Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."  (Read 4951 times)

tsukino4

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 169
  • My Life's Happiness ~Miko and Baby Aoi
    • View Profile
Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."
« on: December 12, 2012, 10:40:11 pm »

Mga mommies out there ano iisipin nyo pag umuwi si hubby na nakainum then sinabi niya sayo bigla na "sa inyo parin ako uuwi ni baby" ano iisipin nyo kasi kanina nagulat ako yun ang biglang sinabi ni hubby eh.. wala naman topic tapos bigla siyang nag sleep.. kinabahan tuloy ako naisip ko baka may iba na siya.. daggdag pa tong naalala ko din may nagtanong daw sa kanya na ka officemate niya na kung naranasan na raw ba niya yung friends with benefits.. nag oover react lang ba ko?..
« Last Edit: December 14, 2012, 12:31:11 pm by Tiger Lily »
Logged

Have faith to God and you'll live a better life.

IanAndDina

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
  • Live your life to the fullest!
    • View Profile
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #1 on: December 12, 2012, 11:25:18 pm »

Sis, kausapin mo si hubby pag wala nang amats, tanungin mo kung bakit niya nasabi yun kasi nakakapang.duda. Tayo pa naman pag naunahan ng kutob eh hindi titigil hanggat di nalalaman ang totoo. Kausapin mo siya sis kasi hindi biro yung ganyang mga linya, aba! Ano yun? Gagawa siya ng milagro tapos uuwi sa inyo na parang walang nangyari? Parang ganun yung dating saken ng sinabi niya. Pag ganyan talaga kelangan ng masinsinang usapan lalo na't me friends with benefits pa pala sa usapan. Just be calm when you open up para hindi siya magalangan magkwento, kasi kapag tingin niya agad eh magagalit ka baka lalong maglihim. From my hubby's pov, bilang lalaki, maaring tama daw yung kutob mo, pero still, that's just our pov. Talk to your partner. Kaya mo yan sis.
« Last Edit: December 12, 2012, 11:30:32 pm by IanAndDina »
Logged

tsukino4

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 169
  • My Life's Happiness ~Miko and Baby Aoi
    • View Profile
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #2 on: December 13, 2012, 08:59:34 am »

haist tapos sabi ng lola ko bakit daw parang di siya nananabik umuwi agad para makita ang baby namin.. pansin ko nga rin minsan kahit umiiyak na si baby puro ako na lang lagi tinatawag niya.. haist.. ngayon lang ako nagkaroon ng dama ng loob sa kanya dahil pa.sa baby namin..
Logged

Have faith to God and you'll live a better life.

Blake

  • Guest
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #3 on: December 13, 2012, 09:28:51 am »

Sa opinyon ko lahat ng nasasabi ng lalake kapag lasing yun yung mga katotohanan na hindi niya maamin/masasabi kapag nasa katinuan sya.
Experienced the same thing with my son's dad dati. Long before we had the baby. Sabi niya na lang bigla sa sobrang pagkalasing at bago makatulog "basta ikaw pa rin ang the best".
Kung tanungin mo sya, I doubt it kung maalala niya pa kung ano mga pinagsasabi niya nung lasing sya. I asked noon sa bf ko, super nagulat sya, di sya makapaniwala na nasabi niya yun.
Observe ka na lang. Bata pa naman siguro kayo.. Siguro medyo nahihirapan lang sya sa responsibilidad niya. Nag-aadjust pa. Ganun.
Wag ka na lang mag-nag kahit pa gusto mo magduda, ganun... para hindi na lumayo loob ng asawa mo sayo. Magtulungan na lang kayo. Communication is the best. Minsan usap kayo like what you used to nung bf/gf pa lang kayo, tungkol sa inyong dalawa lang, aside from being parents.
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #4 on: December 13, 2012, 10:19:29 am »

^ yes, i agree with sis blake. ang mga guys, except for the really devoted and courageous ones, will avoid confronting their problems, and ang pinaka-ayaw nila is yung inaaway pa sila sa house, or yung puro problema na lang ang pinag-uusapan. uuwi yan to feel relaxed, re-charged.

if tama ang kutob mo sis, or if may laman yung phrase na yun, then it's best to rekindle your connection, be more extra patient, and extra sweet. whether or not it is true, fight for your marriage and your family.

kill the competition with kindness. kung tama yung sabi ni hubby, di naman niya kayo iiwan, at dyan sya uuwi, so lamang ka na dun. handle your case with maturity, kahit mahirap. buti nga nasabi niya, kahit lasing. at least, alam mo, may magagawa ka pa, bago tuluyang mapalayo ang loob niya sa inyo, at makuha ng iba.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

❤Xian&Mam ❤

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 578
  • choco lover.impulsive shopper. mother.wifey;)
    • View Profile
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #5 on: December 14, 2012, 03:15:56 am »

