Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: Strategies on how to catch, find out or make husband admit he's two-timing.  (Read 30105 times)

motherf

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #15 on: August 12, 2013, 04:07:39 pm »

Sometimes din naisip ko baka kasi di ko na siya naasikaso. Pero naman hello, I am working and we have a 1.5 yr old son, Im tired na when I get home. He should be the one helping me sa pag aasikaso sa baby namin at sa house. I want him pa nga sa bahay lang at siya mag aalaga sa baby namin instead of yaya. Its ok for me na ako nalang mag work. Pero ngayon, ako na nga lahat, finances - house rent and everything.., ako pa mag aasikaso sa baby at sa house, siya mag aabot kang kung magkano gusto niya...uuwi kung kailan niya gusto..siya pa tong me ganang magloko. Parang its not fair for me. Parang feeling ko nga nawawalan na ko ng gana sa kanya na rin, that I am willing to let go. Dati ok naman siya, hes just different now. I am frustrated.
Logged

syndyela

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 268
  • Happy to relate with SP moms! :)
    • View Profile
    • Soulary
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #16 on: August 12, 2013, 09:35:54 pm »

Hi sis :) Try mo ask si hubby mo if there's anything he wants to improve sayo. Baka naman kasi yun nga, sabi mo, hindi mo nga siya naaasikaso, and imbes na sabihin sayo, he's looking somewhere else for it.  Alam ko sis, mahirap talaga ang working mom, I've been there din na gabi umuuwi tapos pagod na pagod.  Pero yun nga, you really have to save extra energy to give your husband affection that he needs.  Make him to open up sayo, para masabi niya yung mga concerns niya sayo.  And tell him you'll do your best to meet yung needs niya.  Let's pray na sana that way, e hintuan na niya yung ibang girl na yun. :)
Logged

gladys_gvp

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 76
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #17 on: August 13, 2013, 12:26:54 am »

Hi sis, i hope you're better now... i just want to know if kasal kayo? If you think you need to consult a marriage counselor then do it...makakatulong yun for both of you.
Mukha kasi maraming pinagsimulan ang misunderstanding ng samahan nyo...possible na baka kaya wala na syang ganang magprovide for the family ay dahil sa umpisa pa lang hindi na niya naramdaman na he's capable of doing it.
I just want to share with u a story of someone i know...si girl very insecure dahil hindi sila kasal sa guy, nabuntis lang sya at nalaman niya na hindi pala sila pwede ikasal kasi married na si guy pero 6yrs ng hiwalay but not legally separated.
Nagsama parin sila because the guy insisted to live with the girl...ang kaso  si girl super insecure talaga...nagger, selosa at maduda talaga...si guy responsible naman, nakakapagprovide, mabait, masayahin...meron lang isang hindi maalis ni guy na ayaw ni girl...ang paginom.
Si girl eversince nagsama sila kapag nagbibigay ng sahod si guy ang palaging bungad sa asawa "bakit ito lang"...one of the basic rules sa buhay magasawa, makuntento sa kung ano ang ibinigay ng asawa at pagkasyahin ito.  To make the long story short napuno si guy kay girl at iniwan sya. Sa araw araw nalang kasi puro tanong kung san galing at ginagabi, dahil may babae daw at ayaw aminin e sa trabaho naman galing si guy. At kung uminom naman every weekend lang at saglit lang.  Until now sinisilip silip parin sya ng guy pati ang anak nila kaso ayaw na ng guy bumalik kasi ganun parin ang girl. Kapag magkikita sila ang itatanong "sino kinakasama mo ngayon".
Walang ibang mas nakakakilala sa asawa mo kundi ikaw...kung pakiramdam mo nawawala na yung love mo sa kanya dahil sa mga nakikita mo...try to think of the happy moments n meron kayiog dalawa...for sure the love will spark again..
Iparamdam mo minsan sa asawa mo na anoman ang mangyari kayo ang magkakampi...nakabukod ba kayo? Isang factor baka kaya sya walang gana magtrabaho ay dahil sa mga naririnig niya from the people around u especially if its from your family... maraming factors kasi ang pwedeng pagsimulan..the best way is to consult a counselor...
Logged

gladys_gvp

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 76
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #18 on: August 13, 2013, 12:31:29 am »

Sis try to read this link...baka makatulong. Ive read this book and it really helped me a lot in understanding my husband. :-)
http://www.smartparenting.com.ph/parentchat/index.php/topic,49067.0.html
Logged

Pixelle

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
    • Cerulean Rose Diary
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #19 on: August 13, 2013, 07:57:43 pm »

