Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: my baby is already my angel in heaven.. miss my son so much ..  (Read 5955 times)

mommy -e

  • Newbie
  • *
  • Posts: 21
  • i love you and imiss you my son.. 👼🏻👶🏻🍼🌹
    • View Profile

hi mommy's

i just want to share my birth experience.. and also what happen to my angel

last april 20 igave birth to my angel baby boy his only 8months that time a premie baby..
3pm ng ipasok ako sa labor room 1cm nako .. around 4 dumating si ob ang balak hindi ako paanakin dahil kulang sa buwan pero ang dami ng blood na lumalabas sakin at isang oras lang nkalipas nag 3cm na ako . 11:01 .. igave birth to my baby.. hindi ko man lang sya nakapitan pag labas niya dahil nawalan nako ng malay.. april 21 my baby doing well .. sobrang over whelming ng makita ko sya sa nursery pero hindi namen sya makrga dahil kulang sa months at naka oxygen sya..

april 22 12am kame lang ni hubby nasa room. hindi na ako makatulog hanggang magising si hubby ng 6am sobrang happy namen that day dahil araw din namen..7bibili si hubby ng foods namen dalawa .. pero dadaan muna sya kay baby. sobrang natutuwa ako sa hubby ko dahil kahit hindi viewing tinitignan niya baby namen to make sure na safe. pero wala pang ilang minuto bumalik si hubby and sabe niya nakita daw niya kinukurot sa tenga at pinapalo si baby.. hindi daw kase umiiyak.sobra kaba ko nun at bumalik agad sya dun para makita si baby .. pag balik niya sabe niya kinumbulsyon si baby kaya daw ginaganun para umiyak thank god umiyak c baby pero iyakan ang hubby ko dahil natatakot sya para sa baby namen .. that day kailngan na ako i admit dahil mahal din ang room pero bago ako umuwe pinapasok nila ako nursery sabe ng midwife saken kausapin ko daw.kaya kinausap ko si baby.11am ng umuwe kame pero hindi umuwe si hubby dahil gusto niya makitang ok at maayos na c baby. 5am umuwe muna sya ng malaman niya stable na si baby. iyak sya ng iyak dahil ilang beses daw nag kumbulsyon si baby. kaya iyak nadin ako ng iyak pero pinapatahan niya ko dahil baka duguin ako

530 nagtxt ang nursery samen at pinababalik na sya dun.. kase hindi daw maganda lagay ng anak namen.hagulgul na kame ng hubby ko.. sumama nako kahit hirap. habang nasa byahe kame text at tawag ang nursery samen sabe nila nirerevive nalang daw baby namen lahat daw ng midwifes at dra sa er nila andun na para mapag tulungan baby namen kase wala pa ang pedia niya. we pray for the miracle happen . everytime na tatawag nursery kinakabahn na kame same pa din.pag dating namen dun pumasok si hubby sa nursery tumutulong na sya irevive baby namen habang umiiyak at kinakausap si baby sobrang naaawa nako sa asawa ko lalo na sa anak ko. 730 pinapasok nadin nila ako. mahina na talaga si baby. sabe ko nalang ky GOD sige po kung hindi po para talaga para samen kunin nyo na po.hawak ko sa kamay si baby 8 tumigil na sila sa pag revive ky baby dahil wala na talaga.iyak nalang ako at natutulala ang sakit sakit.. i ask god bakit ako bakit kame ..

TO MY ANGEL
almost 10weeks baby and still sobrang hirap tanggapin.. hindi ko alam kung anung pagtanggap gagawin ko sobrang tagal ka namen hinintay bago ka ibigay samen and ganito lang iiwan mo din kame agad..gusto kita mayakap alagaan halikan sobrang sakit ..tulungan mo ko anak na makarecover ng mas mabilis.. everynight tinatanung ko si GOD bakit hindi ka nag papakita sakin kahit sa dreams lang makarga man lang kita.. but irealize na siguro iniisip mo na mas mahihirapan ako pag nakita pa kita sa panaginip ko ..  iniisip ko anong ginawa kong mali.. hayss
mahal na mahal ka namen ng daddy mo anak .. imiss u every second of my life baby south..

april 22 at 8pm my baby is already in the heaven..
and now waiting for my rainbow baby ..

