Parent Chat

  • May 26, 2019, 06:07:15 am
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Smart Parenting is giving away awesome prizes twice a month! No purchase necessary. Click here to find out.

Author Topic: working abroad.  (Read 5560 times)

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile
working abroad.
« on: November 29, 2012, 07:40:44 pm »

Hi mga mommies., hihingi sana ako ng advice sa inyo.

I'm a first time mom. My daughter is 6 months old. I've decided na mag-work uli abroad dahil na din sa finacial problem namin. Si hubby kasi hindi ganon kalaki ang sinasahod niya. Dapat sya uli ang babalik sa abroad tapos ako dito with our baby ang kaso nagka-prob si hubby sa medical niya. Mahigpit kasi ang medical pag middle east ang target mo. Kaya sabi ko ako na lang tapos sya na lang dito para kahit papano may maiiwan na parent si baby. Nung tuesday na-interview na ako and naging ok naman. Pero syempre hindi ko pa din inaasahan pero kahit anong manyari kelangan ko talagang mag-abroad. Kung wala lang kaming utang sa credit card @ sa loan magtiyatiyaga na ako dito.

Ang iniisip ko ngayon, 2yrs after pa bago ako makakapag bakasyon kasi 2yrs ang contract. Ano ba ang pwede kong gawin para hindi ako makalimutan ni baby? Syempre pag uwi ko mga 2yrs old na sya baka hindi na niya ako maalala. Syempre masakit yun para saken. Inisip ko naman din na mas ok na sa age niya ngayon ang tamang time na umalis ako dahil nga hindi pa niya ako talagang maiisip.

By the way dito kami nakatira sa bahay ng parents ko with my mama and sister.

Ano sa tingin nyo mga mommies?
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 361
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #1 on: November 29, 2012, 10:46:53 pm »

ang hirap naman niyan sis, iba pa din kasi pag mommy kasama ni baby diba, pero kung no choice at kelangan talaga umalis, go na kasi para naman sa future ni baby yan diba, 2yrs contract mo sis, pero puwede ka naman umuwi after 1yr, ikaw nga lang sasagot ng pamasahe mo para atleast hindi naman 2yrs na hindi m makikita si baby diba, ganyan kasi ginawa n hubby dati nung unang alis niya eh...mahigpit talaga medical sa middle east pero kahit saan naman ata mahigpit na talaga sa medical, si hubby ko nga nung nagpamedical, medyo mataas yung creatinine niya ata, niresetahan lang siya supplement buti naging ok naman kaya nakabalik ulit si hubby..lagi na lang kayo mag skype ara lagi ka pa din makikita at maririnig ni baby...goodluck sis, pray lang lagi :)
Logged

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #2 on: November 30, 2012, 02:38:01 pm »

Hi sis, thanks sa reply!

Mahirap kasi sis yung kay hubby kasi sa heart yung sa kanya may arrythmia sya (irregular heartbeat). Actually sis ex-abroad na din ako kaso dalaga pa ako nun kaya ok lang. Pag naka ipon siguro ako sis ita-try ko yung mag-emergency after a year kasi pag nasa loob ka pa ng 1st contract may ban di ba kaya pati yun need pag-ipunan. Sana nga maging maayos ang lahat kahit malayo ako.
Logged

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 582
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #3 on: November 30, 2012, 09:10:28 pm »

^sis san ka sa middle east pupunta?

basta lagi kalang tumawag at mag-online sis!Skype,YM,etc...!
hanggat maari kapag mag-online kayo yung gising si baby
para lagi ka niya nakikita ,at makikita mo rin sya...ganun lang muna,wala naman
kasi ibang paraan eh...kailangan talaga tiis-tiis lang para naman sa kanila eh
« Last Edit: November 30, 2012, 09:13:59 pm by XiansMam »
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

macon

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #4 on: November 30, 2012, 10:33:21 pm »

constant communication lang sis. pero paguwi mo hindi ka pa rin niya kilala unless na nkasama ka niya in person. pero dont worry kc ilang arw lang makikilala ka din at kusa ciang lalapit sau. para sa kanya din naman kaya ka aalis. gudluck sau :)
Logged

macon

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 54
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #5 on: November 30, 2012, 10:40:56 pm »

my husband and my bayaw pala is a seaman. kaya i know the feeling although umuuwi sila yearly kc 10 mos or less lang yng contract di pa rin sila kilala, kahit nkakausap lagi sa skype or ym.
Logged

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 582
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #6 on: November 30, 2012, 11:14:24 pm »


