Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: mahilig mag-advance si Helper  (Read 5711 times)

i_love_pink

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • i made it!!!
    • View Profile
mahilig mag-advance si Helper
« on: May 18, 2013, 11:33:58 am »

Hi mga sis!

Currently having trouble with my helper. Just to give you a background, she is 52 years old. Fully dependent sa kanya yung anak niya na may family na. Naka 1 year na sya sa akin and okay naman yung service niya.

The problem is, palagi syang nag-aadvance. May advance sya before na kinakaltas ko sa sahod niya. So bale half na lang ang natatanggap niya monthly. Yung natitira nyang sahod, kinukuha na niya which is dapat sa 31st pa. Pagkatapos niya mabayaran yung advance niya, aadvance ulit. Parang ganun na lang palagi.

No questions naman sa performance niya sa work. Masipag naman at talagang maaasahan. Kaya nga lang, nagiging habitual na. Saka feeling ko kasi di nakakatulong yung ganun. Plus on my part, medyo nasisira ang budget ko.

Are you in the same situation? How do you handle it? Ayoko naman kasi na magtampo sya or tamarin sa trabaho dahil di ko napagbigyan sa advance niya.  help naman. Thanks!
Logged
mommy weng

jeuno

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 115
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #1 on: May 19, 2013, 05:28:38 pm »

^ Mahirap nga yung ganyan sis. Ganyan din helper ko, pero at least sya a week or two lang mag advance. Kasi 15th and 30th ko sya pinapasweldo, mas okay kasi umuuwi rin sya sa kanila every sweldo or pag naka advance. 48y/o naman sya and may 4 na anak.

Kapag ina-advance niya yung buong sahod niya sa isang kinsenas, madalas di ko pinapayagan. Half lang ng kinsenas binibigay ko. Kasi kahit siguro sinong tao na empleyado, kung na-advance na niya pera niya and pag iniisip mo na wala ka na sasahurin, tatamarin ka talaga. Kahit sa totoo lang e nagamit mo na yung pera. Ganun na lang siguro sis, try mo gawing 2 payments sweldo niya, and kung mag advance, half lang maximum na pwede. Para rin hindi masyado masira budget mo.
Logged

trish_avellana

  • Newbie
  • *
  • Posts: 47
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #2 on: May 20, 2013, 08:46:45 am »

For my helpers, I give twice a month (15 & 30).  Nakakinis din kapag mag-advance kasi nagsasabi on the day na gusto nilang makuha peru hindi naman malaki (100-500 lang).  Peru oo, nkakasira ng budget kung ganun.

Anyway, just like what mommy jeuno suggests, kung ano yung gustong i-advance, ibigay mo half lang or a percentage of what she asks.  Ipapaintindi mo din na may budget ka.  Your both mothers so she also understands you.  Tapos turu-an mo na hindi dapat magdepend fully sa kanya yung mga anak niya... somehow magsumikap rin magtrabaho kasi siya rin naman ang kawawa kung palagi sa kanya nakasandal mga anak niya...
Logged

i_love_pink

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 105
  • i made it!!!
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #3 on: May 20, 2013, 10:01:50 am »

Thanks mga Sis! Actually 15-30 din ang sweldo niya sa akin. Yun nga lang masyado ako madali kauap kaya binibigay ko yung gusto niya. Siguro this time, I have to be strict na.

Malaki ang gastos ngayon kasi malapit na magstart ang school. 2 ang students ko plus ako pa nag-aaral din!
Logged
mommy weng

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #4 on: May 20, 2013, 10:58:30 am »

Haay, same here mommies. Yung yaya namin, wala na syang sasahurin hanggang June, kaka-advance. Totoong nakakasira sya ng budget! Kaya lang, mahirap naman hindian kasi urgent need din niya (1st birthday ng bunso niya, then nagkasakit, tapos ngayon nagsasabi na uli kasi palalagyan daw ng bubong yung kubo nila in preparation for the rainy season). Sinasabi ko nga sa kanya na wala na siyang panggastos, okay lang daw. Talagang para sa pamilya niya yung sinisweldo niya. Nakakaawa din naman...
Logged

strawberryjewel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #5 on: June 18, 2013, 02:58:20 am »

Hello po mga mommies! Hindi naman sa nagiging negative po ako pero ingat-ingat po sa mga ganyang style.
Share ko lang po experience ng ate ko.

