Parent Chat

Author Topic: How to Solicit Financial Support from Politicos?  (Read 22579 times)

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
    • View Profile
How to Solicit Financial Support from Politicos?
« on: February 01, 2013, 11:48:27 am »

Good day mga mommies!

Just would like to ask kung meron po ba sa inyo na naka-experience o nag-try mag-solicit ng financial help sa mga politiko, halimbawa mga senador, congressman at iba pa? Paano nyo po ito isinagawa? Ano po mga tips ang maaari nyong i-share?

My father has been suffering from heart problems for 12 years now, may bara yung ugat sa heart niya at in-advise sa kanya na ipa-angioplasty sa Phil. Heart Center. Pinaghahanda kami ng doktor ng mga Php 100,000 daw. Plano na rin namin lumapit sa PCSO, at saka may Philhealth naman din tatay ko. Naisip ko lang, since election time, baka mas maging bukas sa pagtulong ang ating mga kandidato at hopefully malikom namin ang kailangang amount.

Thanks in advance for any piece of advice or tips na ma-share nyo po. :)

Mods, kindly move the topic wherever appropriate. Thank you!
« Last Edit: February 01, 2013, 02:20:56 pm by eloytski »
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile
Re: How to Solicit Financial Support from Politicos
« Reply #1 on: February 01, 2013, 01:59:28 pm »

Hi sis, maraming pwedeng tumulong, hindi lang mga politicians, pati mga gov't agency.

Yung brother ko kasi na-diganose ng cancer last August pero unfortunately, natalo siya sa laban nito lang January.
Walang trabaho yung parents ko kasi pareho ng retired and yung brother ko hindi naman nag-wo-work sa opisina, sa tindahan lang.

Eto lang ma-su-suggest ko para magkaroon ka ng headstart.
Kumukha ng tulong sa DSWD. Yung brother ko sa National Kidney kasi nagpapagamot nun. So kumuha yung daddy ko ng assistance sa social welfare. Ang mangyayari dun, i-interview-hin kayo para malaman kung anung tulong yung mai-o-offer nila. Nasa class D kami nun kasi nga lahat sila walang work tapos kami ng kapatid ko may pamilya na.
Mag-ready ka lang ng mga residence documents, kung may lupang nakapangalan, ipakita mo yung titulo at kung nagbabayad kayo ng tax.

Alam ko nakahingi kami ng assistance kay Senator Recto pero naka-check yun and nakapangalan sa hospital. Minus yun agad sa bill.

Yung daddy ko lumapit din sa PCSO pero wala atang nakuha kasi mas marami na atang kailangan ngayon eh. Basta dapat palaging naka-ready yung mga abstract at hospital papers.

Pero like what I said, yung amount talaga eh i-mi-minus lang sa bill. Never naming nahawakan yung money. Mga pirma lang at ibabawas yun sa hospital bills. I think ganun na ang patakaran ngayon eh para documented yung lumalabas na money at may receipt kung saan nagamit.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 363
    • View Profile
Re: How to Solicit Financial Support from Politicos
« Reply #2 on: February 01, 2013, 02:32:47 pm »

@Mommy France im sorry to hear bout your brother :(
@eloytski, sis, i haven't tried it personally pero my mom have done that na before when she's helping my aunt and ask her about the process...she said na kelangan nga talaga yung abstract from doctors stating the patients condition, and then go to your baranggay daw,kung san kayo sakop na baranggay hingi ka daw dun ng certification of indigency (cartificate daw yun na nagpapatunay na kabilang kayo sa mahihirap sa inyong lugar) tapos you can go na sa mga office ng politicians, kay mama nakahingi sila ng tulong kila senator pia & allan cayetano and sa mayor namin sa taguig...and sa hospital din daw pag medyo matagal kayo mag sstay,hinihingi din daw yun para mailapit din kayo sa SWA, may office ata talaga ang SWA basta govt hospital, pero dapat daw galingan mo din magdrama sabi ng mom ko para mapalabas na mahirap na mahirap kayo, as much as possible may sarili na kayong pamilya and hindi ganun kaganda trabaho etc...kasi minsan daw binabasehan din yung itsura nung humihingi ng tulong para malaman nga nila kung saan kayo ilelevel para sa tulong nila class d daw yung sa pinakamababa or para sa mga walang wala daw talaga..
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3214
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: How to Solicit Financial Support from Politicos?
« Reply #3 on: February 04, 2013, 09:15:01 pm »

I know someone, councilor siya dati. He'd tell me stories of people knocking at his door directly asking for financial assistance. Meron nga paulit-ulit, others hindi naman emergency ang nature, gusto lang manghingi ng tulong sa gastos sa pagpakasal. I admit, way back then (that was more than a decade  ago) pag election period, some government officials rarely turn down requests. The thing is, should you get lucky, fraction lang ng amount ang maibibigay sayo.
Logged

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 142
    • View Profile
Re: How to Solicit Financial Support from Politicos?
« Reply #4 on: February 05, 2013, 11:59:12 am »

Thanks for sharing mommies. Sorry to hear about your brother, Mommy France.

Nagtatanong-tanong din po ako dito, and I guess mas na-a-accommodate nga ata kapag ang pasyente ay nag-undergo na mismo ng operations. Kaya lang, kasi nga hindi din talaga namin napaghandaan ito, nag-aalala naman ako ipa-admit tatay ko ng wala man lang kahit magkano na naka-prepare.

We're securing din a medical abstract from my father's doctor. Saka baka ipa-check up na rin namin sa Heart Center para makuha din kung ano talaga ang diagnosis at anong procedure ang kailangang gawin. Hopefully kahit itong mga initial documents na ito makatulong din kahit paano. :)

Again thanks mga mommies! God bless!



Logged

mkleabres

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: How to Solicit Financial Support from Politicos?
« Reply #5 on: January 07, 2015, 02:11:29 pm »

Paano po humingi ng pinansyal na tulong sa mga politiko?

graduating student po ako sa pup

at mga 12k po gagastusin puwede po ba akong lumapit sa mga politiko

gagawa po ba ng letter at ano po mga requirements..

maraming salamat po..

sana po may magreply!
Logged