Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: moms pls help me to decide to find a new job or not???  (Read 1796 times)

sexybogs

  • Newbie
  • *
  • Posts: 30
    • View Profile
moms pls help me to decide to find a new job or not???
« on: May 28, 2014, 08:49:15 am »

hello mommies.. :)
gusto ko lang po sana humingi sa inyo ng advice, gusto ko po sana mag hanap ng bagong work, dahil dito sa work ko ngayon ako ang tumatayong "supervisor" wala po akong kasama sa office mag isa lang po ako but meron naman na pong tao sa production. all office work and even sa operation ako po ang gumagawa. napapagod na po ako dito and ang sahod ko po 466 per day. walang sss, pag ibig & philhealth. im from marilao bulacan and my work place is in Proj. 8 QC. ang expense ko per day is around 215 kasama na po ang food. chinese ang boss ko and kakastart lang ng company. gusto ko po sana sa ibang company na meron benefits and alam ko kung anong task lang talaga ang gagawin ko unlike dito na all around ako minsan po pag absent ang tao namin nag rerepack pa ako ng products namin. nakakapagod po ang ganito. nag try na rin po ako mag resign and hindi po ako pinayagan ng boss ko dahil gamay ko na raw ang trabaho. ang advantage ko lang wala akong boss and thru phone lang kame nag uusap, feeling ko superior ako ng mga tao sa production. meron internet at anytime pwede gumamit ng celfone unlike  pag lumipat naman po ako ng company, panibagong pakikisama sa mga ka trabaho, and mas maraming boss pero meron naman benefits. haaay naguguluhan na po talaga ako. please mga mommies help me po to decide. salamat po in advance. :)
Logged