Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: My hubby invited his brother to our son's bday pero"not on speaking terms" kami  (Read 3106 times)

mamame

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
  • Life is what you make it.
    • View Profile

Almost a year na rin kaming hindi totally nag-uusap ng mga in-laws ko dahil napuno na ako sa mga kaplastikan ng trato nila sa akin last year I made a decision finally to gather my courage and after 7 years of just putting up with all their  nasty remarks on me (na ipinamamalita pa sa mga kamag-anakan nila sa probinsya nila) I expressed to my husband my feelings about how his parents and siblings treats me when he's not around sa husband ko ....na matapobre and fake  ang trato sa akin ng pamilya niya -- sweet as sugar pag nandyan siya at grabe kung manlalait at mangmata sila sa akin at sa apo/pamangkin nila pag wala ang asawa ko. Insecure sila dahil ang dating breadwinner nila ngayon ay pamilyado na kaya ganun na lang ang pursige nila na masira ang aming pamilya! So to cut the story short, muntik na kaming maghiwalay ng asawa ko sa ginawa ko akala niya sinisiraan ko ang pamilya niya sa kanya..... but God is good He made a way na maging maayos ulit ang pagsasama naming mag-asawa. God did great things that enlighened my husband,, He worked wonderfully to save our marriage. At ngayon mag-iisang taon ng hindi kami naguusap ng mga in-laws biglang sa kalagitnaan ng pagpa-plano ko para sa nalalapit na 4th bday party ng bunso namin ay he blurted out i-invite daw niya ang kapatid niya.. Nawindang ako, I'm saddened and disappointed. Parang ayoko na lang maghanda baka kumain n lang kami sa labas..! Hays sorry this is long..... sorry for the rant. Natatakot ulit ako na papasukin sila sa buhay ko dahil kilala ko silang mapanira ng pagsasama naming mag-asawa they do things to put my husband and I in uncomfortable situations na kami na ang magkakaroong mag-asawa ng problema they're all good at that. Hindi dahil ipinagdadamot ko ang bday party ng anak ko,, it's just that I don't want them in our lives. Tama ng malinaw sa asawa ko sana na malaya siya magkita-kita sila, magbonding, bigyan niya ng pera at kung ano ano pa basta wag na lang niya kaming idamay magiina dahil hindi naman ako mahal ng pamilya niya.  >:(
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 280
    • View Profile

I feel you sis. Sa mommy ko nangyari ito and we've experienced it too na mga anak nila. Although for the longest time we kept mum about it. My dad was the breadwinner nung bata pa sila coz my lolo was a gambler, my lola was a housewife. My dad worked his ass off to provide for his siblings at a young age. Kahit mag-asawa na sila ni mommy at anak na nila kami, pinag-aral pa rin nila mga kapatid nila.

Growing up, we witnessed how my mom's in-laws talk behind her back. And as a daughter, masakit yun sa amin. Madami nangyari. Lumayo loob namin sa side ng dad ko. We even filed a case against them kasi last year ni-corner nila youngest namin who was 17 y/o then tapos sya ang pinagsabihan ng pinagsabihan. Nairecord ng sis ko un. She even called me and nadinig ko yung way na kausapin nila. Nasampal pa ng cousin ko sis ko, kaya lalo namin idenemanda.
Youngest sib ni dad ko ang gumawa ng way para makausap kami, ako. Pero nag-initiate lang mkipag usap yun dahil sa asawa niya, who btw is experiencing the pampplastic ng family ng dad ko now..bakit nangyari mga bagay na yun. Nakaharap dad ko and sinabi ko lahat ng sama ng loob naming magkakapatid sa kanila altho hindi naman grabe participation ng tito ko dun sa nangyari. Im just glad na my dad chose to stay with us. He visits my grandparents' grave pero madalang lang makipagkita sa mga kapatid nila. I know they wont change.

