Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Talaga bang nakahold ang huling salary kapag nakamaternity leave ka na?  (Read 7848 times)

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile

Hi mommies! Please enlighten me regarding the subject above. Kasi ganito yun, I checked my atm today kasi sweldo na dapat di ba? To my dismay, ang tanging laman ng atm ko eh Php 10.00. Umakyat ang dugo ko ng makita ko yun sa screen! Kasi pandagdag ko sana yun ng pambili ko ng electric breast pump. Kasi paanong nangyari yun? Eh pumasok ako ng Feb. 1-12 so dapat may sahurin ako ngayong 28 di po ba?

So I called our HR to clarify kung paano nangyari yun. The HR asst. could not explain why so she told me that they will call me after a few minutes. I received a call from our HR supervisor kaso medyo malabo line kaya nagtext na lang kami. She texted me that my last salary would be feb. 15. Pag maternity leave daw kasi actual attendance ang sinusunod. Do not follow the usual cut-off kasi makoconfuse lang daw ako. Tapos explain na lang daw nila further once I get back. .kamusta naman yun, eh April pa ako babalik. Nagfile ako ng maternity leave starting Feb. 16 up to April.

I replied " kasi po ang sinahod ko ng feb. 12 eh yung pinasok ko po noong jan. 16-30. So parang wala po yung pinasok ko noong feb. 1-12? Or nakahold lang po yun?"  Heto reply ng HR ulit: " Pag maternity actual days don't follow cut off maconfuse ka." She didn't answer my question directly.

Sa mga pinapasukan niyo bang company ganito rin talaga? First time ko kasi magmaternity leave. I was really expecting na may marereceive pa ako nitong katapusan kasi pumasok naman ako ng feb. 1-12 kaso waley. . :(
Logged

MomiAnn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: Talaga bang nakahold ang huling salary kapag nakamaternity leave ka na?
« Reply #1 on: February 27, 2015, 09:00:35 pm »

Hello mommy,

Pag po kasi Maternity Benefit (similar with Sick Leave Benefit) na covered ng SSS, actual date ng ML mo ang i-de-declare ng company kay SSS.  may rule po kasi ang SSS na bawal ang double compensation, meaning yung days na babayaran ni SSS ang salary mo (which is your ML days) dapat walang "pay" or salary si company, otherwise if pinapa sweldo ni company sa days na iyon at kini-claim din ni employee na paid days sa SSS (in this case we refer to the ML days) magiging violation sya ng double compensation.  Most likely baka ito yung sinasabi ni HR mo na "actual attendance" kapag naka ML.  although pwede pa rin namang compensable dahil may cut-off period naman kayo to justify (that is Jan 16 - 30 paid on Feb 15 and Feb 1-15 paid on Feb 28).  Ang nakikita ko lang na posibleng "flaws nito" is baka sa "system" or "program" na ginagamit ng HR ninyo sa payrolling, baka may certain limitation ang program sa mga special cases tulad ng ML kaya hindi nila ma-apply yung dapat na "pay" mo kung naka-tag na sa attendance na ML.

Sa company ko kasi dati ang ginagawa ng company is advance na ibinibigay sa employee yung ML benefit or pay at pag na reimburse na kay SSS (na after giving birth or medyo mas matagal pa naibibigay ni SSS) saka na lang ibabalik kay company yung amount na in-advance niya.  Para yung pregnant employee pag nag ML na sya may dala na syang "money" na pang-gastos para sa 60 days na hindi sya sasahod sa company because of the ML.  Unfortunately hindi mandatory na i-advance ni company ang SSS ML Benefit - prerogative sya ng kumpanya.

Kung medyo madami ngang "technicalities" na need ma explain sa iyo si HR baka ma-stress ka pa.  If kaya mo naman itawid ibang gastos using other means - I suggest I for go mo na lang muna ang pakikipag-usap kay HR nyo until makapanganak ka, para hindi ka na ma-stress.

