Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: MIL na medyo pakialamera  (Read 17016 times)

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
MIL na medyo pakialamera
« on: November 06, 2013, 10:09:41 pm »

Basahin sa Smart Parenting:
Nakikialam ang In-Laws Ko sa Pagkain ni Baby
Click HERE.


Hi mga sis! How would you deal with a MIL na ganito? Gusto niya pakainin ng INSTANT NOODLES ang baby ko, 1 year old pa lang sya, ang sabi ko maalat kaya hindi ko binibigyan ang baby ko, tapos sabi niya pwede naman daw i-dilute un timpla ng noodles. Hindi na ako sumagot after nun.

Napansin ko lang kasi, lahat ng ginagawa niya dun sa isang apo niya, gusto niya gawin din niya sa baby ko. Like un pagbigay ko ng milk, pinansin niya. One morning kasi tinimplahan ko ng milk ang baby ko and sabi ng MIL ko dapat daw nag solids na sya, ibig niya sabihin dapat pinapakain ko na at hindi milk ang binibigay ko. Pinapakain ko naman ng solids, un nga lang, mas gusto ng baby ko ang milk. Parang ang gusto niya mangyari is bawasan ko ang pagbibigay ko ng milk sa baby ko at solid foods na lang palagi. Ang sa akin kasi, hanggat gusto ng baby ko ng milk, hindi ko sya pipigilan. Un kasing isang apo niya, pinipigilan nilang mag milk, pag humihingi ng milk, ibibigay nila is juice.

Minsan I overheard her talking to my husband, sinasabi niya na dapat sanayin nang uminom ng milk sa sippy cup ang baby ko. But he just turned one year old!

Natatakot ako na iwanan ang baby ko sa kanya, baka kasi kung ano ano na lang ang ipakain. One time hindi ko sya napigilan kasi sinubuan niya ng white part ng brazo de mercedes cake un baby ko, ayun, nagsuka tuloy. One time sinubuan naman ng malaking piece ng broas, nagsuka ulit un baby ko. Feeling niya kasi kagaya ng isang apo niya na lahat ng isubo kakainin. Kahit sino naman sigurong baby pag sinubuan ng ganun kalaking piece, mabubulunan, at saka hindi pa familiar un baby ko sa taste ng mga pinapakain niya.

Tapos gusto niya na sanayin ko nang naka off ang lights pag natutulog kami ng baby ko. Gamitin ko na lang daw un lamp shade instead. Na try ko na minsan yan sa house namin and instead na matulog ulit si baby ko nung nagising ng madaling araw, na focus un attention niya sa lamp shade, tapos hindi na sya makatulog ulit kahit naka on na ang lights, and kahit na antok na antok pa, iyak lang ng iyak. Gusto ko rin naman naka off ang lights pero siguro may right time para sanayin si baby for that.

Ang hirap lang kasi, dominating ang personality ng MIL ko. Pag may sinasabi ako or may pinapaliwanag parang di sya naniniwala. Although na explain ko na sa kanya before kung bakit hindi pa gaanong sanay sa solid foods ang baby ko, parang pasok sa isang tenga, labas sa kabila lahat ng sinabi ko.

Mga sis, paano ang gagawin nyo kung nasa parehong situation kayo?  :'(

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.

« Last Edit: October 20, 2019, 06:07:40 pm by Parentchat Admin »
Logged

wendy.ravzz

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 73
  • happy mommy of one boy & one girl!
    • View Profile
    • http://www.smartparenting.com.ph/ayenn.jpe
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #1 on: November 06, 2013, 11:03:35 pm »

Hello sis Hinata! ;)

