Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: utang na 5/6 every week tumutubo  (Read 24920 times)

danixnix

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • ilovemarheyceldan! Godbless us!
    • View Profile
utang na 5/6 every week tumutubo
« on: April 10, 2013, 09:49:20 am »

hi mga sis! diko po alam kung tama forum napuntahan ko.

gusto ko po sana pieces of advice regarding sa utang ng nanay ko 16k nung january lang this year inutang niya sa kapitbahay na lingguhan ang tubo ganito nangyari hindi nababayaran ng mother ko ang kabuuang kapital na inutang puro tubo lang daw ang nababayaran hanggang sa ang 16k naging 140k na daw yun dahil daw sa tubo, pero ang tubo ng mother ko na nabayaran na is 47k na umabot. mga sis ano ba hakbang pwede namin gawin kasi pinabakasyon muna namin sa probinsiya nanay ko  para kami nalang sana ang kakausap at makikipag ayos sa inutangan niya pero parang ayaw pumayag gusto eh yung bahay na tinitirhan ng mother ko ang ibayad. tama ba na sa baranggay na mag usap kapag sakaling bayaran nalang namin yung 16k at gumawa ng kasulatan next month? kasi wala kasulatan yung utang ng nanay ko sa kanya kumbaga nagpapautang lang yung neighbor namin na higit pa sa 5/6 ang tubo kasi lingguhan at umabot sa ganitong halaga ng kabuuang babayaran.pinupursige kami magkakapatid na magbayad 20k a month,sabi ko di ako magbabayad ng ganyang halaga tutal naman 47k na nakukuha niya sa nanay ko tapos 16k lang talaga utang. sakit na ulo kakaisip kasi yung pinapadala sa kanya ng tatay ko napupunta lang sa utang. please help mga mommies kung ano dapat namin gawin magkakapatid, ako lang may trabaho samen at halos lahat may kanya kanya na kami pamilya 5 kami. thanks sana matulungan niyo ko kasi involve na kami lahat magkakapatid.
Logged
A baby is God's opinion that life should go on.


RMMD

maeh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
Re: utang na 5/6 every week tumutubo
« Reply #1 on: April 10, 2013, 10:14:00 am »

its an excessive charging of interest sis, they shouldnt and can't charge you the interests like that,,,Pwede nyo pa sila ireklamo ng excessive interest charging and harassment if they still insisting you na bayadan pa ng sobra sobra. Wag nyo na bayadan pa sis.47k is more that enough from 16k lang na utang.


hope this helps.thanks:)
Logged

dhates

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 277
    • View Profile
Re: utang na 5/6 every week tumutubo
« Reply #2 on: April 10, 2013, 12:37:59 pm »

sis ganyan din nangyari sa cousin ko..umutang sya 60k para sa hospitalization ng anak niya dec 2011, binigay sa kanya ang utang niya in 3 installment pa tig 20k every 3-4 days pero deducted ang initial interest so sa 20k 14k lang nakukuha niya so total of 42k lang ang nakuha niya sa 60k na utang around last week ng january 2012 pa lang more than 200k na daw ang total ng utang niya to think na nakapag hulog pa sya ng 20k nung nagbigay sa kanya yung sis in law niya para sa bata. wala din sila kasulatan and weekly din daw ang tubo nun, kinausap ng father ko and sinabihan na kung magkano yung total na utang yun lang ang babayadan ng pinsan ko since nakapagbigay na sya ng 20k, 40k na lang babayadan niya yung interest e nakuha na niya umpisa pa lang which was already 18k (20k-14k=6k*3) sobra sobra na yun para sa 2-3months na tinakbo ng inutang na pera. syempre ayaw niya pumayag, kesyo hindi daw kanya yung pera, e sinabi namin na problema na niya yun kasi sa kanya naman umutang yung cousin ko at hindi dun wala sila kasulatan at isa pa hindi naman sya tatakbuhan babayadan sya pero yung due lang talaga hindi yung excessive interest na sinasabi niya, kung ipipilit niya pa din yun e lahat ng pwedeng lapitan kahit pa hanggang kay tulfo e lalapitan nila plus pa na yung ihuhulog sa kanya e sa abogado na lang ibabayad para ireklamo sya, natakot sya kasi alam niya matatalo sya at pag nagkataon baka sya pa ang magbayad ng daņos. gusto din niya yung bahay at lupa ng pinsan ko ang ibayad sa kanya, pinipilit din namin sya na ipaharap samin yung sinasabi nyang inutangan din niya ng pera para yun ang kausapin namin wala sya mailabas kasi kanya naman talaga yung pera gumagawa lang sya ng kwento para kunwari naiipit din sya. sis bawal talaga sa batas yung ganun kaya mas may laban kayo, kung konsensya ang iniisip nyo na hindi kayo nagbayad ng utang na ginamit nyo naman talaga, e bayad na kayo kasi 16k lang ang ginamit nyo 47k na ang binayad nyo pati interest bayad na kayo. kapag ginulo nila kayo magreklamo kayo sila pa ang lalabas na walang kahihiyan at walang konsensya dahil talaga namang mali ang ginawa nila. actually sis kahit may kasulatan yung ganyan at ang agree ang nanay mo pag nadiscuss sa legal yan hindi pa din tatanggapin yun kasi pansasamantala yung ginawa nila. nakakainis lang kasi dumadami na pala yung mga ganyang klase ng tao akala ko isolated case yung sa pinsan ko tapos meron pa palang iba
Logged

danixnix

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • ilovemarheyceldan! Godbless us!
    • View Profile
Re: utang na 5/6 every week tumutubo
« Reply #3 on: April 10, 2013, 01:03:54 pm »

@sis maeh, tama ka sis excessive interest na talaga at ginagawa na palabigasan nanay ko biruin mo kahit di siya magtrabaho may natatanggap siya buwan buwan galing sa nanay ko, plano na namin pabaranggay para dun na mag usap sa barangay at mabuking ganung klaseng negosyo niya na panlalamang ng tao.



@sis dhates, oo sis talamak na ganyan yung nanamantala ng kapwa porket kailangan ng tao sasamantalahin pero parang wala naman ata mga konsensiya basta makalamang lang ng tao. kaya plan namin pabaranggay na next month tutal naman bayad na kami sobra sobra na tubo nila sa nanay ko.
Logged
A baby is God's opinion that life should go on.


RMMD