Relax lang mommy  :) ingat palagi.
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile
Re: Talaga bang nakahold ang huling salary kapag nakamaternity leave ka na?
« Reply #2 on: February 28, 2015, 10:03:05 am »

Thank you MomiAnn. May rule palang ganun si SSS. Baka nga ito yung reason kung bakit wala akong nakuha this cut off.  Labo din naman kasi nila magpaliwanag. Need ko pang ire-phrase tanong ko to get their answer. Tinext ko kasi ulit, hindi ako satisfied sa paliwanag nila, ayun ang sabi nakahold lang but when I asked kung kelan maccredit yun, as usual hindi na naman nasagot. Sa asar ko nga kahapon naisipan ko tuloy na wag ng bumalik sa company na yun after my ML ( pero syempre hanap ako ng ibang work noh.) hehe! ;D

Saka medyo nakakasama lang kasi ng loob kasi kahit paano malaking bagay na yung may matatanggap man lang ako bago ako manganak. Though may naisave naman akong money sa bank pero maliit lang. Tapos babawasan ko na naman ulit. hehe! Dati nagaadvance din ang company namin ng SSS ML benefit. Pero dahil may mga ka-officemate ako na nagiging CS kapag manganganak na, hindi na nila pinaparactice ang pag-advance kasi hassle pa sa kanila na may to follow na another check kasi pang normal delivery yung naprovide nila.

Ay naku MomiAnn, hindi ko na muna talaga sila kakausapin kasi nakakastress HR namin. Yung status ko nga sa Philhealth, kung hindi ko pa i-follow up hindi ko malalaman na hindi pa rin pala updated kahit na naipasa ko na dati pa yung needed docs para i-update yung status ko na married na ako. Recently lang na-update after soooo many months. Pero kahit imbyernang imbyerna ako sa incompetencies nila, nakocontrol ko pa naman ang sarili ko na wag magtaray.

Logged

Ayen85

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 68
    • View Profile
Re: Talaga bang nakahold ang huling salary kapag nakamaternity leave ka na?
« Reply #3 on: February 28, 2015, 08:36:53 pm »

Hi there, tama si momiann. Depende na 'yun sa employer mo, bihira po sa company ang nagbibigay na ng pera kung may maternity leave. Kung kaya pa naman ni mister ang gastusin mo at ni baby saka mo na lang kausapin ang HR ninyo. Malimit kasi kapag hindi maayos ang nasa taas hindi rin inaayos ng mga nasa baba na empleyado ang trabaho nila, kaya cool ka lang muna. Let me just share here with you a site you can use to calculate your due date and predict the gender of your baby, good luck and God Bless. http://www.babyduedatecalculator.net/
Logged

MomiAnn

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile

Korek mommy, saka mo na kausapin ang HR nyo pagkapanganak mo, keep your cool muna - for the baby's sake.  Good luck to your upcoming delivery  :D Keep safe, balitaan mo kami.

Ako ay 33 weeks na itong 2nd baby ko, pero Stay at Home Mommy muna ako - nag bleeding kasi ako ng first trimester and hubby and I decided it will be best mag resign na lang muna sa work, baka kasi nagiging source ng stress kaya naaapektuhan si Baby.  Syempre Baby's safety come's first.  Ang mga "career" naman natin ay pwedeng pwedeng maghintay  ;)

Ingat lagi mommy  ;D  Excited na tau makita ang mga new angels natin.
Logged

faithyperry

  • Newbie
  • *
  • Posts: 39
    • View Profile

Thank you mommies! @Ayen85 for now si hubby muna talaga ang sasalo ng gastusin kasi waley akong nakuha. Medyo nahihiya kasi ako ng ganun, pero di bale sandali lang naman to. Sana nga before pa magMarch 9 lumabas na si baby. ^_^ Balitaan ko kayo.

Congrats MomiAnn! Second baby mo na pala. Oo, tama ka jan. Unahin natin ang safety ng baby saka kaya nga tayo nagwowork because of them not the other way around. Kaya family talaga dapat no. 1 priority (may pinaghuhugutan, hehe!).
Logged

Barbra Mae Vidal

  • Newbie
  • *
  • Posts: 12
    • View Profile

Alam ko walang sahod sa days na naka-maternity leave since yung SSS benefit ang kapalit nun.

But in my case, I filed maternity leave as soon as manganak ako and then nakakareceive ako ng sahod ko for those days. I'm not sure kung naisahan ko ba si company or talagang binigay sahod ko. We're using Excelity system kasi and hindi mano mano ang pagcompute ng sahod so baka automatic yung pagcredit ng salary namin. Never asked HR.
Logged