Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: 1 [2]

Author Topic: MIL na medyo pakialamera  (Read 17055 times)

Hinata

  • Newbie
  • *
  • Posts: 31
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #15 on: November 16, 2013, 10:25:16 pm »

Hi sis Akosibulinggay, very glad to know na okay na kayo ng MIL mo. I guess lahat ng daughter in laws dumadaan sa ganitong stage, maswerte na lang talaga kapag super bait ang MIL. Sana in the near future, maging ok na rin kami ng MIL ko.

Subukan ko rin na pagbigyan ang mga gusto ni MIL kapag small things lang, gaya ng sinabi mo and ni sis presiouslara. pero knowing her and her dominating personality...haaay, effort ito. Tulad ng sinabi ko dati, may feeling ako na di sya naniniwala sa mga sinasabi ko at parang di nakikinig sa mga explanations ko. Anyway, hindi naman sya ang pinakamasamang MIL, umaandar lang ang pagkarebelde ko pag pinipilit niya gawin un mga payo ng pedia ng isang apo niya sa baby ko. Ang point ko kasi, babies are individuals. hindi lahat ng pag aalaga sa isang baby ay applicable to another baby. Case to case basis, di ba?

Un sa Tagaytay issue naman, party kasi un pupuntahan sis preciouslara. Hindi naman mag eenjoy ang baby ko, papagurin lang sa byahe. Ever since nung naging mommy na ako, with every  decision I make, ang priority ko lagi si baby. Kung paano sya maapektuhan ng mga decisions na gagwin ko. Lahat naman tayong mga mommies ganyan, di ba? Si MIL kasi ang may gusto na dalhin si baby dun, according to hubby - gusto daw ng mother niya na nandun lahat ng apo niya, saka para makita daw ng mga ninong at ninang sa kasal namin si baby. Kung ganun lang ang dahilan, pwede naman gawin sa church un, kahit every sunday pa. And again, ni hindi manlang ako tinanong kung pwede isama si baby. Si MIL na lang ang nagdesisyon, pumayag naman si husband ko without discussing it with me first (another issue ko yan with my husband,hindi na kami ni baby ang priority niya pag si mother na niya ang nagsalita, meron isang instance na talagang nasaktan ako, ikuwento ko pa ba?)

Well siguro un family trip to Laguna next year, mapagbibigyan ko since may house naman  tutuluyan, pero ang party sa Tagaytay...no talaga ang sagot ko.

Thank you sa mga advice sis akosibulinggay and sis preciouslara. Dito lang ako sa SP nakakapagvent out ng ganito since hindi makakarelate ang mga pinsan ko na married na rin pati BFFs ko (isang single at isang single mom) Thank you sa pag intindi :D
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #16 on: November 18, 2013, 02:01:38 pm »

well agree din naman ako sa sinabi mo and esp sa ating mga mother's instinct, if you really dont like to do things lalo na pag may kinalaman na si baby, and sure ka naman na valid ang iyong reason eh di stand by your ground,, siyempre we always want lang naman yung best sa baby natin diba, and need to talk to hubby regarding decision making lalo na pag may kinalaman kay baby, kelangan talaga desisyon niyo both pero most of the times mas tama tayo and no need to argue about that kasi nga mas madalas natin kasama si baby at mas kilala at alam natin ang needs nila kesa sa mga daddy nila  ;) so talk to hubby na before saying yes to anything actually we apply it ni hubby sa lahat ng bagay na never magdecide ng hindi kinukunsulta or pinapaalam sakin, ayoko din kasi na mag mukhang under si hubby lalo na pag nag yes siya tas bigla sasabihin niya no, kc for sure tayo ang lalabas na kontrabida sa paningin ng iba and baka din masaktan ego ni hubby ,kc baka masabihan siya ng under kay misis diba, so para wala na lang argument next time dapat ipaalam muna sayo ni hubby diba...
Logged

unicornprincess

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: MIL na medyo pakialamera
« Reply #17 on: May 12, 2015, 07:43:24 am »

mga sis help naman.. sobrang bigat ng kalooban ko. warla kami ni hubby dahil sa nangyyare samin ng momy niya..

ganito kasi yun, pareho kami nagttrabaho sa callcenter ni hubby. nakatira kami sa momy ko noon eh wala magaalaga kay baby kaya nagdecide kami maiiwan si baby sa momy niya habang nagwwork kami tpos weekends kami uuwi sakanila para makasama anak namin. and then kapag may pwede magalaga sa baby namin dito sa house saka namin pwede iuwi si baby.

ganon setup namin simula non nag3mos si baby kasi patapos na ML ko need na bumalik sa work. ok naman kaso as a new mom nasstress ako being away from my baby that long.

hanggang sa nagresign si hubby para siya magmanage ng online business namin habang nagaalaga kay baby. eh minsan momy ko talakera din di niya nakayanan umalis kami sa house ng momy ko. don kami tumira sakanila. may extra house un lola niya na walang tao so don kami tumira pero same padin setup si baby nasa kanila then samin sa weekends kasi magkalapit lang yun house.

