Hi sis wendy.ravzz & sis Akosibulinggay!
Thank you sa mga suggestions and comments nyo. Kahit papaano nabawasan ang pagkapraning ko, at hindi lang pala ako ang nakaka experience ng ganito.
Sis wendy.ravzz, try ko ang suggestion mo. Sana makinig si husband sa akin. Dahil sa totoo lang, hindi ako un tao na magaling pagdating sa confrontation...madalas nauunahan ako ng galit, either kung ano ano ang masabi ko or tatahimik ako na parang pader lang ang kausap mo. This week, uuwi na naman kami sa bahay ng MIL ko, stress to the max na naman ito.
Un baby ko kasi recently lang natuto kumain ng solids, natutunan niya kasi sumuka pag hindi niya gusto ang texture or lasa ng pinapakain sa kanya dahil sa ferrous sulfate (sobrang sama ng lasa!!!) drops na binigay ng pedia niya. Kahit sobrang liit ng ipakain mo sa kanya, kahit super lambot pa, pag di niya nagustuhan isusuka niya kasama lahat ng milk na nainom niya. Ito ang pinaliwanag ko sa MIL ko noon, pero mukhang di nakinig or di naniwala sa akin.
Pero ngayon, thankfully, okay na ang baby ko, marami na sya nakakain, like rice, chicken, biscuits, squash, sayote,carrots, apple, banana...kahit na ano ibigay ko ngayon kinakain na niya ng hindi sumusuka. Aside from that, hindi rin naman nabawasan milk intake niya. As per his pedia hindi naman sya overweight, hindi rin naman sya mataba like other babies pero siksik ang laman niya.
Agree naman ako sa pagpapakain ng solid foods si baby, un nga lang, bakit naman instant noodles pa? MSG, chemicals and salt overload! Mas in favor nga ako pag lutong bahay, Sis Akosibulinggay. Pero like I said, marami na nakakain si baby ko ngayon, pero di pa rin nabawasan milk intake niya
Ang MIL ko kasi, laging naka compare sa development ng ibang apo niya ang baby ko, eh iba iba naman ang development ng mga babies di ba? Dapat ganyan, dapat ganito, si baby ni ganito, kumakain na ng ganyan...haaay!!! Tama ka sis, dapat inaalam muna niya ang gusto at di gusto ng baby ko, sana ganun sya. Kaso hindi...