Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Husband pushed me  (Read 5526 times)

mommymommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Husband pushed me
« on: September 12, 2014, 04:15:11 pm »

My husband pushed me last night.  My kid has a fever last night and wont take medicine, we tried but he is spitting out. My husband got mad at my kid and forced the kid to take the med again 3x, until he swallowed it. husband was shouting, punching the door para matakot ang bata at uminom. I interfered very very calmly, saying "daddy, may lagnat, baka naman mabinat..." over and over, but he pushed me and said " hindi matuto uminom ng gamot yang batang yan kung ganyan ka". After that, while im cleaning the mess, he approached my older son, and said sorry explaining why he needs to be like that. After that, he approached me naman saying in an irate tone " sorry ha kung natulak kita, hindi ko sinasadya, pero wag kang gagawa ng issue na sinasaktan kita dahil hindi. Hindi ko sinasadya un". Whats your thought on this? :(

Logged

chardonnay

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 482
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #1 on: September 13, 2014, 04:04:18 am »

Nalungkot ako :( Nagsorry nga pero meron pang pahabol. Kung sa akin mangyari sasama loob ko.
Baka naman na stress lang din mommy, wait for his emotion to level down and tell how you feel.
Logged

preciouslara

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 364
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #2 on: September 13, 2014, 12:43:19 pm »

if thats the first, baka nga nabigla lang talaga si husband, maybe he got irritated to the point na nagawa niya yun...its really not right kung paano niya hinandle yung situation lalo na may sakit yung kid baka instead na matuto eh lalo lang matrauma,...talk to him when he's calmed and in good mood...explain to him na what he did is wrong...kasi nakakasama talaga ng loob yung ginawa niya, nagsorry nga pero parang hindi niya naman talaga narealize na mali siya
Logged

mommymommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #3 on: January 07, 2015, 03:49:43 pm »

:( again, this time, he threw a pillow on my face infront of our kid. this time, hindi sya nagsorry. the saddest part is, when we mellowed down, i told him in a nice way na wag gawin un, he said, its my fault and he is not sorry he did that. the reason of the fight this time is, i asked him not to go to his province (one day lang naman) to attend the first birthday of his daughter's cousin. may sakit kasi yung anak ko, no yaya dahil day off nung holiday, plus may construction sa bahay. i needed physical help din naman. holiday na holiday :(
Logged

sirchief♥maya

  • Newbie
  • *
  • Posts: 11
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #4 on: January 08, 2015, 11:27:12 am »

@ sis mommymommy,

I think it would be helpful if both of you would attend a marriage encounter. Yung kayong dalawa lang... kasabay ng iba pang couples.

Umattend kami ng husband ko ng marriage encounter 3 months ago. And I should say marami kaming natutunan at naapply talaga namin sa relationship namin.

It is normal for a husband and wife to argue sometimes. But make sure that when it happens, your child(ren) is/are not around. Pag usapan ang issue kung paano mare-resolve, hindi kung paano ka (o ang asawa mo) mananalo.

It is also important that you put God in the center of your relationship. Sabi nga, kung ang mister/misis may takot sa Panginoon, iisipin niya na "Ang gusto ng Dyos mahalin ko ang asawa ko".

Continue praying for your relationship Sis. Basta mabuti ang intention, iga-grant ni God yan in His perfect time.
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #5 on: January 08, 2015, 11:51:44 am »

@mommymommy, siguro nga makakatulong ang marriage counselling sa inyo. Hangga't maari sana wag naman sa harap ng bata biya gagawin yung ganun. Grabe naman, nambato pa ng unan. Saka mo lang talaga makikilala ang lalaki kapag kasama mo na sa bahay.

Kami din ng hubby ko nag-aaway. Recently, hinagis niya sa kin yung ipad. Tumama sa leeg ko, tapos alam naman niyang kakaopera ko lang hinampas pa niya ako sa part na naoperahan ako. Sympre lumaban ako, sinipa ko siya sa sikmura. hehe! Mababaw lang ang reason ng pag-aaway namin pero grabe siyang magalit. Naisip ko nga, what more kaya kung hindi ako buntis? Baka mas malala pa dun nagawa niya.

Sorry, huh, naishare ko din yung sentiments ko. Nakakapuno na rin kasi minsan. Lagi niyang sinasabi na ginagawa ko raw excuse na buntis ako, I really never felt na concern siya talaga sa kin. Lagi na lang dapat sabihan mo ng ginagawa para kumilos. Lately madalas nagka-cramps ang legs ko, as in ang hirap maglakad kasi masakit pero wala. .deadma siya. Need ko pang sabihin na pakimassage naman ako. Pag minassage ako la pang 1 minute yun, kasi nagmamadali siya na bumalik sa paglalaro ng ps4.

