Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Pages: 1 [2] 3

Author Topic: may times ba na nararamdaman nio hindi magtatagal ang relasyon nio ng hubby nio?  (Read 12946 times)

nikaygelo

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 188
  • Motherhood is priced of God, at price no man may d
    • View Profile

ako never po..super duper mega kinikilig pa nga ako pag may date kami,yung bang parang bago pa lang kaming magkakilala, tapos parang nililigawan pa niya ako..siguro sobrang inlove lang kami sa isa't isa were been 8 years as mag karelasyon 5 years as bf/gf and 3 years sa kasal..siguro si GOD yung center namin..un po :)
Logged
I Love you Nikay!![move]

aish_teru

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 151
    • View Profile

ako naman i feel na maghihiwalay kami ni hubby kasi everytime na lang na mag away kami lagi niya sinasabi na maghiwalay na lang kami kahit sobrang petty na reason ang pagawayan namin lagi niya sinasabi na di kami magtatagal. I remember when i gave birth to our son, dumaan lang yung male nurse na naka assign sa akin sabi niya if kelangan ko ng help aalayan niya ako sa CR and then bigla na lang nagalit si hubby. I told the nurse i could manage with the help of my husband  I remember nag pa breastfeed ako at that time and all my relatives are in our room, tapos siya pinuntahan pa ako doon sa BF station para mag vent ng anger niya iniwan niya ako doon nagsmoke siya sa labas i have to wait almost 20-30 minutes para i-wheel back  sa room and then pag uwi namin sa house galing sa hospital ang dami niya sinasabi na maghiwalay na lang kami etc... sawang-sawa na siya sa buhay na feeling niya katulong lang tingin ko sa kanya. i always tell him that i love him naman i dont know why mabilis siya magalit tapos minsan ko lang marining sa kanya mag sorry. Every time that he's angry tahimik lang ako di ako masyado sumasagot sa kanya but he can see me crying pero wala pa rin siya pakialam mawawala lang galit niya after 1-2 days kaya tinitiis ko na lang for the sake of our baby. Sometimes i would lower my pride and say sorry to him i would like to be with him pero kung ganito naman lagi ang scenario i dont think na matiis ko pa.

Dito ko lang sa forum nilalabas sama ng loob ko di ko masabi sa family ko na ganito na lang lagi kapag nagaaway kami. I want to resolve our issues gusto ko andun pa din siya when i grow old, as much as possible wala ako sinasabi na masama sa kanya he doesnt want to attend kung may birthdays sa family namin  i would make excuses pa nga for him. Pero syempre, alam nila na hindi talaga mahilig sa gatherings hubby ko i think alam nila na iniiwan sila ng hubby ko pero they cant say it to my face naman minsan nga nahihiya na ako kasi ako lang magisa lagi mag attend...
« Last Edit: April 05, 2013, 06:57:16 pm by aish_teru »
Logged

mommyMidya

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 143
    • View Profile

oo. Lalo na pag over ang mga differences namin sa opinion. Minsan iniisip ko kung bakit siya yung pinakasalan ko..hehe but at the end of the day, there are more reasons to stay than to leave.
Logged

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
    • View Profile

oo. Lalo na pag over ang mga differences namin sa opinion. Minsan iniisip ko kung bakit siya yung pinakasalan ko..hehe but at the end of the day, there are more reasons to stay than to leave.

exactly the same feelings sis!! mabuti pa yung anak ko nagkakaintindihan kami eh! :o
Logged

