Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)  (Read 4463 times)

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile

Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
An Engineer And Tricycle Driver Marry Against All Odds

photo by ANTON NOLASCO AND JERICO NOLASCO OF MR. CO PHOTOGRAPHY

well its Feb. 1, Valentine's day is just around the corner mga mommies, unfortunately eversince naging kami ni hubby eh hindi pa kami naka experience mag celebrate ng Valentine's together kasi nga he's working abroad and hindi pa natiming na nandito siya and feeling ko mas special kung siya sana kasama ko pero since wala pa eto muna share ko ;)

sweetest-  my bf in college waiting for me outside the room holding a bouquet of flowers and super kantyawan mga classmates ko so memorable skin yun (we've been together for 3 and half years) then last valentine's namin together memorable din kasi he gave me a teddy bear, a balloon on stick na nakalagay sa pot na siya mismo gumawa from scratch pati yung balloon eh siya daw mismo umihip and nagsemento para nakabaon yung stick and maganda naman kinalabasan...so pasok siya sa aking list, ordinary yet special because of his effort :)

funny- when i was in highschool, dami nagtitinda ng flowers sa labas ng school, uso kasi back then yung binibigyan yung teachers...so, i also buy a dozen of rose para lang may dala akong flowers and kunyari may nagbigay sakin!!!  ;D natatawa na lang ako pag naiisip ko siya ngayon kasi tiniis kong wlang lunch that time para lang may flowers ako..haha

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.

« Last Edit: February 08, 2021, 12:35:12 pm by Parentchat Admin »
Logged

rosetan

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 193
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #1 on: February 01, 2013, 01:36:56 am »

Nakakakilig naman yan sis Precios Lara. ❤❤❤
Share ko din ang pinaka sweet valentines ko, syempre with hubby.
Mag bf/gf pa lang kami noon at parehas kami nag wowork abroad, same workplace kami kaya lagi niya ako nahahatid sa bahay. Since may work nga ng Feb.14 wala akong idea na may date kami o wala talagang plano..hanggang tapos na ang duty namin wala pa din something special ng araw na yun.
So ayan na nga uwian na namin, hinatid niya ako sa bahay tahimik lang sya pag bukas ko ng punto mga balloons ang bumungad sa akin sa floor sa ceiling sobrang gulat ko talaga na nahampas ko pa sya.
Pumasok na kami dalawa sa kwarto ko ( oo sanay sya na diretso din ng room ko :) may mga rose petals then flower bouqet sa ibabaw ng kama. Kinuha niya at binigay niya sa akin dun niya pa lang ako binati ng Happy Valentine's.

Simple but para sa akin nakakakilig, nun time na yun naisip ko kung pano niya nagawa yun wala naman sya duplicate key ng unit namin. 😊
Logged

mika-madz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 62
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #2 on: February 01, 2013, 03:13:33 am »

Dalawa lang ang memorable na Valentines ko with hubby at mag BF pa lang kami nun..Back in college days, paglabas ko din ng gate ng school may inabot sya sken na flowers then niyaya ako manood ng sine..wala pa celphone nun kaa naalala ko naghanap pa kami ng payphone para makapapaalam ako sa mommy ko na magde date kami :)
2nd, ay nung nasa abroad na sya,.BF pa lang din, may nagdeliver dito sa bahay ng 2dozens of red roses.. with message from him talaga..super kilig talaga ako nun as in nilabas ko lahat ng laman ng ref para lang magkasya sya dupar i agad malanta :)
Memorale kase hindi na naulit ngyon na magasawa na kame :(
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1644
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #3 on: February 01, 2013, 08:50:33 am »

Sweetest for me is yung Valentine's Day 2007 na nag-simulang manligaw saken yung asawa ko.
Di pa kasi ako sure noon kung gusto lang niya akong maging kaibigan or nanliligaw ba siya.

But when he gave me flowers nung Valentine's Day 2007, sure na. :D


Funniest naman was nung HS ako. I was the tallest girl in the class and ang seatmate ko was the smallest guy sa class. Eh type pala niya ako sa dahilang hindi ko maintindihan. So nung Valentine's day, may nagbebenta ng roses sa labas ng school. In fairness kahit maliit siya, di siya natakot lumapit saken kahit maraming akong barkadang kasama.
Funny lang kasi yung rose blue tsaka hindi ko talaga naisip na bet niya ako kasi di naman kami nag-uusap kahit seatmate kami.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #4 on: February 01, 2013, 02:48:42 pm »

@rosetan sweet naman  nyan sis, parang yung napapanood ko lang sa tv, grabe sa effort ha with rose petals pa talaga,ang hirap din mag set up ng ganyan:)
@mika-madz nainggit naman ako nung nagpadala sayo ng flowers si hubby kahit nasa abroad na siya, naku yung asawa ko wala atang nasalo na kasweetan sa katawan...haha.bumabawi naman siya pag magkasama kami, pero siyempre bilang babae iba pa din yung dating ng Valentine's day db,kumbaga mas nakakakilig..haha
@Mommy France cute naman ng story mo nung high school, i wonder what happen dun sa seatmate mo after niya mag give ng flowers sayo, baka nahiya na siya sayo kinabukasan since seatmate kayo  :)

naku hubby ko minessage ko, sabi ko hon feb na, valentine's is coming, baka gusto mo ako padalhan ng flowers, puwede na thru ol, sagot ba naman sakin, nasa iyo na pera, ikaw na bumili...hay, sarap kutusan  ;D pero sanay na ako sa kanya, wala talagang kasweet sweet yun sa katawan grrrr
Logged

Aerielle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 35
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #5 on: February 01, 2013, 04:44:04 pm »

natawa naman ako mommy ikaw pinabili ng sarili mong flowers hahaha...
ako memmorable valentines ko feb14 2005... na admit ako sa hospital dahil manganganak n ko unfortunately hindi umabot n cs pa ko so feb 15 ang bday ng first baby ko hehe
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: sweetest and funny memories of Valentine's Day (share your experiences)
« Reply #6 on: February 05, 2013, 05:29:52 am »

@Aerielle, sayang sis muntik ng maging Valentines day ang BD ni baby  :) yup,super nkakatawa nga siya pag naaalala ko now, hindi ko din malaman nun kung bat ako ngpagutom para lang my flowers to think na meron din naman nabigay sakin kahit pano,  ;) and whats funny pa inasar lang ako nung mga classmates ko kung magkano daw ang isa kasi para na daw akong tindera sa dami...haha
Logged