Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.  (Read 5314 times)

dreamerK

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile

Hello fellow single parents. Need ko po ng advice. HIrap na hirap na po kasi ako sa sitwasyon ko. But this will be a long read, so pasensiya na po.

When I got pregnant in 2011, SD left me, kasi daw wala daw siya mukha ihaharap sa family ko, dahil wala daw siya work. Pero we kept in touch. Sometimes, he would bring me food at sinasamahan ako bumili ng gamit for the baby. During my 7th month, I found out he had a gf--pero sa text lang daw. Imagine my stress, kasi nga he was taking care of me naman. So I felt betrayed. Two weeks before I gave birth, nag-usap kami. He gave me an ATM para sa allotment at aayusin daw namin family namin pagbaba niya sa barko.

So wala siya nung nanganak ako. I named my child after me because 1) I felt betrayed sa ginawa niya and thought he didn't deserve to be my child's father; and 2) my parents wanted na sakin nakapangalan.

Six months later, nakauwi na siya at sinusuyo ako. But I was still in pain for what he did to me and my baby. Pinutol ko communication namin. Last month, I found out na inuwi niya yung girl na naging gf niya nung buntis ako sa province nila. Pero idinedeny nila both na "best friends" lang daw sila. To think na, nung Dec2012 lang sila nag-meet ha. Kinausap ko si SD kung bakit ganon. Sinasabi niya na gusto niya magkaayos kami, pero ganon ginawa niya. All the while na wala siyang trabaho, hindi ako nanghingi kasi akala ko walang wala siya. Pero ayun, nakabili pa ng bagong cellphone, nag didine out sila nung girl at siya pa nagshoulder ng pamasahe ng girl. ero ni piso wala siyang ibinigay for my child's needs.

At present, nakasakay na ulit ng barko si SD. I told him, ayusin na natin family natin. I felt guilty na iniwasan ko siya nang hindi man lang inattempt ayusin yung family namin. So ngayon, I wanted to give it a chance. Pero si SD, sabi sakin, ipangalan ko sa kanya yung kid. Hesitant ako, pero sabi ko iacknowledge na lang niya muna. Nagagalit si SD sakin ngayon kasi feeling niya hindi ko ipinaglalaban family namin.

Ako naman, I am asking na magtino siya, na putulin niya na ugnayan nila ng girl, kasi gusto ko ng father na pwede ipagmalaki at i-look up to ng baby ko. Pero wala. Ako pa sinisisi niya sa ginawa niyang kalokohan. Na kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.

 just want to know kung ano na ba dapat gawin ko. I can;t let this end na feeling ko hindi ko ipinaglaban. Which is why I am allowing na nga na iacknowledge niya yung kid. But I also want to be reassured na hindi na niya kami lolokohin. Pero ang sinasabi niya, bakit daw siya magtitiis sa taong hindi siya kayang ipaglaban, kung meron naman daw iba na willing ipaglaban siya at pwede siya bigyan ng better family?

Is it time to let go mga sis? Kahit feeling ko, hindi ko pa nagagawa yung part ko to save our family.

« Last Edit: March 07, 2013, 06:19:36 am by toughmom »
Logged
I dream a lot of things for God's beautiful gift to me.

xianne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 139
    • View Profile
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #1 on: March 05, 2013, 05:27:02 pm »

kung ako ang nasa kalagayan mo sis il let him go nalang..

in a 1st place wala siya karapatan sumbatan ka or bigyan ng consequences para magkaayos kayo..

siya ang madaming pagkukulang and wag niyang idadahilan na di mo siya naipaglaban sa parent mo.. hindi ikaw ang dapat gumawa nun kundi siya.. he left you,at humanap pa ng iba...

kung wala man siya pera maibigay nung time na yun kahit sana pagmamahal at pagaalaga nalang pero asan siya?

kung mahal ka niya at kung gusto niyang maayos ang family niyo, dapat todong ngeefort siya hindi yung ikaw pa susumbatan niya..

siguro sis, hayaan mo nalang siya... alagaan mo munang mabuti yung anak mo..
if babalik naman siya..babalik at babalik din yun pag narealize niya pagkakamali niya eh.
and if magbabago na tlgah siya..