 Walang gamot sa taong insecure sis. Takot sila kasi mawawalan sila ng sustento or  support. What I suggest to you is to stay caring, loving and sweet sa hubby mo para makita niya worth nyong mag-ina. Kapag sobrang love na love niya kayo, you are sure na kahit anong pambabastos na gawin ng mga in-laws mo hindi niya palalampasin yun. Habang maaga pa, show them kung sino ka sa life ng hubby mo. Mommy ko kasi hindi pinapansin nun ginagawa ng in-laws niya kaya tumagal pa. Imagine our eldest sis is 34y/o nung nangyari yung confrontation? Ganun katagal kami nagtiis. Good thing, love kami ni daddy kaya ngayon, kahit mag-away pa sila ni mommy, hindi sya pumupunta sa side niya para maghanap ng kakampi? We dont invite them din sa mga parties namin, mas tahimik pa life namin without them. Keri lang naman si padir  :D

Basta secure your child's future. Make plans with your hubby. Dapat #1 priority ang family nyo. Assure him that he can still help his family pero sana alam niya ang priority niya. Let him know what you think and feel towards any decision that has something to do with his family and family nyo. Hope everything will do well with you and your family :)
Logged

mamame

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
  • Life is what you make it.
    • View Profile

@Nanay Ni Liam, thank God nga ako sis kasi unlike your mom maaga akong nagkalakas ng loob to fight for what is right. Naawa ako sa youngest ninyo siya talaga ang kinorner at may pisikalan pa na nangyari. Sa amin verbal lang, but I know it makes no difference parehong masakit  parin the fact na ang sama ng trato ng mga inlaws! Ang hirap, ang sakit sa puso walang peace of mind kaya ako maaga kong hinarap ang totoong sitwasyon at estado ko sa pamilya ng asawa ko -- na outsider ako sa buhay nila! I just accepted it early para sa katahimikan ng pagsasama naming mag-asawa kasi habang may galit ako sa puso ko na hindi ko masabi ay hindi maganda ang pananaw ko sa buhay may bigat lagi sa dibdib pati ang trato ko sa asawa ko apektado siya ang madalas noon na napagbubuntunan ko ng mga kainisan ko sa pamilya niya na hindi ko masabi sabi noon! Atleast ngayon I am living in a free world walang mabigat na bagahe sa dibdib. AT masaya ako na nagpapasaya ng mga taong masayang nasa buhay nila ako.

Sis thank you sa reply mo nakakagaan ng loob. I haven't talked to my husband yet about my feelings sa desisyon na i-invite ang kapatid niya. Para kasing heto na naman po kami nakakatakot isipin na we both have to go through the experience we had before, ayoko kasing maging dahilan ito ng pagkakaroon na naman ng hindi magandang pangyayari sa buhay naming mag-asawa...... BUT it's 9 days to go before our youngest birtday at kailangan  ko na namang i-defend ang sarili ko at ang rason ko bakit ayaw ko papuntahin ang brother niya which is alam naman niya all these times kung bakit. Ang problema kasi sa kanya, he's playing god in a way na gusto niyang pagkasundo-sunduin ang mga hindi magkakasundo. Gusto niya patawarin ko na raw ang mga magulang niya at mga kapatid. Ang hirap sis magpatawad sa mga taong likas na ang kasamaan sa puso nila at walang alam gawin kundi maging mapanira at GREEDY gusto lahat sa kanila kabig nila lahat! Sabi ko nga sa sarili ko, bakit may mga ganung magulang pala na sarili lang nila ang importante, hindi sila matuwa na hindi kami nagdadamot sa kanila kahit anong kailangan nila plane ticket pa-manila buong pamilya PUWEDE, kahit anong event sa probinsya may agarang padala kami panghanda nila, kung may mga problema may financial assistance kami anytime. Hindi ko ipinagdadamot ang kita ng asawa ko, sa abot ng makakayanan namin (kahit pa nga pangutanangan namin) may ipadala kami sa kanila kung magsabi sila KASO ang problema sa kanila gusto talaga nila masira kami para buong buo kabig nila ang suweldo ng asawa ko! Insecure sila,, bakit? Ang sakit isipin sis, sa lahat ng kabutihan na ipinakita ko sa kanila sa pitong taon at sa lahat ng effort ko na papasukin nila ako sa pamilya nila at sa PUSO nila e sa bandang huli mga hilaw at pakitang tao lang lahat ng trato nila sa akin kung nakaharap ang asawa ko. Ngayon mag isang taon na na totally inilayo ko na ang sarili ko sa kanila at pinutol ko na ang koneksyon ko sa kanila, nagtetext na sila ng "Kiss to our two angels" (yung two sons namin) at todo todo na naman ang pagpapasweet nila sa mga text kaya sobrang touched na naman ang asawa ko sa mga kaplastikan nila ng parang nakalimutan na nila lahat ng mga salitang nabitawan ko sa kanila na masasakit .... para ano alang alang sa pera??!! Heto na naman ang mga pagbabalatkayo nila,, alam kasi nila na paalis na naman ang asawa ko madeploy na naman abroad so they feel the need to penetrate our quiet lives again? Hays,, ako patuloy kong sinasabi sa asawa ko wag niya pabayaan ang pamilya niya financially at kung kailangan niya umuwi every once in a while or gusto niya magkita kita sila out of town sige puwede walang kaso yun pamilya niya sila afterall PERO ang lagi kong sinasabi sa kanya wag mo na kaming isali mag-iina wag mo na kami idamay dahil hindi naman nila kami mahal! Walang rason para magkita kita at magbonding... pagod lang emotionally. Dahil simula sapul, hindi nga nila makuhang batiin or magtext kung bday ng mga anak namin kung hindi ipaalala sa kanila ng husband ko na bday ng mga apo nila at hindi nga nila magawang kalungin or yakapin yakapin man lang kung wala ang asawa ko pero pag nandyan sobrang lambingan nila sa mga anak ko ang paplastik! Ang masakit siraan pa nila ang mga bata sa probinsya na sobrang kukulit kinukumpara sa mga iba nilang apo na paborito nila na para bang hindi nila naiintindihan ang salitang "BATA"  kung issuehan nila ganun ganun na lang.