Hi Sis, just to add, we are on the same boat... Si hubby wala ding work eversince I gave birth sa 2nd baby namin. He used to work sa resto pero I take care of all our expenses. Pagod na talaga ako whenever I get home pero I make sure na I cook for them. Ang guys talaga hindi kasing galing natin as a homemaker kaya mother pa rin ang aasahan. Marami akong pwedeng ipintas din kay hubby pero I chose not to kasi naniniwala akong ang magiging attitude niya towards the family can be brought about by the things na itinatanim natin sa kanila. For me kasi I dont have the perfect family but we are still happy kasi buo kami. Try not to overlook yung mga simple things na ginagawa niya for the family kasi sa isang ama, mahirap din ang nasa bahay. Si hubby hindi ko force para magwork since I need someone to take care of the baby pero I make sure to thank him kasi lumaking mababait ang mga bata. Mas maganda kasi for me na ivoerlook yung mga negatives para happy ang family. Alam ko mahirap kaya don't forget to pray, it always helps lalo na in trying times like this...
Logged
He makes all things beautiful in His time... Thank you Lord for my family...

http://ceruleanrosediary.blogspot.com/

anousheh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 41
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #20 on: August 14, 2013, 10:21:54 am »

I agree with mommy Pixelle, wag ka mag dwell dun sa mga negative about him. Walang maitutulong yun sa relasyon nyo at sa pamilya nyo. If you must know, mommy F, we were on d same boat before marriage. We are not rich, just a working class, but have d means than him and his family, modesty aside. Madami ding negative comments against him, but since mahal ko nga sya, pinaglaban ko sya. Now, ganun pa rin sitwasyon namin, I have d bigger share than him in our household needs since mas may capacity ako kesa sa kanya. BUT, I NEVER make it an issue. I admit there are times na pumapasok sa isip ko mga "what ifs" lalo na pag hard times talaga, pero lagi ko kino-control sarili ko, nireremind ko na it was my choice to be with him, so, nilalagay ko na lang ang focus ko not on his shortcomings but on the positive things that he contributes to our family, like yung pagiging hands on dad niya, pati domestic works kaya niya, at d sya nagkukulang sa pag intindi sa akin sa mga panahong napapansin nyang stress ako due to various roles in life.

Again, basta pray, pray and pray lang. Kaya nyo yan!  :)
Logged

motherf

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #21 on: August 15, 2013, 12:56:26 pm »

Thanks to you all guys...I learned a lot thinking all that you said...
And I guess I have a decision...and that is to erase all the negative thoughts about my husband and instead try to make things right for my family...
And I am hoping I am doing the right thing...and I guess I need to pray harder for this.

Many many thanks mga mommies....
Logged

twinksdinefave

  • Newbie
  • *
  • Posts: 34
    • View Profile
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #22 on: September 29, 2013, 03:46:48 pm »

Hi sis! kung ako sayo be extra sweet and caring kay hubby sis..  dont give him a reason para mambabae and stop asking sis.. let him realize his wrong. and tell him sa mahinahong way na kapag handa na sya magchika sayo kung may girl ba talaga sya his free to tell you hindi mo sya aawayin sis at patatawarin mo sya agad agad and massisimula kayo ulit. kasi pag once inaway mo sya mas lalo yan magtatago at gagawa ng kalokohan sis. makokonsensya din yan sis kapag nakita niya na wala na syang hahanapin pa kasi lahat nasayo na sis.
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3208
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Strategies you did para mahuli si mister at umamin na may babae siya?
« Reply #23 on: October 01, 2013, 10:50:35 am »

All topic about how to catch, finding out or make husband admit he's two-timing, merged. Modified topic title.
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

caitlin's MoMmY

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
  • Mijn mooi dochter caitlin kai (",) ik houvan jou!
    • View Profile
so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #24 on: December 12, 2013, 04:37:10 am »

