Parent Chat

Advanced search  

News:


Answer the Smart Parenting 2020 Reader Survey for a chance to win exciting prizes like overnight stay at Pico de Loro, car seats from Baby Company, Gymboree membership and more. Click this link to answer the survey: https://www.surveymonkey.com/r/SPReadersSurvey2020PCF

Author Topic: Wala ng time si OFW husband  (Read 14440 times)

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Wala ng time si OFW husband
« on: November 26, 2013, 01:20:48 am »

Good eve mga sis.. Sa totoo Lang Hindi Ako makapagcompose ng story regarding Sa pain na nararamdaman ko ngayon..lutang Ako sobra. May dalawa kaming anak na lalaki. Isang 5 years old at isang mag 2 na Sa December. SAHM Ako. Walang ginagawa Kundi mag alaga at antayin mag online ang partner ko. Here is the story...

On and off ang argue namin ng partner ko.. NASA Korea sya dun ang work niya.  Nung una almost 3 weeks kaming walang communication Dahil Sa nag away kami regarding Sa  nabasa ko Sa fb niya. It's about other woman. As in naghiwalay kami. Inexplain niya na Mali pagkakaintindi ko Sa message Nung friend niya etc. Then nagpadala sya ng bulaklak kumbaga nanuyo sya at nagsabi na wala naman talaga. May tumawag pa Sa akin na kacommunity niya na wala naman talaga at May Plano si  partner Sa akin Sa Amin na kukunin Ako magwowork dun at dun n din magpapakasal. Naging ok kami uli. Kaso wala pang isang Linggo heto na si partner naging ok kami Wednesday nagpaalam ng sabado na aalis so ok lang Sa akin pinagbigyan ko the next week ganun na naman... Hanggang as every week na Lang kada darating ang weekend eh may pupuntahan syang gala... So last last week nagkaroon Ako ng prob dito Sa Bahay ng Dahil Sa maid so minessage ko sya na mag online sya ASAP Kasi I need to talk to someone edi Ito na late sya nagreply mga bgo 12am SO nagalit Ako... Ang point niya Sa akin nagpaalam daw sya Nung huwebes na dadaalhin si Mama Mary dun Sa Kasama niya Sa Bahay. Ang akin mga sis di naman ganun katagal yun. Christian Born Again sya mga sis. Kesyo sya daw ang ka close ng mga un at Hindi yung Kasama niya Sa Bahay at eto pa kinagalit ko sya pa ang punong abala.. Nga pala mga sis babae yung Kasama niya. Hindi sila related at isa yun Sa pinagseselosan ko at yun din yung tinutukoy ko na other woman. Pabahay Kasi ng company un. Biruin mo mga sis sya pa namimili Sa grocery ng ipagluluto Nung babae haysss kainis kapag naaalala ko! Sya ang nagluluto samantalang yung babae eh bibili Lang ng luto na. Edi un na nga po hanggang Sa nanumbat sya regarding as pagsisimba ko Katoliko po Ako. Parang nadurog puso ko nun mga sis nagsismba naman po Ako marunong naman po akong magdasal alam kong kulang pa ko Dahil di Ako nagbabasa ng bibliya pero Kung makapagsalita sya at that time parang isa akong hudyo hayssss.... Then tumagal yun ng mga one week pero nagpakumbaba na Ako Kasi nagsasawa na Ako Sa paulit ulit Lang na pag aaway namin every week I mean inaaway ko sya Dahil sa mga actions niya na pagbabalewala niya Sa akin Sa Amin. So Nung Friday ok kami nag usap pa kami ng matagal hanggang Sa kinabukasan sabado pag bukas ko ng fb ko nagpaalam na aakyat daw sila ng bundok so sige ok Lang..  Tinawagan ko Sa cp niya NASA bundok nga pero Kasama niya yung ka work niya na dalawang babae meaning umeksena nanaman itong si Kasama niya Sa Bahay na girl.. So sige ok Lang walang malisya Sa akin Kasi kapag kausap ko naman sya eh diring diri sya Sa babae Dahil May Amoy daw.. At bago pa namin ibaba ang phone pahabol pa niya Skype daw kami Sa gabi na yun.. Eto na nag online na Ako Nung gabi sabi niya mi Ako naman sagot ko y sagot niya pasensya na mi andto Ako kina ( Sa Bahay Nung kacommunity niya na tumawag Sa akin) birthday pala ni (which I don't know him) Ako ah ok (pero super disappointed galit na Ako mga sis naiiyak na as in gusto ko na sya murahin) then nagreply sya na parang normal lang na San ka na ngayon Sagot ko Sa Impyerno! Ang reply niya yung thumbs up icon Sa fb.. Ang hinihimutok ko mga sis mas Inuuna niya na mga kaprichuhan niya gala piling binata ang peg niya kapal ng Mukha samantalang Ako heto nag aalaga ng mga anak namin umiikot Lang ang Mundo ko sa kanila. Wala ng ME time. Samantalang sya pasarap Sa buhay.. Oo nagtatrabaho sya don katumbas yun ng pag aalaga ko Sa mga anak namin 24 hours walang restday.. Ang akin lang kailangan ko pa ba manlimos ng Oras niya.. Nasasaktan na Ako as mga pinaggagagawa niya.. Kahit anong pilit kong ipaintindi Sa sarili ko at Sa utak ko na wala sya other woman yun ang sumasagi Sa isip ko Dahil Sa pinararanas at pinararamdam niya Sa akin na dati mga sis Ako pa nagsasawa na kausap sya Kasi wala akong magawa Sa Bahay Dahil lagi ko sya kausap Aba ngayon Hindi mo na mahagilap abangan mo pa dapat na minsan puti na mata ko kakaintay... Hayyyyy naiiyak na Ako... Di ko Malaman Kung may babae na ba sya o sadyang hobby na niya gumala at mawalan ng time sakin! I need advice mga sis... Mababaliw na Ako.. As in di Ako makaconstruct ng message sana naiintindihan Nyo po Ito... Kailangan ko po ng makakausap para mabigyan Ako ng payo o maadvicesan Ako... Ngayon simula pa Nung sabado di Ako nakikipagcommunicate as kanya Dahil ginagawa niya Lang akong t*nga. Every week na Lang... Naiisip ko tuloy na sinasadya niya ko galitin ng Friday para mapagtakpan ang gala niya para Sabado or Linggo.. Nakakapagod na kasi every week na Lang tapos Ako si t*ngang tatawagan sya para maging ok na Lang tapos mauulit na naman... Hayyyyy I need help...
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #1 on: November 26, 2013, 07:05:51 am »