Nagsisisi nga ako na binili ko pa siya nun as christmas gift. Kagabi sinabihan pa ako na napakabitchy ko daw. Ako pa ang bitchy? Nagpapabili kasi ako ng food kasi nga gutom na ko at hindi ko rin talaga kaya na bumili sa labas dahil sumasakit binti ko. So since naglalaro na naman siya at hindi raw pwedeng i-pause, I patiently waited kahit na gutom na gutom na ako. 9 pm sa wakas, kumilos na siya para ibili ako. Sabi ko lugaw with tokwa, ayoko na ng egg. Ang binili lang sa akin lugaw. Hindi raw niya ko narinig na nagsabi ng tokwa. Sa gigil ko, hindi ko halos makain yung lugaw. Ano ba naman yun, talagang hindi niya ko pinapakinggan. Mababaw lang pero nakakapuno kasi ilang beses ng nangyari na ganun. Hindi siya nagpepay attention sa mga sinasabi ko kaya kadalasan kung hindi kulang, sobra.

Naisip ko tuloy na dapat mag-ipon ako ng pang annullment namin kasi mukhang mangungunsumi lang ako sa kanya. Happy na ako kay baby. Excited na akong makita si baby next month. Wala na akong paki sa tatay niya.

Logged

mommymommy

  • Newbie
  • *
  • Posts: 9
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #6 on: January 08, 2015, 05:31:47 pm »

@sirchiefmaya, actually, naiisip ko rin magpamarriage encounter, pero iniisip ko naman, saan? next week, papabless kami ng house, kahit nabless na para to shoo away bad vibes. sabi pa nga niya "tama pa bless tayo, para matanggal mo yang negative vibes mo sa katawan mo", sakit ng sinabi :(. Naisip ko na lapitan yung magb-bless ng house para makahingi ng payo, pero...nahihiya naman ako mag open up ng topic sa hindi ko masyadong kilalang tao. wala rin naman ako masyadong friends na pwedeng sabihan :(

@faithperry, i feel you sis, may pagkaganyan din si hubby ko. i can really fee kung ano yung sinasabi mo...congrats on your baby. try to be happy para hindi mafeel bad si baby sa loob ng tummy mo :)
Logged

Erza

  • Newbie
  • *
  • Posts: 18
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #7 on: January 09, 2015, 05:13:49 pm »

^ IMO dapat masolusyunan nyo na agad yan bago pa lumala. Yung mga konting pananakit, hihintayin mo pa bang masuntok ka niya or masaktan ka ng todo? First sign ng domestic violence dapat gawan n agad ng paraan para matigil. Pag usapan nyo na po agad or attend marriage encounter or counseling. Don't point out na dahil sa nasaktan ka niya, sabihin mo na lang sa asawa mo na gusto mo lang mapaganda lalo pagsasama nyo, pagnandun na kayo saka mo iopen.hehe in case maging defensive sya.

Nafeel ko din yung parang deadma lang asawa ko kahit buntis ako. Never sya nagkusa na ibigay yung gusto ko like kahit ikuha ako ng tubig, kailangan iutos pa. Yung times din na malalang away namin eh buntis ako. Emotional na nga ako dahil sa hormones ko eh nakikisabay pa sya. Sinabi pa niya na hindi na daw masusundan si baby kasi ayaw daw niya pag buntis ako. Hmp edi wag! Pero nung nag abroad na sya naging sweet na ulit sya. Share lang :)
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #8 on: January 14, 2015, 06:48:01 pm »

@mommymommy thanks sis. Anyway, share ko lang. Since hindi kami nag-uusap ni hubby simula ng mag-away kami, I chose to email all my sentiments. Sinabi ko rin na kapag di siya umayos, hihiwalayan ko siya. medyo harsh nga yata yung mga nasabi ko kasi supeeer inis ako sa kanya kasi hindi man lang nagsosorry. hehe!

Ayun, nagreply naman at nagsorry na siya. Ayos naman na kami ngayon at hindi na siya katulad dati na sobrang deadma lang. Hindi ko kasi siya makausap ng maayos kaya nag-email na lang ako. hehe!

