Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: Starting to Hate My Stepson  (Read 5287 times)

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Starting to Hate My Stepson
« on: December 03, 2012, 08:57:22 pm »

Hi Mga sisters!  Pasensya na kung magve-vent out ako ng sama ng loob dito.  Yes, just like the headline, I am beginning to hate my stepson...  Is this the wicked stopmom syndrome kicking in?

Ganito kasi yon... The stepson is my husband's love child from a previous relationship.  Nung hindi pa kami married ng husband ko, napag-papasensyahan ko yung bata, although I already saw that he was being spoiled by his Dad (husband ko na now).  In-accept ko na nga na magiging secondary priority lang kami ng anak ko if magkatuluyan man kaming dalawa...  Simula nung kinasal kami at nagsama, pinakikisamahan ko naman yung bata ng maayos.  Tinuturing ko ngang anak ko... Inaasikaso, iniintindi, yung mga ganon....  Actually, pinapalaki ko sya the way pinalaki ako ng mga parents ko.  Medyo strict nga lang kasi disiplina kami ng husto ng mga magulang ko.  Alam kong ramdam ng bata yung difference namin ng Daddy niya ng way of upbringing.  Kase naman hindi kami talaga nagkasundo at nagkausap ng husband ko kung papano ang gagawin naming pag-a-upbring sa mga bata... 

Anyway so ganun nga... umpisa ok ako sa bata although I was already pregnant nung ikasal kami ng Dad niya...  Nagkakaproblema na ako ngayon having my own son now...  Lumalaki kasi sobrang spoiled nung stepson ko sa Daddy niya.  Eh ako, sobrang ayoko kasi sa isang batang spoiled.  Mapakamag-anak or anak lang ng kaibigan ko yan, basta ayoko sa isang batang brat at spoiled.  Kaya sobrang dinidisiplina ko rin yung sarili kong anak at talagang mine-make sure na hindi magiging spoiled yung anak ko... Kung awatin ko nga ang nanay ko sa pagspo-spoiled sa anak ko eh sobra sobra...  Tapos itong stepson ko parang by the minute lalong nagiging spoiled!  Nakakairita talaga! 

Pinakikisamahan ng maayos ng mga magulang at kapatid ko itong stepson ko ha, bilang temporarily kaming nakatira dito sa bahay ng parents ko dahil buntis ako at malapit na rin akong manganak.  Pero despite that, itong stepson ko eh sumosobra sa pagiging spoiled!!!  Nakakakulo na ng dugo!  Hindi ko alam kung napaglihihan ko sya pero dumating kami sa point earlier this year na palagi ko syang pinagagalitan at ang init talaga ng dugo ko sa kanya!  Palagi kaming nag-aaway dahil ayaw niya akong sundin at hindi sya maawat minsan sa kakulitan niya.  Pigil na pigil talaga ako pero gustong gusto ko nang syang patulan.  Feeling niya kasi siya ang may authority dito sa bahay, palibhasa sa Daddy niya, lahat ng gusto niya eh nasusunod.  Imagine, namamanduhan niya ang husband ko even at the age of 4 (but he recently turned 5).

Nakakagigil talaga kasi sa sobrang spoiled niya, sobrang damot niya!!!  Lalo na sa anak ko!  Mapa toys or clothes or food, ayaw nyang hinahawakan ng anak ko!  Lagi syang naka "THAT'S MINE!!!!"  Tapos aawayin pa niya yung anak ko!!!  Most of the time, intentional yung pananakit niya, palibhasa mas bata at maliit yung anak ko...  Aware ako na usual ang mga away bata sa magkakapatid, pero iba namang siguro kung dahil sa kadamutan yung mang-aaway ka at hindi kapatid ang tingin mo sa kapatid mo.  Binibigay naman sa kanya kung anong kailangan niya at hindi sya dine-deprive dito sa puder ng mga magulang ko, pero pambihira lang ang pagkamadamot niya at pagka-spoiled.  Sobrang self-centered ng batang ito!!!  At a very young age sobra ang akala niya sa sarili niya!  Feeling niya siya lang ang bata dito, sya lang ang special...  Sya lang ang the best.

