Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: Pasaway na maid  (Read 6863 times)

pink_mommy0427

  • Newbie
  • *
  • Posts: 36
    • View Profile
Pasaway na maid
« on: February 27, 2014, 05:18:28 pm »

Ang hirap maghanap ng yaya/maid sa panahon ngayon na talagang magmamalasakit sa'yo. Itong kasambahay namin talagang nagkakaproblema ako sa ugali. Unang-una, sabon pampaligo namin ultimong panghilod ginagamit niya samantalang binibigyan ko naman sya ng allowance para sa personal needs niya. Pangalawa, sobrang takaw (sorry for the word), walang problema sa pagkain, open naman ako pero yung mga pagkain na dapat sa mga kids ko kinakain din niya. Pangatlo, kung hindi mo uutusan hindi kikilos. ang liit-liit nlang ng bahay namin hindi pa nalilinisan ng maayos, magwawalis kung saan lang makitang may kalat. Ni hindi mapunasan ang alikabok. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho niya, linis, hugas ng plato at laba lang. Ako ang nagluluto dahil mas prefer ko na sarili kong luto ang kakainin ng family ko. Kahit paulit-ulit mong sabihan parang walang nangyayari. At pang apat na talagang kinaiinisan ko 'yung pagiging malikot ng kamay niya. Dati yung mga nakalabas na barya lang ang kinukuha niya pero ngayon nag level up na! Sa wallet ko na mismo sya kumukuha. Sinubukan ko syang kausapin pero talagang ayaw umamin. Pang ilang beses na nyang ginawa 'to pero naaawa parin akong paalisin sya kasi sya lang ang inaasahan ng pamilya niya. May anak syang dalagang ina, at yung baby 1 yr old at hindi na naggagatas, giniling na bigas na hinahaluan lang daw ng pinatuyong dahon ng malunggay ang dinedede para magkaron ng sustansya. kaya kada bale niya hindi ko magawang tumanggi kasi alam ko yung sitwasyon niya pero sabi ko "ate, sobrang bait ko at pakisama sa'yo pero sana wag mong abusuhin. kung may kailangan ka magsabi ka sa'kin hindi yung kukuhaan mo ang wallet ko ng walang paalam." Alam ko yung naiisip niya, na maliit na halaga lang yung kinukuha niya pero regardless kung maliit o malaking halaga, Pag hindi sa'yo hindi mo dapat kunin ng wlang paalam. haysst! Sino po sa inyo mommies ang may ganitong problema sa yaya/maid?

Read it on Smart Parenting.
Isabelle Daza Leaves Nothing to Chance With Contract for Kasambahays

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/home/isabelle-daza-contract-kasambahay-a00041-20190122?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
« Last Edit: January 23, 2019, 09:06:52 pm by Mommy Jazz »
Logged

jalyn_712

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
    • View Profile
Re: Pasaway na maid
« Reply #1 on: February 27, 2014, 09:59:47 pm »

Believe it or not, sa loob lang ng isang taon, 11 na yaya/kasambahay ang nagtrabaho sa akin. Twin boys kasi ang anak ko at sa lilikot at kukulit nila, kailangan ko ng tig-isang yaya para sa kanila. Ang nagiging problema sa kanila, kung hindi walang tiyaga sa mga bata, hindi maalam sa trabahong bahay. Ako rin ang nagluluto ng pagkain, minsan, ako o si mama ang naglalaba. Di rin ako pala-utos kaya pag may nakita ako na di nila ginawa, ako na ang gumagawa gaya ng pagwawalis, pagpunas sa alikabok, pag-init ng tubig, pagsegregate ng mga bote sa lata at mga kahon. Kaya di ko maintindihan kung san sila napapagod o ba't di sila magkaron ng initiative to do their job well. Sa araw-araw na ginawa ng diyos, pareho lang naman ang routine.
Logged