hi sis, ofw din hubby ko, nung napadala siya sa ibang country nung company nila, bali saudi based kasi siya then 2yrs ago, napadala siya sa georgia and armenia, which are open country, worry ko nun baka maoverwhelmed sa mga babae na makikita niya...then there was a point din na nagselos ako sa isang filipina na kasama niya kasi nababasa ko mga emails sa kanya...
ganito kasi yun sis, may mga bababe talaga na kahit alam na nilang may mga asawa yung guy eh dikit pa din ng dikit, hindi mo malaman kung ano ba gusto nila,pero nasa atin na lang yun kung pano tayo haharap sa ganung sitwasyon,lagi rin lumalabas si hubby nun, point niya hindi siya makatanggi, pakikisama etc...so i really try my best to understand him to the point na kahit ako minsan hindi ko na maintindihan basta inisip ko na lang sinabi niya sakin, magtaka daw ako pag yung pinapadala niya sakin eh nababawasan, he sends me even his payslip, although alam ko naman na siyempre minsan may bonus siya etc na hindi kasama dun basta trust na lang ako sa kanya, sabi niya kasi kakasabi ko daw na may babae siya eh baka maisipan niya talaga gawin...
so sis, baka nalulungkot lang si hubby mo and yung paglabas labas niya eh yung way niya ng pagcope sa pagkamiss niya sa inyo...2 na anak niyo, so for sure mahal kayo ng hubby mo, pero siyempre be alert, and hindi pa kayo kasal so medyo dehado ka dun, so ang gawin mo na lang, ganito kasi ginawa ko, ewan ko ba...hehe, sa bawat padala ni hubby, ngsesave ako ng malaki, nag open ako ng acount sa name ko, ewan ko for security reasons ko lang nun, worry ko kasi nun baka dumating araw na mambabae at dun gastusin pera niya..kaya open ako ng acount incase eh may back up plan ako and budget lalo na SAHM din ako..
basta sis, try to talk to hubby in a calm way, habaan pasensya and ibahin mo na lang aproach mo, sabi mo naglilipat kay mama mary every weekend, or pray sila, encourage mo siya, sabihin mo sige pag pray niya kayo ng mga kids mo , basta kung ano papaalam niya eh pumayag ka na lang then gawin mo,pasyal mo na lang din mga kids mo para hindi ka mag isip parati, make yourself beautiful, paganda ka, kakabawas din ng stress and para next time na mag ol kayo ni hubby eh beautiful ka...basta pray lang sis, sorry napahaba na reply ko...be strong sis  :D
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #2 on: November 26, 2013, 07:59:31 am »

