Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Ayaw ni baby sa new yaya  (Read 3972 times)

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Ayaw ni baby sa new yaya
« on: August 22, 2012, 04:00:08 pm »

My son is turning 7months on july 27. His yaya decided to
stop her services with us because she wants to continue her
studies.nakahanap naman kami ng kapalit niya before sya umalis..
kaso ang problem.. sobrang ayaw ng baby ko sa bago nyang yaya..
Iyak sya ng iyak.. ako lang ang gusto niya.. sobrang awang awa ako nung
iniwan ko sya kanina iyak sya ng iyak.. pero kailangan ko pumasok sa
work ko..huhu.. nasa development b ng bata un? nung 6 mossya humanap
kami ng reliever nung yaya niya kasi ngbakasyon pero hindi naman sya
ganun...di naman sya iyak ng iyak.. im just wondering WHY dun sa new yaya niya
ngaun iyak sya ng iyak.. :(
« Last Edit: August 22, 2012, 05:19:28 pm by Mrs. Anderson »
Logged

kandie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 37
    • View Profile
Re: Ayaw ni baby sa new yaya
« Reply #1 on: August 23, 2012, 12:26:11 am »

sa tingin ko ganun talaga sila atska malakas yung pakiramdam nila kasi yung niece ko ganun din ok siya sa yaya niya kahit dati pa pero pagdating sa mga ibang  maid namin ayaw niya lumapit doon minsan pagnakikita niya lumalayo siya kami yung hinahanap niya or yung yaya.3 na yung niece ko hanggang ngayon ganun pa rin siya.last time may bago kami maid pero yung maid muna yung nglalaba atska naghahanda ng mga food niya habang wala pa yung yaya niya,ayaw niya magpasubo sa kanya kaya ako yung nagpapakain yung dumating na yung bagong yaya siya na nagpapakain pumayag yung niece ko magpasubo kaagad.atsaka minsan yung hindi namin gusto na maid siya rin hindi din niya gusto.
Logged

just_memom

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 440
    • View Profile
Re: Ayaw ni baby sa new yaya
« Reply #2 on: December 26, 2012, 05:26:58 pm »

i agree with kandie, chances are xianne hinde gusto ni baby yun new yaya niya. Baka mabigat yun loob ni baby dun sa new yaya. Yun rin fear ko nung nagpalit ako ng yaya eh, mabilis naman nakaadjust si baby sa new yaya. Never naman siya umiyak dahil sa new yaya, nung kinuha rin kasi namin si new yaya magaan rin loob namin magasawa so good thing ganun rin si baby.
Observe mo lang muna, baka it takes time rin. Mabilis naman magadjust mga babies eh...
Logged

sweet&spice

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 987
    • View Profile
Re: Ayaw ni baby sa new yaya
« Reply #3 on: December 26, 2012, 09:55:01 pm »

dear, di naman sa gusto kitang takutin ha?

my son had the same extreme reaction to one particular yaya. he was about a year old, kaka-birthday lang niya, tapos his yaya of 6 months, had to leave, and i had to work, so kakakuha ko lang sa new yaya. on her first day, since kunin namin, he was so scared, he didn't want to be alone. he was following me even sa CR. he kept on embracing my leg, so that wherever i go, he would follow/my leg would carry him, wherever i go. sensing the unusual behavior of my son, kasi congenial naman sya sa iba, di naman takot sa strangers and ok naman sa ibang yaya ng mga sisters ko, i decided to observe. i would often make quick trips back to the condo, spend lunch there, para i could 'catch' any unruly behavior of my yaya, dahil bakit takot na takot sya. hindi lang takot sis, takot na takot. he was wailing/shrieking..

finally, i told his yaya, i-practice mo munang ilakad sa hallway, para matutong maglakad mag-isa. tapos, i just left the door ajar, so i can hear them. even with me in the unit, i overheard her saying in a controlled, but irritated voice 'maglakad ka. ano ba? ang tamad tamad mo!!' i still didn't castigate her, i pretended not to have heard, because i wanted to know more. i couldn't catch her real ugali if i scold her agad, what if pag wala ako, di ba? tapos there were instances pa of her short-fused temper. masipag sya sa house, pero i don't need a maid, i basically need a yaya, first.

after 2.5 days, i had to let her go, kahit nalugi ako sa placement fee and advance (di ko na talaga na-recover), sabi ko, she's terminated.
yaya:  'kaya ko naman hong pagtyagaan ang bata'
me:    hindi pinagtya-tyagaan ang anak ko...minamahal! besides, ako naman ang hindi makatagal sa yo eh, hindi ikaw, para sa kanya. makakaalis ka na.

---- sorry napahaba yung personal experience sis.  ;D from then, i learned to trust and cue in, on baby's preference and initial reaction. on the interview pa lang, i watch how he will interact with the yaya. if on the first meet, he smiles with his new yaya, or plays a little shy hide and seek --- i will be inclined to get her. when he's uncomfortable and most of all, scared --- sorry, regardless of credentials or recommendations, i won't. wala akong peace of mind.

better observe sis. your child has no speaking powers, di makakapag-sumbong yan. wala ring strength yan to run and ask help from others.

peace of mind is expensive, and when it comes to our children, i'd rather not risk it.
Logged
When happiness is at the horizon, seize it, call out to it. Claim and decide that it's yours!

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Ayaw ni baby sa new yaya
« Reply #4 on: December 26, 2012, 11:37:22 pm »

@sweet&spice, scary but true,daming yaya talaga ganyan, pag nandiyan yung parents nung mga bata, akala mo napakabuting yaya, pero pag wala, hala ka, andyan na yung sigawan, paluin yung bata, naexperience yan nung cousin ko, they both work so sa yaya talga naiiwan,since compound kami, i always heard my inaanak, crying, as in every hour ata, then nakikita ko pa na pinapalo siya nung yaya niya, so sinabi ko agad s parents niya after 2days of observing,kaya kinausap nila,after nun big improvement naman sa part ng yaya niya...

@xianne, sis kung 1st day pa lang, bka  nangingilala pa lang si baby, pero kung medyo matagal na at ganyan pa rin, baka somethings not right so observe maigi...goodluck sis
Logged

aish_teru

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
    • View Profile
Re: Ayaw ni baby sa new yaya
« Reply #5 on: April 05, 2013, 11:24:02 pm »

If more than a week ganoon pa din reaction ng baby mo i think it's better to find a replacement. I just hired a new yaya last April 1 my son is 2 yrs old  sa umpisa nilang meeting nag smile si baby and nagpabuhat. pero on her 1st day umiyak si baby  ayaw pasubo and paligo but now i noticed magaan na loob ni baby lumpalapit na siya sa bagong yaya. Siya na ngayon nagpapaligo and nagpapakain. Medyo ilang pa si baby kung patulugin sya ng new yaya niya i just told her to be patient and gagaan din loob ni baby eventually.

 Andyan pa naman yung previous yaya ni baby aalis kc siya 2nd week of May. I hired a new yaya  1 month in advance para at least kapag umalis na yung dating yaya mas sanay na si  baby sa new yaya niya.
Logged