I hope maayos niyo yan sis. Dapat may open communication kayo para naririnig ang bawat side.
Logged

TheCEO

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • A happy wife is a happy life!
    • View Profile
    • Life As The CEO
Re: Husband pushed me
« Reply #9 on: February 22, 2015, 12:52:34 am »

@faithperry Hi, muther! Natawa ako ng binasa ko yung comment mo. Kasi parang cool na cool ka lang sa way ng pagkakakwento mo lalo na dun sa ginatihan mo ng sipa sa sikmura si hubby mo. hehe! Pero in a serious note, I'd feel the same way kung buntis ako tapos dedma sa Japan si hubby ko. Maselan at very emotional kaya ang mga jondra. Thank God, good boy si hubby nuong jondra ako sa anak namin at talagang alagang alaga niya ako. Nabigay ko ba naman greatest wish niya na magkaron ng daughter e. :-)

Btw, nanganak ka na ba?

@Mommymommy sis, sana ma-push niyo yung marriage counselling or marriage enrichment seminar. Mahirap kasi kapag pinatagal niyo pa iyan, baka dumating yung time na pareho na kayo magsawa at mawalan ng gana sa relationship niyo. Wag naman sana. Si hubby nga kinukulit ko mag-attend kami kahit okay naman kami. Gusto ko lang mas patatagin pa pagsasama namin.
Logged
Sometimes I look at my husband and think... Damn! You are one lucky son of a b*tch! :P

www.lifeastheceo.com

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #10 on: February 22, 2015, 11:18:32 am »

@TheCEO naku hindi pa nga ako nanganganak pero 38 weeks na ko. Gustong gusto ko ng makita si baby. About sa pagsipa ko sa hubby ko nung mag-away kami, hindi ko rin akalain na ganun pala ako kalakas manipa. hehe! Nung magkabati kami, sabi niya grabe daw pala akong magflying kick kahit na buntis. medyo nahirapan daw siyang huminga.  ;D Napuno kasi ako eh, kaya siguro ayun.

Siguro may mga lalaki lang talagang sobrang clueless sa mga pinagdaraanan ng mga preggy kaya kala nila nag-iinarte tayo minsan. Good for you na maasikaso hubby mo lalo na during your pregnancy. ;) In fairness to my hubby, may kusa naman, minsan nga lang. hehe!
Logged

TheCEO

  • Newbie
  • *
  • Posts: 4
  • A happy wife is a happy life!
    • View Profile
    • Life As The CEO
Re: Husband pushed me
« Reply #11 on: February 22, 2015, 06:36:05 pm »

@faithperry don't underestimate the powers of a preggy woman. hahaha! Yan ang di alam ng mga hubby natin. Makakapag-halimaw talaga tayo kapag napuno what more pagbuntis na grabe ang emotion. Lol. Mangangak ka na pala anytime. Good thing member ka dito sa SP, malaking tulong din talaga itong site na to lalo na pag may pinagdadaanan eh. Second home ko din ito nung preggers ako. Nakalimutan ko nga lang username and password kolast year kaya gumawa ako ng bago. Magschool na kasi daughter ko this June kaya kailangan ko na ulit makipagchismisan sa mga mommies dito. Hahaha.

Anyway, it was nice to meet you here. Ingat lagi and wag paka-stress, malapit mo na masilayan ang baby mo, tingnan mo sa banda dun binyag at first bday naman ang iisipin mo. hehe
Logged
Sometimes I look at my husband and think... Damn! You are one lucky son of a b*tch! :P

www.lifeastheceo.com

mami che

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 436
    • View Profile
Re: Husband pushed me
« Reply #12 on: March 14, 2015, 02:27:55 am »

@mommymommy
una, foul yung pinipilit ang bata or tinatakot para uminom ng gamot... trauma sa bata. the more na di iinom nextym. kung kelangan bolahin, bobolahin natin ang mga kids pra uminom lang e.. kaya nga yan ang role ng mga mommies kasi mahaba patience natin. second foul, itulak bah ang asawa?!? kahit nagsorry, masakit sa atin yun ha... kahit not physically nalang, emotionally - may effect yun. third foul, ginawa sa harap ng mga bata. kids look up to their parents as role models e so hanggat kaya iwasan na di magsagutan sa harap nila, iwas iwas din... and lastly, ulitin ba ang pananakit?!?

better ask him sis kung saan ba talaga ang direction ng relationship nyo.. pero men dont like emotional talkies kasi. the marriage encounter will help you both renew ur promises to each other including God in your relationship. ask ka sa mga churches na malapit sa inyo sis. c hubby ang kelangan mabless at maalis ang masasamang spirits  ;D
Logged
"Of all the rights of women, the greatest is to be a mother..."