Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: I have just given birth and my MIL is getting on my nerves!  (Read 3905 times)

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
I have just given birth and my MIL is getting on my nerves!
« on: March 13, 2015, 12:40:18 am »

Hi mommies! I am so frustrated right now. In fact, habang tinatype ko ito, krayola ang peg ko.  :'(

Nanganak ako this March 11 lang, baby girl NSD awa ng Diyos kahit 7.9 lbs si baby. Yun lang haba ng tahi ko na iniinda ko pa rin til now. Nakatira kasi kami pansamantala ng hubby ko sa inlaws ko kasi hindi pa tapos yung hinuhulugan naming bahay. Noong manganganak ako, si hubby at MIL kasama ko. March 10 nagpunta na kami sa hospital. In fairness, na-appreciate ko na andun si MIL. Pero hindi siya nagprisinta na magpunta dun, hinatak lang siya ng husband ko kasi hindi niya kabisado short cut papuntang hospital. Since malayo ang tirahan ng mom ko, si MIL ang nag-assist sa akin nung March 10 til March 11. Pero dumalaw naman mom ko pero sandali lang.

So nung nanganak ako, super happy sila kasi first apo eh. medyo nababadtrip na ko ng slight kapag sinasabi ng in laws ko na kamukha ng mga ate ng hubby ko ang baby namin. Eh kasi hindi naman talaga, saka bakit ba puro yun ang sinasabi nila, hindi ba pwedeng kami ng hubby ko muna kamukha?

Tapos bawat kilos naming mag-asawa, like kung paano namin ihahandle si baby eh pinakikialaman nila pati pagpapadede ko. Pati ba naman pananamit, kinokontra pa ako kasi gusto ko pagsuutin ng onesies ang baby namin. Ayaw niya, kasi hindi raw yun advisable sa newborn. Minsan gusto ko ng sumagot kasi napipikon na ako pero iniisip ko na lang na mother yun ng husband ko at kahit paano eh may kabaitan din naman. Sobrang pakialamera lang.

Tapos isa ko pang problem eh sobrang cranky ni baby, siguro dahil 1 day old pa lang siya at nag-aadjust sa surroundings niya. Maya maya kinakatok ni MIL ang room namin ni hubby at pinagsasabihan kami na huwag hahayaang umiiyak lang si baby. OMG! Tingin niya gusto namin yun? Nagkakasugat na nga breasts ko kakapadede kasi malakas magmilk baby namin at kahit nanlalata pa ako dahil kapapanganak ko lang, pinaghehele ko pa rin si baby para lang tumigil sa pg-iyak tapos sasabihan kami ng ganun?????Si hubby tinutulungan din naman ako kaso hirap talagang patigilin ni baby.

Tapos nakita pa niya g patay ilaw namin sa kuwarto. Bakit daw kasi namin pinapatay, baka daw yun reason kaya ayaw tumigil ni baby. Eh kahit naman may ilaw umiiyak baby namin. Pinayuhan pa kami na magsindi daw ng insenso kasi baka may something daw dito sa room namin. Ayun, ang baby ko ngayon nasa mga room ng ate ng asawa ko. Tapos sinabi pa ni MIL na dun daw eh tulog na tulog ang anak namin, siguro nga daw dahil pinapatay namin ilaw sa kuwarto. Haayyy. . Feeling ko tuloy palpak ako na mother dahil sa mga sinasabi niya. Ewan ko, baka one of these days masagot ko na siya.  :'(

« Last Edit: April 06, 2015, 01:47:26 am by faithyperry »
Logged

MomiAnn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 29
    • View Profile
Re: I have just given birth and my MIL is getiting on my nerves!
« Reply #1 on: March 13, 2015, 09:12:12 am »

relax mommy, cranky talaga ang mga newborns lalo sa first few days, weeks and even months nila.  Sa first born ko, talagang straight na 2 months gising ako from 12mn up to 3 or 4 am  for feeding or crankiness.  Common din magsugat ang nipple / breast sa mga unang breastfeeding.  Later on kapag marunong ng mag - latch properly si baby, at kapag medyo sanay na breast mo - mawawala na rin mga sugat problem.  Pero maganda talaga if breastfed si baby so it's better to continue breastfeeding while you can.  Read some article / research further about breastfeeding so you could get some helpful inputs on how to successfully breastfeed the baby.

With regards to your MIL, take it easy.  in my case kahit sarili kong mother madami ding comment / instruction on "how to's" pagdating sa pag-aalaga ng anak.  Ewan pero parang common yata sa kultura ng Filipino yung magbigay ng unsolicited advice sa iba, lalo kapag napagdaanan na nila nga ang pagpapalaki ng anak.  May mga mapupulot ka sa kanilang lessons, pero minsan (lalo mga pamahiin) hindi rin naman totoo - nakakatyamba lang kasi  minsan, hehe.  Relax lang, focus on getting well since you just have gave birth, and focus on your baby.  As long as you have hubby's support, everything will ease in smoothly eventually.  Good luck to your new mommy adventures  :)
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: I have just given birth and my MIL is getting on my nerves!
« Reply #2 on: April 06, 2015, 02:00:56 am »

Hi MomiAnn! Thanks sa advice. Malapit ng mag one month ang baby namin. So far, nakakapg-adjust na kami sa puyatan. About breast feeding naman, medyo marunong ng maglatch si lo. Hindi na masakit. ;) sana mapabreastfeed ko siya hanggang 1 year old man lang.

About MIL, medyo pakialamera pa rin pero natutuwa ako sa hubby ko kasi supportive siya sa akin. Siya na mismo ang nagsasalita for me. There was a time kasi na gusto nilang ipasyal ang baby namin kasi may bagong stroller. Eh hindi pa complete ng bakuna yun. Mahirap na may makuhang sakit. Hindi talaga pumayag ang hubby ko. Wala silang nagawa. Tapos ngayon may ubo naman ang MIL ko, minsan may mask nga sa bibig pero binababa niya minsan kapag nilalaro ang baby namin. Haaay...

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng hindi siya maooffend na takpan ang bibig niya kasi may ubo siya. Sumisimple na lang ako ng paglayo or minsan hinaharangan ko sila ni baby. Noon kasi, sinabihan siya ng husband ko na mag-alcohol muna bago hawakan si baby. Sinabihan ang hubby ko na masyado daw maarte. Eh may point naman ang husband ko kasi madalas humahawak sila ng pera dahil may tindahan sila at para sure na din na malinis ang kamay kaya dapat mag alcohol.

Can't wait na makabukod na kami ng husband ko. hehe!;
Logged

Ria Sam

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 61
    • View Profile
Re: I have just given birth and my MIL is getting on my nerves!
« Reply #3 on: April 07, 2015, 09:57:34 pm »

Hi SIs,

ganyan talaga mga byenan. nakakagalit. minsan nga ahit sarili mong nanay grabe ang concern sa bata na parang aanuhin mo e anak mo yun diba? Anyway, ang maadvice o lang talaga is tama ka, mag ipon ng makabukod. Maaaring concern lang din siya at nakakatuwang excited sya sa bata pero insan sumosobra narin. Kaya nga heto:

http://happypinaymommy.com/2015/04/07/paano-pagandahin-ang-relasyon-sa-biyenan/
Logged