embed embed2

Parent Chat

Advanced search  

News:

watch now

Author Topic: How can I convince my son to study and go to school?  (Read 3486 times)

chai_thea

  • Newbie
  • *
  • Posts: 5
    • View Profile
How can I convince my son to study and go to school?
« on: October 15, 2015, 02:12:20 pm »

My son is already 9 years old. I am a single mom. I am working here in Makati and naiiwan sya sa province kasama nung tatay ko and sister ko. Every Wednesday and weekend naman ako umuuwi samin.

I have this conversation with my son that he doesn’t want to go to school anymore.(actually 3 times already)
I asked him bakit? Ayaw na daw niya. Alam ko nahihirapan yung anak ko sa school kasi hindi maganda yung performance niya. I mean minsan bumabagsak yung mga exams niya.
His school’s teaching is Montessori way(I am planning na ilipat na rin sya ng school next year)

I asked him kung may problem ba sya sa teachers niya and sa classmates niya and he told me na wala naman. I asked also kung inaaway sya ng classmates niya sabi niya hindi rin daw. I will set a meeting also with his teacher kung kamusta naman sya sa school baka kasi mamaya inaaway siya sa school ayaw lang niyang sabihin sakin.


Sabi ko school is very important kasi para sa future and dreams niya yun. Pinaalala ko nga sa kanya nung nasa Junior Casa and Senior Casa sya is yung dream niya is maging race car driver. Sabi niya sakin he changed his mind na daw and sabi niya wala na daw gusto niyang mag stay na lang sya sa bahay. So I asked him na ano ba yung dream niya ngayon sabi niya sakin is gusto niya makita yung daddy niya sabi ko naman is I don’t know na talaga kung nasaan yung daddy niya. I asked him kung makita ba niya yung daddy niya mag-aaral siya ? Sabi niya hindi rin .. as in ayaw niyang pumasok at mag-stay na lang sa bahay.
 Naaawa naman ako sa kanya kasi as in umiiyak sya pag na brought-up yung topic na yun. And of course as a mother nasasaktan ako kasi alam ko yung struggle niya. How can I convince or support him sa ganitong cases?

Logged
 

Close