vanilady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile

hi mga sis!! from the time na i posted this question.. ang dami na ngyari samin ni hubby..muntik na talaga mauwi sa hiwalayan..pero hindi sia bumitaw sakin kahit ako na nagtutulak sa kanya palayo..may times pa nga na muntik nako mag seek ng legal advice dahil sa kagustuhan kong makipag annul..oh well ako naman ang problema talaga..mabilis ako mairita at lagi nalang ako humahanap ng butas para may pagawayan kami..nagsawa na kasi ako sa long distance relationship. tapos hindi pa sia nakauwi nung 1st bday ng baby namin.it took me a while para marealize ko na ang dami kong pagkukulang sa hubby ko..to think na ako yung babae diba expected na ako yung gagawa ng paraan to save our relationship..pero baliktad..si hubby talaga ang never sumuko samin at sia lagi gumagawa ng way para maayos kami.now super guilty ako kasi ang bad ko..imagine ako pa naghamon ng annulment? hehe..super love naman sia kaso umabot lang sa punto na hindi ko na kaya na puro nalang kami
chat o skype..siguro nakadagdag din na stay at home mom ako with our 1yr old baby kaya super na stress ako sa situation namin.anyway..thankful ako na ok na uli kami..sana lang hindi nako topakin..bfore the end of the month we will finally be together.im glad hindi pumayag si hubby makipaghiwalay sakin kc if nangyari yun di ko rin kaya na wala sia at mapunta sia sa iba.ibang klaseng pagmamahal kasi pinapakita niya..ni hindi niya ako sinusumbatan sa pangaaway ko sa kanya at s pagkukulang ko bilang asawa etc..at isang sori ko lang..tanggap
na niya agad as if wlang ngyaring away.ngaun napatunayan ko na mahal na mahal ako ng asawa ko at hindi ako makakahanap ng kagaya niya.if u can just read this post hubby.. hehe. thanks sis s nakakaenlighten na stories nio..esp sa mga positive ang outlook sa married life..and for those na nakakaexperience ng downfall sa marriage..i hope mauwi rin sa happy ending..have faith!   :D
Logged

citymommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile

I feel that way too. Kung hindi lang dahil sa kids na super young pa. I will definitely leave. Another issue that keeps me from staying is the pressure from family members na nakakahiya if people will know na we separated.
Logged

amieh

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
    • View Profile

^hay naku sis! ako deadma na sa sasabihin nila kaya natuluyan na kami. wala na sya sa house ngayon. hindi din naman sya hinahanap ng mga anak ko.. yung eldest lang namin paminsan-minsan nagbabanggit pero since sanay na din naman madalas wala sa bahay kaya keri lang.  >:(
Logged

iamananey

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile

for three (3) years na kasama ko ang x ko ito lagi ang nararamdaman ko  :'( He's always asking me kelan kami maghihiwalay.  Imagine nun nakipaghiwalay sya sakin sa text lang? Hay nakakawala talaga ng respeto.  Asawa niya ako tas parang girlfriend lang ang hinihiwalayan niya.

When he texted me na maghiwalay na kami, i took my stand.  Umalis ako ng bahay at hindi na nagpakita kahit na araw-araw ay umiiyak ako. 

Now, I am much better. Naggrow ko ako at mas masaya ako na wala siya sa buhay ko.

Mahirap kasi pag isang tao na lang ang naghohold sa relationship wlang mangyayari kasi it takes two to tango.
Logged

extrasweet

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
  • life is sweet....
    • View Profile

naisip ko na din na and nararamdaman ko na maghihiwalay kami pag laging ganito , pero hanggang ngaun almost 7 yrs na kami
kami pa din , LDR  si hubby  and since ganito na ang set-up namin , nakakainis lang sa kanya
napa insensitive , and parang ako lang ang nag eefort na to have communication but in terms of padala ok naman
kaso hirap sa isang relasyon na malayo kayo tuloy parang sanay na din ako  na wala siya .
Logged

roselsmom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 33
    • View Profile
    • Rosels' Mom Diary

hindi ko naisip na maghihiwalay kami ni hubby ever since. ewan ko , siguro sobrang love lang namin ang each other kaya we accept our differences. if there'll be problems, we talked about it. we tried to be nice and careful sa mga words every time na may napupuna kami na we need to change.

we've been ldr for 5 years, he was an ofw kasi, and kahit ganun we never had a big argument. kung merong hindi pinagkakaintindihan, which is usual naman, nagpapalamig muna kami, and kapag galit ang isa, hindi sumasabay ang isa.

