Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Author Topic: Umalis lang si mommy nagbago na lahat pakikitungo ng anak.  (Read 51160 times)

krizzia

  • Newbie
  • *
  • Posts: 17
    • View Profile
Umalis lang si mommy nagbago na lahat pakikitungo ng anak.
« on: April 02, 2013, 07:36:52 pm »

Mahaba habang kwento ito!  Actually sa tita ko ito problema. She's a Single mom, naaawa lang ako kasi hindi na niya alam ang gagawin niya..yung dadi ng anak niya wala ng pakialam sakanila matagal na tapos nagkaroon siya ng boyfriend hanggang sa naglive in sila kasama nila yung anak niya. Problema kasi hindi pa niya alam yung talagang ugali ng lalake, sinasaktan siya pag nagagalit hanggang sa nagka baranggayan tapos ok nanaman sila tapos nangyari nanaman ulit. Then nag decide yung tita ko na mag abroad, hindi ko alam kung ano yung pumasok sa utak ng tita ko kasi iniwan niya yung anak niya dun sa boyfriend niya tapos nalaman namin na wala na pala sila..pinapadalhan ng money ni tita yung pinsan ko tapos dun niya hinuhulog sa account ng ex bf niya. . saksi ako dati sa closeness ng mag ina,.as in super hug parati yung son niya skanya kasi mama's boy,kala ko nga dati magiging gay yun.hehe.pero ngayon nagbago na.mag gegrade six yung anak niya nung umalis sya (1 year palang siya ngayon sa riyadh.) .one time tinext niya ako pati cousin ko na mag attend kami ng graduation ng anak niya kasi daw yung family ng ex bf niya sinasabihan daw yung anak niya na "Walang representative yung family mo, pinabayaan ka na nila". nag attend kami that time, tapos kinausap ko siya, sabi ko o magstay ka na sa lola natin kasi diba dun ka mag aaral.tapos ayaw daw niya, mas gugustuhin pa daw niya magstay sa pamilya ng ex bf ng tita ko kesa sa relatives namin(tawag niya sa ex ni tita ay tito). .sabi ng tita ko pinapauwi daw niya yung anak niya dun sa lola namin para magbakasyon ayaw daw pauwiin ng ex bf niya kasi kung uuwi daw un alam niyang hindi na mkakabalik skanya yung anak ni tita..sabi ng ex bf niya saknya hindi daw makukuha ni tita yung anak niya kasi sya daw ang naghirap..mas lalong naging myabang yung ex ni tita nung nag graduate yung pinsan ko, nagka award kasi pinsan ko (1st honorable), sabi ng pinsan ko sakin, mas mbuti palang wala dito si mama kasi nung umalis si mama ska ako nagka award.nkakainis diba?  ano kaya magandang gawin ni tita?gusto na nyang makuha yung anak niya,.yung kapatid ni tita na lalake hindi naman matapang yung loob tapos yung isa niyang kapatid may problema din.so siya lang talaga.humingi sya ng tulong sa lola ko at ang sabi ng lola ko wag na daw munang paalisin dun yung pinsan ko kasi malulungkot daw ex ng tita ko. :o Palibhasa nung pumunta yung ex ni tita kina lola kasama pinsan ko kasi namatay si lolo aba at sagad sa buto ang ka papelan. bihira nalang magtext skanya yung anak niya ngayon..ano kaya mganda niyang gawin para mabawi niya yung pinsan ko?? ilap na din kasi samin yung pinsan ko at hawak nung ex bf ni tita yung cp ng anak niya.  help po..  :-\
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3241
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: Umalis lang si mommy nagbago na lahat pakikitungo ng anak.
« Reply #1 on: April 03, 2013, 09:22:37 pm »

Siyempre hindi ko alam ang buong story so let me give my POVs based on what you mentioned. Eto mga sumagi sa isip ko.


1) bakit sa bf ng tita mo iniwan ang anak niya at hindi  sa inyo or any kamaganak? Maybe she has her own reasons. As I see it, he's being groomed to be the child's step father na.
2) How can he be an "ex"? Leaving her child with him means sila pa rin.
3) Leaving her child with him means she trusts him and has forgiven him of his battering. Kung yung Tita mo napatawad yung bf niya, everyone should respect that.
4) The fact na may honors ang bata, it means that his (to-be, or already) step dad is doing well in supporting his studies.
5) mukhang maayos naman ang pangangatawan at spirits ng bata under his guardian's care.
6) Hindi na mama's boy ang bata. This should be seen as positive. He can get along with his guardian and even the family of the guardian.
7) Masakit yung sinabi niya about relating his achievement to the absence of his mother pero bata pa lang siya. Hindi pa siya sensitive enough to choose the right words to say. Maybe it's not what he means, I'll give him that. If however, marami na siyang nasabing ganun ang dating, then that's when I will start getting alarmed.
8 ) What do you mean "mapapel is ex-bf"? If it's bragging about the achievement of the child, I'll take that as positive. Proud siya sa alaga niya like any parent.
9) His threat na hindi makukuha ng Tita mo ang bata dahil siya ang naghirap, walang basis yon. The real parent still has the right ano pa man ang sabihin niya. Don't take that seriously.

You can't blame the child kung mas mapalapit at gustuhin manatili sa tito niya kasi 1 year na silang magkasama at masaya naman siya dun. Of course, magiging mas familiar siya sa relatives ng tito. Your Tita should have predicted this before she chose the rightful guardian for her son.

Let your Tita communicate more with her son. Sa skype, she should say remarks like "Anak I'm proud of you, hindi nasasayang ang pagod at paghihirap ko sa pagpapaaral sayo" She should establish sa anak niya na siya ang nagpapaaral sa kanya. You show yourself more to your cousin also like invite him to occasions o gimmick na malapit or convenient sa kaniya para hindi sila makatanggi. You may also send him congratulatory gifts or little stuffs like activity books or items of his interest (not necessarily expensive) just to let him feel na present kayo and you care for him kahit bihira niyo siya makita.

Mahirap malayo sa sariling anak. Any small scale situation namu-multiply dahil sa pagkasabik at pagaalala niya so please, hangga't maaari, i-balance niyo yung balitang ipaparating niyo sa tita mo.

I do understand may mga issues na nakakalungkot pero I hope you also see the lighter side of it.
« Last Edit: April 03, 2013, 09:27:37 pm by Mommyjazz »
Logged