ok naman kasi ramdam ko naman mahal nila anak ko. pero umabot sa point na di ako tinetext ng MIL ko un pala kung san2 na sila nakakarating kasama anak ko kahit pa may kotse pasintabi nalang na dadalhin nila sa kung saan, pati first haircut inde pinaalam sakin nagulat ako maikli na buhok ng anak ko nong sinundo ko. di man lang tinabi un putol ng hair para sa baby album, pinalipas ko lahat yun. dami kong firsts na di naabutan kasi may work kami pareho ni hubby. kaso umabot sa point na weekends nnga lang namin kasama anak namin pakiramdam ko ako pa nghhram sa sarili kong anak. for example umaga palang ng sat tatanungin ko kung gising na kasi susunduin ko sabihin tulog pa. aantyin ko maglunch magttext ulit ako kung pwede na sunduin bglang tulg ulit. eh sana man lang bago makatulog or napansin na inaantok un bata eh tinawag nako para sunduin un baby. umabot sa point mga sis pakiramdam ko ako mismo walang karapatan sa anak ko. na yung mga inputs ko as a mom eh binabalewala (nursing ako) so kahit papano may alam ako sa child care at yung mga pamahiin nila at kung ano2 sinusunod eh inde naman ako naniniwala doon pero hinahayaan ko lang.

pero mga sis never nawala yung laging comparison na sasabihin ni MIL "ako ganito magalaga ganito ganyan" parang pinapamukha sakin na di ko inaalagaan ng mabuti anak ko. hanggang sa may instance na may sakit ako. so don ko muna pinagstay un anak ko sakanila kasi ayoko mahawa tska di kaya ni hubby magalaga sa baby kasi inaalagaan din ako. un pala nilalagnat pala si baby kinabukasan inde sinabe samin hanggang sa kinombulsyon un bata sa sbrang taas ng lagnat nalaman nalang namin nasa ER na sila. kinakgalit ko non nilalagnat pala inde man lang nila sinabe. at di nila alam temp kesyo ayaw magpakuha ng temp un bata, at dahil di nakunan ng temp di nila pinainom ng gamot. di pa nila alam kinokombulsyon anak ko kung inde sinabe ng tindera nila na nangi2tim na anak ko. akala daw nila tulog lang.

nong narinig ko un explanation na un sis gusto kong magwala sa ER pasalamat sila ok anak ko kung may nangyareng mas malala baka nagwla nako don. sabe pa ng doc kung pinaliguan daw or shower un bata para mabawasan init ng ktwan kung inde bumaba lagnat sa punas. sabe ng MIL ko "db po bawal paliguan pag may lagnat" kamot ulo nalang un doctor eh. andon nto na walang may ganong gusto mngyre sa baby pero sana sakin lang naprevent sana kung nagawa ang dapat gawin at inde umabot sa point na magcconvulse un bata kasi inde na kaya un init ng ktwan. at bungad pa sakin pumasok ako ng ER "may lahi kayong ganon noh?" wow hah gusto ko sagutin na inde ba pwede pinabayaan nyo anak ko kaya umabot sa convulsion yan?

iba pa yung madalas magkaubo si baby dinala niya sa trusted na pedia daw gulat ako nadiagnose ng primary complex. so its possible na sa kapit bahay nila may TB. inde ako makapaniwala na may ganon anak ko. lutang akong pumasok sa office non. at nakabili na si MIL ng gamot take note ipapainom ng di ko alam. nadiagnose ng primary complex inde ko pa malalaman kung inde ako tumwag bago shift ko. ang sagot sakin normal lang daw sa bata yun. nagalit ako pero kalmado kong tinext na wag painumin at magpapasecond opinion ako (parehong nurse kasi sis at mom ko) so dinala ko sa specialist ayun wala naman. biruin nyo muntik ng mapainom anak ko ng matapang na gamot inde naman pala niya need.

simula non sis parang naramdaman kong need ko na magresign at alagaan anak ko. mas ok ako na magalaga. para pag may ngyre walang sisihan. (bumalik na si hubby work sa callcenter nito) so ayun nnga resigned nako at nasa bahay lang. nagoonline selling nalang at apply sa mga homebased na callcenter. akala ko tahimik na un pala araw2 kami pupunthan sa bahay. which is ok lang sakin pero un araw2 na yun lage nalang may puna sa parenting ko, sa pagpapakain, sa linis ng bahay, eh mga sis di naman talaga ako marunong maglinis ng bahay so lahat ng ito eh pinagaaralan ko pa, and usually makalat talaga bahay namin kasi kinakalat ni baby lahat ng toys niya. kahit iligpit mo tinataob niya storage boxes ng toys at don maglalaro. so ang ligpit kalat ko usually gabi na at pag tulog na si baby. inde na natutuog si baby sa haopn kakalaro. 2yrs old na kasi so buhay talaga niya umiikot sa educational shows at toys.