siguro one tip din is always appreciate your partner. iba kasi yung dating eh. they'll feel loved.
Logged
Rosels' Mom Diary
Online Journal of a Working Mom

"The phrase 'working mother' is redundant."

prettyw!tch

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 66
    • View Profile

At this point hinde ko na naiisip, nung nagsisimula pa lang kami, andun yung fear na baka paghihiwalay din ang ending namin. Lagi kong naiisip kung ano kaya ang possible reasons na paghiwalayan namin at minsan hindeng hinde ko makakalimutan eto, nagshare ako sa husband ko, bf ko pa sya nun kung ano sa palagay niya ang paghihiwalayan namin. Immature thinking nga on my part, he said, bakit kailangan kong isipin kung ano paghihiwalayan namin at ubusin ko energy ko dun, bakit di ko isipin kung ano magpapatibay sa relasyon namin. Take each day at a time. So far so good 13 years of being together, 5 years nun bf ko sya, 2 wonderful kids. I cannot ask for more.  As long as you two stay to be committed to each other nothing will come between the two of you.

Logged

sangolko

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 163
    • View Profile

Naisip ko yan nung bagong kasal pa lang kami nasa adjustment stage pa lang kase. LDR kami as bf/gf so hindi pa namin lubos na kilala ang isat isa kahit pa matagal kami naging bf/gf. Pero after ng adjustment stage naku never pumasok sa isip ko yan. Kung pwede nga lang 24/7 kami magkasama pero hindi naman pwede kase may work kami. Pareho kami nagadjust, ako I accepted him na ganun talaga sya at hindi ko sya pwede baguhin ayon sa gusto ko. Si hubby naman mukhang ganun din kaya nagmeet kami halfway. Pero pakiramdam ko mga sis ha ako talaga ang mas nagbago, umunawa at nagpapasensya :) Overall naman mabait at responsible si hubby sobra, at wala  sya bisyo.
Logged

εїз" Mrs.Pisces "εїз

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
  • " i love you baby yuri "
    • View Profile

To be Honest mga sis We've been together for 7years na At Yes Naisip na namin Yan hahaha almost Yearly Or Monthly Naiisip namin apalagi at were both agree na Hindi kami magtatagal hahaha!!
kaya nga ang mga gamit namin sa Bahay Puro hati!! akin ang TV sa kanya ang Isang TV ang ref. sakin!! may times pa nga na bumili kami ng gamit sa Bahay at Bago namin Bilhin pag uusapan na namin kanino if maghihiwalay kami!! hahaha
Dumating din kami sa Point na Hindi kami kumuha ng sasakyan kasi nag tatalo kami if Kanino Or sino magpapatuloy if maghihiwalay kami!! Then Yung times na Kukuha kami Ng bahay napag usapan na namin na Pangalan sa anak namin para in case maghiwalay kami Sure na D namin pag aawayan kasi nasa anak naman namin!! Ang Money niya iba sa Money Ko!! pero ang money ko para sa aming lahat magastos kasi ko pero sya Kuripot as in matipid
Ganito Kami mga sis 6years aGo!! Pero if babalikan Namin lalo na ako!! natatawa nalang ako!!
were not married kaya Anytime pwede niya akong iwanan at ready na ko ayuko namang Umasa Di ba!! then before lagi niya sinasabi na Hindi niya ako panghihinayangan!

One time Sinabi niya sakin Nung nasa Barko sya Nag pray daw sya Kasi kawawa daw ako na d niya ko papakasalan So napaisip ako!! sinabi ko din sa kanya na Hindi ko naman nakikitang Makakasama Ko sya habang Buhay!!

then We Broked Up for 3months Hahaha

Then Dun niya Narealize na Hindi ako Lumpo Ng wala sya siguro sa Ego na din
Or narealize niya na Kung ano ako sa Kanya!! Hindi na kasi ako naghabol at d na Ko umasa ayuko naman kasing mabuhay ng ganun Lahat kanya kanya!!