^naiilang sila sis,
pero kung lagi nila naman nakikita at nakakausap
naalala nila yun...hindi pwede hindi di makilala...natatandaan nila mga nakikita nila.
yun nga lang naiilang sila/
nahihiya/
natatakot/
nag-aalangan...mga ganung feeling lang...nasayo na yun pano mo alisin sa anak mo yung ganong pakiramdam.
kasi ganyan na ganyan ako dati... diko nakasama parents ko hanggang paglaki,
pero kilala ko sila,natatandaan ko sila
yun nga may gap talaga,lalo pa di naman sila gumawa ng paraan para maalis sakin yung pakiramdam na yun.
naging ok nalang ako sa kanila ngayon nalang may edad na ako kasi ako nalang umintindi sa bagay-bagay!
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 361
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #7 on: December 01, 2012, 01:14:00 pm »

@little lantern, dont worry too much sis, matatalino na mga bata ngayon, tama yung ibang moms, may paninibago sa simula pero hindi ka makakalimutan ni baby, as long na may mga picture mo na nkadisplay sa hows nyo, lagi ka niya makakausap sa skype para atleast marinig boses mo, and palakihin lang si baby na laging pinapakita sa kanya kung sino mommy niya...goodluck sa work mo sis
Logged

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #8 on: December 05, 2012, 09:00:11 am »

Hi mga sis, thank you sa mga reply nyo ah sobrang na-appreciate ko talaga. Bukod kasi sa husband ko dito lang ako sa sp nagbabasa-basa. Ma-drama din kasi ang buhay ko lalo ngayon. Ahaha. Wala din kasi akong mga friends na masabihan at makwentuhan ng mga plano ko maliban sa asawa ko. Simula din kasi nung nag-resign ako sa work ko wala na din akong balita sa mga ”so called” friends ko. Kaya minsan puro ka-dramahan lang naiisip ko. Hehe. Iba pa din kasi yung talagang mga kaibigan ka na mapagkukwentuhan. Minsan ikaw halos higit pa sa kaibigan kung ituring mo sila pero para sa kanila isa ka lang palang katrabaho. Haist.

Sensya mga sis ah out of topic na tuloy ako.

Papunta pala akong saudi sa taif. Actually wala pa din akong balita dun sa agency kung selected ako.
Logged

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 163
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #9 on: December 05, 2012, 10:30:21 am »

Hi sis little lantern, ok lang to work abroad bsta constant communication lagi skype chat at call para alam baby m yung hitsura at boses mommy niya. Yung 3 bro ko working abroad din yet lahat ng mga anak nila makatatay kahit pa sa skype lang sila ngkikita at naguusap. Mahirap talaga ang working abroad, actually hindi advisable pag my baby kn however sobrang valid reason naman yung sayo kelangan talaga at higit sa lahat para ky baby. Ex abroad din ako pero nung magasawa at mgkababy never na ako bumalik kahit pa sobrang liit ng sweldo ko dito nung work ako. All the best sayo at sa family m.
Logged

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #10 on: December 05, 2012, 01:28:24 pm »

Thanks sis sangolko  :)! Una sa lahat sana ako na talaga yung mapili, hehe! tatawagan na lang daw kasi ako ng agency 2nd week this December. Kung papalarin ako by January ang alis ko. Nakakalungkot lang kasi wala ako sa 1st birthday ng first baby ko. Pero wala naman din ako magawa kasi kailangan ko lang talaga umalis.

Sa mga mommies na nag-reply saken maraming salamat sa inyo. Please pray for me.  :)
Logged

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 582
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #11 on: December 10, 2012, 01:44:09 am »



^uhmmm....malapit  sana tayo,jedda lang kami eh or nasa city lang kami....hehe
kung sa pilipinas parang nasa Manila kami (jedda) tapos nasa Baguio ka/ (Taif)
maganda dun malamig sa Taif parang Baguio nga jan sa atin :P hehe medyo malayo lang talaga sa city.
pero puntahan ng mga tao yan pag gusto mag- unwind maliban beach :)
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

little lantern

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 67
    • View Profile
Re: working abroad.
« Reply #12 on: December 10, 2012, 02:05:55 pm »

^ah talaga sis nasa kasi ka pala. Actually may pinsan ako nasa Jeddah din sa National Guard sya nagwo-work. Ipapasok nga niya ako kaso sa ngayon wala pang hiring. Sabi nga niya ang Taif parang Baguio kaya laging malamig. Before sis nag saudi din ako pero sa Dammam naman ako, sa hospital ako nag-work :).
« Last Edit: December 10, 2012, 10:38:26 pm by toughmom »
Logged