Mod's note:
Heart Evangelista Is Coping With Her Loss One Day at a Time

Read about it on Smart Parenting. Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/news/heart-evangelista-remains-heartbroken-miscarriage-a00041-20180824?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!
Login or register  to Smart Parenting to post a reply on this thread. Members get a downloadable freebie upon registration or membership update. Join this and other topic discussions now! Know your perks!
« Last Edit: August 24, 2018, 09:27:52 pm by Mommy Jazz »
Logged
Heaven and Earth may separate us today.
but nothing will ever change the fact that
you made me a MOM.

imiss you son.. 👶🏻👼🏻🍼 😭

EL Zah

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: my baby is already my angel in heaven.. miss my son so much ..
« Reply #1 on: January 12, 2019, 03:59:46 pm »

Same experience po. Sobrang sakit po pala talaga ang mawalan ng baby. Nagluluksa parin ako at di pa maka move on. Hirap parin magka get over sa nangyare.
Novermber 29 ( 7 months, premature) nawala ang baby q.
Here's my story:
Wala pa one week before nangyari, nahospital ang panganay q. Me and my hubby kami ang nagpapalitan magbantay sa panganay namin sa hospital. Sya sa gabi at ako sa araw. Bahay hospital, biyahe biyahe.. Hindi q ineexpect na mangyayari sa akin na yung panganganak q ng biglaan. February 5 pa sana ang due ng panganganak q. Feb. 28 may nararamdaman ako na parang sumasakit sa tiyan q pero saglit lang. Hindi q pinansin. Nag "do" pa kami ni hubby bago q naramdaman un. Hapon pabalik balik sakit pero saglit lang kaya d q prin pinapansin. Kinagabihan kumakain kami sumasakit sakit parin at may naramdaman na ako na parang may lumabas sa akin. Tumayo ako at nakita q may blood na lumabas. Nag worry na c hubby,nag worry din ako pero hindi naman ako nagpanic. Nagpunta ako cr dumadami na ang dugo. Nag napkin na ako at pumunta na kami hospital. (medjo malayo pa naman ang hospital sa amin, 30-40 mins ride)  on the way kinakausap q baby q na kumapit sya, at nagp pray na rin ako. Lumalala na ang sakit non. Sa hospital check na ako ng doctor. Tinignan dugo q parang mens lang daw. In-laws i.e nila ako pero sabi hindi pa naman daw open cervix q at mataas pa naman daw.dalawa pa sila nag i.e sa akin. Pareho sila ng sinabi. So ang sabi na lang nila sa akin observe q daw kung lalakas ang dugo. Niresetahan na lang nila ako ng pampakapit,pinauwi na kami.uminom na ako agad ng gamot. Humihinto hinto din naman na yung sakit at hindi naman dumami ang dugo. Pero hindi ako mapakali kc sumasakit sakit ang tiyan q. Kinakausap q parin baby q. Nun hindi q n talaga kaya sabi q sa asawa q bumalik na kami hospital hindi q n kaya ang sakit, halos d n ako makalakad at pinupush na rin niya. Parang gusto n talaga lumabas. Pag dating sa hospital mga less than 30 mins lang siguro lumabas na c baby. Narinig q pa ang pag iyak niya. Nakita q pa sya g gumagalaw. Pagkatapos nun nakatulog na ako at pag gising q nasa ward na ako. Pinatawag nila hubby q sa nursery kinausap sya ng dr. At sabi 50-50 daw ang chnace na mabuhay c baby. Hindi pa daw kc open ang lungs niya. Nirerevive naman nila. Naka oxygen pero hindi daw kaya. 3 hours after lumabas ni baby. Sinabi sa akin ng asawa q na wala na nga daw c baby. Dun na bumuhos ang luha q. Ang sakit pala na mawala ang sarili mong anak.
Almost 2 months na nawala c baby nade depressed parin ako.

Pinipilit q na lang mag move on at pinapapasa Diyos q na lang lahat. Alam q naman na may reason kung bakit nangyari un. Im praying na mapapalitan din c baby q, dahil wish talaga namin magka baby ulit. Baby girl sana.
Naiinspire ako magbasa sa mga stories ng mga kapwa q mothers na nawalan din ng anak na nagpapakatatag sila at still hoping for the best.

*to you my baby miguel angelo mama loves you so much. Im sorry kung hindi nag ingat c mama anak. I miss you so much! *
Logged

Chuchay Banana

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: my baby is already my angel in heaven.. miss my son so much ..
« Reply #2 on: February 19, 2019, 12:33:55 pm »

Sobrang sakit talaga mawalan ng anak .. July 21,2018 namatay din yung first baby namin ni hubby .. Healthy naman sya sa tyan ko .. kahit nga naglalabor na ako ii magalaw parin sya .. 38weeks fullterm ko sya naipanganak .. Kahit pala healthy yung pregnancy mo pero yung time na idedeliver mo na sya ii hindi naman okey may mga complications parin nangyari ..