Buntis yung anak ni yaya na kinuha namin, taga-Rizal province siya, 45y/o. Mahilig mag-advance, buntis nga daw kasi ang anak niya kaya di matiis ng kapatid ko na hindi pagbigyan. Kung ano-ano sinasabi like dinu-dugo daw kaya kailangan ng pang-down sa ospital, nagkasakit daw isa niyang anak e buntis nga yung kasama wala daw magaasikaso dun sa may sakit kaya babale muna siya ng isang libo para pamasahe pauwi, mga ganung palusot.

Until one day bumale na naman ng 5k, manganganak na daw anak niya, pinayagan naman ng ate ko siyempre emergency eh babalik pa naman daw siya. Ay kaloka, tsumempo si yaya, nag-alsabalutan habang nasa trabaho yung ate ko at asawa niya, iniwan mag-isa yung 5 months na bata kasama ng papel, nakasulat, PAPADALA KO NALANG BAYAD SA MGA BALE KO.

Hindi na nagparamdam si yaya at nung hinunting namin sa lugar nila, nagtatago. Yun pala tagal pa ng expected due date ng anak niya at dami na pala niyang blotter sa barangay dahil bumabale sa amo, magaalsabalutan tas hindi na magpaparamdam. One year ago pa yun, as of now di parin namin nahahagilap si yaya. Nasa 8k plus ang nabale niya.

Ingat po sa ganitong mga tao!
Logged
"Do not fear for the Lord is with you."

eloytski

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 140
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #6 on: June 18, 2013, 10:18:50 am »

Sis strawberryjewel, oh no, kawawa naman yung baby! Iniwan mag-isa?!  >:(  I hope the baby was okay, wala nangyari masama.
Logged

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 435
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #7 on: June 18, 2013, 02:30:12 pm »

naku mga sis... kaya bihira ako kumuha ng kasambahay na may anak at asawa coz sila yung madalas mag-advance. e ako kasi, sinasabi ko na sa umpisa na hirap kami magpa-advance coz ang dami dami nming gastos sa bahay. hirap ako magbudget... so far, di naman sila nagaadvance. minsan, ako na nagooffer  na ibigay ng early mga sweldo nila kung may extra kami...

saka sis strawberryjewel, iwan ang 5mos na baby? omg  :o hahanap ako ng legal action kung ganun ginawa niya sa akin. hmp. ok lang the money, pero ang baby?!?
« Last Edit: June 18, 2013, 03:17:41 pm by mami che »
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."

strawberryjewel

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #8 on: June 18, 2013, 02:52:35 pm »

Wala naman po, salamat sa Diyos. Bait kasi ng isang neighbor nila, nung nakita daw na madaming dalang bag tinanong niya agad kung saan pupunta, sabi daw ni yaya uuwi na siya. E alam ni neighbor na sila lang naiiwan nung baby sa bahay kaya kinontact niya agad asawa ng ate ko para magsumbong. Buti 15 mins away lang office nung bayaw ko kaya pag-uwi niya tulog padin si baby :) Ang bad talaga ni yaya 'di manlang nilock ang pinto buti 'di sila napasok ng masamang loob.
Logged
"Do not fear for the Lord is with you."

didi

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 61
    • View Profile
Re: mahilig mag-advance si Helper
« Reply #9 on: June 21, 2013, 03:45:31 pm »

Ako kasi, from the start palang - I tell them na hindi ako nag-aadvance/Vale.  Hindi rin ako nagpapautang.

But and sweldo nila I have the option na every 2 weeks or 1s a month.  I honestly prefer the every 2 weeks/15-30 kasi mas magaan for me.  Hindi one big bulk ang bigay ng sweldo.

I know nakakaawa sila minsan BUT shempre paano kung nagsabing magpapadala tapos biglang di na babalik.  Goodbye na diba??

I used to have a helper na mahilig mag-advance PERO wala eh, sorry - hindi ako ganon.  Kaya 4 months lang siya sa akin.
Logged