kesa aayusin nio nga ngayon yan tapos may babae pa din sia and halos wala siya time sa inyo..wag nalang diba? masasaktan ka lang and for sure magaaway lang kayo lage..
Logged

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 166
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #2 on: March 06, 2013, 01:44:33 am »

kung ako sayo sis, ayusin mo last name ni baby. make sure nasa official public document na siya ang tatay ng bata. hiwalayan mo, move on pero make sure obligado siyang magbigay ng child support.

tingin ko magkahiwalay mo dapat itackle yan e. mahirap pero dun mo makukuha yung best scenario for you and your baby. move on and let go. para you can heal and you can give yourself another chance to get into a new relationship. who knows, baka yung susunod na ang magpapasaya sayo. pero at the same time, your child deserves the support na mabibigay ng tatay niya esp kung hinde ka naman mayaman na tipong pinipitik mo lang palayo ang pera. di ba?

you need to be practical din. and again uulitin ko, mahirap talga yan sis.

as sis xianne mentioned, wala syang karapatan na ibaling sayo ang blame in case hinde niyo maayos at mabuo ang family niyo. 

post ka lang dito in case kelangan mo ng kausap, marami namang member's ang susuporta sayo  ;D
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava

roughlady

  • Newbie
  • *
  • Posts: 44
  • young mama
    • View Profile
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #3 on: March 06, 2013, 12:45:48 pm »

Hugs for you sis! Ang hirap nga ng situation mo yet you need to be strong for your little angel na umaasa sayo ngayon. Anyway sis, hindi dahilan yung kasi hindi mo siya pinaglaban that's why naghanap ng iba si SD mo. Naku, napakaling kalokohan yan ah! CHOICE niya un! Bakit pa niya ibabaling sa iyo yung sisi. It's not your fault at all. Kung mahal ka niya at pamilya niyo, siya mismo gagawa ng way para mabuo kayo.

Hindi rin dahilan sis na walang pera kaya siya lalayo. Iyon nga yung challenge dun eh, mas lalo mo sya'ng kailangan especially yung pag-aalaga at time niya para sa inyo. Dun pa lang maipaparamdam na niya na responsable at seryoso siya. Hay naku sis! Pasensya na for ranting, that's what I've experienced before sa SD ko and I'm glad na sinunod ko yung mga payo nila dito and he's outta our life now. Si SD ko, ayun, wala pa ring kwenta. Ni kamustahin yung anak ko, di niya magawa..

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 282
    • View Profile
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #4 on: March 06, 2013, 01:12:48 pm »