Mga mommies out there ano iisipin nyo pag umuwi si hubby na nakainum then sinabi niya sayo bigla na "sa inyo parin ako uuwi ni baby"
??????????hmmmmm........
palagay ko may nangyayaring di mo alam,kapag napatunayan mo may nangyayari nga mag-usap kayo kung ano ba talaga balak niya sa buhay....sabagay 1 lang 10 ang umaamin swerte mo nalang kung sya yung 1 na yun.
haiisssttttt.....kahit ano sabi natin sa mga lalaki na yan
kung wala pa talaga sila balak tumigil at  magtino or mag-focus sa family
gagawa at gagawa parin yan kalokohan kapag may pagkakataon eh.
saludo nalang talaga ako sa mga babae na nakakaya nila tiisin mga ganyan.
kasi pag ako di ako makatulog kakaisip sa mga ganyan problema.
mas gugustuhin ko nalang mag-isa kysa problemahin yung mga ganyang gawain nila
na dimo alam hanggang kelan magtino..kasi mas naniniwala ako na kung mahal ka talaga ng isang tao
di sya gagawa ng mga bagay na makakasakit sayo.or  dahilan pa para maghiwalay kayo.
at ayoko yung feeling na kailangan ipaglaban kita para lang dika mapunta sa iba at buo parin tayo...kung ikaw lumalaban para maayos ...eh pano sya?...di naman pwede ikaw lang magtiis habang nagpapakasaya sya,at ikaw mag-aantay kung kelan sya titigil?jusko...kung titigil nga...pano kung hindi at paulit-ulit nalang niya gagawin?!baka mabaliw ako sa ganyan,ayoko nga mangyari yun...minsan lang tayo mabuhay at enjoy ko buhay ko ayoko ubusin yung huling hininga ko sa kakaproblema sa kanya.
POV ko lang to sis.
pero mas pakinngan mo yung ibang mommy na nagsasabi kung pano mahabain pasensya mo,
kasi wala ata sa katawan ko salitang pasensya eh,palibhasa maliit ako..kaya maiksi lang din pasensya ko ;D
« Last Edit: December 14, 2012, 03:19:46 am by XiansMam »
Logged
Being a mom is a full-time job
 with very few breaks, but it's the best job ever cuz
 I get paid with hugs and kisses!

CallcenterMom

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 108
    • View Profile
Re: Sa inyo pa din ako uuwi ni baby..
« Reply #6 on: December 14, 2012, 12:14:32 pm »

Agree ako kay Mommy Blake.
Logged

Miura

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 281
    • View Profile
Re: Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."
« Reply #7 on: December 14, 2012, 01:35:10 pm »

tama ka sis XiansMam.  ;D

ang mga lalaki hindi aamin hanggat hindi nakokorner. pakiramdaman mo na lang ang hubby mo at syempre yung communication din importante.  :)
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."
« Reply #8 on: December 14, 2012, 03:42:42 pm »

dont stress yourself too much sis...ang lalaki kahit huli mo na or may ebidensiya ka pa, dami pa rin nila pasulot,buti kung aminin nila ginawa nila, and kahit naman aminin pa nila yan, pareho lang result niyan, masasaktan at masasaktan ka....pgpray mo na lang na sana wala siyang ginagawang mali at dala lang ng kalasingan niya mga nasabi niya..
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
    • View Profile
Re: Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."
« Reply #9 on: December 14, 2012, 10:11:40 pm »

Sis tsukino4, i suggest you read the Secrets of Fascinating Womanhood. Nasa forum ang link. Forgot which thread. Pero sobrang ok sya. It might help with your situation. Yun kasi binabasa ko ngayon although smooth sailing naman relationship namin ni hubby, gusto ko lang mas maimprove pa lalo na housewife lang ang peg ko ngayon.
May way dun how mag-oopen up yung husband mo sa iyo. Tsaka be extra sweet, caring and understanding sa kanya para makunsensya. Hehe! I have a lot of friends na boys and ayaw nila nagger na gf/wife. Kaya avoid being one. Goodluck sis!
Logged

jen_anne

  • Newbie
  • *
  • Posts: 24
    • View Profile
Re: Nakainom si Husband, sabi: "Sa inyo pa din ako uuwi ni baby.."
« Reply #10 on: February 10, 2013, 12:11:56 pm »

Sis tsukino4, i suggest you read the Secrets of Fascinating Womanhood. Nasa forum ang link. Forgot which thread. Pero sobrang ok sya. It might help with your situation. Yun kasi binabasa ko ngayon although smooth sailing naman relationship namin ni hubby, gusto ko lang mas maimprove pa lalo na housewife lang ang peg ko ngayon.
May way dun how mag-oopen up yung husband mo sa iyo. Tsaka be extra sweet, caring and understanding sa kanya para makunsensya. Hehe! I have a lot of friends na boys and ayaw nila nagger na gf/wife. Kaya avoid being one. Goodluck sis!
true! kasi yung asawaq ko pag tinatanong about me,,ang sagot agad,,mabait,maganda maalaga at sobrang maasikaso..pero once in pur married life naman naging nagger din ako. pabiro at palambing na paraan..pag napipikon na sya,mag lalambing na ako..swerte lang din ako at yung asawaq talagang focus sa family namin..
Logged