Sana lang matanggap na talaga ng asawa ko na ang pagpapatawad ay binibigay sa mga taong humihingi ng tawad at handang magbago for good para sa kaayusan. Sobrang sweet kasi ng magulang at mga kapatid niya pag kaharap siya,, pero kapag wala siya di niya alam nakakatakot ang mga ugali sagad ang pagbabalatkayo!

Alam mo sis, okay na kami... pero ano, heto na naman sila?! Hindi naman namin sila pinababayaan ako pa nga nagreremit sa bangko ng padala papunta sa kanila, monthly yun walang palya. Ayoko na lang talaga ng mga kumonek sa kanila. Mahal ko pamilya ko ....mahal ko ang aming pamilya kaya kahit gaanong kasamaan nila suportado ko ang mga pangangailangan nilang pinansyal dahil awa ng Diyos nandyan ang mga blessings hindi kami nagdadamot PERO sana wag na silang pumasok sa buhay naming mag-iina!  >:(

Kaya sabihin ko na lang sa asawa ko magmall na lang kami, bilhan ko na lang ng paboritong Toy Story toy ang bunsoy namin at kakain na lang kami sa labas. Then if he feels like connecting with them before he leave on April sabihin ko na lang sa hubby ko na umuwi siya sa kanila para makasama sila.... atleast makabonding niya sila. I will tell him para we could meet halfway. And in God's time, sana matanggap ng asawa ko na may mga bagay na hindi  na puwede at hindi talaga uubra.
Logged

Nanay ni Liam

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 280
    • View Profile

Mahirap talaga patawarin ang hindi naman nag-a-acknowledge ng kamalian nila and yung mga humihingi ng tawad.
Hindi naman pala sila napapabayaan ni hubby mo financially pero bakit ganyan pa rin trato? Maybe they dont like the idea na syo dumadaan lahat ng perang napupunta sa kanila. Ganyan kasi yung sa bro ng dad ko kaya ayaw din ng in-laws dun sa asawa.

Kami naman we've moved on long ago na even before malaman ni dad yung lahat. Happy naman na kami kami lang and we're proud na kahit ganito lang kami, we never needed nor asked their support. My dad is like the head of the family kasi nila, takot sila sa dad ko kasi pulis tho retired na sya now, kaya kung magpa-good shot wagas. Hehe!

Tyempuhan mo lang yung right timing sa pag open up sa hubby mo. Let him know na mahirap din syo yung Magiging situation if mag attend brother niya sa birthday ng anak mo.
Logged

mamame

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
  • Life is what you make it.
    • View Profile

hi @Nanay Ni Liam, yung pakiramdam nila siguro na they don't have full control anymore on their son's (my hubby) finances hindi tulad ng dait 7 Years ago nung single pa si hubby and in a relationship pa lang kami nun.