Thank you sis Sa reply. Ganyan nga reason niya Sa akin palagi lahat ng sinabi mo ganun ang pagkakasabi niya Sa akin. Kaso sis ganun ba yun sa padala nakasalalay Kung may kalokohan ng ginagawa?  Paano naman yung dapat na time  niya Sa akin eh nawawala na. Last last week sis yung paglipat ni mama Mary dun Sa Kasama niya Sa Bahay then last week pag tawag ko totoo naman na nagmisa si father sa kanila after that nagkatime sya na para kausapin Ako then Ito ngang sabado umariba na naman. Ako lagi huli Sa priority niya na may Oras sya tapos ngayon nagmemessage sya sa fb na parang walang nangyari na normal lahat.. Nakakainis na! Pinipigilan ko Kasi sarili ko na sumabog kaya Hindi muna Ako nakikipagcommunicate ngayon. Nasasaktan Ako Sa pinaggagagawa niya. Kahit San naman tingnan sis Ako ang nadedehado. Masakit na ulo ko Sa kakaisip Kasi wala akong magawa Dahil malayo sya. Kumbaga may sarili syang Mundo at Sa mundong yun wala kami Hindi kami kasali sis.
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #3 on: November 26, 2013, 11:46:40 am »

Hi sis, mahirap kase sa lalaki ang lagi siyang pinagdududahan lalot di naman talaga niya ginagawa. Feeling nila lahat ng ginagawa nila duda ka agad which is parang nangyayare sayo ngayon. Pagkatiwalaan mo siya sis. Pag nagpaalam sayo, pagbigyan mo siya tapos remind mo siya ingat siya at pagtapos ng gawain niya pag may time siya skype naman kayo kase namimiss niyo na siya. Mahirap kase sis yung may dinadala ka lagi na selos or galit, di lang ikaw ang nagdadala ng bigat pati narin yung tao na malayo sayo nahihirapan kase everytime na may gagawin siya aalalahanin pa niya na may isang taong masama ang loob sa kanya, e di hindi rin magaan ang kalooban niya, pareho kayo. Siguro naman imposibleng di siya maglaan ng oras para makausap kayo ng mga anak niyo. Hayaan mo lang siya mag enjoy kung nasan man siya ngayon, pamatay homesick kase yun, maswerte ka kase kasama mo mga anak mo at maaari ka lumapit sa mga kamag anak mo dito, e siya ibang lahi ang kasama diba. Kamustahin mo din siya everytime na magkausap kayo, kamusta siya, yung trabaho niya, yung kinakain niya healthy ba, etc. balitaan mo siya ng masasayang pangyayare like kunware tungkol sa mga anak mo. Tapos ikaw sis magkaroon ka ng time para sa sarili mo, wag mo i stress masyado sa pag iisip at pagkainis, alisin mo na ang SELOS sa oras niya sa babae o sa iba pa, intindihin mo din na mahirap ang kalagayan niya dun. Tingin ko kung susuportahan mo siya at pagkakatiwalaan, baka siya naman ngayon ang humingi ng matinding atensyon galing sayo, mamimiss niya kayo ng sobra.
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #4 on: November 26, 2013, 03:21:56 pm »