Sabi ng sister ko, kulang lang daw sya sa pansin... Pero sa tingin ko hindi dahil sa kasi sya dahil wala sya sa totoong mommy niya eh...  I think he's become so self center and conceited that we wants ALL ATTENTION TO HIMSELF!!!  Grabe sya mag-tantrum ngayon!  Sya pa mag ganang manakot sa mga worse things na gagawin niya kapag hindi nasunod ang gusto niya!  Imagine that from a 5yo boy!!!  Hindi ba nakaka-init ng dugo!!! 

Sobrang patawarin ako ng Diyos for being like this!  Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin kong pakikitungo na sa batang ito!  Hindi ko na lang sya pinapansin para lang hindi ko sya mapagalitan or masita or mapalo, etc...  Ilang beses ko nang in-air out sa husband ko yung mga issues ko sa anak niya pero it seems that hindi nagsi-sink-in sa kanya...  dahil mas atupagin pa niya ang pakikipaglandian niya sa officemate niya kesa asikasuhin itong pamilya namin...  Hindi ko na rin alam kung pano ko pa kakausapin ang asawa ko about this...  :(

Grabe lang ang pagko-consider kong makipaghiwalay na lang sa asawa ko para lang wag akong makagawa ng hindi maganda at mailayo ko yung mga anak ko sa hindi magandang impluwensya ng kapatid...  Ayoko kasi may kasamang spoiled na bata sa pamamahay...  Nawawala talaga ang pasensya ko...  help PLEASE. 

Kindly shed some light to my clouded mind.  I've been praying naman pero I gotta do something pa rin diba?  Pasensya ang haba ata nito :)

Mod's note:
Here's What You Say When Your Child Tells You 'I Hate You!'

Read it on Smart Parenting. Click this link:
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/what-to-do-when-your-child-tells-you-i-hate-you-a00026-20171215

Post a question about this topic or share your experience. 
Login or register to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie upon registration or membership update.
« Last Edit: December 17, 2017, 04:51:27 pm by Mommyjazz »
Logged

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 626
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #1 on: December 03, 2012, 10:48:50 pm »

Kausapin mo si hubby mo sis. You can still modify the child's behavior. Don't give-up. Defense mechanism lang niya yan. Btw, nag-stay din ba yung stepson mo sa mom niya? Pwede din kasing contributing factor 'to with regards to the child's behavior. If I may share lang, yung daughter ko is medyo spoiled din sya when it comes to attention and sa mga "wants" niya but in a positive way. Dahil lagi siyang meron, she learned how to share and she's very generous. Usually kasi yung mga nagdadamot, sila yung deprive.

Just my two cents.
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #2 on: December 03, 2012, 11:32:55 pm »

Sis, I understand that you're upset and with good reason. However, yung mga bata, at that age, pwede pa yang ma-convert for good. Let me share an example. My niece was such a problematic child, spoiled, cry baby, and very difficult. When she stayed with us, she's the epitome of little rebel. We used to fight a lot because i'm trying to break her 'horns'. There's not a day na di kami nag-aaway. One time, something broke. Upon hearing the noise, my mom immediately 'assumed' that it was my niece who broke it, kasi nga, puro kalokohan eh. I defended her from my mom, and told her that it's not automatic that if something is wrong, that she's the culprit. My niece was far from the scene and at that time, with me, so I could vouch for her innocence. From then on, she listened to me more and eventually, I was able to break her 'horns'. Be patient sis. Win his trust. Be consistent, firm, but fair. Talk to your husband that parenting styles should be uniform so as not to confuse the child. Seek professional help if you feel too burdened.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

mrs_mv

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 53
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #3 on: December 04, 2012, 12:13:05 am »

