Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 19 20 [21] 22 23 ... 30

Author Topic: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema  (Read 508017 times)

swissy022

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #300 on: March 12, 2012, 09:19:33 pm »

sis Errych thanks. actually nabasa ko na lahat ng topics dito bout eczema or skin asthma.. i've ordered some of the products listed there. try ko sya this week hopefully my improvement sa oasis voco cream & itcho's oil pwede kaya to pagsabayin ? di naman maiiwasan talaga un ma expose siya sa dust kasi at this age di talaga sya mapigilan mag explore, all he wants to do is walk all day & grab watever is on his way.
« Last Edit: March 12, 2012, 09:27:30 pm by swissy022 »
Logged

mamaix26

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #301 on: March 12, 2012, 09:20:07 pm »

im using Cetaphil Moisturizing Cream for my son 7weeks old, sobrang puno ang face niya before ng rashes, papunta na sa eczema. But after using the said cream, nawala ang rashes and nagwhiten din amg skin niya.

medyo nagmana nga sakin si baby sensitive ang skin, ako gamit ko sa eczema ko Elocon Cream. not applicable sa mga bata yon ha. pang adults lang. :) Sana makatulong.ü
Logged

caitlin's MoMmY

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
  • Mijn mooi dochter caitlin kai (",) ik houvan jou!
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #302 on: March 13, 2012, 12:18:24 am »

sis saan nabibili yung Elocon cream and how much?
Logged
MoMmY MaRiCaR

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #303 on: March 13, 2012, 12:58:43 am »

Kung sobrang malala na ang eczema at hindi na nakukuha sa cream/ointment, TRY BAWANG/GARLIC.  Dikdikin niyo muna bago ipahid and make sandali lang just to relieve the itchiness kasi mangingitim.  Nagbibigay ng init ang bawang/garlic at the same time nakakatulong sa pagpatay sa ng fungus which is the main cause or carrier ng eczema.

Sa tagal tagal kong gumagamit ng betnovate cream, sumuko din ako kasi pabalik balik lang.  Sa sobrang kati tinutuluan ko ng kandila.  May nagsabi sa akin okay ang bawang so sinubukan ko and it works.
Logged

mamaix26

  • Newbie
  • *
  • Posts: 16
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #304 on: March 13, 2012, 02:03:15 am »

sis saan nabibili yung Elocon cream and how much?

Sis, tinry ko tumingin online pero baka online ka makakabili. Yung sakin pinapabili ko lasi sa ate ko sa Aus., hindi ko lang sure if meron tyo dito sa local drugstores naten. Pero effective kasi sya ng sobra sakin. Eczema ko xe sa likod ng thigh, sumusumpong either pag sobra init or sobra lamig. Tagal na namin pinagamot to, pina laser panga and etc pero di na talaga natanggal kaya til now meron prn ako. Yun nga lang madalang na sumumpong xe sa elocon. Ang kahit 1 application lang mawawala na agad lalu na yung kati. Sana makahanap ka agad para makatulong sayo, or if ever online ka nalang bumili, safe naman ebay.
Logged

momma_33

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 307
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #305 on: March 13, 2012, 09:51:58 am »

hi mga sis, for my daughter who has psoriasis :(  pinapatake ko siya ng supplements din to help , right now green barley and Sibu beauty ang pinapainom ko, this combination really works for her skin talaga. Sibu kase specializes on skin, hair and nails, to po website http://www.sibubeauty.com/, im happy with it talaga kahit medyo pricey effective naman. My daughter has a flare up lately with her psor, as in her whole body has lessions, her body wash and body lotion is cetaphil restoraderm, daivobet naman ointment niya, together with the supplements i mentioned earlier it was almost magic for me coz after 3 applications ng cream niya wala na lahat unlike before ngpapahid kami ng cream niya for a week or more.
Logged

caitlin's MoMmY

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 87
  • Mijn mooi dochter caitlin kai (",) ik houvan jou!
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #306 on: March 13, 2012, 11:31:50 am »

sis mworx paano mo nilalagay ang garlic sa akin kasi nawawala sa dermovate kaso bumabalik talaga para syang butlig na maliliit na may water sa loob kapag dko nilagyan gamot magiging sugat na sya sa fingers pa naman kaya hirap ako kumilos kapag meron ako nun kaya ginagawa ko di ako nawawalan ng dermovate sana mahelp ako ng bawang pano malalagay yun? TIA
Logged
MoMmY MaRiCaR

mumchelle

  • Full Member
  • ***
  • Posts: 144
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #307 on: March 13, 2012, 04:03:08 pm »

