Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Author Topic: Hindi ko na maintindihan si hubby.  (Read 3840 times)

mommiemi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Hindi ko na maintindihan si hubby.
« on: August 30, 2015, 08:32:37 am »

hi mga mommies..
Sorry kung medyo mahana pero sana mabasa nyo at matulungan nyo ako.
I hope matulungan nyo akong maenlighten yung isip ko. :( . Kasi i really want to give up na.
Ganito po kasi yun. Im a student po kahit na may baby at hubby na ako. So sobrang busy talaga na para bang hindi ko na alam panu hahatiin katawan ko at minsan 2-3 hours lang tulog ko then almost 24 hours nanamang gising, pero i can say naman na nagagampanan ko ang responsibilities ko kay baby at syempre kay hubby, pero bakit ganun, lagi pa din galit si hubby at parang ang approach lagi saken e katulong ako sa bahay. T_T . Yung mga simpleng bagay lang aawayin pa ako, pagmay hinahanap sya at hindi niya makita , kung makapagsalita e parang wala akong ibang ginagawa. Na para akong hindi pagod. Minsan pagdating ko pa lang sa bahay galing school nakasinghal na palagi saken at kahit bago matulog. Minsan umaalis sya ng maaga tas uuwi na ng madaling araw tas sya pa galit. Hindi ko na sya naiintindihan. 😔😔. Kahit maliit na bagay nagagalit sya at pinagaawayan namen, kung minsan makadegrade sya saken para akong walang pinagaralan.
5 years na ang relationship namen ni hubby

but 3 yrs nagsama kami at nagkababy. Gusto ko na sumuko kasi pakiramdam ko hindi naman talaga ako mahalaga sakanya at hindi niya talaga ako mahal, minsan naiisip ko ,corny man pakinggan pero "kailangan niya ba ako kasi mahal niya ako o mahal niya ako kasi kailangan niya ako? " hindi ko na alam mga mommy.. Please.. help me. I really want to give up. Mas marami pa ata yung memories na umiyak, nasaktan at nagaway kami within that 5 years kaysa sa naging masaya kami. Feeling ko hindi na worth it na magstay kami ng anak ko sakanya. Lagi na lang akong nasasaktan at umiiyak. :(


Thank you mga mommy. I hope may makapansin sa problema ko.. Thank you po..
Logged

anousheh

  • Newbie
  • *
  • Posts: 41
    • View Profile
Re: Hindi ko na maintindihan si hubby.
« Reply #1 on: September 03, 2015, 04:58:55 pm »

The way I see it, communication ang kulang senyo ng hubby mo. You better sit down and have a heart to heart  talk. Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mo sabihin, nang walang panunumbat. I mean, just stating a matter of fact without condemning his bad behavior.. kase pag ganun approach mo, malamang sa hindi e lalo lang niya ia-isolate sarili niya at lalong lalayo sayo.

Pray din na sana lahat ng lumabas sa bibig mo pag kinausap mo sya ay mga salitang makakatulong para makuha niya ang mensahe mo at makakatulong eventually para magbago treatment niya sayo for the better.

Ultimately, dont stress out, just let him be.. lift him up to the Lord, He will take care of everything.  :)
Logged

supermom02

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Hindi ko na maintindihan si hubby.
« Reply #2 on: September 09, 2015, 11:27:11 pm »

I agree with @anousheh. kelangan mong sabihin sa partner mo kung anong nafifeel mo. Wag mong kimkimin kasi nakakastress and depress yan.  I feel for you. Let him know na di na maganda effect sayo ng behavior niya. This way, malalaman mo kung bakit syan ganun and masesave nyo pa relationship.
be bold enough to speak up. Go girl!
Logged

venus candelaria

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Hindi ko na maintindihan si hubby.
« Reply #3 on: June 23, 2016, 04:59:36 am »

hi po..I'm newbie
gusto q lang humingi ng advise.
..kc sobrang naiinis at naiisip q na mkipaghiwalay sa asawa q.. sobra kasi ugali niya.. ok siya then maya2 bigla iinit ang ulo sa mga simple bagay,kahit madaling araw na nasigaw parin.. nkakahiya sa mga kapit bahay,lage p nakamura ,nkasinghal,,at lage siya pa ang nag aamok ng away.. aminado naman ako na my pagkakamali din ako pero oa siya mag react.
nahihiya naq dito sa lugar namin,,pls advise me.. dapat nb ako mkipaghiwalay? oc auq n tlaga ng ganito puro away nalang..
Logged

mommiemi

  • Newbie
  • *
  • Posts: 13
    • View Profile
Re: Hindi ko na maintindihan si hubby.
« Reply #4 on: June 24, 2016, 06:29:03 pm »

The way I see it, communication ang kulang senyo ng hubby mo. You better sit down and have a heart to heart  talk. Sabihin mo sa kanya lahat ng gusto mo sabihin, nang walang panunumbat. I mean, just stating a matter of fact without condemning his bad behavior.. kase pag ganun approach mo, malamang sa hindi e lalo lang niya ia-isolate sarili niya at lalong lalayo sayo.

Pray din na sana lahat ng lumabas sa bibig mo pag kinausap mo sya ay mga salitang makakatulong para makuha niya ang mensahe mo at makakatulong eventually para magbago treatment niya sayo for the better.

Ultimately, dont stress out, just let him be.. lift him up to the Lord, He will take care of everything.  :)

thank you mommy anoushes and mommy supermom02, nagawa ko na po kasi yun.. and now, sadly, hindi na kami naguusap. napagod na rin siguro ako kakapakiusap sakanya. nagsasama pa din kami but i think for the sake of the baby na lang? yung lagi ko syang kinakausap heart-toheart e binabalewala niya. minsan pa e tumatawa lang sya at sasabihan akong manahimik na lang ako. nakakalungkot na may mga ganitong lalake. :( .
Logged

Lorna Sabado

  • Newbie
  • *
  • Posts: 2
    • View Profile
Re: Hindi ko na maintindihan si hubby.
« Reply #5 on: August 30, 2017, 08:26:05 am »

Ang wow naman ng hubby mo.. Siguro may kinikimkim din yan. O baka naman feeling binata pa ang hubby mo, yung tipong gusto niya dapat ang masunod.. Kaya mo yan girl.. I feel youu.. Pero hindi ko feel sa hubby ko ang gawin akong katulong. Mabarkada lang ang hubby.. Pero tama nga. Ipagpray mo siya na sana magbago na siya, na sana maisip niya na nanjan ka bilang asawa niya, at anak niya bilang inspirasyon.. Kapit lang kay god.. :) kaya mo yan! :D
Logged