Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: RELATIONSHIP PROBLEM WITH YOUR PARENTS :'(  (Read 3732 times)

gheng

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 74
    • View Profile
RELATIONSHIP PROBLEM WITH YOUR PARENTS :'(
« on: July 17, 2014, 02:34:56 pm »

hi, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob ko sa family ko.. haist hindi ko na kasi alam ang dapat gawin...

I got pregnant last 2012 na hindi inaasahan. syempre super galit ang mother ko saken dahil ako lang ang inaasahan sa bahay. nung araw na nanganak ako, hindi pa namin nakukuha ng asawa ko yung ni-loan ko kaya yung parents ko muna yung nag-abono. though binayaran naman namin ng asawa ko lahat ng ginastos eh ang DAMI KO PA RIN NARIRINIG MULA SA MOTHER KO.... :(

Simula nang nagka-isip ako and natutuong dumiskarte sa buhay (siguro grade 5 ako) hanggang grumaduate ako ng college, hindi ako dumipende sa magulang ko, kapag wala sila maibigay sken, ok lang, nagagawan ko naman ng paraan. eto lang talaga nung nagbuntis ako humingi ng tulong sa kanila (financially) pero baket ganun, ang dami na nila SINUMBAT saken...

until now, dahil sa kagustuhan ko na wag magkarinig sa kung anu2x INAKO ko na lahat ng gastusin sa bahay. kasi sila mama din naman nag-aalaga sa anak ko at pagtanaw na din ng UTANG NA LOOB SA KANILA.

nakakainggit lang yung mga young mom dito na super supportive sa mga anak nila. akala ko nung una, lilipas din yung sama ng loob nila, pero hindi pala. NAKAKA DEPRESS na madalas kasi kahit gawin ko na lahat, KULANG PA RIN PARA SA KANILA...
« Last Edit: July 17, 2014, 02:38:15 pm by gheng »
Logged

vmjanne

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 82
    • View Profile
Re: RELATIONSHIP PROBLEM WITH YOUR PARENTS :'(
« Reply #1 on: July 17, 2014, 05:32:51 pm »

Hugs @gheng!

I feel for you. That's one reason why I do not contact my parents in any way. Mahirap nga bayaran ang 'utang na loob' kasi wala naman sapat na kabayaran ito -- accdg to my officemate. I do not know the background bakit ganun parents mo at medyo cold sila sayo. My parents have their own lives na at may sarili ng pamilya mula pa nun 2003. ALthough I get to see them every now and then hindi ako humihingi ng tulong in any way kasi marami din akong naririnig. Naiisip ko rin na baka it reminds them na ako yun naging anak nila nung sila pa eh pareho nga silang galit sa isa't isa now.

Naisip ko rin baka they were rooting for me to become a doctor pero I dropped out of med school para magpakasal sa hubby ko. Maganda naman ang work ko ngayon pati family life ko-- super mahal ko in-laws ko!! Kaya minsan kahit anong pagod ko magwork I always think ayokong maging pabigat sa kanila in any way para walang masabi. And so far 11 years hindi ko sila masyadong kinikibo eto sila ang gumagawa ng way to talk to me. Basta for me lang ayokong maging ganun sa anak ko kasi hindi naman nila gusto or utang na loob nila na pagaralin or ibigay needs nila while growing up. It's their right to have that good education at pinili ko na mag anak kaya hindi ako dapat magreklamo and thus support them.

Dapat tigilan nilang panonood ng teleserye ang drama nila.. hahaha ;D
Logged

annamariemomof3

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 145
    • View Profile
Re: RELATIONSHIP PROBLEM WITH YOUR PARENTS :'(
« Reply #2 on: November 05, 2014, 09:58:18 am »

mayroon siguro talagang mga magulang na walang parental instinct. yung tipong basta naipanganak ka dun na nagtatapos yun. financially di naman nila ako pinagdamutan. pero sa atensiyon at pagmamahal yun ang kulang na kulang. yung tipong di ka man lang suklayan lahat inaasa lang sa yaya. maiintindihan sana kung kailangan niyang magtrabaho eh di naman daddy ko lang naman ang nagwork. graduation kasal binyag ng mga kids ko never siyang umattend. maski nga nung nanganak ako ni di dumalaw at take note 2 months sa ospital baby ko kasi preemie ni hindi nagparamdam. nung iuwi ko anak ko sa halip na kamustahin alam mo ano ang sabi ang pangit daw. hay naku i have tried and tried to be at least civilized with my mother para man lang sa mga bata pero give up na ako. hindi ko talaga siya maintindihan. kakausapin lang niya ako para utangan o kaya para laitin. mula naman nagkasakit daddy ko parang hindi na makapag isip ng sarili niya sunod sunuran na lang sa mommy ko. right now i am not in speaking terms with them. ok nang lumaki ang mga anak ko ng walang lolo at lola kesa naman lumaki sila sa ganung environment na mamaliitin lang sila.
Logged

satchie

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 52
    • View Profile
Re: RELATIONSHIP PROBLEM WITH YOUR PARENTS :'(
« Reply #3 on: November 20, 2014, 11:32:53 am »

I guess lesson from this since parents na tayo lets not do this kind of parenting to our kids.
We will support them so they will be strong enough to be on their feet at the right age.
Logged