Hmm.. medyo nakakaloka nga yang MIL mo ahh?! :( kung nasa situation mo ko, baka umalis na ko jan.. etong opinion ko sis sa akin talaga toh kase ang question mo is pano gagawin kung andyan sa situation na yan.. sa una kakausapin ko hubby ko na kung baka pwede kausapin niya ng masinsinan yung nanay niya tungkol nga sa bagay na yan.. pero kung wala pa din talaga, ako na mismo kakausap sa MiL ko na baka pwedeng pagbigyan niya ko na ako nalang ang bahala sa pagpapakaen ni baby then sasabihin ko yung totoo na mahirap yung basta basta magpakain nalang  sa baby kase sis napaka aga pa nung 1yr.old para pakainin nalang ng basta basta.. pero in a nice way ko pa din saasabihin sakanya yun kahit na alam kong napaka complicated kase baka masamain niya or what.. eh kesa naman hayaan ko nalang na gawin niya lahat ng gusto nyang gawin sa 1yrold baby ko di ba.. sis, health ni baby yung priority naten syempre.. same kayo ng situation ni sis jhanadane.. ganyan din yung family ng asawa niya. 6months palang yung baby niya ayun pinakaen ng rambutan nung side ng hubby niya.. kaya naospital.. ganyan na ata mga matatanda talaga minsan nakakalimot na sa mga dapat at hindi dapat ipakain sa mga baby.. sis, kausapin mo muna si hubby mo.. yun muna first step mo.. syempre MIL mo yan, mahirap na baka ikaw pa mapasama di ba. ;)
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #2 on: November 07, 2013, 12:06:10 am »

Hi mommy, ganyan din pakiramdam ko before sa mil ko, kase kung ano ano din isinusubo sa baby ko, like ice cream icing ng cake, e ayaw ko masanay sa matamis ang baby ko. Tapos lagi niyang sinasabi na ipagluto ko daw ng totoong food kesa cerelac ang ipakain ko. Diba nakakainis?? Pero nung medyo nagtagal na narealized ko na may sense din naman yung IBANG bagay na isinasuggest niya. Yung part na sinabi ng mommy mo na wag na sanayin sa milk ang baby mo at isolids nalang, actually mommy totoo yun, kase dapat sa solids na talaga kinukuha ng 1 year old baby ang nutrients at hindi na sa milk, although important pa din naman yung milk. Based sa pedia ni baby at sa kakasearch ko sa internet, atleast twice a day nalang dapat ang milk pag tuntong ng 1 year old ng baby.  Try kalang sis ng iba ibang food na magugustuhan ni baby, then pag nalaman mo na kung ano yung gusto niyang food yun nalang muna ang ibibigay mo. Nakakafrustrate talaga pag luto ka ng luto tapos di naman kakainin ng baby, naranasan ko yan! Ganun talaga e, dimo naman pwedeng ipilit ipakain..

Kung ako nasa situation na ganyan, una, sige pagbigyan si mil sa suggestion niya then ipapakita ko sa kanya na ginawa ko. Second, kakausapin ko siya na when it comes sa pagpapakain, alamin muna nila yung mga gusto at di gusto ng anak ko. In my opinion, ang mga mil, mahilig magsuggest, para sa akin kung wala ka naman nakikitang mali okay lang naman siguro pagbigyan mo nadin, kase di naman siguro sila magsasuggest na ikakasama ng mga baby natin. 
Logged

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #3 on: November 07, 2013, 09:35:00 am »

nakakainis talaga pag parati ka na lang pinakikialaman sa lahat ng bagay. pero don't be too defensive kasi she also just wants what's best for your baby. kapag kasama mo MIL mo sa bahay you cannot be too controlling, mas mahirap naman di ba kung yaya na kung ano lang ang sabihin mo yun lang di na makapagisip para sa sarili. think about it this way mothers knows best at siya ang nanay ng asawa mo and he turned out alright naman di ba and his siblings  too and apo, so my point is mas marami siya experience sa iyo kaya be open to her suggestions wag agad defensive. I don't think there is a formula sa pagiging magulang. ako I have three kids, yung parenting ko sa eldest do is different from the other two kasi nga I have learned and grown throughout the years. so instead of butting heads with your MIL take her suggestions, work with her to find out what best suits your child. kung maliliit lang na bagay pagbigyan mo na just be firm dun sa mga bagay that you really believe in like discipline
Logged

MommyniAddie

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 258
  • A proud Mom and a happy Wife :)
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #4 on: November 07, 2013, 09:38:35 am »

Better talk to hubby sis..baka mas ok na humiwalay na lang kayo ng house kesa mag clash kayong dalawa...Di naman kasi marunong magpaawat ang mga in laws sa mga gawi nila eh..mas maigi na tayo na lang ang umiwas kung di rin lang magkasundo.
Logged
There is no more lovely, friendly and charming relationship, communion or company than a good marriage.