Sis Akosibulinggay tama ka Kaso Sa ngayon ewan ko ba bakit ang tigas ng puso ko.. May times na gusto ko ng kausapin sya pero pag magtatype na Ako dinidelete ko din.. Para kasing di ko na siya kilala eh. Yung tipong gusto kong iparealize sa kanya na Meron pa pala kami na binabalewala niya. Lahat ng advice Nyo nag sisink in naman Sa akin gusto ko na gumawa ng move.. Kaso napanghihinaan Ako ng lobo Dahil malapit na naman ang byernes at malamang na may excuses na naman sya... Oo sis masakit sa dibdib sobra. Pagbati kami inspired na inspired Ako sa lahat ng bagay pero ilang Araw Lang yun Kasi pag dating na naman ng pa weekend wala na crazy time na...
Logged

Akosibulinggay

  • Newbie
  • *
  • Posts: 43
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #5 on: November 26, 2013, 04:16:43 pm »

Bakit dimo isuggest sa kanya no.1, partner since day off mo naman weekends sana naman usap tayo ng mga anak mo kahit 5 hours lang kase ayaw ka namin istorbohin ng weekdays dahil may work ka. No.2 kung may lakad ka, please bago ka umalis at pagdating mo bahay sabihan mo naman ako para di ako nag aalala.

Icheck mo din sis ang sarili mo kung bakit gumagawa ng excuses ang partner mo, baka naman everytime nalang na magkakausap kayo problem agad or negative agad bungad mo sa kanya, dimo man lang kamustahin muna siya, cyempre naiisip nila yun, ang layo na nga niya tapos puro negative vibes lang naman pag magkausap kayo, nakakasawa naman talaga ang ganun. Pagkatiwalaan mo nalang siya sis, pag naramdamsn niya na ganun ka sa kanya im sure di lilipas ang isang araw na kahit offline message makakareceive ka. Huwag mo din siyang tiisin sis.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #6 on: November 26, 2013, 04:38:49 pm »

kainis haba na ng msg ko hindi nagpost....anyway, hindi naman siya about the money sis, pero factor din yun kasi diba pag nabawasan yun it means na may pinagkakagastusan siya diba,unless na lang na babae gagastos para sa kanya diba, pero kasi sis isipin mo baka naman kasi everytime na mag uusap kayo eh lagi mo siya inaaway,dinidiktahan ng mga gagawin niya etc...ang mga lalaki kasi ayaw nila ng kinocontrol sila,dating sa kanila binubungangaan na everytime na pulit ulit tayo ng kakasabi sa kanila, pag ganun kasi lalo silang nawawalan ng gana makipag usap kasi nga malayo pa sila tas ganun pa, puro problema etc...tama din mga sinabi ni sis Akosibulinggay,...
and since alam mo ng baka may lakad na naman siya this friday eh unahan mo na siya, ask mo kung puwede kayo mag skype or kung may lakad siya, if meron sabihan mo kahit tawagan ka na lang niya kasi gusto na siya makausap ng mga anak niyo...and  try to be calm sis everytime na kakausapin mo siya, actually lahat ng sinabi mo eh napagdaanan and ginawa ko din before, pero everytime i look at may daughter, she gives me strength to face everything, sige kung ayaw mo pa siya kausapin, pakalmahin mo muna sarili mo, pag ok ka na at kalmado ka na, imessage mo na siya and try mo na habaan mo pa pasensiya mo dahil tayong mga babae eh mas malawak ang pang unawa at pag intindi kesa sa ating mga asawa...pray din sis, kaya mo yan
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #7 on: January 30, 2014, 07:06:27 am »

