Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 [2] 3 4 ... 6

Author Topic: long distance daddy  (Read 34808 times)

gailey

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
    • Nappy Tales
Re: long distance daddy
« Reply #15 on: May 13, 2008, 04:25:30 pm »

thanks Janessa0622!

currently nag webcam kami pag weekend and may mga videos and pictures din uploaded to multiply para makita ng dad niya. bumili nga din ako ng photoalbum na baby friendly yung material ang brand baby einstein ill put pictures of his dad.
Logged
nappytales.blogspot.com

~~she~~

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
  • i am happy and content because i think i am..
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #16 on: May 14, 2008, 04:20:18 pm »

share ko din story ng mag-ama ko..
I got pregnant 3 months before hubby migrated to the states with his mom&dad, and two younger siblings.that time di pa kami kasal.
I gave birth aug2003,na kasama ko lang si papa and my lola sa hospital. Sobrang hirap kasi kahit  gusto mong magpahinga after giving birth, i had to take of Sean since night 1.. Hubby came home march2004 and spent 3 1/2 months with us, we got married ang sean got baptized na rin.. At first, di naman mahirap kasi maliit pa si sean, wala pa syang separation anxiety..we chat everyday since then para makita niya si sean kahit sa web, minsan pinapakinggan si sean sa phone.
Nung medyo lumaki na anak ko, 2y/o na sya, hinahanp an si daddy niya, so nakakalat lang yung pics ni hubby sa room namin. Pag nagchachat kami ng daddy niya, umiiyak na sya pag naglog-out na si Reggie. Ganyan lang ang scene araw.
 After 3and half years, umuwi di hubby nitong december lang.
At first, naiilang si sean sa kanya.Kase basically, di naman nasanay si sean sa presence ng father niya.Pero after 3 days, nakapagpalagayang-loob na rin si sean sa daddy niya, not to mention yung mga panunuhol na ginagawa ni hubby sa kanya.. Addict kasi si sean sa disney pixar's cars--un naman ang bonding nilang mag-ama, kain ng ice cream, chocolates.. sweet tooth talaga. Sobrang nkapagenjoy si hubby kahit 1 month lang stay niya dito.. The saddest part was when he had to say "goodbye for a while" again. it breaks my heart til now everytime sean misses his dad, katabi niya matulog yung framed pics nila ng daddy niya. May times na naka-on lang tong webcam ko habang tulog kami, so hubby gets to see us while we are sound asleep. Ganun pa rin, we talk everyday sa chat, i call him every now and then, sean hears his dad's voice pa rin, sees him via webcam, makes faces with his older version :D
And when Sean asks "bakit umwi na si daddy sa states?" i smile at him and say "kasi anak, daddy has to work, para meron syang pambili ng cars mo."
kaya naman everyday tinatanong niya si daddy niya kung may car na daw syang bago ;)

I know, it will not be too long, sandali na lang, magkakasama na kaming tatlo, i want to see them both as i wake up each morning, and say to the Lord, "Thank you Lord for these Little Boy and Big Man--the most wonderful blessing you gave me.."



Logged
i am happy and content because i think i am..

Ian

  • Newbie
  • *
  • Posts: 46
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #17 on: May 29, 2008, 09:38:19 pm »

she naiyak yata ako... parang gusto ko tuloy mag migrate hehe
Logged

gailey

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
    • Nappy Tales
Re: long distance daddy
« Reply #18 on: May 30, 2008, 01:18:50 am »

you remember ba yung advertisement sa tv nung Christmas season na may little boy na nagsabi ng "noel din po pangalan nyo" hay naku ganun ko napipicture yung anak ko pagmalaki na sya kasi December ang uwi ng dad niya.

tumutulo talaga luha ko pag napapanood ko yun.

Logged
nappytales.blogspot.com

Mommy Iris

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 187
  • Entrepremom
    • View Profile
    • Project Happiness Bakehouse
Re: long distance daddy
« Reply #19 on: May 30, 2008, 02:39:04 am »

Mommy She, nakakaiyan naman  :'(
Logged

~~she~~

  • Newbie
  • *
  • Posts: 23
  • i am happy and content because i think i am..
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #20 on: May 31, 2008, 01:04:09 am »

ayy.. yeah i have to be strong habang hindi pa kami ulit magkakasama. there are times i cry myself to sleep,lalo pag may sakit si sean, so i had to take good care of the boy alone..at lalo na, parang wala akon karapatan magkasakit hahah.. 24/7 kasi ang work natin, lalo pag ikaw lang naman nagaalaga.walang inlaws,walang relatives,walang yaya..

daddy ian,hahah wag mo nang subukan magmigrate magisa..
mommy gailey, i cried along with that chowking ad,parang ganun yung scene ni reg&sean sa airport,minus the dialog nga lang.hahah..i remember asking hubby how exactly he felt the time he saw Sean at the arrival waiting area..sabi niya,parang  nawalan daw sya ng lakas nung niyakap na si sean..