In my opinion, you should talk to your husband about it. Usapang pamilya yan, whether totoong anak or step son dapat pareho ang disiplina ng mag-asawa. Mahirap yung may bad cop at may good cop. Especially if you have this "special" set-up. Dapat maramdaman ng bata na hindi sya iba. Tingin ko kasi, kaya nagiging madamot sya kasi he felt that's the only thing he has. Spoiled naman sa hubby mo to compensate what he cannot give. Madalas kasi bagay ang binibigay natin sa bata kahit atensyonno pagmamahal lang ang kailangan nila.
Logged
"There is only one pretty child in this world and every mother has it."

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #4 on: December 04, 2012, 01:35:23 pm »

Hi, just want to pitch my two cents in...  :)

Siguro at five years old, nasa stage lang talaga yung stepson mo na makulit, magulo, madamot at nagtatantrums. Ika nga e, lilipas din ang stage na yan. Pero tama din nga na kelangan din niya ng tamang disiplina para hindi lalaking spoiled at selfish. And for that, you need to talk it out with your hubby how to properly discipline his son.

I'm no expert, pero hindi kaya manifestation lang din ng fear at insecurities niya (your stepson) yung attitude niya na attention-seeking at nagdadamot? Maybe he's feeling alone and friendless,and maybe even envious of your own kid -- imagine, siguro naiisip niya na "buti pa ito may mommy, ako wala" or worse, "buti pa sya, love sya ng mommy niya, ako hindi." Tapos may kahati pa sya sa atensyon at pagmamahal ng daddy niya. Di ba tayo ngang adults, nahihirapan din mag-process ng ganyang issue, e di lalo na yung bata na hindi pa niya naiintindihan ang nangyayari sa kanyang paligid?

Siguro just be more understanding and patient sis...  :)
Logged

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #5 on: December 04, 2012, 11:00:11 pm »

I'm really trying my best to be patient and understanding. Minsan nga iniiwasan ko sya just so di ko sya mapagalitan or masabihan ng hindi maganda or mapagpakitaan ng pagkainis sa kanya. But the thing is we gave him attention naman before, kaya lang syempre now may younger brother na sya at magkakaroon pa ng baby sister. Sobra ngang attention from his dad eh, kasi nafeel ko yung 2nd priority lang kami ng anak ko for a time. Minsan nga hanggang ngayon nafi-feel ko yun eh. Pero parang gusto nyang sa kanya lang lahat lahat. Attention, care, material stuff... At parang competition pa ang tingin niya sakin at sa anak ko. At minsan may pagpapakitang tao syang ginagawa, na kunyari good sya sa bro niya, kunyari ishe-share niya yung toys pero panggugulang naman yung ginagawa niya kasi older ones yung pinahihiram niya or makikipagpalit sya ng mas nicer toy... Palagi ngang kung ano meron sya meron din yung bro niya and vice versa, but he would always want and seek acknowledgement from people that he's got the better, cooler or nicer toy or stuff. Gusto niya sya laging bida... He'd always, as in always, talk louder than anybody else. He's not being taken forgranted at all. Alam ko hindi healthy yung lagi kang bida eh or winner or nasayo lahat kasi pagtanda niya, that's not always the case diba? So worried din ako of his future.

Fact is eventually pati mother, sisters and brothers ko, even the yayas napansin din yun sa kanya eh.