Hello mga sis.. Bakit ganun hinahayaan ko na nga si hubby bakit parang naglilihim pa sya? Last Saturday morning magkausap pa kami NASA pakain sila ng amo niya but then pagdating Nung gabi bigla sya nagsabi na NASA birthday party sya pasensya na daw at di niya nasabi.. So ok na Ako wala Sa akin yun Kasi inaapply ko na yung maging ok kami.. His freedom na lumabas at Kung kailan na Lang sya May time ok Lang Sa akin kumbaga lahat ok na para walang away ganun but then I found na yung pinabili niya Sa akin na gelatin ginawan niya ng cake yung babae niya na kawork... My God nasasaktan po Ako nagseselos po Ako mga sis... Bakit ganun si hubby? Tapos nagpabili pa Sa kanya yung kawork niya ng MYra e tapos Ako din bumili dito Sa pinas nun para Sa babae pero binayaran naman... Ngayon I don't message him Kasi aawayin ko Lang sya.. Pero diba dapat di naman sya ganun as ibang babae Kung Ako nga di niya nagagawan ng cake pag birthday ko though alam ko na dun lang natuto si hubby Sa Korea gumawa ng cake.. Haysssss ang sakit sakit ng puso ko...
Logged

sw33tsw33t

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #8 on: February 02, 2014, 03:25:38 pm »

Hi sis! If I were on your situation, as long as regular naman yung sustento niya sayo at sa mga anak niyo, much better kung di mo na muna gawing super big deal kung di man kayo nagkakausap at iwasan mo na rin kung kaya naman na di banggitin yang pagseselos mo sa housemate niya.

Naniniwala ako na pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan. Kahit ideally, dapat regular talaga communication niyo ng asawa mo, sometimes it can be irritating na rin pag ginagawa kase kelangan at nakaschedule mag usap kayo but mind you, kahit pa responsibilidad yan ng isang magulang/partner, aabutin at aabutin ka rin sa point na mananawa ka na sa isang routine. Not always na gusto mo makipag usap lalo na siguro kung you had a bad day or simply just not in the mood.

Napansin ko rin, sabi mo full time mom ka with no restdays, i think that also contributes a lot kung bakit naging super needy na kinalalabasan mo sa oras ng hubby mo. Pag gusto naman niyan makipagusap sayo at sa mga anak mo, gagawa at gagawa yan ng paraan eh.

But yun nga, di naman sa lahat ng oras, he needs to stick to that. I know it's his obligation but sa totoo lang, ang isang bagay ay mas nagkakaroon ng halaga pag ginagawa di dahil naoobliga but because gusto niya.

You have to get a life too for yourself and not just holding on to the times na pwede mo makausap asawa mo. Mahirap yan, mga anak mo na nga lang kasama mo lagi, super atat pa dating mo sa mister mo kahit pa sabihin nating obligasyon yun. Maiirita lang lalo sayo yun and instead of looking forward to talking to you, it's something of a hassle, or could be stressful na sa kanya. Give the guy a break ika nga.

Instead of wasting too much emotional stress on why he can't do this and that, why not channel it na lang to things that would make you feel better. Try mo nga mag pa miss naman sa asawa mo and keep yourself busy with other things. Ikaw talunan kung lagi kang ganyan.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #9 on: February 03, 2014, 08:14:04 pm »

