Parent Chat

Advanced search  

News:

Author Topic: Mommies na Registered Nurse.. Kahit Hindi. How did you do it?  (Read 2137 times)

yonamarieyoung

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile

Hi! Anyone here na registered nurse na/working as a nurse or not? How did you do it? I mean pano niyo napagsabay sabay?:|

I am a registered nurse pero not practicing. I have tried to work in a call center, pero dahil sa schedule pinatigil muna ako ni hubby (soon to be) para maalagaan si baby (almost 3 na). Before nagpart time teacher ako after graduating. After ng last work ko, stay at home na ako. Gusto ko magwork uli. Maganda sana if magkaexperience ako as a nurse, pero inaalala ko si baby :( Though tinutulungan naman ako ng parents ko financially plus may yaya naman si baby. Kaya lang gusto ko din nagexperience o kaya career.

Any suggestions mommies? I need help :(
Logged

Angela Royo

  • Newbie
  • *
  • Posts: 8
    • View Profile
Re: Mommies na Registered Nurse.. Kahit Hindi. How did you do it?
« Reply #1 on: March 24, 2015, 04:20:27 pm »

if you ever decide to work again, kailangan buo ang loob mo at desidido ka na. i've been working for almost ten years now, half of it being a mom, too. i have a 4 year old son and a 4 month old daughter, we have a yaya(take note, isa lang sya) and both my husband and I are working kasi we're not that well off at hindi rin kami umaasa sa parents namin. I chose a career na makakauwi ako ng maaga para maalagaan ko ang mga anak ko at hindi na ako pumili pa ng iba kaya nga sa work ko, mag 8 years na ako. pero you need to learn how to adjust pa rin lalo na pag on call ka. sa line of work natin, everything is unpredictable. kaya nga kung ipatawag ka ng superiors mo, kailangan handa ka. huwag mong gawing dahilan ang anak mo para di makapasok. bago ka pumasok sa isang trabaho, i train mo na ang yaya mo ng maigi, i monitor mo ang anak mo habang nasa work ka para hindi lutang ang isip mo kasi tandaan mo, tao ang magiging hawak mo sa trabaho. kung may gusto ka pa malaman, i message mo lang ako. hindi ako ang the best pagdating sa time management pero try ko payuhan ka kung may problema ka. God bless and hope you find fulfillment in every endeavor you pursue.
Logged

yonamarieyoung

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Mommies na Registered Nurse.. Kahit Hindi. How did you do it?
« Reply #2 on: March 26, 2015, 09:31:52 pm »

if you ever decide to work again, kailangan buo ang loob mo at desidido ka na. i've been working for almost ten years now, half of it being a mom, too. i have a 4 year old son and a 4 month old daughter, we have a yaya(take note, isa lang sya) and both my husband and I are working kasi we're not that well off at hindi rin kami umaasa sa parents namin. I chose a career na makakauwi ako ng maaga para maalagaan ko ang mga anak ko at hindi na ako pumili pa ng iba kaya nga sa work ko, mag 8 years na ako. pero you need to learn how to adjust pa rin lalo na pag on call ka. sa line of work natin, everything is unpredictable. kaya nga kung ipatawag ka ng superiors mo, kailangan handa ka. huwag mong gawing dahilan ang anak mo para di makapasok. bago ka pumasok sa isang trabaho, i train mo na ang yaya mo ng maigi, i monitor mo ang anak mo habang nasa work ka para hindi lutang ang isip mo kasi tandaan mo, tao ang magiging hawak mo sa trabaho. kung may gusto ka pa malaman, i message mo lang ako. hindi ako ang the best pagdating sa time management pero try ko payuhan ka kung may problema ka. God bless and hope you find fulfillment in every endeavor you pursue.

Hi mommy! I appreciate that you replied and you share to  your life as well. Btw, are you practicing as nurse din po? I have been trying to work for the past few years. pero gusto ko na po sana yun stable. Before I even reviewed and took the licensure exams, nagpart time na po ako na teacher pero I had to review para if licensed nurse na po ako. after the exam, inalagaan ko muna si baby then when I passed nagtry akong magcompany nurse, pero dahil parang hindi ko po nagustuhan yung environment plus parang hinahanap hanap ko pa yung anak ko, I resigned (thinking na sayang it would've been a great opportunity) after a couple of onths, nagtraining ako pero hindi din ako natuloy magnurse. Nagkaron ng opportunity sa call center (banking/finance)pero dahil almost palagi na kon wala sa bahay, sabi ni hubby, magresign na daw ako and magnurse na lang.

Till now, hindi ko alam if I will work as a nurse in the hospital or maybe somethin na malapit (school, clinic, opany nurs etc) Gusto ko na po sana yung stable na. Ayoko naman yun papasok ako dahil lang sa pera. Gusto ko din yung maeenjoy ko plus mayroon pa rin akong time sa anak ko.

Stability, growth ko na yun. Kasi hindi din naman po kami well-off. si hubby naman, nurse din pero nasa sales siya ngayon. Nakaassign siya sa ibang lugar so ako talaga kay baby plus may parents kasi I am still living with them. Ang hirap po magdecide :|
Logged