hi sis im not a single parent and super ok kami naman ang family ko pero pwede ba makireply and maki advise?i have a friend kasi in the same situation as yours ang kaibahan lang sayo may work si SD sa kanya wala at wala ding sense of responsibility, si guy may first na naanakan panganay niya twins then may kasunod na girl pa, ok yung family nung girl kahit masamang masama loob nila nagawa nilang tanggapin yung situation and pinabalik nila sa pag aaral yung anak nila (15 pa lang kasi that time then si guy 19) and si guy binigyan nila ng work pero nakuha pa din na lokohin si girl and naghanap ng bagong gf na binuntis lang din niya habang nag aaral(eto na yung friend ko and sorry sa term) what happened e sinisisi ni guy yung family ni first gf niya kasi wala daw tiwala sa kanya and kung ano ano daw binibintang sa kanya tapos di sya mapaglaban ni girl, gandang reason para mambabae diba?then eto na si friend walang alam sa past children ni guy alam niya is ex lang talaga si girl, ok din family niya so pinatuloy pa din sya ng pag aaral and si guy pinatira pa sa kanila and hinanapan din ng work pero dahil nga di talaga matinong tao yun di magtagal sa work and puro bisyo lang so laging away bati on and off ganun ang naging relationship nila so yun din ginawang dahilan ni guy para makabuntis na naman ng new girl at kasalanan pa ni friend dahil daw on and off sila kaloka diba nakaka inis talaga, ganyan din si guy sinusuyo sya and ayaw sya tigilan hanggang ngayon pero mukhang nakinig na sya sa mga advise sa kanya na wag na talaga padadala dun sa guy kasi paulit ulit lang talaga gagawin sa kanya yun, may future naman sa kanya anak nila kahit di sila mayaman full support din naman family niya sa kanya, sad part mga sis yung guy relative namin kaya sobrang nkakahiya sa mga families nung nagiging gf niya, wala na din magawa parents niya sa kanya nagmove na nga sila sa province kasi bumagsak na business nila dito sa manila pero wala din sila makuhang sustento man lang sa anak nila so nagtayo sila ng maliit na tindahan sa province para lang may pagkakitaan kahit papano. I hope you see the situation here sis, si guy nagdadahilan lang para malusutan ang kalokohan na ginagawa niya, i think same lang kayo sis, ibabaling nila sayo ang sisi para di mo maungkat yung mga kalokohan niya in the end sya pa din ang malinis and makukuha niya ang gusto niya. i agree with our sisses here na let him go, move on focus ka sa inyo ng baby mo, wag mo na intindihin yung father niya ano man ang sabihin niya isisi niya o ipamukha sayo dapat alam mo na hindi mo sya pinaglaban kasi di naman sya dapat ipaglaban, at hindi sya ang magseset ng mga dapat o hindi dapat hindi yung ikaw lang lagi ang susunod sa mga demands niya. with the sustento sis i think dapat kahit nga sa ganun e may share sya pero pag ganun may mga visitation rights din sya dun sa bata so dapat prepared ka na may communications pa din kayo and magkakaron talaga sya ng karapatan sa bata hindi mo sya totally mahihiwalayan.pero as what youve saide ayaw mo na kagaya niya ang ilo-look up ng baby mo as a father so weigh mo options mo and kung ano kakayanin ng kalooban mo and dun ka lagi sa makakabuti sa inyo ng baby mo.
Logged

eisabelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #5 on: March 06, 2013, 01:18:13 pm »

@sis dreamerK, na-sad naman ako sa story mo..
as much as possible, kahit na for the baby na lang, we want na kasama natin ang father nila.
but if ganyan klaseng lalaki, I don't think its worth ipaglaban, I'm sorry.
 
Logged

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 282
    • View Profile
Re: Naguguluhan na po ako. In need of advice.
« Reply #6 on: March 06, 2013, 01:27:55 pm »

by the way naging friend ko nga pala yung girl nung naging gf na nga sya and dahil nga madalang ko naman sila makita and makausap before hindi ko alam na wala pala sya kaalam alam bout sa ibang family nung guy until lately na nadiscover na din niya and nagkagulo gulo sila ni guy, and sis i want you to know na si girl kahit kinukulit pa din ni guy and alam niya na may feelings pa sya e kinakaya niya focus sya sa studies niya ngayon and sa mga plans niya para sa kanila nung baby niya and she's doing ok, umiiwas na muna sya and reject niya talaga lahat ng calls and messages from the guy kasi alam na magerply sya ng minsan e mahabang usapan na naman yun and in the end masasaktan na naman sya, saka na daw niya haharapin kung andyan pa din kapag alam niya na wala na syang feelings and hindi na sya mapapaniwala o masasaktan.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #7 on: March 10, 2013, 09:45:20 pm »

well its really hard to comment since im not in this situation, pero i have a cousin na gantong ganito sitwasyon or mas grabe pa. change should start from him sis, kung gusto niya talaga kayo mabuo, gagawin niya lahat para magkaaos kayo, pero kung madami lang siyang binibigay na dahila, i dont think na he deserve's to be part of your life..siguro sa anak niyo na lang kasi kahit ano pa gawin natin eh siya dad eh...