Subrang hirap tanggapin na 9months mo sya dinala ,iningatan isang iglap mawawala din sya sayo..
 20 ng july 2018 may paang tumutulong tubig saakin pero wala pa akung contractions na nararamdaman kunfi ngalay lang  atska magalaw pa si baby ko..
2am ng july 21 nagpadala na ako sa husband ko sa hospital kasi d ko na kaya yung pain..
4am ng umaga ngstart na ako umire .. Dry labor na ako mga sis.. Dun ku napqgtanto di pla ako marunung umire.. Kaya napagalitan na ako ng nagpapaanak saakin na ilabas kuna daw si baby humihina na yung HB niya.. I tried .. super tnry ko yung best ko .. Sinu ba naman ang ina na  gusto mstock yung baby niya sa tyan niya diba? Huminge na ako ics na lang ako
para masave baby ko kaso ayaw din nila kasi wala naman daw rason para ics ako .. ahindi pa ba rason yung nangyayari ..

After  a hour no hb na baby ko .. umiiyak na ako nun pero nsa tyan ko pa din sya ..Dun na pumayag yung doktor na ics ako .. Para ano pa? Wala ng hearbeat baby ko .. Maya maya may pumasok na isang doktor finorceps ako 3rd degree yung punit ko sa pempem ko.. Hindi ko man lang nakita baby ko kasi kailangan niya irevive .. subrang sakit kasi di ko ngawa yung dapat ko gwin.. Feeling ko mas malala pa ako sa nagpaabort ng baby.. Nilakasan ko yung loob ko .. Nagdadasal na sana marevive sya .. 21 ng gabi medyo okey na baby ko .. 22 ng july they did a lot of test kung may iba pa bang sakit baby ko .. Then wala sila nakita .. Dun lang talaga nagkaproblema sa ulo ng bby ko dahil subrang tgal niya naistock sa pempem ko naipit .. 23 wala pa husband ko nun .. Kaya ako yung pnababa sa NICU ng doktor kasi ng50-50 si baby .. Subrang di pa nasisinkin saakin lahat nangyayari kahit anung dasal ko wala talaga .. Alam ko pagod na baby ko ..Alam ko Nasasaktan na sya pero ayaw ko parin sya bitawan .. kasi wala na talaga bumigay na sya 6 revive ang ginawa ng  doktor kaso wala na talaga ..  23 ng 1 pm namatay na baby ko .. Ang sakiiiit .. Parang pinupunit paunti-unti yung puso ko ..nadischarge din ako nung araw na yun and nakuha din namin agad si baby tapos binurol namin sa bahay .. Dun ku lang sya natitigan ng mabuti .. Iyak ako ng iyak .. Hanggang nilibing na sya .. Everyday , everynight naalala ko lahat nanyari samin hospital..Kung sana pwedi lang ibalik lahat nanyari..
Nadepressed ako , naging mainitin ang ulo .. Pero buti yung husband ko d sumuko saakin .. Ngayun nakakamove on an ako kay baby Jhaylord ko and 7months of my postpartum im also 2months pregnant 😊☺..

For my Jhaylord ..
Kuya gbayan mo kapatid mo sa tyan ko..ikaw maging guardian angel niya .. Sana kuya kung nasan ka man ngaun sana masaya kana .. Mahal nq mahal ka ni mama at ni papa..

For my Baby in my tummy..
Palakas at palaki ka lang jan baby ha.. Gagawin k8 lahat para di na maulit yung nangyari .. Baby Mahwl na mahal ka namin .. I cant wait 5o see you .. and hold you in my arms.. Iloveyou..

Mother of an angel&baby
« Last Edit: February 19, 2019, 12:38:23 pm by Chuchay Banana »
Logged

Chuchay Banana

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: my baby is already my angel in heaven.. miss my son so much ..
« Reply #3 on: February 19, 2019, 12:36:44 pm »

Buti kapa sis nakita mo baby mo kahit sa ganun sitwasyon.. Ako kahit ako na mother di ako pwedi pumasok o kahit silip ..
Nakita kuna baby ko patay na sya.. Yung husband ko lang nakakita sa kanya .. Kaya minsan naiingit ako sa hubby ko  kasi nasilayan niya kahit papanu baby namin..

Logged