~ Martin Luther ~

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #5 on: November 07, 2013, 10:10:57 am »

Hi sis wendy.ravzz & sis Akosibulinggay!

Thank you sa mga suggestions and comments nyo. Kahit papaano nabawasan ang pagkapraning ko, at hindi lang pala ako ang nakaka experience ng ganito.

Sis wendy.ravzz, try ko ang suggestion mo. Sana makinig si husband sa akin. Dahil sa totoo lang, hindi ako un tao na magaling pagdating sa confrontation...madalas nauunahan ako ng galit, either kung ano ano ang masabi ko or tatahimik ako na parang pader lang ang kausap mo. This week, uuwi na naman kami sa bahay ng MIL ko, stress to the max na naman ito.

Un baby ko kasi recently lang natuto kumain ng solids, natutunan niya kasi sumuka pag hindi niya gusto ang texture or lasa ng pinapakain sa kanya dahil sa ferrous sulfate (sobrang sama ng lasa!!!) drops na binigay ng pedia niya. Kahit sobrang liit ng ipakain mo sa kanya, kahit super lambot pa, pag di niya nagustuhan isusuka niya kasama lahat ng milk na nainom niya. Ito ang pinaliwanag ko sa MIL ko noon, pero mukhang di nakinig or di naniwala sa akin.

Pero  ngayon, thankfully, okay na ang baby ko, marami na sya nakakain, like rice, chicken, biscuits, squash, sayote,carrots, apple, banana...kahit na ano ibigay ko ngayon kinakain na niya ng hindi sumusuka. Aside from that, hindi rin naman nabawasan milk intake niya. As per his pedia hindi naman sya overweight, hindi rin naman sya mataba like other babies pero siksik ang laman niya.

Agree naman ako sa pagpapakain ng solid foods si baby, un nga lang, bakit naman instant noodles pa? MSG, chemicals and salt overload! Mas in favor nga ako pag lutong bahay, Sis Akosibulinggay. Pero like I said, marami na nakakain si baby ko ngayon, pero di pa rin nabawasan milk intake niya

Ang MIL ko kasi, laging naka compare sa development ng ibang apo niya ang baby ko, eh iba iba naman ang development ng mga babies di ba? Dapat ganyan, dapat ganito, si baby ni ganito, kumakain na ng ganyan...haaay!!! Tama ka sis, dapat inaalam muna niya ang gusto at di gusto ng baby ko, sana ganun sya. Kaso hindi...
Logged

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #6 on: November 07, 2013, 10:17:35 am »

nakakainis talaga pag parati ka na lang pinakikialaman sa lahat ng bagay. pero don't be too defensive kasi she also just wants what's best for your baby. kapag kasama mo MIL mo sa bahay you cannot be too controlling, mas mahirap naman di ba kung yaya na kung ano lang ang sabihin mo yun lang di na makapagisip para sa sarili. think about it this way mothers knows best at siya ang nanay ng asawa mo and he turned out alright naman di ba and his siblings  too and apo, so my point is mas marami siya experience sa iyo kaya be open to her suggestions wag agad defensive. I don't think there is a formula sa pagiging magulang. ako I have three kids, yung parenting ko sa eldest do is different from the other two kasi nga I have learned and grown throughout the years. so instead of butting heads with your MIL take her suggestions, work with her to find out what best suits your child. kung maliliit lang na bagay pagbigyan mo na just be firm dun sa mga bagay that you really believe in like discipline

Hi sis annamariemomof3,

thanks din sa suggestion mo. You have a point naman, ang ayoko rin naman magkaroon kami ng conflict ng MIL ko, ang hindi ko lang kasi nagugustuhan ay ginagawa niya sa baby ko un ginagawa niya sa ibang apo niya, like bawasan na ang milk intake - hindi naman kasi ni-recommend ng pedia ng baby ko na bawasan na ang milk niya.  Un sa isang apo niya, iba ang pedia at sinabi na kailangan bawasan na ang milk...kailangan talaga na kausapin ko  muna si husband.