my cousin had a daughter pero 1 yr old pa lang ata pamangkin ko eh naghiwalay na sila nung asawa niya, kasal talaga sila so apelyido ni guy yung dala nil till now, hindi na sila nagsama sa iisang bubong after niya makita yung lalaki na may kasamang iba sa labas pero she didnt cut her communications sa mga inlaws niya and sobrang generous pa din ng cousin ko sa mga kamag anak ni guy to think na walang binibigay na kahit anong suporta si guy parang lulubog lilitaw lang, ganun set up nila hanggang ngayon na dalaga na yung pamangkin ko and alam namin lahat na may kinakasama na yung guy na iba, and eto pa 3yrs ago naaksident yung guy,karma siguro, ayun naputol yung paa niya sa car accident and si cousin ko pa nagbayad ng hospital bills, pero wala pa din nasobrahan ata ng kapal ng mukha si guy na kahit naputulan na ng paa eh humiram ng kotse sa cousin ko at ayun nagawa pang ibenta , pero dahil si cousin eh napakabait talaga ok lang sa kanya, sabagay she has a good job na hindi na niya kelangan pa habulin si guy and besides pera niya naman ginagasos niya kahit pa lahat ng family namin eh sinasabihan siya parati, eto pa graduating na nang highschool pamangkin ko, ininvite pa din nila yung dad kahit pa ni isang singko eh wala naman talaga naitulong yung guy...siguro ayaw niya lang na magtanim ng galit yung daughter nila sa daddy niya kaya wala siyang pinakitang masama dito, and siguro atleast masasabi niya na ginagawa pa din niya yung part niya para sa family nila, nasa guy na lang talaga yung desisyon kung ano ba talaga gusto niya sa buhay niya...
Logged

dreamerK

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #8 on: March 15, 2013, 09:43:55 am »

thank you mga sis sa advises. nahihirapan ako kasi nagiguilty nga ako, na parang wala akong ginagawa for our relationship. but alam ko sa sarili ko na tama ako na hindi ako ang dapat i-blame dito. aminado ako na lumalambot puso ko minsan, pero tinatry ko iremind sarili ko na siya ang may problema at hindi ako. after ten months pa ulit bago kami magkita ni SD. sana by that time, yung decision na gagawin ko ay para sa tama at para sa ikabubuti ng baby ko. sana malaman ko talaga yung dapat ko gawin para wala akong pagsisihan in the end.
Logged
I dream a lot of things for God's beautiful gift to me.

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 282
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #9 on: March 15, 2013, 10:14:27 am »

believe ako sayo sis and super proud ngayon pa lang...hindi ko alam kung gaano kahirap sa kalooban yung situation mo ngayon but still you are able to think well and for the betterment. :)
Logged

dreamerK

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #10 on: March 15, 2013, 01:03:03 pm »

@ sis dhates, I'm not sure sis kung dapat ba akong kabiliban, dahil as of now, medyo may pagka-indecisive pa ako. minsan, parang ayoko na, pero minsan, konting pagpapakita lang niya ng concern, parang babalik ulit ako. kaya ang ginagawa ko na lang talaga as of now, pray. pray that God will guide me to make the right decision. and syempre, magfocus din sa baby ko.
Logged
I dream a lot of things for God's beautiful gift to me.

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 282
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #11 on: March 15, 2013, 05:42:44 pm »

tama yan sis, pray ka lang talaga, prayer lang ang makakapagbigay ng peace of mind sayo and si God lang makakapagbigay ng best advice. pray ka na bigyan ka lagi ng guidance and wisdom para laging tama at makakabuti ang decision mo. pag will ni God ang nasunod for sure hindi lang sayo and sa baby mo makakbuti yun, malay mo yun din ang makakatulong kay SD to be enlightened and magkaron na din sya ng tamang perspective sa buhay niya at sa mga buhay na naapektuhan niya. we will also pray for you sis, we're always here for you.
Logged

dreamerK

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #12 on: March 15, 2013, 09:50:54 pm »

seryosong naluha ako sa "we're always here for you". thank you po for taking time to read about my situation and giving your cents. sobrang helpful po talaga na may mga nagpaparamdam na hindi ako nag-iisa.
Logged
I dream a lot of things for God's beautiful gift to me.

chienrou

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #13 on: April 11, 2013, 02:07:33 pm »

nakakalungkot naman yan haaayy :(

pwede din po ba ako manghingi ng advice?