minsan nako naglabas ng sama ng loob kay hubby pero ang ending nagaaway na kami at lumalabas na ako pa masama. so inde nalang ako nagccomplain tungkol sa nanay niya unless punong puno nako. at sa bahay ng un mga sis ang laking bahay 3 bedrooms hanggang 3rd floor pero sa sala lang kami natutulog kesyo baka daw mahulog si baby sa stairs. eh kaya nga naimbento mga baby gates tska inde naman nwwla sa paningin ko anak ko. ultimo pagligo ni baby sa kiddie pool issue pa baka malunod daw. eh ni inde nga ako makapagayos ng sarili ko para mabantayan lang yan. sbrang tingin nila sakin sis wala akong alam.

etong recent na away namin nasagad ako. pano kami ni hubby nagaway kasi may bglang nakapasok na malaking daga kasing laki ng pusa galing sa garahe papasok ng bahay. so ako naman nagfear baka makagat kami. ang laki talaga. sa frustration ko bgla ko nasabe na wala kasi kami kwarto kait mapagtaguan man lang sa daga. minasama ni hubby away galore ulit kami. sabe ko uuwi muna kami ni baby sa bahay ng momy ko para magpalamig ng ulo at ayko magstay sa bahay ng may daga. ayaw kasi umalis non daga sa ilalim ng piano namin. hanggang sa tumwag si hubby sa nanay niya (take note madaling araw toh) para sabihin di namin iiwan si baby sa momy niya kesyo nirereklamo ko daw un bahay (iwan kasi sana namin si baby don kasi may outing si hubby sa work at kasi ako) pumunta yung magulang niya sa bahay namin and kami ni hubby ngaaway out of nowhere sinabuhan ba naman akong ambisyosa, inde ko daw inaalagaan anak ko ng mabuti at ginagamit ko daw anak ko skanila. aba nagpantig tenga ko pero magalang kong tinanong "ano pong nagawa ko at pano ako naging ambisyosa? ano gnwa ko para sabihin nyo hindi ko inaalagaan anak ko?" wala siya maisagot sakin. kesyo wala daw ako ginagawa sa bahay inde ko daw magawa maglinis. inde naman super kalat ng bahay nappending lang hugasin minsan kasi inaantay ko pa matulog si baby na minsan eh 11pm na kung matulog at pagdating ng oras na un eh may work nako don sa homebased job na pinagttrabahuan ako. mahirap maging all around sa bahay, labandera at yaya pa. kay MIL kasi may katuong siya may boy at iba pa ang labandera kaya walng kahirap2 talaga magalaga ng bata.

ok din pakisama ko kay MIL and inde ko na siya tinuring na iba kaya masakit sakin pagsalitaan na ganon lalo na kung hindi totoo. yung ambisyosa never ko maimagine na pagsabihan ng ganon lalo na ng momy ko. kng ambisyosa ako edi inde sana anak nila pinakasalan ko. lalo na un inde ko inaalagaan anak ko. grbe din lahat na ng oras ko andon sa bata. si hubby nakikipaglaro lang pero pakain ligo and everything in between eh ako. lalo na un ginagamit. alam ko kasi ugali ni MIL may mapanlait lage may nasasabeng inde maganda kahit sa kakilala pa niya pero inde ko maimagine pati ko ginanon eh mainggat nga ako na wala masabe about me tpos ganon pala tingin sakin. ok lang kung totoo pero inde talaga eh. at never ko ginamit anak ko makahingi ng kung ano.

ang masakit pa inde ako pinagtanggol ni hubby. 2 weeks na til now warla padin kami pnagpipilitan niya nasabe lang daw un ng momy niya kesyo galit. rason ko naman galit man o inde, hindi dapat sinasabe un ng kahit na sino kung walang galit na pinaghuhugutan. di ko deserve pagsalitaan ng ganon. and andito kami ni baby ngyon sa momy ko dahil ayko na bumalik don sa bahay namin. once is nagagalit si hubby kesyo ayaw daw ng parents niya bumalik ako don kasi sakanila ako masama at 2 ayko talaga bumalik don dahil inde ko gusto un pakiramdam na andon ako pakiramdam ko bilanggo ako don inde ako makagalaw. sariling bahay pero wala naman ako pwede galawin na kahit ano inde siya pakiramdam na "home" bahay tulugan lang siya.

at ayko bumalik don na ginanon ako apak na apak pagkatao ko eh. inde rin perfect ugali ng momy ko pero ni minsan di siya nakealam sa away magasawa. kinakatwiran ni hubby parang gusto niya tanggapin ko gnwa ng momy niya. sakin ayko dahil iisipin non tao eh ok lang tratuhin ako ng ganon. to add insult to the injury dahil nga wala kami don napunta pala ER si hubby kasi nagtatae di man lang ako abisuhan na naospital asawa ko.

lumalabas sa side nila ako mali. ako walang utang na loob kesyo andami ko raw reklamo sa bahay. ang point ko lang naman un daga titiisin ko naman lahat hindi lang un daga tpos pinagsalitaan pako ng ganon. kahit naman sino aalis din sa bahay na yun kung ganon ang sitwasyon. sorry mga sis kung super haba na. wala lang ako mahingahan ng sama ng loob. days na kami inde naguusap ni hubby. feeling ko lason na lason na utak niya ng mga nagssbe na kunyre tumutuong samin pero feelng ko pinaghhwalay kami
Logged
Pages: 1 [2]