman niya maligo akala ko naman lalaruin niya na si baby o kakargahin man lang, sabi ba naman "naku, hindi pa ako nagppractice". Ay grabe gusto ko talagang magmura! Tapos sinabi ko na di niya pa nga nalalaro man lang anak niya, siya pa galit na kesho umaarte daw ako. Tapos sa gabi tulog lang siya eh kung tutuusin mas napagod ako sa kanya kahapon. Feeling ko talaga ako lang nagmamahal sa anak namin. Mas importante pa pala na ma-please niya yung ibang tao kesa alagaan yung anak niya. Kung ganon din lang eh palalayasin ko nalang siya dito sa bahay at dun siya makitira sa mga nagpapakanta lagi sakanya. Nakakainis kasi eh. Lagi ko nga sinasabi mabait siya sa ibang tao pero pag sa amin hindi. Kaya kung maglalabas man ako ng sama ng loob sa mga kasama namin sa hospital baka sabihin na umiimbento lang ako ng kwento kasi mabait ang pagkakakilala sakanya dun di nila alam iba siya sa bahay. :(
« Last Edit: July 13, 2013, 04:56:42 pm by riaaaaaaaa88 »
Logged

Shey♥Bry

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 131
  • • Happily Married• Proud Mommy •
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #53 on: July 22, 2013, 03:41:38 pm »

Yes, nung time na rumaragasa ang mga hormones after I gave birth kay bunso.. Inis na inis ako sa kanya kahit wala siyang ginagawang masama or ikakagalit ko! hahaha!
Logged
Wife and Mom

GorgeousChai

  • Newbie
  • *
  • Posts: 42
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #54 on: July 24, 2013, 09:21:13 am »

oo SAWANG SAWA NA KO SA MGA BISYO niya .. (can't concentrate here sa work) hayyyy . >:(
Logged

danegerous_429

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 525
    • View Profile
    • http://www.danerelente.blogspot.com
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #55 on: July 25, 2013, 11:46:02 am »

ako pag nag aaway kami!!

like as if that is the only way we can get  away with it



hahahhaa!! lahat pala ng mommies ganito minsan hehe
Logged


Please visit my blog http://www.danerelente.blogspot.com

your laughter is our happiness ,.,.,
kyla, nini and didi loves you so much ..,

matmat

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #56 on: July 28, 2014, 01:47:56 am »

Naiisip ko to na gusto ko nalang makipaghiwalay kay asawa kasi hindi ko gusto pamilya niya lalo na mga kapatid niya at ganun din naman sila sa akin though alam ko naman na hindi sila ang makakasama o kinakasama ko pero kahit na join pa rin sila eh kasi join sila sa sahod ng asawa ko hirap.

Parang sasabihin ng iba na mababaw na dahilan pero nararamdaman ko na parang hindi na ako masaya, I'm not loved, me and our children is not the top priority
Logged

jem.sexy@yahoo.com

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 255
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #57 on: August 05, 2014, 02:04:50 pm »

Bakit nga ba ganun

Mas mabait asawa ko rin sa ibang tao pero pag kami kami eh exact opposite naman hi3x.
Logged

surfermom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #58 on: August 20, 2014, 06:54:47 pm »

Nakakaaliw naman magbasa dito.. siguro napupunta tayong mga mommies sa site na to kasi pare pareho tayo ng nararanasan... Ako di kami kasal pero may anak kami and 1 1/2 years palang kami nagsasama at sa kanila ako nakatira..Mga in-laws ang kasama ko .. oh diba? Ang hirap hirap nung una mag-adjust lalo na pag ang asawa mo eh napakahilig uminom... buti nabawasan nung pagkapanganak ko pero biruin mo yun buntis ako.. alas 3 na minsan umuuwi and ako andun lang sa bahay ng tita niya.. eh jusko naman.. insensitive lang diba? madalas kasi yun.. tapos sa hormones natin madalas mainit ulo or bigla nalang iiyak... Tapos feeling ko mas naging malala pa nung nanganak ako.. 2nd day ko palang labas ng hospital , aba nagpapaalam ba naman na nasa labas daw mga kaibigan niya at mag-iinum sila celebrate daw nanganak na ako ! Imbes na atupagin kami ng baby ko at mahina pa ako eh nauna pa ang alak... Though ngayon naman na 5 months na si baby medyo bawas na siya sa alak pero minsan di talaga niya maiwasan... Sana dumating yung araw na kahit isang linggo walang alcohol sa katawan niya lalo na naawa ako sa katawan niya na baka anong mangyari sa kanya eh may anak na siya.. tapos siya pa magagalit sa akin dahil ang drama ko daw at marami naiisip...pero nakikita ko naman love niya anak namin inaalagaan naman niya pagkatapos ng work pero di na talga matanggal yung ibang bisyo niya.

Haaay ... mga mommies out there.. talagang minsan insensitive ang mga lalake.. lalo na sa mga importanteng okasiyon.. tayo ba talagang mga girls eh demanding? hindi ba simple lang naman tayo pasayahin...
Logged

JessieC

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: may times ba na gusto niyo hiwalayan ang asawa niyo?
« Reply #59 on: August 29, 2014, 08:21:47 am »

may time na susuko na talaga ko. ang ginawa ko eh hinayaan ko lang muna hubby ko sa kung anong gusto nyang gawin. at least may work ako na pampaliban ng probs tsaka umuuwi ako na masaya kaming naglalaro ng baby ko. then magugulat ka na lang kasi bigla kang mamimiss ng asawa nyo. siguro tamang space lang hinihingi nila. at the end of the day eh ako parin naman inuuwian :)
Logged
Pages: 1 2 3 [4] 5