@swissy022:  hi sis, you were asking sa isang about mustela right? sa robinsons place at trinoma ang alam kong may mustela. we are also using Oasis Baby din at By Nature Baby Salve  :D
Logged
soORGANIC

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #308 on: March 14, 2012, 08:39:45 am »

@ Caitlin's Mommy.  Peel the garlic tapos dikdikin mo.  Yun juice ng garlic yun nagbibigay ng init.  Since butlig pa lang hindi pa kelangan gawin ito yun pag may sugat tapos ang kati kati na.  Garlic will relieve the itchiness tapos natutuyo yun sugat.
Logged

mworx

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 511
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #309 on: March 14, 2012, 08:49:46 am »

My daughter has skin allergies at the back of her knee, sa harap ng elbows...kung san may guhit.

I was asked by the derma to stop using Elica Cream/Ointment instead she gave me Protopic with cost P2K + (hindi ko binili).  My daughter's Pedia suggested Ezerra (no steroid), just to help with the itchiness and to moisturize the skin at the same time.  Sa tagal tagal hindi na ganung effective.

Ito nanaman, skin allergy attack na naman daughter ko tapos sobrang red na na parang nasisimula na magsugat sa kakakamot.  Still did not buy Protopic (mahal kasi) instead Elica Ointment binili ko.  Something really bad happened (check the pictures ganyang ang itsura ng skin ng anak ko ngayon pati sa likod ng tuhod mas grabe).


(NOT MY DAUGHTER'S PICTURES)
Atopic Dermatitis


Acute Atopic Dermatitis with Bacterial Infection


Dinala ko kahapon sa St. Lukes ER kasi pati sa body niya may red na butlig at kumakalat.
Diagnosed with Acute Atopic Dermatitis with Bacterial Infection.

What are the causes?
(1)  Using too much chemical, change of soap and cream with steroid that made it worst.
(2)  Change of weather.
(3)  Banana can cause allergies which my daughter loves to eat bananas.
(4)  Other factors still have to determine and avoid.

Lesson:  Always consult a doctor. 
Logged

♥♥♥mommyangel♥♥♥

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 377
  • HAPPINESS! :)
    • View Profile
    • The Who Mom
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #310 on: March 14, 2012, 08:58:36 am »

Mustela branches:

1. Ayala Trinoma, level 1 beside Nat'l Bookstore
2. Robinson's Ermita, level 1 Midtown Wing, beside Kipling's and Topshop
3. Glorietta 4, level 3 beside Play and Display, below the cinemas
4. Shangrila Mall, level 4, in front of Mothercare
5. Megamalll A, level 2, in front of Marks and Spencer
5. Pure Beauty, level 2 Serendra fronting Market Market
6. Landmark Department Stores
7. Rustan's Department Stores
Logged

virgin_happy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • ...God Bless Our Family...
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #311 on: March 14, 2012, 11:07:24 am »

it’s been almost 4 years, tagal na pala nung huli kong nabisita ang thread na ito, medyo naguilty tuloy ako nung may nareceive ako na message galing kay sis swissy022  today about her son, simula kasi nung nadala ko sa doctor niya yung baby ko d na ko nakabisita sa forum, d tuloy ako nakatulong sa ibang sis... sorry... share ko lang experiences  ko. Sobrang happy na ko ngayon dahil magaling na ang anak ko kahit may konti pa na sugat sa paa pero para sakin magaling na sya compare sa dati, but tuloy pa rin ang immunotherapy niya. Mag 3 years na sya sa immunotherapy next month. Ang laki ng tulong ni Dra. Felisidad Cua Lim of St. Lukes… sa dinami dami ng naputahan naming doctors and take note pati faith healer napuntahan namin sa ikagagaling ng baby namin.. its Dra. Cua Lim na talagang I believe binigay ng Diyos para sa amin… Thanks be to God…  wala na ang paghihirap ng baby ko and ng kalooban ko…
refer ng pedia ng baby ko c Dra. Cua Lim, nung nagpunta kami dun, sobrang active pa ang skin ng baby ko sa mga allergies so the Doctor decided not to do a skin freak test but UNICAP . pinapunta niya kami sa isang laboratory para kunan ng dugo ang baby ko at itest ang allery niya…  dapat daw kasi walang sugat pag nag skin freak test, at saka 1 week d iinom ng kahit na anong anti allergy, but sa case ng baby ko imposible d sya uminom kc sobrang worst ng skin niya as in nagnanana ang buo niya katawan, simula ulo hanggang paa na may kasama pang mga bukol, dahil daw sa infected na ang skin…  habang hinihintay namin  ang result ng UNICAP, niresetahan ni Dra. ng mga anti histamine at anti allergy ang baby ko…  aerius in the morning and zyrtec & montelukast  in the evening. And then nirefer niya kami sa dermatologist na si Dra. Nebrida. Ang sabi niya no other dermatologist na titingin sa baby ko kundi yun lang kasi malaki daw tiwala niya and parang team mates sila sa pag gagamot… something like that…  pagdating kay Dra. Nebrida, niresetahan ya ang baby ko  ng mga ito:
BUROW’S SOLUTION- pang linis/ pang langgas ng sugat ( ilagay sa isang maliitna lalagyan ang tubig then haluan ng solution)
DERMAVEEN SOAP and DERMAVEEN SHAMPOO – nabibili lang sa clinic ng derma na galling pa ng Australia kaya kung may kakilala kayo sa Australia pabili na lang kayo kasi laki ng masasave hehe
PETROLIUM JELLY with NERISONA COMBI OINTMENT/CREAM – pinaghahalo at pang pahid sa buong katawan
ADVANTAN – for face
*** mga sis, need muna ng consultation ha bago ipainom o ipagamit ang mga gamot na ito…

