My baby was diagnosed with dengue fever last week. The fever started Friday. Akala ko baka naulanan lang si baby kasi ang lakas lakas pa niya nung Thursday. High grade ang fever niya puro 38.9, 39, 39.4. Every 4 to 6 hours tumataas ang lagnat. Wala din siyang ganang kumain even milk. Gusto niya laging nakahiga.
Saturday night namin sya tinakbo sa hospital, ok naman platelet count niya though nasa minimum. Wala pang 3 days yung fever kaya di pa masabing Dengue. Based on Urinalysis - dehydrated na si baby. Hindi ko muna sya pina admit, ok lang naman daw sabi ng St. Lukes na ilabas. Naawa kasi kung ipapaswero ko na sya. Need lang muna ng baby ko ng madaming fluids. Home medication.
Sunday night nag 39.4, katext ko Pedia niya, sabi painumin ng pedialite and more fluids kung ayaw kumain. Sabi ng Pedia niya iparepeat namin yung CBC test niya at ipa NS1 Dengue Test na on Monday morning.
Monday morning nag 39.8, takbo kami sa Chinese Gen mas malapit sa amin. Pina paadmit na baby ko kasi 3 days na fever at hinang hina na. Wala namang nakitang rashes, pina urinalysis din. Walang bleeding. Hindi masakit ang tiyan. Suspected dengue kasi wala pang result ang CBC. Pinasuwero na si baby para mas marami intake ng fluids/food ng body.
Every 4 hours ang paracetamol kahit hindi mataas ang fever. Normal ang urinalysis. Wag daw pakainin ng dark food si baby para malinis ang popooh, para madali makita kung may bleeding internally. Nalaman ko na CBC test result in the afternoon, bumaba na, below minimum na.
Tuesday morning wala ng fever si baby pero tuloy pa din ang paracetamol until noon para malabanan daw ang virus sa body.
Wednesday wala ng fever pero lalong bumaba ang platelet count. Sabi ng doctor, as expected na baba kasi wala ng fever. Pakainin ng madaming food si baby, eggs, banana, bread, rice. Buti na lang magana kumain ang baby ko.
Thursday, lalo pang bumaba ang platelet count. Doubletime kami sa pagkain kay baby. Eggs, water, kahit nakaswero, fruits, rice.
Friday, tumaas ng konti ang platelet.
Saturday, my baby's platelet reached to 114, pwede na kaming umuwi.
Thanks God at magana na uli baby kong kumain. Medyo paranaoid lang ako ngayon sa mga insekto, sa madilim na lugar.