Mga sis help nyo naman ako.kami ni partner live together for 6yrs na we have a 4yr old daughter.nung wala pang 1yr old si baby nahuli ko na sya may naka fling that time pinayagan ko uminom pag uwi may kissmark na sa dibdib.muntik ko na sya iwan nun pero kinausap ako ni MIL na baka mapag uusapan pa in short pinatawad ko sya.yun nga lang everytime na iinom sya o uuwi ng late iba na naman naiisip ko which in understandable sa tingin ko dahil sa nangyari sa amin. Ok naman kami for the past years maliban sa paminsan minsan na pag uwi niya ng lasing. Madalas nagsisinungaling pa sya para lang di ako magalit madami sya alibi iniintindi ko lahat yun. This past few months napapansin ko napapadalas yun pag uwi niya ng umaga na first nangyari yun umuwi sya ng 8am na yun natira sa sahod niya na pangbudget niya ubos pinatawad ko sya nun I accept his explanation na uminom nakatulog kahit alam ko katangahan na maniwala ok lang, 2nd time medyo lumala kasi buong salary niya naubos umuwi sya nun 9am na natira sa salary 700 nalang galit na galit ako nun pero sabi niya nagkayayaan uminom sya nagbayad lahat. I accept again pero eto ang malala mga sis bday ng tito niya dito lang sa compound namin kagabi hinayaan ko sya uminom nagtaka ako 2am di pa umuuwi lumabas ako at nakita na tulog na lahat pero wala sya its 5am till now wala pa di ko macontact naka off cp. Mga sis sa tingin nyo ba may possibility na nagloloko ang asawa ko o alcoholic lang talaga. Hope you all enlighten me.
Logged
MoMmY MaRiCaR

ahyzeyuh

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1063
  • im a good person,just keep on making bad decisions
    • View Profile
Re: so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #25 on: December 12, 2013, 08:42:59 am »

Ubusin ang sahod sa isang inuman, there is something wrong about it.  Buhay binata lang ang umaga na umuuwi.  Pano pala kung siya lang inaasahan sa inyo , eh di gutom kayo ng anak mo.

Talk to him sis, its eaither alcoholic o nambabae siya, hindi acceptable na doon nauubos pera and oras niya. or incase my pinag-dadaanan yang si hubby mo, like money money issue, or work or friends, you need to know as well.
After niyo mag-usap adv your MIL sa ginagawa ng anak niya since siya naman ang nakiusap sayo dati na wag hiwalayan si hubby mo.




Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #26 on: December 12, 2013, 01:36:29 pm »

ang lame ng excuse ng partner mo sis, napaka irresponsible naman yung ubusin yung sweldo sa pag iinom lalo na at may family siya na dapat buhayin and besides hindi naman siguro siya kakantyawan ng mga kawork niya na ubusin yung money sa libre sa alak lalo nat alam nila na my fam na siya diba...babae man or alcohol parehong mali yun lalo na kung kayo ng anak mo ang nagsasuffer sa mga ginagawa niya, talk to your hubby sis, give him time to change and know yung mga mali niya pero give him ultimatum, hindi naman puwede na laging ganyan diba...pray lang sis
Logged

caitlin's MoMmY

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
  • Mijn mooi dochter caitlin kai (",) ik houvan jou!
    • View Profile
Re: so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #27 on: December 12, 2013, 02:57:56 pm »

Thanks mga sis alam ko naman lame ang excuses niya eh! Nag usap na kami nun time na naubos yun salary niya nagdecide ako na every sahod idedeposit niya sa acct ko ok na sana mga sis almost 1week umuuwi sya ng maaga just last night lang dito na nga lang sya sa compound namin nakipag inuman ang ending nawala pa rin sya kasi 2am lumabas ako wala ng tao sa kalsada nakarating pa ako sa kanto namin wala talaga.
Logged
MoMmY MaRiCaR

caitlin's MoMmY

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
  • Mijn mooi dochter caitlin kai (",) ik houvan jou!
    • View Profile
Re: so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #28 on: December 12, 2013, 03:03:41 pm »

One more thing mga sis di ko na kasi nakakausap si MIL mula ng lumipat sya sa province. Di ko lang maintindihan kasi napaka imposible na yayain sya gumimik nun nakainuman niya dito sa labas namin kasi di naman niya ka close mga yun eh!
Logged
MoMmY MaRiCaR

AnJelatine

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 103
    • View Profile
Re: so stressed di ko alam if may babae si mister
« Reply #29 on: January 09, 2014, 10:29:01 am »

Bilib ako sa pasensiya mo Mommy!

Dapat yan, kausapin mo ng mabuti pa sa mabuti. Tama si Mommy ahyzeyuh, nagbubuhay binata. Aba! Sweldo ubos sa inom? *taas kilay* Or baka nga may problem pala siya sa money, may binabayaran, ganoon.

Usap lang Sis ang solution talaga dyan. Sana madaan sa maayos na usap. Kung hindi, keep yourself busy. Mag work ka, business-sideline. Enroll mo Baby mo sa kung saan, sample swimming lessons. Basta ma-divert yung isip mo. Mag buhay dalaga ka din. Attend parties, reunions, EBs. Enroll ka sa baking classes, ganoon.

Good Luck Mommy ha. Sana maayos niyo yan ha.
Logged
Pages: 1 [2]