Another thing is hirap din akong makipag usap sa husband ko about this. And he's the kind who'd talk about movies or tv series than something serious like this... Ano bang magandang way na sabihin 'to. May pagkataklesa din kasi ako just to express myself clear.
Logged

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #6 on: December 05, 2012, 04:13:35 pm »

You mentioned:

"Ilang beses ko nang in-air out sa husband ko yung mga issues ko sa anak niya pero it seems that hindi nagsi-sink-in sa kanya...  dahil mas atupagin pa niya ang pakikipaglandian niya sa officemate niya kesa asikasuhin itong pamilya namin...  Hindi ko na rin alam kung pano ko pa kakausapin ang asawa ko about this...  :("

I think you have more serious issues na dapat intindihin kesa sa step son mo.
Logged

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #7 on: December 05, 2012, 04:36:48 pm »

^This. Maybe the (deep-seated) issue is between you and your husband. It appears that there is a lack of communication, kung hindi ka makapag-open sa kanya, or hindi niya ma-process ang mga bagay na ino-open mo.


Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #8 on: December 05, 2012, 07:12:26 pm »

^ I agree. I got bothered nga with your statement nga about the "pakikipaglandian with his officemates" statement eh.  What makes it more hard for you, if I may, is the fact that you feel that you're the only parent, "parenting" the child, and your children. He doesn't want to interfere nor face the issue.

Sadly, men are like that. They fear confrontations especially if they feel na mali naman sila, pero they don't want to do what is right, kaya they need 'distractions' ---- such as pakikipaglandian sa officemates. Men will gravitate towards persons or situations that will make them feel happy or better.

I remember yung neighbor ko. Theirs is a good lovestory na sana, kung di pa sila umuwi from abroad and tried to build a life here sa Philippines with their kids. In their combined 'new' family, the dad had one child, and the woman had initially 2 and then, 3 children. Mom stayed at home, on the context that she will take care of the kids and the house. Dad supports all the persons at home, even the mom and her 3 kids. Sadly, nag-corrode yung relationship nila, because the mom favored her children more, and was treating her 'stepson' differently. I'm not saying this is the same as yours ha.

What I meant is that, when parents have previous children from past relationships and try to live with the new one, a big part of their decision on whether to stay or not to stay with the second partner, is how other is treating her kid/children, or if they are getting along.  If the previous child could not be sent away to live with another relative, there will be a silent competition, and comparing of notes on how you parent a child.

I am a parent but unmarried, and a very significant part of my decision on marrying or being with another person, is how he would respond/treat my child. Mahirap kapag may kids, kapag may mix, especially kung di ikaw ang kinagisnan na parent. Mahirap din kung di consistent and uniform ang rules.

Try to talk it out with your husband in the way that you know would work.  Only you knows this. This is still a marriage, and yours is a family imbued with bonuses. I'm sure you will fight not only to make your marriage work, but to have your 'extended' family, as happy as possible. Hinga lang. I think you are overwhelmed, not only with your stepson, but that of your husband. Pray. God bless.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #9 on: December 05, 2012, 11:07:25 pm »

i think "hate" is such a strong word to use, to hate a child regardless how kulit,stubborn he is, thats not right...maybe you're just annoyed or nadidismaya ka lang sa mga nangyayari diyan sa house niyo, plus the fact that your pregnant totally ads sa mga nararamdaman mo...no offensement sis, pero feeling and thinking that way towards a child who's only 5 plus the fact na anak siya ng hubby mo sa 1st relationship niya,siguro hindi mo napapansin pero even ikaw nakikipagcompete sa kanya or tinatrato mo siya na kakumpetensiya nyo ng mga anak mo sa hubby mo,...may i ask sis, puro kasi kamalian nung bata nasabi mo, ni minsan ba wala kang nakitang maganda na ginawa niya?and how long na ba siya nagsstay kasama niyo, do he sees his mom regularly?lahat kasi yan nag aad up sa ugali ng bata eh..baka naman kaya nagiging ganun siya kasi feeling niya bukod sa dad niya eh wala nang may ibang may gusto sa kanya, and i dont think na tamang iwasan mo siya, kasi he wouldnt understand that, mas lalo lang siyang magpapapansin sayo since ikaw yung lagi niyang kasama sa house kasi nasa work dad niya...and kahit pa sabihin natin na mahal mo siya and you want the best for him, iba pa din pag nanggaling satin yung bata, kahit pano mas lamang yung nanggaling satin kaysa sa anak ng iba diba?baka naman kaya naiinis ka sa kanya kasi he's a reminder na may nauna sa inyo , and natatak na sa isip mo na 2nd lang kayo...pero tingin ko sis, tama yung ibang moms dito, unahin mo muna yung sa hubby mo, nakakabother talaga yung comment mo na uunahin pa niya pakikipaglandian sa iba...tingin ko mas malaking problem to..
Logged