Logged

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #7 on: November 07, 2013, 10:20:00 am »

Better talk to hubby sis..baka mas ok na humiwalay na lang kayo ng house kesa mag clash kayong dalawa...Di naman kasi marunong magpaawat ang mga in laws sa mga gawi nila eh..mas maigi na tayo na lang ang umiwas kung di rin lang magkasundo.

Hello MommyniAddie,

Hindi naman talaga kami nakatira sa house ng MIL ko, every other week lang kami nandun. Every other week na nga lang pero super stress pa ako...
Logged

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #8 on: November 11, 2013, 07:11:37 pm »

hindi talaga dapat mawala ang milk sa diet ni baby kasi papayat. my kids are three na nga although awat na sa bottle I still give them as much milk as they want, kahit pa full solid diet na sila. kahit nga tayong adults di ba recommended din na mag milk. bolabolahin mo na lang si MIL yes mommy thanks for al your suggestions kahit di mo naman susundin. buti yan kesa la pakialam. mom ko nga kapag humihingi ako ng suggestions tungkol sa baby lalo na sa panganay ko ang sagot di ko lam yan eh, siguro, sa iba mo na lang tanong. mas mahirap naman yun di ba.
Logged

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #9 on: November 12, 2013, 10:27:01 pm »

Naku, sis annamariemomof3, super super agree ako sa sniabi mo na hindi dapat mawala ang milk sa diet, na kahit nagso-solid food na si baby dapat may milk pa rin. Ewan ko lang talaga sa pedia ng isang apo ng MIL ko.

Haaaay mga sis...pasensya na pero kailangan ko talaga mag vent out ulit...last friday and saturday, umuwi kami sa haws ng MIL ko dahil request ni husband para makita raw ng MIL ko ang apo niya. At syempre, heto na naman po sya, bibigyan niya ng saging ang baby ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na namin ipinaliwanag ng husband ko na wag nang bgyan ng saging or any fruit na makakapagpatigas pa ng poop ng baby namin (lactose free kasi ang milk ni baby namin, kaya matigas ang poop niya). Nung makita ng husband ko na susubuan ng saging ang baby namin, pinigilan naman niya MIL ko, ang sagot ng MIL "1 bite lang,"  Kaya sumagot na ko that time, sabi ko wag na kasi lalong titigas ang poop  >:( Fear ko kasi ang ma-constipate ang baby ko. Un isang apo niya, madalas constipated dati dahil kung pakainin niya ng saging, maya maya.

At nung umuwi kami ng sunday morning, puro kagat ng surot sa likod ang baby ko, meron din sa likod ng tenga at sa tenga mismo. Iniisip namin ng husband ko, galing un surot sa crib na pinahiram ng sister in law ng husband ko. Kaya ko nasigurado na surot nga kasi sa MIL ko na mismo nanggaling na un mga anak ng sister in law ni husband ko, may mga ganun kagat din, kaya pina-spray niya daw ng insecticide un kabilang bahay. Nakakainis, kasi alam pala niya na may surot infestation dun sa kabilang haws, hindi manlang niya sinabi sa amin ng husband ko. Wala na naman daw kasing surot sa kabilang haws, eh ano un nasa crib?  >:( >:( >:( Kung alam ko lang na may surot infestation, hindi ko na pinagamit sa baby ko un crib.

Un room pa na tinutulugan namin ng baby ko, room ng MIL ko at hindi mawala wala ang langgam sa bed! Everytime na uuwi kami dun, laging may risk na pasukan ng langgam sa tenga ang baby ko pag nakahiga sa bed na un. Hindi naman kami pwede sa ibang room dahil puro single bed lang...

okay, Im done venting out, haaaaaaaaaaaaaaay.....

Logged

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #10 on: November 12, 2013, 10:37:50 pm »

Meron pa pala...parang wala syang tiwala sa ointment na binigay ng pedia ni baby ko for insect bites. Nung nilagyan ko kasi ng ointment un mga kagat ng surot ni baby ko, nilagyan pa rin niya ng ointment for diaper rash na pwede rin daw sa insect bites at mga sugat...hindi ko napigilan, kahit na nilagyan ko na ng ointment un kagat ng surot, nilagyan pa rin niya ng ointment niya. Tapos tinanong pa ako kung ano un ointment na binigay ng pedia, kahit naman sabihin ko hindi naman niya alam un...
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #11 on: November 12, 2013, 11:32:32 pm »