I am 25 weeks preggy may fiance, more than 2 yrs na po kami, dati gusto niya ipalaglag yung anak namin kasi hindi pa daw kami ready,pero nasa wastong isip at edad na po kami, at parehong may trabaho naman. Nung hindi ako pumayag sa gusto niya, bigla na lang siyang nagbago, parang umiiwas siya,tas biglang sinabi niya saken na ayaw daw ng parents niya saken,which is hindi naman po ganun un dati,then nalaman ko ding nagkagf siya,that was feb this year. Grabe away namin nun, ang dami niyang badwords na sinabi samin ni baby halos ipagtabuyan niya kami. So ako okay lang, tanggap ko ng wala kami pero hindi pa kami official na naghihiwalay, so ayun, napag usapan namin na financial support na nga lang at hanggang dun na lang. Nagkausap na din sila ng parents ko. After nun, sinabi niya saken na hindi niya mahal yung girl. Ako pa din daw ang mahal niya. Ginagawa lang daw niya yun para iiwas saken ang attention ng family niya, so naniwala naman ako.

Nung mga 3rd week of feb sinabi niya saken na hiwalay na sila nung girl, at c0nfirmed naman kasi nakausap ko din yung girl. Pero nalalabuan pa din ako. Totoo nga kaya?

Ilang beses na akong nakikipaghiwalay sa fiance ko kasi hindi ko na alam kung nagsasabi pa ba siya ng totoo. Wala siyang time saken, ako lang lagi ang gumagawa ng way para magkita kami, may isang beses hinuli ko siya, nagtxt ako at sabi ko kung asan siya,sabi niya nasa bahay lang daw,pero nung pumunta ako wala siya, almost 2 hours akong nag antay sa labas sa kanya at nakita ko pa siyang dumating. Haayy kung ano-anong alibi na naman ang sinabi. Kaya ang ginawa ko, nilapag ko sa kalsada ang singsing na bigay niya. I want to quit, ayoko na talaga kasi punong puno na ako. Sinabihan ko siyang wag na magparamdam kahit kelan. Hindi namin siya kailangan. 6 months preggy na ako but still parang wala siyang pakialam, ni hindi pa niya ako nasasamahang magpacheck up kahit isang beses.
Kahit sa txt super limited lang ang mga sinasabi niya.

Nung nag walk out ako, hinabol niya ako at binalik ang singsing, hindi daw niya kayang mawala kami ng anak niya, mahal na mahal daw niya kami, lahat daw ng ginagawa niya ay para samin. Wala pa daw kasi siyang kwenta kaya siya ganun, ayaw daw niang maging pabigat samin pero mahal niya daw kami. Sinabihan pa niya akong wag bumitaw kasi napakadami na naming pinagdaanan pero nakayanan namin,pagsubok lang daw lahat ng to.

Mga mommy bakit po kaya may mga lalaking ganito?
At bakit ayaw pa niya akong iwan? Inaalisan ko na nga siya ng responsibility pero andyan pa din siya. Naguguluhan po ako. Please help
sa ngayon hindi ko siya kinakausap, hinihintay ko kung gagawa ba siya ng effort, or kung ano ang mga gagawin niya kapag totally na hindina ako nagparamdam. ang hirap :(
Logged

hanne

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 166
    • View Profile
    • My Curious Ava
Re: kung ipinaglaban ko daw siya, hindi daw siya maghahanap ng iba.
« Reply #14 on: April 11, 2013, 07:59:16 pm »

^naku sis, hinde kaya nagpanic lang sya nung umpisa? yun nga, hinde pa ready talaga?

share ko lang na yung daddy ng anak ko ganun. to think pang 6th na panganay na niya anak ko ha. lost siya until last jan (1year, 3mos na si baby nun). nagfile ako ng petition for child support ng hinde niya niya. tapos ayan nagbabalik. since feb ok kame. twice ako week regular ang dalaw niya kay baby and support niya. nung dumating ang summons ng court last monday, nag away kame kase akala niya joke lang. anyway, 1 day lang yung away. after that nag-usap kame and ok na kame now. sabi niya natakot lang talaga sya from the very beginning, hinde niya ma explain. pero if it means na harapin niya yung consequences ng ginawa niya nun, haharapin daw niya ngayon. weird nga ng set-up e, we're dating again pero may kaso ako against him. sabi naman ng lawyer ko hinde naman issue yun since ang hinihingi ko consistent child support hinde naman connected sa relasyon namin.

hinde kaya same issue sa bf/ex mo?
Logged
Visit our Curious Ava Shop for clothes and accessories fit for mommies and their little girls --

https://www.facebook.com/curiousava