KVsmommy

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 477
  • Living a full life as a WAHMmy. :D
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #10 on: December 06, 2012, 09:24:55 am »

platinumangel: My husband has a nephew and a niece, and their Dad annulled the marriage to their mom and then married somebody else. Ngayon may bago nang anak yung Daddy nila, and they are left in the care of my mom-in-law. Very much different ang case nila sayo, in the sense na hindi naman sila nakatira sa tatay nila. Pero I noticed na the kids, especially the boy (who's the eldest) is growing up to be somewhat the same as your hubby's stepson. Not really as in extreme spoiled, pero ganun din sya - always wants his way, napakahirap pagsabihan, stuff like that.

So it's really possible sis na sabi nga ni sis eloytski, manifestation ng fear and insecurities niya yung ugali niya. He's growing up 'incomplete' eh, hindi buo yung pamilya niya as he knows it (his mom, his dad, and him), and here's a stranger with another stranger (your baby), barging into his life and telling him what to do, how to act, not to mention taking all the attention his dad once had for him. Tapos you guys are living pa with your family/parents, so that's another set of strangers that he has to deal with. If you were in the shoes of that 5-year old kid, imagine how overwhelming that can be. It's not surprising that his defense mechanism is to be, as you put it, 'self-centered' and 'want all the attention to himself'.

While of course I do understand where you're coming from,  mahirap mag-alaga talaga ng batang spoiled, lalo na kung hindi mo naman anak (naturally, hindi pareho yung level ng 'tolerance' mo for your kid and another that didn't come from you. siguro dahil wala kayong biological ties), tapos you have your own child to raise pa din (a baby at that, so double the effort pa din). But, I hope you do understand that your husband's stepson is FIVE YEARS OLD, and like other moms here said, 'breakable' pa ang 'horns' nyan, you just have to be very patient dahil iba ang kaso nung bata, he's not 'naturally' part of your family so it's doubly challenging for you and for him too.

Step outside of the picture even for just a moment, para makita mo yung entire picture and look at it objectively. Don't harbor that 'hatred' for your stepson, it will eventually eat you up and make you truly the wicked stepmom - gusto mo ba yon? You already called him 'self-centered' in your post sis, siguro super galit na galit ka lang as you were typing that, but I hope you do realize this is a FIVE-YEAR-OLD kid you're calling 'self-centered'. He's only had five years in his life sis, some of which he spent a good deal figuring out why on earth his mom and his dad are no longer together, and why he has to live with an entirely different set of people aside from his dad. Even for adults, it's difficult to deal with that situation. What more for him?

And yeah, talk to your hubby about it. If he's the kind who doesn't listen or deal with issues,shake him up (literally or figuratively.hehe). Hindi puwedeng ganyan for life. Ano sya, nag-anak lang tapos tapos na - kaw na bahala magpalaki? He's every bit a part of parenting his child, lalong-lalo na to his five year old. That kid needs more of HIM now more than ever to get him through all the changes in his life. Feeling ko sis, if your hubby is just a bit more helpful with parenting him (with you), hindi magiging ganyan ka-overwhelming ang responsibility for you. :)

Just my two cents sis (ang habang two cents.hehe)... hope you take into consideration all the advice in this thread, they're all really helpful in your situation. :)

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #11 on: December 06, 2012, 03:29:26 pm »

Thanks again mga sisters.  Marami kayong tamang points na mostly eh ginawa ko na and kinonsider ko na like thinking na lilipas din yung mga bad ugali niya kasi 5yo palang sya and nasa certain stage and phase lang sya of his growing up years.  Sinubukan ko na ring mag-reflect na baka ako din mismo nakikipag-kompitensya sa kanya, etc... We'll napakarami kong instances na nag-giveway para sa kanya just so he wouldn't feel na inaagawan ko sya sa Daddy niya, pero naging asawa ako ng Daddy niya eh... Hindi naman ako ni-hire para maging mommy niya... 