ang drama ng family life ko,hahah.kulang pa yan,madami pang kwento.hahah!
Logged
i am happy and content because i think i am..

majousef

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 72
  • http://apple.freebiejeebies.co.uk/218945
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #21 on: July 20, 2008, 10:27:44 pm »

hay ako din naiyak sa ad ng chowking na un.. my dad is an ofw seaman kaya hindi ako sanay na my tatay.. at ngayon parang ganon din ata mangyayari sa baby ko.. hubby left may 2007 i gave birth november hay ang lungkot kasi hindi niya agad nakita anak niya.. nagkita lang sila last april2008 nung nagpabinyag kami.. anyway ang ginagwa namin as in super chat everyday with webcam kahit nung maliit pa si joey habang ng usap kami yung webcam nkatutok kay joey habang natutulog sa crib so minsan yung mga ngiti ni joey habang natutulog nakikita niya kahit papaano. sayang nga lang ngayong nag wowork na ulit ako madalang na lang kami mag chat.. share ko lang umuwi si hubby last week, the day bago siya umalis nag salita si joey sabi niya "papa" naku muntik ng hinidi umalis c hubby.. tsaka  everytime na magkausap kami sa fone kinakausap din ni hubbby si joey.. may sad story pla ko nung isang araw pinapatulog ko si joey eh katabi namin yung brother ko naku ginapang niya tas tinwag niyang papa naawa tuloy ako sa anak ko.
Logged

gailey

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
    • Nappy Tales
Re: long distance daddy
« Reply #22 on: July 21, 2008, 03:03:14 pm »

hay...tayong mga "naytay" should really be strong para sa family natin. buti nalang at may chat at webcam na ngayon kahit papano na ease yung distance.

nakakatuwa ngayon kasi pag nag webcam si vierte at dad niya naku tatalon yun sa laptop parang pwedeng lumusot para lang mayakap dad niya.
Logged
nappytales.blogspot.com

eve

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 77
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #23 on: July 23, 2008, 11:48:32 am »

SHE NAKAKAIYAK naman.  my hubby is based in davao and he comes home every three months and gets to stay with us for a max 7 days. kaya noong maliit pa si yancy, medyo di niya makabisado ugali so laging major adjustment silang 2 sa isa't isa. but now that yancy is 3.5 yrs old okey na, in fact she always asks me when tatay is coming home.  sabi nga niya, pag nag dro drawing siya, ito bahay natin nanay tatay yancy, wala aalis lagi sama sama. it's really very hard on our daughter kasi whenever she sees complete families at the church or in restaurants, she would turn to me and tell me" o ayan, complete sila. tayo me space pa para kay tatay. huhuhu but sabi nga, when life throws you lemons, make lemonade. so, kesa ipilit ko na we be together at manigas sa gutom, i'm thankful na din na every 3 months nagkikita kita kaming 3.
Logged

Ailyne

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #24 on: July 26, 2008, 01:41:08 am »

Hello everybody.... new lang po ako and im so happy kasi merong ganitong com dito...i am 23 weeks pregnant and my hubby is also a seaman uuwi siya binyag na ng baby namin...ang hirap pala if your loveone is not with you during your pregnancy...but still thankful kasi after a month of leaving me he won Laptop sa ship nila kaya right now nakakapag chat kami and we saw each other on cam but i still feel lonely and empty sometimes even if we have constant communication iba pa rin kasi if he's with you..I have so many fears na hindi ko ma share sa kanya just like giving birth, how is my baby inside my tummy i (just really hope he or she is healthy), changes in my body, budgeting etc so many things to think for a first time mom to be...kasi ayoko naman pati siya mag wori din kaya everytime that we talk i make it a point that im hapi and letting him know that i enjoyed being pregnant. Alam ko kasi this is his dream talaga after 8 years of our relationship....Mga mommy could you please help and share with me how to cope up with these worries of mine share niyo naman po sakin what did you do during your pregnancy when your hubby is not with you....ayoko malungkot palagi kasi i know nararamdaman ng baby ko yung feeling ko....
Logged

kalix

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 287
  • because of YOU!
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #25 on: July 26, 2008, 06:36:59 pm »

hi ailyne! welcome to SP! my hubby also works abroad. ganyan na ganyan di naramdaman ko non, actually until now.I was also pregnant when he went back. & sobrang nakakalungkot talaga. wala kang mapagsabihan ng nararamdaman mo, yung fears mo, yung excitement, hanggat maari sana sya kasama mo pag nagpapa check up, etc at wala kang mapaglalambingan.. :) ako noon, tuwing tatawag asawa ko sinasabi ko sa kanya nararamdaman ko para maibsan yung lungkot at takot ko. at lagi naman nyang pinapalakas loob ko.  :) the fact na mom ko lang constant companion ko at maselan naging pagbubuntis ko. kaya just to make myself not to get bored I read books. sometimes my friend visits me (karamihan kasi ng friends ko nasa manila). kasi di naman ako pwede gumala kasi maselan ngako magbuntis. ni bumili nga ng gamit ng baby ko diko nagawa kasi di ako pwede gumala. :( pag may mga tanong naman ako tungkol sa pinagbubuntis ko nagtatanong ako sa mga kakilala ko na dumaan sa ganitong sitwasyon or mom ko.

