Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido  (Read 3189 times)

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« on: January 22, 2013, 12:22:37 pm »

my cousin is 2months preggy rightnow to her 2.5 years bf, after a year of being steady as bf gf nag yayaya na talaga si bf na pakasal na sila pero hindi sineseryoso ng pinsan ko. naisip ko dati na siguro kasi after she graduated from college naging independent na talaga sya until now that she's in her early 30s na.

her bf is a good man i have known him na rin naman sa tagal na rin nila like my cousin he has a stable job too. i always ask her why not get married? sabi niya if ginusto niya daw di sana noon pa hindi ngayon na parang magiging dahilan na lang yung baby so hinayaan ko na lang pero weird na pati yung bata pag kakaitan niya her plan is surname niya ang dadalhin nung baby pag labas i feel sad tuloy para kay kuya kasi in the first place hindi niya tinatakbuhan yung mag ina niya...
Logged

bhea-bhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« Reply #1 on: January 25, 2013, 06:21:54 am »

siguro sis sabi mo nga since grumaduate siya independent na siya, feeling niya kaya naman niya buhayin ang baby niya. Ayaw niya lang siguro magpakasal dahil may baby na siya. Kanya-kanya namang pananaw at set-up niya sis.. Pero opinyon ko lang huh wag sana ma-ofend, marami kasing girls ang naghahangad na mapakasalan ng bf nila pag nabuntis sila, I mean mapanagutan ng daddy pero kakaiba sis ang cousin mo huh ayaw. Baka ayaw niya pa rin matali. Hindi naman natin alam lahat ng iniisip ni cousin di ba.. pero super nagtataka din ako sa cousin mo.. Kasi kung iba yan sobrang tuwang-tuwa kasi pinanagutan sila ng magiging daddy ng anak nila. Baka naman may reason sis, baka yung parents niya ganun ang set-up at para sa kanya ok lang ang ganun sitwayson or takot siya sa responsibility na magiging wife na siya lalo sanay siya na independent siya.. May pinangagalingan kasi yan.. Kausapin mo siya sis sayang naman ang chance na mabigyan ng surname ang baby niya., hindi naman siya tinatakbuhan, sayang lang talaga. Ang daming girls ang makikipagpatayan para lang panagutan sila..
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
Re: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« Reply #2 on: January 25, 2013, 09:16:30 am »

sabi ko nga sis shes being unfair na yata sa sarili niya, sa bf niya at sa magiging baby nila. with regards sa family sis hindi ko naman din masasabi na dun sya nadala since wala namang may ganun na set up its the other way around pa nga dahil close ang family ties talaga. basta lagi niya lang sinasabi noon pa na ayaw nyang mag asawa tuloy naaawa na rin ako kay kuya nahihirapan sya i-convince he even brought na nga din yung partidos kina ate para sana mamanhikan e hindi naman talaga sya mapilit even her parents kung hindi nga lang siguro namin sya kilala ng lubos e baka mapaisip kami na hindi kay kuya yun  ;D now ang pinipilit na lang ni bf e sana daw dalhin ng bata yung apelyido niya if hindi talaga niya gugustuhin pakasal.

own opinion ko lang ang nakikita ko talaga dito e she value her freedom sanay na sya to decide for her own to go to places ng walang hinihingan ng permiso things like that. i just hope na mas mangibabaw yung pagka-ina niya once na lumabas na yung baby at naisin na nyang ibigay lahat ng nararapat para sa anak including a complete family.
Logged

bhea-bhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« Reply #3 on: January 25, 2013, 12:06:56 pm »

your very right sis, napakaunfair yun sa baby nila. Hindi lang naman pwede lagi gusto niya masusunod, mommy na siya syempre sino ba namang bata  ang may ayaw ng daddy . Baka she needs space para marealize at maunawaan ang lahat na hindi na lang siya isa. Sa bawat desisyon na gagawin niya there's a baby always involve. Baka nasa adjusment perod pa siya. Let's pray na sana makapg-isip siya na napakaswerte niya dahil mahal na mahal sila ng baby niya. In time maiisip niya rin ang lahat sana mabasa niya to malay mo makapag-isip hindi lang para sa kanya maging din sa baby nila. Hindi pa huli lahat sabi mo nga 2 mos pa lang baby nila, 7 months to go para maconvince siya.. hehe. sayang talaga kung palalamapasin niya ang chance.

tyaka may right din sis yung daddy sa bata lalo at hindi naman siya tinakbuhan. Sana wag niya ipagkait yung right na mabigyan ng name yung bata, pero in the end nasa mother pa rin yun. Kausapin niyo na lang malay mo makinig na hehe.. ;D
Logged

luk_resha

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 366
    • View Profile
Re: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« Reply #4 on: January 25, 2013, 12:27:17 pm »

yun nga sis sabi nila tita pag bigyan na muna namin sa ngayon at baka ganun lang daw sya magbuntis kasi nga nasa 30s na rin  ;D
Logged

bhea-bhea

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: ayaw ni ate magpakasal ayaw din ipasunod ang apelyido
« Reply #5 on: January 25, 2013, 02:23:16 pm »

tama ka sis.. right time maiisip niya rin yan.. let's pray para din yan sa kanya at baby niya...
Logged