@preciouslara - my stepson was never with his real mom...  3 or 4mos old palang sya nandun na sya sa Dad niya and that's the time na naging boyfriend ko ang Daddy niya...  Siguro now, wala pang 10 or 20 times na nakasama ng stepson ko yung real mom niya.  When he was about 2 1/2 yo, nun kami kinasal ng Dad niya and immediately bumukod na kami ng husband ko.  We had our own place before for about a year and a half, so naging practise baby ko din sya kase pregnant palang ako nung time na yun...  Pero naalala ko, sobrang attached na sya sa Daddy niya.  I even went through the transition na from "tita" to "mommy" ang tawag niya sakin eh...  Ang magandang ginawa niya before?  Well he was sweet dati, pero parang one of the yayas or people around the house lang din yung treatment niya sakin.  Nung mag 3 and 4 sya, dun lang halos naging mother figure ako sa kanya...  Well pakiramdam ko, nun niya lang ako natratong mommy niya kasi nagkaroon na sya ng playments na neighbor namin...

Ofcourse I dont want to harbor that hatred feeling kasi hindi naman ako ganung klaseng tao...  Sobrang nahihirapan lang ako sa sitwasyon ngayon kasi alam kong dapat wala akong ganung feeling.  Naaalarma ako sa sarili ko...  Well i think now nag-escalate lang yung reaction ko sa kanya, sa stepson ko, nung time na nagkaroon kami ng cheating issues ng husband ko...  I think nadamay ko sya.  And lalong naging grabe nung nabuntis ulit ako at mukhang napaglihihan ko pa sya kasi sobrang init ng dugo ko sa kanya during my first to 2nd trimester.  I think result nga ito ng mga changes sa family namin and ako lang ang nao-overwhelm coz maybe I'm taking this more seriously than usual.

Regarding my husband.  Sorry mga sister pero nag-give up na ako to seek for his help.  Kaya nga sa mga bata na lang ako nagko-concentrate eh...  Kasi para akong isang issue na he doesn't want to tackle with kaya bina-brush off na lang...  Naku malaking gulo ang nangyari samin re:flirting and cheating, which I'm not sure if until now is ongoing pa rin.  O diba ang serious lang ng mga issues ng family namin pero parang wala lang sa asawa ko...  He's the type na ayaw ng hassle sa buhay so parang ako yung nahihiya sa mga anak namin at sa mga tao para sa kanya, kasi diba hindi laro ang pagkakaroon ng pamilya?  Imagine nung one confrontation and clarification time namin kasi nahuli ko na naman sya, tinanong ko sya bakit ba ginagawa niya yung lokohin ako, bakit hindi niya na lang ako hiwalayan tutal ayaw niya namang itigil kung anumang level ng relationship sila nung officemate niya eh.  Ang sagot ba naman eh kailangan niya daw ng diversion, at that diversion daw give him sanity...  So boom diba?!!!  Parang our family or I makes him insane and crazy, and that woman gives him sanity...  So with that I gave up on him na.  Sa mga bata na at sa sarili ko ako naka-concentrate ngayon.  Don't even think na ako yung type na nagger, skandalosa, reklamador etc... I'm not...  Although lumabas ang sungay ko nung malaman kong niloloko ako ng asawa ko, mga 2010 yun nagsimula...  Imagine, nagpapaka-ina ako sa mga anak niya tapos he's playing around behind my back?  Ganun dati... 