Pero Mga sis After He realized Ano ba talaga ang pagiging Husband Things Changed
So Ngayun Then we Both Realized na Maling mali Pala kami Hahaha
He's not a perfect Husband so Do I , hindi rin ako perfect wife at mommy Pero Were both learning from our mistake At masasabi Ko na Were Both happy.. Minsan siguro naiisip natin na Hindi tayo tatagal Pero The fact Is We just Love our partner so Much and minsan sa Pagmamahal natin natuto tayong maghanap wrong way ang pagmamahal!!
Wala naman sigurong Perfect Family agad Agad Step by step Lang din siguro!! madaming natutunan sa bawat Pagsubok na pagdaraanan natin at sa lahat ng pagsubok na Yun dun tayo namumulat!!

Were Happy And its Proven Hindi kami mabubuhay ng wala ang isat isa ,

para kaming hangin!! minsan binabaliwala at hindi nakikita pero Hindi kami mabubuhay ng wala ang Air!!

Since napag Usapan namin lahat lahat mga sis ... Never ng pumasok sa Isip ko yang hiwalay Thing at hindi magtatagal nakafocus na Ang isip at Puso Ko na sya na ang makakasama Ko hanggang pag tanda!! at sinabi niya din wag na wag na naming pag Uusapan ang Hiwalayan thing na Yan!! focus sa Future kami!! at sa Family!! And im thankful Kay papa God kasi finally Namulat na din ang Hubby ko.. so now. Stay at home mom lang ako at sya ng bahala samin ni Baby , Masarap ang feeling :) Lahat daw Ng sa kanya ay akin din!! at lahat ng akin sa kanya eh Pero wala naman akong asset at wala akong work Hahaha!! Even sa problem lahat na sinasabi Ko sa Kanya!!

Prayers lang mga sis!! yan kasi ginagawa ko !! ask ako kay papa God ng Guidance para sa Family Namin everyday!!

(sensya na if may typo cp lang kasi gamit ko hindi ako makapag backread )
Logged

syeldy05

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile

Ako sis medyo weird , Kc kinampante ko na ang sarili ko na hindi kami hanggang sa huli,
Lam mo un ? na pwedeng maghiwalay pa din kami.. Parang palagay na ko na di naman talaga kami magtatagal,.
Either kami or not til the end eh ok lang saken,. Ayun ganun, Awa ng diyos naman eh kami pa din til now,.
6 years na kami nagsasama,. Ayoko kc magpakasal kc nga ganun nga ang paniniwala ko,. Nothing is permanent , lahat hiram lang, Pwede bawiin si hubby sakin at mapunta naman ako sa iba, so why ako magpapakasal? hehe
kung talagang kayo , kayo, kung hindi eh di hindi,. Pero mahal ko si hubby ha, may 2 kids na kami, 1 from previous na di naman nagtagal, and 1 from him naman., Super love kami ni hubby, kaya nga i always told him na, di ko alam kung hanggang kelan tayo magtatagal, pero promise ko sayo hanggat tayo eh mamahalin kita ng bongga.. hehe, Pag magaaway kami syempre may attempt na hiwalayan, pero ako ok lang saken kc nga palagay naman ako na baka siguro hanggang doon na lang , kaso di naman natutuloy ang paglayas niya. ;)) ayaw niya umalis kc wala daw sya pamasahe.. penge daw pamasahe, lol which is a real joke naman, tapos un magiging ok na ulit kami tapos usap about sa pinag-awayan .. :)
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3241
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting

Read this couple's recipe for a lasting relationship.
She Falls for the Probinsiyano, and He Makes Her Dream Come True

Their romance has not always been smooth-sailing. They share seven factors that made their relationship survive despite the challenges:
Read more:
http://www.smartparenting.com.ph/life/love-relationships/she-falls-for-the-probinsiyano-and-he-makes-her-dream-come-true-a1657-20171010-lfrm

Post a question about this topic or share your experience.
login or register here at Parent Chat and join this discussion!
« Last Edit: October 10, 2017, 06:50:36 pm by Mommyjazz »
Logged
Pages: 1 [2] 3