Parent Chat

Advanced search  

News:

Pages: 1 ... 5 6 [7]

Author Topic: Dengue - experience and tips pls.  (Read 161437 times)

studentmom

  • Newbie
  • *
  • Posts: 27
    • View Profile
Re: Dengue - experience and tips pls.
« Reply #90 on: October 09, 2012, 04:25:47 pm »

tawa tawa - it helps to lower body temperature..
so di siya pwede sa babies..
yung cool fever nga di pwede sa babies eh..

pero effective yung tawa tawa sa brother in law ko..
ilang araw din kasi siya na confine, every day pababa ng pababa yung platelet count niya
hanggang sa naging 11 na lang..
sa makati med ata siya na confine o sa st. lukes, at yung doctor na din ang nag advise sa kanya na uminom ng tawa tawa..
so dinalhan na siya ng mother ko ng tawa tawa.. nung umiinom na siya nun
nag stay sa 11 ang count ng platelet for 2 days..
tapos naging ok na after ilang araw pa.. :D

pero according to my baby's pedia..
since young pa siya nung nadengue..
ok lang mag drink but little amount lang..
kasi nga baka masobrahan ang pagbaba ng temperature..
di kayanan ng bata..

at sinabihan din kami pakainin namin ng itlog ng pugo, lotsa fluid..
saka nagpapabreast feed pa ko that time..
so feeling ko, nakatulong un para labanan yung dengue ni baby..
so 3 days and 2 nights lang kami sa hospital..
nauna pa kami makauwi sa ibang kids na nasa ward..

Logged

  • Newbie
  • *
  • Posts: 6
    • View Profile
Re: Dengue - experience and tips pls.
« Reply #91 on: November 06, 2019, 09:39:15 am »

Hindi basta basta ang DENGUE!

Na-experience namin first hand at ngka sabay pa si baby Neal at Ate niya😔

October 8
- Umaga ng araw na ito napaka sigla ni Neal , tawa ng tawa at masiglang naglalaro. Walang senyales ng kahit anung sakit.
- Natulog sya ng lunch napansin ng Daddy niya namumula ang pisngi niya. Una inisip namin baka dahil mainit lang panahon kasi pulahin talaga si Neal.
- Pero ng hinipo sya ng Daddy niya mainit na pakiramdam binigyan ng paracetamol para sa lagnat. Pero habang nag hahapon lalong nag tatamlay si Neal at gusto niya lagi ko lang karga at dede ng dede.
- Bandang 7pm kinakabahan nako at iba na ang itsura ni Neal halos ayaw na niya dumilat parang hirap pti sya huminga tapos iiyak sya paminsan.
- Tumayo kame ng karga nakasandal ulo niya sa balikat ko iniisip ko bka ngawit na knina ko pa karga ng ndede.
- Ilang minuto lang bigla nalang syang umirit pasigaw tapos inuunat niya katawan at leeg niya na parang naghahabol ng hininga.
- Convulsion na si Neal , hirap na talaga sya huminga, nangitim mga labi, pero conscious sya nka titig sya mata ko parang sinasabi niya “help mommy pls” para akong mahihimatay pero hindi puwede at kailngan ako ni Neal . Nanlalamig ang buong katawan ko nag sisigaw ako tinatawag ko Daddy niya humingi ng tulong para maitakbo sa hospital agad! Yung sigaw ko feeling ko ang lakas na pero umuurong ang boses ko sa nerbyos nanginginig pa.
- Fast forward nakarating na kame sa Hospital binigyan oxygen at tinurukan ng paracetamol si Neal. Nag stable na sya nakaka iyak n at mapula na mga labi.
- Pero kailngan niya m confine pra ma monitor para at ma prevent ang convulsion umulit . Sa swero na padadanin paracetamol niya para mg effect agad. Naka tatlong hospital kame pnuntahan walang room available mabuti na lang pang apat ay meron na .