Pero ngayon parang nag-sisimula ulit kami from the start ng hindi man lang kami nag-usap ng malinaw tungkol sa mga bagay bagay....  Parang keber na kung anong status ng relationship namin basta asikasuhin na lang ang mga dapat asikasuhin...  How sad diba?  Nakakatakot lang ang future...   How pathetic my life is diba? 

Anyway, may sablay talaga sa communication eh... Hindi ko alam how else to address that kasi lahat na ata ng style of approach ginawa ko na and I ended up nowhere...

Ako na lang ang nagpapa-pressure ng ganito sa sarili ko kasi gusto kong umayos ang family ko.  So hahabaan ko pa ang pasensya ko kahit most of the time eh wala nang natitira...  I hate to admit pero ia-admit ko na rin na nagkamali ako sa naging desisyon kong piliin tong husband ko....  Well sabi nga nung iba, I knew from the start what my life is gonna be like getting involved with a guy na may sabit...  Truly tama sila...  Mali ko na akala ko maiiba ako :(  Anyway, that's life...   Still doing my best to have a positive attitude and outlook in life.  Lesson learned the hard way, ika nga nila...
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 988
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #12 on: December 06, 2012, 06:04:39 pm »

Mommy Fe of SP moms, conducts marriage counselling, which they were a successful products of. I don't know the costs and the details, you can pm her.  There's nothing to lose, di ba? I believe, there is a reason that your husband married you.  He got the first girl pregnant (mom of your stepson), but he didn't marry her. At least, for that, there is something in you, that he thought you are worth marrying.

On account of his philandering and pakikipaglandian (to what extent, we don't know) --- this has to be addressed, but I still see hope in your marriage. The fact na he was 'attracted' to his other officemates, nabuking na, and still decided to stay with you, siguro, mas mahal ka niya, kesa sa pinapakita niya sa yo.

I cannot advise you on your relationship and your marriage, as I am not in a successful or happy position to do so.  Better seek help from those who has been there.

As to your stepson --- it is still better if you could turn him around. You remember him having good behavior then. Maybe a counsellor or a psychiatrist could help you as well. There's a family counsellor at Ateneo at QC, and one at Don Bosco-Makati, under Center for Family Ministries (CEFAM). You could try this as well.  As I said, mas maraming makikinabang if this works, walang mawawala kung susubukan, di ba?

God bless.  You have many items on your plate and I think your exhausted, emotionally.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

ea_brea

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 408
  • don't be afraid to dream a little bigger, darling
    • View Profile
    • La Mer de Reve
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #13 on: December 07, 2012, 03:03:31 pm »

quite agree sa mga sinabi ng ibang SP moms here. your stepson is only the tip of the iceberg. you should first fix your relationship with your husband. i just have to say this: saludo ako sayo, kahit nahuli mo na asawa mo you still manage to keep your marriage, and ikaw pa nagpapalaki sa anak nyo and sa love child niya.

perhaps you should try counselling sa CEFAM too. i have an officemate na dumaan din sa ganyan, pero press release ng lalaki single siya. yun pala may unang asawa at may anak na. nagkaanak din sila, and nagkahulihan sa affairs ng asawa niya. now hiwalay na sila kasi lumalandi pa din si guy. she underwent counselling in CEFAM and ngayon happy na siya.

platinumangel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: Starting to Hate My Stepson
« Reply #14 on: December 07, 2012, 11:14:26 pm »

Sweet@Spice and ea_brea, salamat sa suggestions nyo...  I'll inquire nga sa kanila after kong manganak...  i just hope magka-budget ako para sa mga counseling na ganyan.  Mahirap ang buhay ngayon, kaya nga for the meantime eh sa mga forums na ganito muna ako kumukuha ng support group...   Grabe ganito pala ka-helpful dito :)

Korek, I have a lot on my plate and exhausted nga ako emotionally... 
Logged
Pages: [1] 2