Hello mommy, kaka stress naman yang kalagayan mo, ganyan na ganyan din sis ang reaksiyon at pakiramdam ko noon sa MIL ko. Talagang may times nga na ayoko talaga pumunta sa bahay nila kesehodang magtampo siya. Maikwento ko lang sis ha, aaminin ko ang main cause ng pagkainis ko sa kanya is yung pakikialam at pagiging demanding niya. At ang totoo kaya ako naiinis sa pakikialam niya kahit may tama naman sa pakikialam niya is because ayoko ng pinapangunahan at sinasabihan kung ano ang dapat kong gawin sa baby ko. May one time lang na medyo di maganda ang mood ko tapos sinabayan pa niya ng pakikialam, ala bigla akong sumabog na sumagot talaga ako, di naman pasigaw pero pinaliwanag ko ng direct to the point sa kanya. Ang ending sinabihan niya husband ko na ayoko daw ng pinapangaralan/pinagsasabihan, konti lang daw sinabi niya pero ang dami ko na sinabi. Pero simula nun, di na siya nakiaalam sa pagpapalaki ko sa baby ko, pag may gagawin ipagpapaalam sa akin. At simula din nun, tumatanggap na ako ng mga suggestions niya, wala na yung pride ko hehe.. Sis baka sobrang sabik lang ang lola sa apo niya kaya ganun. Tutal e minsan lang naman pala kayo dumalaw, pagbigyan mo na sa mga kagustuhan, example like yung banana issue, pag nakita mong papakainin niya ikaw na magsabing o one bite lang ha, para lang masatisfy ang lola. Ganyan talaga maglambing ang mga lola e.. Try mo lang sis baka pag nakita ng MIL mo na dika laging against sa ginagawa niya, baka siya na mismo mahiya sayo.Maishare ko na din itong nasearch ko at naadvice sa akin re constipation, constipated din kase ang baby ko.

Causes of constipation in infants

Reasons for constipation in infancy can be new food or switching from breastfeeding to formula and from formula to cow’s milk as well as too much cow’s milk or too little water.
Pears, plums, peaches, apricots and bananas have laxative effects. They make passing of the stool easier. Bananas are important when it comes to constipation because they normalize functioning of the bowels. It is due to the presence of pectin that absorbs the water and creates the stool mass.
Logged

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #12 on: November 15, 2013, 10:33:23 pm »

Sis akosibulinggay,  thanks sa info about sa bananas  :) matanong ko lang sana kung okay lang sa yo na sagutin ha? Big issue kasi sa amin ng husband ko ang pagtira namin sa house ng mother niya. Un ang gusto niya dati and lagi namin pinagtatalunan. Unang una dito kami comfortable ng baby ko sa house namin, pag titira sa ibang bahay, hassle kasi minsan hindi ka makagawa ng gusto mo, di ba? Pinagtalunan nyo rin ba ng husband mo un issue na pagpunta sa house ng mother niya?

May bagong issue na naman ako sa MIL ko. Gusto niya isama baby ko sa Tagaytay to attend a Christmas party. Nagulat na lang ako ng sabihin ng husband ko na ganun nga. Ano ba un? Hindi manlang nagpaalam sa akin at siya na lang (MIL) nag desisyon na isasama niya ang baby ko? Tinanong ko rin husband ko kung sino ang may gusto na isama ang baby namin, ang sagot niya mother daw niya.  Hindi manlang inisip na mahaba ang byahe at siguradong mapapagod ang baby ko...saka party un pupuntahan, hindi pa naman mag-enjoy ang mga babies sa ganun, right? Imbyerna  to the max na ako...un brother in law ko kasi kahit saan sinasama un mga anak niya, (hindi naman nalalayo un age ng mga anak niya sa baby ko) kaya hayun, laging may sakit. Point ko lang naman, sana nag sabi sya kung pwede ba isama ang baby ko and too early pa ang mag travel ng ganun kalayo para sa 1 year old, kahit na may sarili pang car...
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #13 on: November 15, 2013, 10:53:36 pm »