@mommyonsale, its been awhile, akala ko ok na kayo ni hubby, talga tong mga mister natin eh pinapasakit mga ulo natin...hehe.pero infairness sis, may point ka dun sa kawork ni hubby, kasi bat kelangan sa mister mo magpabili nung vitamins, wala ba siya kamag anak sa pinas para dun siya magpadala...hay..nakakainid din kasi minsan yung mga babae na hindi alam limitasyon nila, lalo na kung may asawa na yung guy, ...same girl din ba yung binigyan niya ng cake and yung nagpabili ng vitamins?try to observe na lang sis, kung too many efforts na ang ginagawa ni hubby para sa girl, try to remind him in a nice or sweet way na its bothering you, dont nagg him, naku hate talaga nila yun...try to say na, babe (whatever name of endearment na ginagamit niyo) when you got home, you will bake me a cake also ha, mga ganun lang, dont show him na sobrang nagseselos ka...alam mo sis, pansin ko din sa hubby ko na iba talaga ugali niya pag kasama ko and iba din once na nasa abroad na siya, as if he's a different person, pero i still try to understand na kelangan niya mag iba to adjust sa environment niya..naku kami lagi pinag aawayan minsan, dota o ako, ayun naman sobrang na addict sa dota, nakakinis lang kasi yung time namin dapat na para smin eh hindi nasusunod kami nga may dota session sila ng mga officemate niya, minsan kakainis na din, pero dinadivert ko na lang atensiyon ko para hindi sumakit ulo ko kakaisip, im into baking and cooking now,m just to keep myslef busy...basta try to do new things para marelax ka...pray pa din lagi..kaya mo yan sis :)
Logged

momma_33

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 308
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #10 on: May 29, 2014, 10:53:26 am »

Hi mga sis, makisali ako if you dont mind. Ako naman hindi tungkol sa OFW na hubby. I will be sharing about how life is here in abroad.
Im an engineer mga sis so male dominated ang work ko, marami sa ka co-workers ko are guys, some married and some are not. Working here in abroad needs heaps and heaps of adjustment at nsa bawat tao yon paano icope up but I tell you mommy ang pag-aabroad talagang nkakasira ng pamilya. we need to tend to do things just to keep sanity here, hindi biro mgwork sa ibang bansa ang akala ng mga misis na naiwan sa pinas parang pinulot lang ang pera sa daan dito. When I saw FB pics of my co-workers family back home ang mga wives parang donya di nila alam ang mga asawa nila dito sa abroad kayod kalabaw para lang mkapagpadala, mbyaran ang magarang sasakyan sa pinas for their family pero tuwing nkikipaskype inaaway lang sila. You know mommys your atittude towards your husbands when they are away working matters most.

I have this co-worker ng ngkaroon ng relationship with a filipina nurse dito so you dont expect na piniperahan niya si guy dahil pareha sila kumikita. Napag alaman namin na one big reason ni guy why he did it is ang sama ng ugali ng wife as in super sama, ang ending iniwan ang wife and they push through with the nurse na karelasyon in another country. So be ware mommy's be the best friend that you hubby needs.
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #11 on: July 23, 2014, 06:58:43 am »

Hi mommies... As of now nawalan na po Ako ng gana... Pinababayaan ko na.. Mahirap mamalimos ng Oras Sa taong inuubos ang Oras Sa Iba... Anyways mommy I'm happy now... Hoping na makaya ko pa...
Logged

proud_daddy

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 107
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #12 on: September 04, 2014, 07:44:40 am »

Hi mommy nbasa ko yung post mo..ok n ba kayo ng hubby mo.. baka u want male points of view.. add me sa fb arvin perucho..pero baka magalit asawa mo ayaw ko away hha
Logged

mommyonsale

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 164
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #13 on: November 25, 2014, 07:58:35 pm »

we are totally broke na.. no communication at all...
Logged

Erza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Wala ng time si OFW husband
« Reply #14 on: December 01, 2014, 04:37:26 am »

^aw.That's too bad. Nung binabasa ko story mo mula umpisa gusto ko magwagi ka. Gusto ko maging ok kayo. I was rooting for you hoping magreply ka na ok kayo hanggang nakita ko na tong last post. It's been a year noh sis. Long distance din kami ng husband ko although hindi yung kwento namin isshare ko but yung sa bestfriend ko.