Why don't you meet your friends or ask them to visit you para di ka nalulungkot. or chat ka online with your friends. do something you enjoy. or maybe home business para may pinagkakaabalahan ka at the same time kumikita ka. or enroll ka ng short courses cooking class maybe, kung mahihilg kang magluto. or lamaze lesson? anything to do sa pagbubuntis mo. basta anything na interesado ka. it's normal na may fears ka kasi first time mo naman eh. ;) ganyan din ako noon. pero pag iisipin naman natin na ilang buwan na lang lalabas na baby natin nawawala takot natin. :) o kung ikaw naman eh mahilig magsulat why don't you write a diary or journal about sa pregnancy mo? outlet mo na rin yan para mailabas mo yung nararamdaman mo.. or dito sa SP  :) anyway, pag nakapanganak ka na magiging busy ka na sa baby mo. :D just post here anytime, pwede mo share samin anything you feel.. cheer up! ;D

Logged
"..there is no greater prayer than that of a MOTHER for her children. These are the purest prayers because of their intense desire and, at times, sense of desperation.

gailey

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
    • Nappy Tales
Re: long distance daddy
« Reply #26 on: July 27, 2008, 07:54:08 am »

hi ailyne.ako rin pregnant nung umalis for qatar husband ko.like kalix everytime may lungkot akong nararamdaman tinatawag or email ako sa husband ko para ma share ko sa kanya ano yung nararamadaman ko.

san ka ba nakatira?

meet your friends or dito sa sp basa basa ka para di gaano malungkot
Logged
nappytales.blogspot.com

Ailyne

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #27 on: July 28, 2008, 11:32:28 pm »

Thanks mga mommies!! i really appreciate everything...kahit papano na ease yung mga fears after reading your stories....and i know ma eenjoy ko itong SP i know marami akong matututunan...thanks....nice meeting all of you
Logged

mama_jo

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 483
  • female version of her papa
    • View Profile
Re: long distance daddy
« Reply #28 on: July 31, 2008, 02:14:08 pm »

hello..just sharing my concerns...my husband is seaman with contract usually 9 months...when i was in my 4th month of pregnancy, sumakay ulit yong husband ko at umuwi, turning 4 months na si jana at saka namin pinabinyagan at lumapit naman agad sa kanya kz di pa naman nangingilala...ngayon, i feel sad for my husband and my daughter pag sasakay naman ang papa niya (he's just waiting for his schedule)...wish nga ng husband ko na sana sa sept. pa sya paalisin ng agency...one time, sabi ng asawa ko "ang hirap palang umalis pag may baby na at kamukha ko pa" (photocopy kz baby namin sa kanya)...alam kong mahihirapan talaga sya lalo na pag bagong alis pa lang...nasanay na syang pagpasok ko sa office, very early in the AM, sya muna mag-aasikaso kay baby (pa-dede, change diaper at hele pag-nagising/cry cry) before niya i-turn-over sa nanay ko (i never let our katulong mag-alaga sa baby, di ako kampante, ang lola na lang  ;)...iniisip ko na talagang ma-sa-sad ang husband ko pagsakay niya at si baby naman, di pa niya alam yon...ang problem, pag-uwi ng papa niya next year, jana will be more than 1 year that time...baka di sya lalapit sa papa niya, di niya kilala at adjustment for the 2 of them...baka magaya si jana sa inaanak ko na seaman din ang daddy, cry cry daw yung inaanak ko when she saw her father inside the room, ang ginawa raw nila, patulugin muna yung inaanak ko bago makapasok sa room ang daddy niya...yon ang afraid ko, nakakaawa naman si jana di niya kilala papa niya (kahit kausapin pa sya lagi sa phone, iba talaga pag physically present na)...nakakaawa rin yong husband ko na baka ayaw lalapit sa kanya ang kamukha niya...hay...saka ko na lang siguro yong problemahin... :'(
Logged

gailey

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 222
    • View Profile
    • Nappy Tales
Re: long distance daddy
« Reply #29 on: July 31, 2008, 02:27:42 pm »

kwentuhan nalang lagi about her dad si jana sis. tapos ngayon pa lang ivideo mo husband mo na reading stories to jana or yung magkasama sila ni jana naglalaro/bonding para pwede niya panoorin.
Logged
nappytales.blogspot.com
Pages: 1 [2] 3 4 ... 6