And happy to say, ilang araw lang ang nagdaan nakita na naming ang magandang resulta sa skin ng baby ko kahit d pa sya nag start ng immunotherapy.. lahat na yata ng anti histamine/anti allergy na gamot  na try na namin pero sa mga nireseta ni Dra. Cua Lim at Dra. Nebrida naging ok ang baby ko…

GOD BLESS EVERYONE!!!
 ;) ;) ;)
Logged
"Commit to the LORD whatever you do, and your plans will succeed."
Proverbs 16:3

virgin_happy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • ...God Bless Our Family...
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #312 on: March 14, 2012, 11:27:23 am »

Mga sis eto pala result ng tests ng baby ko kung san sya allergies:

Beef
Cacao (chocolate)
Chicken
Cockroach
Egg white
Egg yolk
Milk
Shrimp (All seafoods)
Mold mix
HOUSE DUST MITES – pinaka mataas nyang allergy…
Histamine
Grapes
Mango
Carrots
Celery
Squid
Total IgE – 5000 kU/L – level of allergy daw to.. sabi ng doctor niya sa lahat ng patints niya ang baby ko ang may pinaka mataas na level of allerge, pinakita nga sakin yung ibang result nasa hundreds lang, imagine ang baby ko 5000
 
Logged
"Commit to the LORD whatever you do, and your plans will succeed."
Proverbs 16:3

swissy022

  • Newbie
  • *
  • Posts: 10
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #313 on: March 14, 2012, 08:19:57 pm »

hi sis virgin happy,  how old yung baby mo nun ngblood test? pwede n kaya siya (1yr & 2mons. old) di ko kasi alam kung pwede naba siya mg undergo ng gnyan test.  province pa kasi kami eh , mahal papunta palang manila gas & toll baka ubos na budget.gusto ko din siya pa immunotherapy.
Logged

virgin_happy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 14
  • ...God Bless Our Family...
    • View Profile
Re: All about Skin Asthma/Atopic Dermatitis/Eczema
« Reply #314 on: March 14, 2012, 09:45:49 pm »

hi sis virgin happy,  how old yung baby mo nun ngblood test? pwede n kaya siya (1yr & 2mons. old) di ko kasi alam kung pwede naba siya mg undergo ng gnyan test.  province pa kasi kami eh , mahal papunta palang manila gas & toll baka ubos na budget.gusto ko din siya pa immunotherapy.

4 years ang baby ko that time, and hinintay pa mag 5 years old sya bgo start immunotherapy. na try m nba ipa skin freak test baby mo? province din kami e, bataan.nd tama ka sobrang magastos pero sa dami ng mga napuntahan namin na doctors, and na try na g ano ano gamot, pag sinoma e d mo namamalayan e malaking gastos na rin. so dun ka na sa sure diba. mahalaga gumaling baby mo. pm ko sau sis number ng clinic, marami ko experiences na maishare sau kc pnagdaanan ko yan. Pray lang. God bless...
Logged
"Commit to the LORD whatever you do, and your plans will succeed."
Proverbs 16:3
Pages: 1 ... 19 20 [21] 22 23 ... 30