I don't mind giving them kasi pamilya sila ng asawa ko and never ako nagreklamo kahit magkano ang kailanganin nila and i'm cool with regular remittance ng montly allowances para sa parents-in-law ko. Happy kami ng mga bata ng kami lang and at the same time happy ako knowing na hindi kami nagkukulang mag-asawa sa magulang niya at mga kapatid. Ang tanging gusto ko lang talaga sa buhay namin ng mga bata at ng asawa ko ay ang peace of mind na hindi na nila nila sana gambalain ang maayos na naming pagsasama ng asawa ko. Just today, i said to my hubby Our youngest wouldn't have his birthday party instead we'll go malling and buy toys and eat out. Nagtanong siya sa akin kung bakit.... i answered him with Wala Lang and "basta" and i was waiting for follow up questions and another blow of heated argument BUT thank goodness hubby just said Okay and jokingly repeated "bakit bakit bakit......" tapos biglang inject niya ng isama natin si "yung brother niya" sa pamamasyal. I said, wag na magbonding na lang kayong dalawa i-set mo magboy bonding kayo labas kayong dalawa then ayun he said nothing but I know naman he knew why I don't like the idea. Tama naman na kumonek siya sa kanila at any given time wag na lang nila kami isali. Napaso na ako sa kanila, and i don't want our family (specially the kids who are very smart to detect even a slightest misundstanding between hubby and i) to go through it all again. I did my best to be part of their family but they didn't let me so what's the point na ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanila. I almost lost my hubby because of their pa-good shot at mga pa-sweet ...Magpasweet sila all they want wag na lang nila kami gamiting mag-iina. Honestly sis I am sad that I need to sacrifice a supposed momentous event to my youngest life he's turning four in 3days time and there so many nice plans for his bday like he'll wear mickey mouse costume and all but I need to make a sound decision to not do it anymore and instead treat him na lang magmall na lang importante naman may peace of mind. Mahalaga sa akin ang mga birthdat parties ng two boys namin kasi it's a milestone na they aged again but the thing is I can't compromise our family's peace and order. Thanks for hearing me out all these times Nanay Ni Liam.  :-*
Logged

Mommy France

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 1649
  • Lucky to be loved by 2 boys
    • View Profile

I also have issues na ganito pero when it comes to my son, ayokong magkaroon ng issue yung relationship ng mga in-laws sa anak ko. Pwede ko naman silang hindi kausapin basta wag lang nilang pagsasalitaan ng masama yung anak ko.

Basta ang ma-su-suggest ko lang sis, birthday to ng anak mo. This should be his celebration and it should be about him. Kahit di tayo in good-terms sa in-laws, wag natin hayaan na pati yung anak natin magkaroon ng gap sa mga pinsan, sa mga tito at tita, lolo or lola kasi iba yung relationship nila dun. We can be civil if they agree to come kasi sa situation mo ikaw naman yung nanalo eh. Magkasama pa rin naman kayo ng asawa mo. :)

You will be stronger if you face them. And hopefully, they will reciprocate the goodness and start the healing. Hindi agad-agad pero slowly for the sake of the children.
Logged
I am not perfect but I try my best to make the most of what God gave me.
Bad things may happen to me, but I will always come out of it with my head up high. Why? Because I know that I did the things I can control the right way. And the things I can't control, I leave it up to God's will.

mamame

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
  • Life is what you make it.
    • View Profile

Mommy France, I was civil to them for the longest time until I reached my saturation point. I don't know what lies ahead but for now I just want to protect the peace my family is experiencing now -- and, I wouldn't trade it for the world. For now, I just want to give time, time. My son is turning 4y old tomorrow and I am praying and hoping we could give him the best possible birthday bonding I'll do my very best to make him feel so joyful and special, I'm excited for our bunsoy! Without my in-laws in our children's lives and parties is the best gift I can give to them... masakit sis na luho ang tingin nila sa mga bday parties ng mga bata tsk. They're "all smile" in the picture but you would hear side comments and patutsada! At imagine sis, ang pagschool ng kids namin nga ng nursery at kinder sa private ay over-spending and "too early" raw masyado. They were never happy for us or even for the kids. Iniisip pa nila nga sarili pang-gasolina, pan-plane tickets and all kesa mapasaya nga bata namin sa a raw ng birthdays nila. Pagpa-tarpaulin nga issue pa sa kanila kahit minsan lang naman sa isang taon tsk... Sarcasm pa matatanggap ko na comments nila grabe talaga. I'll offer our bunsoy's day to our Dear God and have a fun filled and meaningful bday bonding with him... Kahit simple bast a pure happiness sis and lots of love masaya na ako. Importante mapasaya namin si bunso in his big day :-)
« Last Edit: February 22, 2013, 07:13:11 pm by mamame »
Logged