OFW din father ng mga kids niya. Ganyan na ganyan sila. Mahilig makipag socialize si partner niya at laging busy dun sya naman SAHM. Naghahabol din sya ng attention sa partner niya, binabantayan kung mababawasan ang padala, laging naghihinala, nagseselos although may pagseselosan naman talaga. In short tulad mo sya noon. Laging nagaaway. Nung una nga nung nagbabasa ako tinanong ko pa s sarili ko "bestfriend ikaw ba yan??" Hehe. Sa huli nagsawa si girl. Sya na yung lumayo. Sa sobrang galit niya naghanap ng iba. Nagkasala sya sa partner niya. Affected ang mga bata. Napabayaan niya ang mga kids. Naging ibang tao sya. Sa sobrang gusto nyang gumanti sa partner niya sa ibang lalake niya binuhos oras niya. Hanggang sa nabuntis sya ng iba. Hindi alam ng partner niya pero inisip niya hiwalay na naman sila eh. Inisip niya malamang may ibang babae na rin ang partner niya dun basta nagpapadala para sa mga anak niya walang problema. Akala niya ok lang.

Ngayon kalagitnaan ng pregnancy niya bumabalik ang partner niya. Nagsorry sa mga ginawa, nagsorry dahil nawalan ng time, masyadong naenjoy ang new found freedom doon, napabarka kasi, napabayaan niya magiina nga dito s Pilipinas sa sobrang pagkabusy niya. Gustong bumalik ni partner dahil namimiss na daw niya ang mga anak, at dahil gusto nyang pakasalan si bestfriend!! Nabusy sya dahil nagiipon ng pang ayos sa papers nila, yung mga "barkada" niya doon ay mga business partners pala niya. Nagtayo sila ng maliit na business hindi lang niya nasabi dahil ngsisimula pa lang sila at ayaw niya mabati. Umamin din si partner na nagkaron sya ng babae doon pero hindi niya ginagastusan. Priority parin niya na magpadala sa magiina niya at pinutol narin niya communication niya sa babaeng iyon.

Lutang si bestfriend. Hindi niya alam gagawin niya. Gusto niya bumalik sa partner niya pero pano eto nga buntis sya ng ibang lalake. Wala nang pagasang magkabati sila pagnalaman ni partner na buntis sya. Mawawala rin ang mga anak nila dahil malamang kukunin ni partner yun. Sa ngayon nagtatago sya kay partner.

Ewan ko kung bakit ko shnshare ito. Siguro dahil nakita ko similarities ninyo. I guess may matututunan tayo sa mali ni bestfriend. Ako OFW din si husband pero 100% ang tiwala ko sa kanya. Pasalamat lang ako dahil ibang iba sya kay partner ni bestfriend. Nakatutok sya sakin kahit wala pa kaming anak. Kung may gagawin man sya ay nasa kanya na yun basta ako hindi ako nagkulang sa attention at pagaalaga ko sa relationship namin. Lagi ko sinasabi sakanya pag nagpapaalam syang umalis "ok lang basta tandaan mo kung ano mang gagawin mo jan isipin mo ginagawa ko rin dito" tapos biglang "I love you ingat ka and have fun". Hehe dahil kung magaaway lang kami eh wala namang mangyayaring mabuti. May mga pinagselosan din ako pero ang naging sulusyon namin ay iblock niya sa FB basta hindi ko makitang naguusap sila. Kung makikipagusap parin sya dun sa likod ko eh bahala sya.

I guess what I trying to say is ibigay natin ang pagmamahal at babalik din yun. Kung magiging mabuti tayo sa kanila magiging mabuti din sila. Kung may gagawin man sila, konsensya na nila yun. Ibuhos mo oras mo sa mga anak mo. Siguro naman hindi ka manlalalake pero kung naiisip mo nang humanap ng iba, WAG. Maging tapat ka, alagaan mo ang mga anak ninyo pati ang sarili mo. Pag nakita niya na mahal mo ang sarili mo maslalo ka nyang mamahalin. Sya pa ang hahabol syo. Wag mo nang alamin ang mga bagay na makakasakit syo. Wag ka maghanap ng sakit ng ulo. Ipakita mong mahal mo sya through your kids. And lagi monh pagdasal ang future nyo. Maaaring mging ok ulit kayo or hindi, pero napatunayan mong hindi ikaw ang nagkulang. Ang haba na ng kwento ko haha. God bless you and your kids sis and goodluck!:)
Logged