Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Pages: [1] 2

Author Topic: im pregnant and confused...........  (Read 6855 times)

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
im pregnant and confused...........
« on: June 22, 2014, 07:56:21 pm »

hello po .....
as of this moment mixed emotions pa din ang nararamdaman ko. Im 2 mos pregnant and sobrang depressed ako sa nangyayari sa buhay ko. Di ko alam bakit kailangan ko pagdaanan when in the first place i have my part din naman bakit ito nangyari. Ang hirap lang kasi at ang sakit isipin na iniwan ka ng isang tao sa ganitong sitwasyon. Mahirap pra sakin ang pinagdadaanan ko ngayon lalo at nanggaling ako sa pamilya na hindi open sa ganitong setup. Pinalaki kaming maayos at mataas ang expectation sakin ng mga taong nakapaligid sa akin. Kaya ngayon sobrang apektado ako. Lumaki akong conservative pero dahil sa sobrang pagmamahal ko sa guy na yun ibinigay ko sa kanya lahat lahat. Ang pagkakamali ko masyado ako nagmahal at nagtiwala. Ang masakit nito ni hindi ko siya napakilala sa family ko kaya ganun na lang yung worry ko sa araw araw. Sobrang di ko maipaliwanag nag emosyon na nararamdaman ko. Stress, takot, depression lahat na yata. Dumating pa sa point na gusto ko siyang ipalaglag.....pero nanaig pa din ang takot ko sa Diyos. Hanggang ngayon wala pa din akong idea paano ko ipagtatapat. Nakita ko ang galit nila ng mangyari sa ate ko, ang pagkakaiba lang namin pinanagutan siya ..pero ako wala sobrang naaawa ako sa sarili ko at sa baby.........wala pa naman ako masyadong ipon. Wala din ang family ko kasi ako lang nagpapaaral sa kapatid ko ngayon. kaya doble dobleng suffering nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nga munang lumayo at magresign na sa trabaho ko dahil sa kahihiyang ginawa ko para maliwanagan isip ko. Madami namang ampunan na pwedeng puntahan hanggang sa makapanganak ako.....Di ko lang kaya makita ang sama ng loob na maidudulot nito lalo na sa nanay ko........... :( 
Logged

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #1 on: June 22, 2014, 08:03:00 pm »

sana po mtulungan ninyo ako.........sobrang nalilito na ako.. Ayaw ko ng pumasok sa work kasi lalo ko naaalala pero paano naman yung baby wala akong ibang way para buhayin cia. Pero di na ako makapagconcentrate sa work. Sobrang apektado ako. Kailangan ko ata ng counseling
Logged

Errych

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 626
  • Watch.Wait.Time will unfold & fulfill its purpose.
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #2 on: June 23, 2014, 01:46:56 am »

Walang ibang makakaintindi sa 'yo kung hindi ang family mo. Your situation maybe different as that of your sister's but your family may also react differently considering your present condition. Ang magulang magagalit yan sa umpisa pero at the end of the day 'family' pa din kayo. You need their support and understanding. Alam ko mahirap gawin, pero why not try to approach your mother. I guess of right age ka naman na. Talk to your mom, tell her all your fears. Say sorry for what have happened. Pray. Try to have a stress-free pregnancy. Have happy disposition para din kay baby. Mahirap but better if your parents will know it this early. And besides, kelangan mo na din mag pa check-up.
Logged

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #3 on: June 23, 2014, 01:26:40 pm »

You need to pray for God's strength & guidance. same tayo dati ng situation, i became a mom at 22 and ako ang breadwinner so everyone in my family was devastated. kahit gaano pala katapang ang isang tao, kapag dumaan sa ganito eh mwawala din sa ulirat.

i was usually matapang at independent sa parents ko since elementary. pero itong experience na ito ang isang dahilan para mas tumapang ako at magkaroon pananalig sa diyos.

since yes we are one at fault during this situations, we are also the one to have FIRM decision in letting this little one be alive.

i also went depression during 2-3 months na pregnant ako. ayoko kumain, i did exercises na pregnant should not do. umiyak na lang din ako bigla kapag kaharap ko ang parents ko kasi naguiguilty talaga ako.

naregain ko lang yung strength ko after i had my first check-up and ultrasound. i realised na i have to be strong and fight for the child na nasa tyan ko. na wala siyang kasalanan sa ginawa ko na siya ang naging bungga.

i suggest you to tell na to your parents about this. because if your depression will last until your 2nd sem, it may affect the development ng baby mo. you just have to build the courage and strength sa mga SASABIHIN nila, and maging firm kung pangangatawanan mo yung baby w/o the father. your will see how great this god's gift to you par naisilang mo na. be brave for you child as it cannot protect its own.

my baby is 1 yr and 8 months (at mahirap na alagaan) na, until now, may mga naririnig pa rin ako sa mother (na kung di daw ako nag-anak ng maaga eh di sana mas maganda daw buhay ko) ko na masasakit na salita, pero at the end of the day, this precious gift will erase those hurt, anger and sadness sa family mo. though may mga nasasabi pa rin sila mama sakin, inaaaccept ko na lang. : )

Logged

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #4 on: June 23, 2014, 01:37:24 pm »

Once pa lang ako nagpacheck up. Masyado kasing complicated ang situation ko kaya gusto ko din muna lumayo para makapag isip. Sobrang kahihiyan ako sa family ko. Ok lang siguro un hanggang makapanganak ako
Logged

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #5 on: June 23, 2014, 02:05:25 pm »

Hi jayden, huwag mo naman maliitin ang sarili just because naging pregnant ka hindi ka pinanagutan ng lalaki.