Hi sis, naku dyan naman talaga tayo nagkapareho, di din talaga ako komportable na pumunta sa bahay ng inlaws ko dati, as in tinatamad ako, gusto ko nasa bahay lang ako kasama baby ko. Pati yang pag attend ng mga parties na yan, aba ano ba yung ako kausapin nila na isasama ang baby ko, talagang hubby ko pa ang kinakausap nila. Sasabihin nalang ng hubby ko, xmas party daw nila j isasama si baby, sabi ko goodluck nalang kung sasama sa kanila si baby, sagot ng hubby ko, syempre kasama ka... Nakakainis talaga pag ganun.. Kung pinagtatalunan namin ng husband ko ang pagpunta sa bahay nila, hindi namin pinagtalunan kase pareho naming gusto na wag pumunta dun hehe, weird no, pero oo ayaw din ng husband ko. Nung naging stable na siya bumukod na agad siya kahit ayaw ng mil ko, e kase siya ang dahilan nun, masyado kase strict at nagger yun, perfectionist din. Sobrang tahimik ng husband ko, kabaligtaran ng parents niya. Naisip daw kase niya di niya pedeng itira sa bahay nila ang mapapangasawa niya kaya talagang nagsikap siya na magkabahay, awa naman ng Diyos e bago kami ikasal may bahay na talaga siyang amin lang talaga. Unang apo kase ang baby ko sa side ni hubby kaya sabik talaga sila, pag di kami nadalaw as in tampo talaga. Nakiusap nalang hubby ko na kung puwede daw every sunday pumunta kami kahit sandali lang para lang di na magtampo ang mil ko, pumayag naman ako kahit labag sa kalooban ko, nahihiya din naman ako sa hubby ko kase minsan lang humiling sa akin. Pero nung hindi na ako pinapakialaman ng mil ko tungkol sa baby ko, ayun sinisipag na ako dumalaw sa kanila hehe, ayoko lang kase ng pinapangunahan ako at pinapangaralan, ewan ko ba basta naiinis ako hehe. Naguilty din kase ako na everytime dumadalaw kami e halos ibang tao sila sa baby ko, as in umiiyak si baby makita palang sila. Ngayon okay na, as in okay na okay na kami..
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #14 on: November 16, 2013, 02:03:43 pm »

siguro hindi na maiiwasan na makialam ang mga inlaws :) nagkakaiba na lang siguro kung pano natin ihahandle ang situation, siyempre hindi maiiwasan na may hindi talaga mapagkakasunduan pero siyempre kelangan habaan ang ating pasensya bilang tayo ang nakababata ar respeto pa rin sa ating mga asawa...nung bagong kasal kami ni hubby, dumating din sa time na mega talak biyenan ko, syempre dun kami sa hows nila at lahat na lang ng kilos ko eh babantayan, pero kahit ganun never ko siya sinagot, iiyak ako kay hubby at si hubby ang nakikipagtalo sa mom niya, pero nagbago yun nung nagkaapo na, since unang apo si baby ko, super spoiled din, so natutuwa naman ako dun kasi nga kita ko na mahal nila talaga si baby, to think na lahat ng gusto ni baby eh sinusunod nila kahit pa bawal, like pag inom ng softdrinks...so what i did pag may gagawin ang biyenan ko na hindi ko gusto like inom ng softdrinks, pagbibigyan ko siya,sasabihan ko, ok baby sip pero little lang kasi bad yan sayo, ayun nakikinig naman biyenan ko..atleast nakikita niya na kahit pano eh napagbibigyan siya, pag gusto niya naman isama ang anak ko kung san san, siyempre dapat kasama ako, we also go to tagaytay nung 3 months pa lang ata baby ko nun,kakatapos pa lang binyagan at ayun nagtagaytay na kc gusto ng inlaws ko,kahit ayoko,sumama kami para hindi naman sila magtampo bsta bring ko lang lahat ng kelangan ni baby,ending punong puno yung car ng gamit ni baby...

bilang ina syempre alam natin ano makakabuti sa anak natin diba, siguro tamang paliwanag lang para maintindihan nila at hindi naman sumama loob nila, siguro yung ibang bagay na puwede naman pagbigyan, pagbigyan na lang as long na hindi naman makakasama talaga kay baby ang yung mga isasama nila si baby kung san san, para makampante ka, sama ka na lang rin...  ;)
Logged
Pages: [1] 2