October 9
- buong araw walang humpay ang lagnat ni Neal. Pinaka mababa na ang 38.6 na temperature 🤒
- Nakaka takot at gusto lang niya matulog ng matulog mabuti na lang at hindi sya bumibitaw sa breastfeeding 🤱 sa akin.
- Ako at ang dede niya naging security blanket ni Neal.
- Sa bahay masigla si Juliene ng video call kame pansin ko puffy pdin mata niya tapos nalaman ko nilagnat nanaman 2nd day. 1st day pa lang kasi pina check up n agad namin maga daw lalamunan kaya nag-antibiotics siya. Pero duda ako tonsillitis iba itsura niya kc kahit masigla.
- Pero nang mg positive si Neal sa dengue ayaw ko man isipin pero malaki possibility na meron din si Juliene at parehas ang unang sintomas.
- Dinala nadin sa pedia ulit si Juliene at positive nga sa dengue pero take note hindi na sya mg fever during this time bale 2days lang sya ng fever 38.9 highest pero mga sumunod ay 38.4 minsan sinat lang 37.6 .

#EarlySymptomsOfDengue
*puffy eyes (parang maga ang bata mild)
*fever (thou mababa lang ky Juliene)
*watery ang poop nila
*bihirang sumakit tyan
*bihirang sumakit ulo
*nag slight rosy cheeks sila
*my pain sa mata pero very mild lang

- Minabuti nadin namin dalin si Juliene sa hospital para ma check for dengue and hindi nga kame nag kamali😔
- Mas mababa na pati ang platelet niya pero hindi halata kasi active syang naglalaro , masaya, at madaldal.
- Kung hindi napa tignan agad si Juliene it could have been worst dahil pababa na platelet niya with no obvious sign ng matinding sakit.

October 10
 - May lagnat padin si Neal worried na kame naiiyak na kame pero patago lang. Hindi ako umaalis sa karga ky Neal tanging pg CR lang talaga.

Fast forward ⏩
Lahat ng sinabi at pinayo sa amin ng remedy ginawa namin. Tawa-tawa, katas ng dahon ng papaya, itlog ng pugo hydrate ng matindi, pocari sweat, vivalyte.

Krystal Herbal Oil ng FGO
ForLife na png balance ng immune system. As in lahat tinatyaga namin i dropper ky Neal at walang sawang kaka sabi ky Juliene inumin.

October 15 Finally na-discharge na kame sa hospital at tumaas na platelet ng dalawa.

Take away ko dito:
•Trust your momma instinct - pg may off sa anak mo or unusual patingin agad sa pedia.
•Wag isa walang bahala ang low grade fever kahit masigla pa ang bata.
•Mag tanung ng magtanung sa mga anak kung ano nararamdaman nila kahit hindi gaano masakit ipa check agad.
•Have a regular pedia kasi malaking tulong ito para maka kuha ng room sa hospital dahil sa dami ng dengue case ngyun puno ang halos lahat ng hospital . puwede k nilang bigyan ng referral sa hospital.
•Get as much help as you can. Thankful ako sa mga in-laws ko na naghanap, nagprepare ng mga tawa-tawa at papaya extract para sa kids.
•Higit sa lahat pray and ask forgiveness ky Lord. Pray na gumaling ang mga bata agad at magka-isa ang pamilya lalo na ang mag-asawa.

Kala namin tapos na ang Dengue until
October 27 nilagnat ang eldest ko tapos ako naman 😔

Wala ng susunod! Lahat na ng precautions at linis ginawa na namin. Kaya Lord Protect us 🙏🏻
Logged

Cams Salazar

  • Newbie
  • *
  • Posts: 1
    • View Profile
Re: Dengue - experience and tips pls.
« Reply #92 on: November 11, 2019, 06:45:14 am »

Hello po mammies ask ko lang po sana kase 1st time mommy po ako nababahala kase ako dahil si baby 1 year old nag ka Dengue Fever po siya nung Oct 29 na admit na po siyabtas kakalabas lang nung Nov 2 ok naman na ng mga sumunod na araw kaso kahapon Nov 10 nilagnat ulit si Baby di naman ganun kataas 37.8 yung temp niya so di muna ako nag panic dahil mag hantay muna ako ng 24 hrs. then ngayon nawala din siya.

Gusto ko lang po sana i Ask kung ipapaCheck up ko pa din po ba siya kahit nawala na yung lagnat? or sign po ba yun kung bumalik ulit yung Dengue? sana po may makasagot . Thank You in Advance.😌
Logged

Laira Pelesco

  • Newbie
  • *
  • Posts: 3
    • View Profile
Re: Dengue - experience and tips pls.
« Reply #93 on: November 11, 2019, 07:02:49 pm »

Yes momsh ipapedia mo na si baby mo para makasure ka ❤️😊
Logged
Pages: 1 ... 5 6 [7]