tell your parents na kasi you need them specially in the situation na wala ang father ng baby. compare sa experience ng ate mo sayo, mas complicated yun, and your mom would see how greatly you needed them kung masasabi mo ng maaga.

pray for His guidance. huwag ka magpadalos dalos ng desisyon at dalawa na kayo ngayon.
Logged

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #6 on: June 23, 2014, 03:03:06 pm »

O my God sis gheng..lalo ako napipressure. Di ko mapatawad ang sarili ko. Nung nabuntis ka ba nagwowork ka?
Logged

Mommy Jazz

  • Administrator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3241
    • View Profile
    • Jazer Basan for Smart Parenting
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #7 on: June 24, 2014, 06:44:35 pm »

Girl you need counselling. You can get advice here, from friends or from social media pero hindi nito mapapantayan and advice ng tutoong counsellor.You may call or visit the following.
http://www.gmanetwork.com/news/story/307497/lifestyle/peopleandevents/care-during-crisis-a-help-desk-and-resource-list-for-single-moms
Logged
Sumali sa mga usaping pang magulang. Magtanong at magbigay ng payo dito sa Parent Chat.

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 365
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #8 on: June 24, 2014, 10:16:17 pm »

in the end, kahit ano pa ipayo sayo ng ibang tao ikaw pa rin magdedesisyon...you can get ideas,tips para kahit paano eh malaman mo na hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganyan, pero kahit ano pa, sayo pa rin manggagaling desisyon, if you think na yung paglayo mo eh yung magbibigay sayo ng peace of mind,sige gawin mo, pero there are lot of things that you have to consider,as you said, wala ka pang masyadong ipon, if you will resign,san ka kukuha ng panggastos,esp now na hindi lang sarili mo ang dapat mong isipin...you need vitamins,check ups monthly para sa health niyo ni baby, kahit pa may mga health center or public hospital na makaktipid ka eh gagastos ka pa rin..so pano na pag nawalan ka ng work.why not isipin mo na lang na you need to work hard para si baby, tinuloy mo, so panindigan mo na diba, prove duns a nakabuntis sayo at sa sarili mo na kaya mong buhayin baby mo...
 
your family might be disappointed at first pero nagttrabaho ka na, you've helped sa pag papaaral ng kapatid mo, ok na yun, in the first place its not your obligation, its your parents, your just helping them so dapat maintindihan nila yun.and it doesnt mean naman na hindi mo na sila matutulungan diba, mahirap pero dapat mo harapin,dami ko na nakilala na ganyan sitwasyon yung iba as young as 18 pa, pero nakaya nila...have faith in the goodness of other people (parents,relatives,friends because if they truly love you, they will understand) have faith in yourself and have faith in God...pray na maliwanagan ka sa mga dapat mo gawin kasi hindi ka haharap sa ganyang sitwasyon kung hindi mo kaya....
Logged

vmjanne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #9 on: June 25, 2014, 07:47:39 pm »

Do not belittle yourself. It seems you are punishing yourself dahil sa maling ginawa mo. Hindi rin maganda na isipin na ang bata ay bunga ng kasalanan, that's a blessing kasi you are given a life to take care of. Maraming mga mothers dyan hirap na hirap magconcieve at gumagastos ng malaki para lang magbuntis. Magandang malaman ng family mo, kahit masakit ang sasabihin nila labas sa kabilang tenga and show them you can stand up for you and your baby.

Do not resign from your job as well, you need money to finance check up, vitamins and such. Besides makikita mo ang mga tao na bukod tanging gusto kang tulungan if you only ask. Make that child a motivation for you to move on. Many people can put a label on you, pero that should not stop you now make you give up on these challenges. hindi yan ibibigay na challenge sa iyo kung hindi mo kaya.
Logged

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #10 on: June 29, 2014, 02:20:44 pm »

Thanks everyone for all the words of encouragement. Sabi nyo nga its really myself ang unang unang makakatulong sa sarili ko para makabangon at panindigan ang desisyon ko na makakabuti for the baby. I have to accept and forgive myself rather than worry and stress out myself sa mga pwedeng mangyari at isipin ng ibang tao. Pero mga sis my decision na lumayo muna itutuloy ko once na mahired ako sa bagong work. Di ko pa lang kaya sa ngaun na marinig lahat ng panghuhusga ng ibang tao lalo na ang pamilya ko na unang una mother ko ang masasaktan.
Logged

vmjanne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #11 on: June 30, 2014, 11:07:43 pm »

Take your time @ jayden1987. Tama yan, love yourself and your baby kasi partners na kayo. Best of luck to you and your endeavors! :)
Logged

jayden1987

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #12 on: July 06, 2014, 08:32:12 pm »

As of now  im beginning to accept the reality. What im worried is the cost of having a baby...im afraid I.i dont have enough resources to raise m6 child. Ayoko din maging pabigat sa family ko kasi sila mismo wala din :(
Logged

proudmommyhere

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #13 on: July 07, 2014, 04:17:55 pm »

Goodluck po. I know malalampasan mo din yan, just trust God. gnyan dn ako nung una, feeling ko mamamatay na ko. I got pregnant when I'm only 17, and nag aaral ako ng college. Kaya mo yan :) Pray lang lgi. Pag nanjan na si baby, lahat ng pagod at hrap mo, it's all worth it :)
Logged

danellie

  • Newbie
  • *
  • Posts: 15
    • View Profile
Re: im pregnant and confused...........
« Reply #14 on: October 12, 2014, 03:50:47 pm »

napaka swerte mo jayden at nabiyayaan ka ng baby samantalang ako matagal ko na gusto magkababy pero wala parin until now , ang hirap din magampon...how I wish ako nalang ang nabuntis ....pero im willing to help you also ....just pm me
Logged
Pages: [1] 2